Chapter 32

Nakangiti akong yumakap sa malambot kong unan. Bakit bigla atang nag iba ang amoy ng unan ko? Ah, baka nilabhan kaya nag bago ang amoy.
"Wake up sleepy head, its already afternoon." May narinig akong boses lalake pero isinawalang bahala ko ito. Baka sa kapit bahay lang namin.
Pilit kong inaabot ang cellphone ko na alam kong nakalagay sa side table ng kama ko ngunit hindi ko ito maabot.
"Are you looking for your phone?"
"Yes." I answered half sleep at pilit pading inaabot ang cellphone ko.
"Here." Nilagay nito sa kamay ko ang cellphone na kanina kopa kinakapa. Napangiti naman ako dahil nasa akin na ito.
"Thankyou!!" Saad ko habang nakangiting pikit.
........S...Sino yung nag salita?!!!! At Sino yung nag abot ng cellphone ko?!!!!
Agad kong minulat ang aking mata at gulat na napatingin sa taong nasa gilid ng kama.
Holy mother! Jesus Christ!!! Bakit nasa harapan ko si Theodore?!!
"Goodmorning." He greeted na mas lalong ikinalaki ng aking mata.
"Ahhhhhhhh!!!!!"
NASA sala niya kami ngayon habang ako ay pabalik-balik ng lakad at siya naman ay prenteng nakaupo sa sofa.
Hindi padin pumapasok sa aking isipan kong pano at bakit ako napunta dito.
"Binigay ba ako ni Snow kagabe?" Tanong ko dahil yun lang ang possibling mangyare.
"Nope. When I went to your table, there was no one. Except your bag." He calmly explained.
Pano niya nagagawang maging kalmado habang ako hito at pilit na pinapakiusapan ang sarili na wag sumabog sa harapan niya.
"Then why the hell I am here?!" Hindi kona tinago ang aking kalitohan.
"I brought you here." Napatingin ako sa kanya.
Why would he do that? Alam niyang lasing ako bakit niya ako dadalhin dito? Alam niyang hindi kami okay bakit niya ako dinala sa condo niya? Alam niyang may asawa siya bakit.....
"This woman is my wife...."
Bigla kong naalala ang sinabi niya kagabe. Hindi ko alam na sa dami ng ganap ito lang ang naalala ko.
"Why are you doing this?" Kalmado kong tanong pero ramdam kong ramdam niya na nagtitimpi lamang ako sa galit ko. Ayokong sumabog, baka kung ano ang masabi ko at pagsisihan ko ito pagkatapos.
"What do you mean?"
"Bakit mo to ginagawa? Yung pag dala mo sakin dito."
"Kung hindi kita dinala dito baka ibang lalake ang nabungaran mo ngayong umaga." Napatayo na ito sa pagkakaupo niya at halata sa mukha niya ang pagkainis.
"Pinabayaan mo sana ako!" Sigaw ko sa kanya.
"Why would I do that?!"
"Kasi yun naman ng ginawa mo sakin dati diba? Pinabayaan mo ako, iniwan mo ako, pinaasa mo ako! Bakit hindi mo nalang ulit gawin ang mga bagay na ginawa mo dati sakin? Total nasaktan mo naman na ako, lubosin mona." Winaksi ko ang luhang tumolo sa aking pisngi. "Sana ito na ang huling gagawin at mangingialam ka sa buhay ko."
"I can't do that, Avi. I can't let other man touch you."
"Bakit? Bakit hindi mo kaya? Tangina Theodore. Nang gagago kaba?!"
"I'm serious as hell Avi."
"Seryoso din ako! Bakit bumalik kapa? Bakit nag pakita ka ulit sakin? Okay na ako eh. Okay na ako noong wala ka, pero bakit ginogolo mo na naman ako?!"
"Let me explain Avi. If you just lis------"
"Explain? Listen? Binigyan na kita ng pagkakataon noon, pero ano ang ginawa mo? Wala. Then after 5 years tsaka ka mag sasabi ng ganyan? Ano bang tingin mo sa sarili mo Gold?!" Kinuha ko ang bag sa sofa at pabalang na nag lakad papunta sa pintuan.
"Avi...."
"Stop calling me Avi, hindi tayo close." Matigas kong saad sa kanya at agad na lumabas sa condo niya.
Mabuti nalang at agad kong nakota ang elevator kaya tinakbo ko ito at sakto namang may lumabas. Ng makapasok ay dali-dali kong pinindot ang last floor ng building na ito.
Napatingin ako sa harapan at nakita ko si Theodore na pilit humahabol sa pasarang elevator.
Bakit ngayon pa? Bakit hindi mo ako hinabol noong panahon na hinihintay kita? Bakit hindi mo ako binalikan noong panahon na sinaktan mo ako. Kung siguro ginawa niya iyon ay masaya sana kaming tatlo ngayon.
Napasandal ako dahil biglang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. I check my watch and its 3:30pm. Hindi na ako makakapasok sa office. Mabuto na din iyon dahil hindi naman ako makakafocus doon.
Umayos ako ng tayo dahil may pumasok na mag-ina sa elevator. Ngumiti sa akin ang bata kaya nginitian ko din siya.
"Mommy, are we going to see dad?" The kid asked.
"Yes darling. Excited?"
"Super Excited! Panigurado pong tired na si daddy sa work niya."
"I'm sure. Pero dahil pupunta tayo, mawawala ang pagud nun dahil sayo. Ikaw ata ang charger namin kapag nawawalan kami ng energy." Napangiti ako sa sinabi ng babae. Totoo kasi ito, may mga araw na sobrang pagud ako at isang tawag kolang kay Zea ay nawawala na ito.
Sabay kaming lumabas sa elevator, pag labas ng building ay may bumungad sa amin na lalaking naka office attire.
"Daddy!!" Sigaw ng bata at agad na tumakbo papunta sa daddy niya.
"Careful, Mira." The mother said at tinungo ang mag ama niya.
Hindi ko maigalaw ang aking paa dahil napakaganda nilang tinginan. Ang saya nila.
Then I remember my Zea. Ganito din ba siya kasaya kung kompleto ang pamilya namin? Ganito din ba kasaya si Theodore kung alam niyang may anak kami? Ganito din ba ako kasaya kung hindi kami humantong sa ganitong setwasyon?
Baka nga. Pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana, hindi mo malalaman kong ang lalaking kinakasama mo ba ngayon ay ang taong mapapangsawa mo. Pano kung ang tao palang mahal mo ay nakatadhana sa iba at ikaw ay nakatadhana din sa iba? Sayang ang panahon ng pagsasama ninyo, sayang yung sakripisyo mo kung hindi din pala kayo ang end game.
Bagsak ang aking balikat ng marating ko ang aking apartment. Laking gulat kopa ng madatnan ko ang mga kaibigan ko sa sala.
"A-Anong ginagawa niyo dito?"
Agad naman silang nahinto sa kanilang ginagawa.
"Ikaw, bat ngayon kalang?" Malditang tanong ni Cali habang nakapamingaw pa. Para siyang nanay.
"Hindi ka natulog dito?" Tanong ni Ash galing sa kusina ko habang may dala-dalang cookies.
"Kayo, hindi kayo natulog dito?" Balik na tanong ko sa kanila.
"Nope. Nauna lang sila dito sayo." Si Kael na ang sumagot dahil wala atang balak sumagot ang tatlo.
Si Snow ay tahimik lang sa sofa habang nakababad sa laptop niya. Si Cali naman ay babad din sa kanyang cellphone. Si Ash naman ay inaayos ang table dito sa sala.
"Saan ka natulog?" Seryosong tanong ni Kael. Napalunok ako. Kapag kasi ganito siya ay bawal ang pabalang na sagot. Mas mukha pa siyang matanda kisa sa akin.
"Somewhere." Tanging sagot ko at pilit na umiiwas sa usapan.
"Kay Theodore ba?" Gulat kong tiningnan si Kael. "Nakita ko kaya kahapon, palabas ng El Diablo."
"Nakita mo pala ako bakit hindi mo ako kinuha sa kanya?!!" Saad ko at agad na sinugod ito.
"Ouch! Aray! Stop!" Sigaw niya habang kinurot-kurot ko.
"Alam mo nangang may galit ako sa tao tapos hindi mo manlang ako kinuha kagabe sa kanya!"
"Malay kobang nag usap kayo at napagdesisyonang mag comeback para kay Zea." Napahinto ako sa pag sapak sa kanya when he mentioned my daughter.
"That won't happen."
"Kahit para kay Zea?" Ash asked.
"May asawa na yung tao."
"Correction, Fiance." Cali said.
"Doon din naman ang punta non. Ayokong makasira ng pamilya. Okay naman kaming dalawa lang ni Zea."
"Hindi mo ipapaalam sa kanya?" Tanong ni Snow pero ang atensyon ay nasa laptop nito.
"May balak naman. Hindi pa ngayon, gusto ko monang ihanda ang sarili ko sa mga pweding mangyare sakin o kay Zea." Binigyan ako ng tubig ni Ash at agad ko naman itong ininom sabay upo sa sofa dahil sobrang napagud ako sa hindi malamang dahilan.
"Kung yan ang desisyon mo wala kaming magagawa." Tanging saad nila.
"Ang nakakainis lang dahil dinala niya ako sa condo niya. Walang nangyare samin at mabuti nalang dahil may asawa na yung tao." Saad ko at nilagay ang kamay sa mukha dahil sa frustration na nararamdaman ko. "Nakakainis kasi linalapitan niya ako na para bang wala siyang ginawa sakin 5 years ago, na para bang hindi niya ako sinaktan. Tangina."
"Tangina niya talaga." Saad naman ni Ash na ikinalingon ko. "What?" Takhang tanong nito, umiling lang ako.
"Saan pa kayo pumunta kagabe? Saad ni Theodore ay wala na daw tao sa table natin. Tanging bag ko nalang." Tanong ko sa kanila. Nakita ko naman ang paglikot ng mata ni Cali. "Hoy babae, sabihin mo nga----" she cut me off.
"Oo, nagkita kami ni Cyrus doon." Biglang saad niya. Tama nga ako.
"At doon ka din na tulog sa kanya?" Tanong ko.
"H-Hindi. Umowi ako sa condo ko. He was with her last night. Alam niyo namang kinamumuhian ko yung dalawa."
"How about you Avi?" Tanong ko.
"Don't tell me nagkita din kayo ni Radley?!" Gulat na saad ni Cali. Tumawa naman si Ash.
"Hahaha, of course not. Alam niyo wala yung tao dito." Saad nito. "I was with Draco last night." She said.
"You main the mafia guy?"
"I told you, he's not a mafia guy. He own a business and that business is legal. He just look scary but I can say he's sweet and caring, sometimes." Ash said. Iba yung kinang ng mata ni Ash habang kinikwento niya ang taong iyon.
We never meet him. Lagi daw kasi itong busy pero lagi naman silang nagkakasama. Nakalimutan naba niya talaga si Radley? Kung ganun ay mabuti naman. Ashley deserve to be loved, sa hirap ba naman ng pinagdaanan niya ng iwan niya siya ni Rad. She deserve to be happy.
Sana magawa ko din yung nagawa ni Ash. Sana makalimutan ko din yung pagmamahal ko kay Theodore gaya ng ginawa ni Ashley kay Radley. Hindi ko man makalimutan ang alala namin, sana yung nararamdaman ko nalang sa kanya.
-----
AUTHOR: Hello my beloved readers. Sorry if mabagal ang update ko. Nawala kasi yung phone ko so wala akong ginagamit ngayon at nakikihiram lang ako.
At yung ibang chapter ng First Love Never Die ay nasa phone ko which is yung nawala 😭 so back to zero ako sa pag gawa ng mga chapters.
I hope you understand, thankyou and stay tuned for the next update!
Take care!
(ITUTULOY)

Komento sa Aklat (500)

  • avatar
    Yza Retuerma

    I love this story because the teenagers like me is we like the story that connected in love

    05/01/2022

      0
  • avatar
    PalconBaby Jane

    it is really beautiful stories that each of us can relate, thank you so much.

    05/01/2022

      0
  • avatar
    SamsonJennifer Shane

    YOU HAD A VERY GOOD INTRO HOPE THIS IMPRESSION WOULD LAST PLEASE CONTINUE YOUR STORY. I LOVE YOUR STORY.

    22/12/2021

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata