"Josh?" Ilang beses ko pang kinusot ang mga mata ko kasi baka imagination ko lang na nandito ngayon si Josh. Ngunit mas lalo lang nangunot ang noo niya dahil sa ginawa ko. Rinig ko na ang mabilis na pagpintig ng puso ko nang maglakad na siya papalapit sa puwesto namin ni Dwight. Akala ko sa akin siya didiretso pero naglakad siya papunta kay Dwight at kinuha mula rito ang bag ko. "Ako na ang maghahatid sa kanya," seryoso niyang wika. Kahit hindi pa rin napo-proseso ng utak ko kung bakit nandito siya ay ginawa ko pa rin ang lahat para makapag-focus sa sitwasyon naming tatlo ngayon. "Ako ang naghatid sa kanya mula rito. At ako rin ang maghahatid sa kanya hanggang sa apartment nila." Si Dwight na nakikipag-sukatan pa ng tingin kay Josh. Hindi ko mabasa kung anong itinatakbo ng utak ngayon ni Josh. Ngunit mukhang apektado siya sa pang-aasar na nakalarawan sa mukha ni Dwight. Kung hindi ko pa sila mapaghihiwalay ngayon ay baka magtalo na nanaman sila. Ayoko ng maging lubid para sa tag of war nilang dalawa. Kaya naman pumagitna na ako sa kanila na ngayon ay masama na ang tingin sa isa't isa. "Dwight, salamat sa paghatid. Gabi na at magandang umuwi ka na." Baling ko kay Dwight. Mula kay Josh ay napatingin siya sa akin. At kitang-kita ko ang disappointment na mababakas sa kanyang mukha. Ngunit napatango na lang naman siya saka na tumalikod. Nang hindi ko na matanaw ang bulto ni Dwight ay kay Josh naman ako bumaling. Pinagkrus ko ang dalawa kong braso saka siya pinagtaasan ng kilay. "Ano namang ginagawa mo rito?" Balik nanaman sa pagkakakunot ang kanyang noo. "Hindi ka ba masayang makita ako?" Nahigit ko ang aking hininga dahil sa itinanong niya. Si Josh ba talaga ang kaharap ko ngayon? Kaya para masiguro ay itinaas ko ang aking kamay saka idinampi iyon sa kanyang noo. "Wala ka namang lagnat," aniko na naguguluhan. Mukha siyang nainis dahil sa sinabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko saka niya iyon tinanggal sa pagkakalapat sa kanyang noo. Mas lalo pa yatang bumilis ang tibok ng puso ko nang bumaba ang tingin ko sa magkahawak naming mga kamay. "Tara na. Ihahatid na kita." Tila nakaramdam ako ng emptiness nang tuluyan na niyang bitawan ang kamay ko. "Huwag na, Josh. Malapit na lang naman ang apartment namin. I can manage." Kaagad siyang napalingon sa gawi ko. "Okay lang sayo na ihatid ka no'ng Dwight na iyon tapos kapag ako.. you can manage, huh?" Mas lalo lang akong nagulat sa lumabas sa bibig niya. Epekto ba ito nang paglalagi niya sa hospital ng isang linggo? Mukhang napansin niya ang pagkagulat ko kaya napaiwas siya bigla ng tingin saka napakamot sa kanyang batok. "Nevermind. If you can manage, then I'll go now." Ngunit bago pa niya ako malampasan ay nahila ko na ang t-shirt niya. Kanina pa ito bumabagabag sa aking isipan at hindi ko hahayaang matapos ang araw na ito na hindi ko ito naitatanong sa kanya. Sobrang tangkad niya para sa height kong 5'3 kaya kailangan ko pa siyang tingalain para makapantay ng mga mata ko ang kulay berde niyang mga mata. "Bakit nasa listahan ako ng mga taong ayaw mong dumalaw sayo sa hospital?" Halos bulong na lang ang huling salitang sinambit ko. Ngunit mukhang narinig pa rin naman niya. Mukha siyang nabigla sa itananong ko sa kanya dahil out of the nowhere iyon. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya pero ibinigay niya pa rin sa akin ang buong atensiyon niya. "Kasi kung papayagan kitang dumalaw sa akin aymas lalo lang akong mahihirapang mag-stay sa hospital." Bigla ay nakaramdam ako ng inis dahil sa isinagot niya. "Oo na. Kasalanan ko na kung bakit na-hospital ka. Pero kasalanan ko rin ba kung bakit hindi ka makapag-stay ng hospital?" May gusto pa sana akong idugtong sa sasabihin ko pero tinakpan na niya ang labi ko ng isa niyang daliri. Saka niya ako pinakatitigan sa aking mga mata. "Kung makikita kita, mas lalo lang akong mag-aalala. I can't be able to stay a little longer in the hospital. Kaya tiniis ko ang isang linggo para lang magpagaling. Kung dadalaw ka sa akin, I'll keep thinking of you. Tatakas lang ako sa hospital para lang masiguro kong ayos ka, at hindi ko gusto iyon. Dahil ang gusto ko ay maging magaling para mas lalo kitang mabantayan." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapahawak sa aking dibdib. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa naging rebelasyon ni Josh. "Y-you will keep thinking of me? Y-you want to protect me? But why?" hindi ko alam kung siya pa ba nga ba ang kausap ko o ang sarili ko. "Hindi mo naman ako gusto, hindi ba? Kaya bakit kailangan mong mag-alala sa isang tulad ko?" Nakagat ko na lang ang labi ko saka na ako napayuko. Mas lalo lang akong naguguluhan kay Josh. He is always giving me false hope. Ang nakakainis pa ay hindi naman niya mapangatawanan. Hindi ko na talaga alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Hindi pa nakatulong na wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang malakas na ihip ng hangin. Dahil doon kaya nanginig ako nang bahagya. "Give me your hand." Unti-unti kong itinaas ang aking ulo at tinitigan siya sa mata. Hindi na ako nagtanong at ibinigay ko na lang sa kanya ang kamay ko. Gamit ang dalawang kamay niya ay hinawakan niya ang kamay ko. Nanlalaki ang mga mata ko nang ihipan niya iyon saka niya inilalim sa suot niyang coat, asama ng kanyang kamay. "Don't misunderstand this. Your hands are trembling." I can't hide my smile while we continue walking. His hands... it gives me warm. How I wish that time will stop even just a little time because I want to savor this moment. "Josh?" Kahit wala akong narinig na sagot mula sa kanya ay nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita. "Are you jealous?" Doon ko na tuluyang nakuha ang atensyon niya. Kita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata, waring hindi makapaniwala sa itinanong ko. "What?" Nagkibit-balikat naman ako saka na inilabas ang matamis kong ngiti. "Nagseselos ka kay Dwight, noh?" Then I poke his cheeks using my free hand. "Jealous my ass!" Hindi ko na napigilan pang matawa nang sinubukan niyang kumawala mula sa akin. Kaya mas lalo ko lang hinigpitan ang magkahawak naming kamay. I entertwined our fingers that make him stop. Naramdaman ko pa na tila naginhawaan siya sa aking ginawa. "Josh..." Nang ibaling niya ang tingin niya sa akin ay mas lalo lang akong napangiti at mas lalo lang kumalabog ng malakas ang puso ko. "I like being with you than anyone else. I like how close we are now. I like how you cared for me. And I want to stop the time and savor this moment for a little longer. I want us to be like this. I want to be close to you." Pigil ko ang aking hininga nang lumapit ako sa kanya. "How I wish that you are really jealous about Dwight. But I can't just assume things. I'm just getting ahead of myself, right? But Josh, I really want you to give me a chance. I want to prove to you that I really like you." Dumaan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Balak ko na sanang maglakad palayo kasi baka sumusobra na ako. But then, he walk closely to me. He inch the gap between us. Then the next I knew, he kiss me on my forehead. I close my eyes as his lips slowly go down – to my forehead down to my nose. I was anticipating to kiss that kissable lips of his, but he didn't give me a chance. He just kiss me on my right cheek. "Good night, Miss Avery," he said as he distance his self to me. Pagbaling ko ng tingin ay nasa tapat na pala kami ng apartment. Wala na akong nagawa pa kung hindi ang mapatango na lang. "Good night, Josh." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at nagmamadali na akong pumasok ng apartment. Pagkasara ko ng gate ay isinandal ko ro'n ang aking likod at nasapo ang pisngi kong hinalikan ni Josh. "Anong ibig sabihin ng halik na iyon? He make me confused." Nasapo ko pa ang dibdib ko nang may biglang kumatok sa gate. Bahagya ko lang iyong binuksan at sumilip sa konting siwang. "Your bag," aniya na napakamot na lang sa kanyang batok. Inabot ko lang iyon saka na ulit isinara ang gate. Nagtatakbo na ako papasok ng apartment. Nadatnan ko pang mag-isang tumatawa si Jam sa pinapanuod niyang palabas sa TV. Binati ko lang siya saglit saka na ako dumiretso sa loob ng kuwarto. Kaagad kong ibinagsak ang aking sarili sa malambot na kama, saka ko hinayaan ang sarili kong magtitili sa paborito kong unan. Siguro kung may tenga lang ang unan ko ay panigurado bingi na ito. Matapos kong magtitili ay tuluyan na akong napatitig sa kisame. Unti-unti kong ipinikit ang mga mata. Sa gabing iyon ay nakatulog ako nang mahimbing habang dala pati sa panaginip ko ang magandang nangyari.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (66)
binibiningMAYAN
i loved the story hindi siya katulad ng iba na puro spg nakuha ko agad yung story. nakikita ko yung sarili ko haha dati rin akong nag hahabol sa kaklase ng ate ko and now after 2 years kami na ❤️
i loved the story hindi siya katulad ng iba na puro spg nakuha ko agad yung story. nakikita ko yung sarili ko haha dati rin akong nag hahabol sa kaklase ng ate ko and now after 2 years kami na ❤️
19/12/2021
0nice
19/08
0it's good
09/07/2024
0Tingnan Lahat