Chapter 8

I'm still on my pajama when I headed to the place Ate Adele had told me where mommy went after breakfast. Adelle daw pala ang pangalan niya, medyo nahiya pa ako kanina nang magtanong ako dahil ilang araw na kaming nandito pero hindi ko pa rin alam ang mga pangalan ng tao dito bukod kila Mommy.
"Oh, buti gising ka na. Kumain ka na ba? Pinapuntahan kita kanina kay Manang Sabel pero 'di ka raw magising." Si Mommy ang sumalubong sa akin na bumeso muna bago magtanong.
"I'm good Mom. Nag-almusal na po ako. Medyo napuyat lang po ako kagabi kababasa ng mga kwento online kaya tanghali na po akong nagising," I lied. Nahagip ng mga mata ko si Sheen na nahuli kong nakatingin rin sa akin. I just smiled and greet her, 'Good morning'.
Ayoko sanang mag-isip pa ng kung ano-ano tungkol sa kagabi, but my instinct is telling me the other way around. It was like, there's something wrong though everything seems right. Pero ayokong mag-isip ng kung ano sa kapatid ko. I should trust her...
"Uhm, ano pong ginagawa niyo?" tanong ko nang makaupo ako sa tabi nila.
"Ipinapakita namin sa kaniya ang mga taong nakasalamuha mo. Well, yung mga hindi gaanong importante o hindi mo laging nakakausap kasi siyempre, iba pa rin ang pagkakakilala mo at pakikitungo sa kanila." Si Tita Lily ang nagsalita, na siyang may hawak ng isang tablet na merong picture noong mga taong pinapakilala nila kay Sheen.
"Pwede pong patingin ng mga natapos na?" I asked and she handed me the gadget.
"When it has a red check, it means it was already done, while the blue means the other," paliwanag ni Tita Lily.
"I'll do the lunch today? My request kayo?" Tumayo na si Mommy palabas ng kubo.
Umiling ako na may tipid na ngiti. "Anything will do, Mom. Saka baka mamaya pa po ako makakain, kakakain ko lang." Matapos iyon ay tumalikod na siya palabas. Humabol naman si Tita Lily na tutulong daw kay Mommy kaya naiwan nalang kami ni Sheen dito.
Nasa kulang sampu o kaunting sobra yata doon ang may red check nang tiningnan ko. Lumingon ako kay Sheen na nakatingin pa rin sa akin. "Should I start and continue what they are doing?"
Tumango naman siya. "Yeah."
"So, this is Mrs. Leonora Avia Lee and it's her husband Mr. Alexander Lee," pakilala ko sa dalawang tao sa picture. "They are my boyfriend's parents. I called them Tito and Tita. 'Di ako masyadong close kay Tito Alex kasi lagi siyang out of the country especially sa Korea at France. On the other hand, Tita Avia is really close to me. She's the owner of Avia Company, where I primarily worked as their model and princess. Avia Company was pretty similar to Victoria's Secret fashion but instead of angels, Avia's Models are called princesses and there's a queen."
"And you are the queen?" Napalingon ako sa kanya nang magtanong siya.
Nakangiti akong umiling sa kaniya. "Nope, I am wishing to be but it wasn't my time yet."
"Bakit? Eh pwede namang ilagay ka doon ng jowa mo, kasi anak naman siya ng may-ari," nakakunot noo niyang saad.
"Yeah, I know but even though I badly want that position, I still don't want to use Kai or any power or connection just to get what I want. Sabi nga nila, mas masarap yung pinaghihirapan."
"Okay," kibit-balikat niyang pagsang-ayon.
Parang may dumagan sa dibdib ko nang makita ko ang susunod na picture. Water are starting to form in my eyes. Agad ko iyong inilipat at maghahanap sana ng ibang pictures nang magtanong si Sheen.
"Oh bakit mo iyon nilagpasan? 'Yon nalang ang gwapo kaya." Napalingon ako sa kaniya na nakatingin lang sa gadget.
Wala na akong nagawa kundi ibalik sa picture ni Kai. Kahit ano namang gawin ko, kailangan ko pa ring ipakilala sa kaniya at kailangan kong ipaliwanag ang lahat tungkol sa kaniya. I still need to...
I cleared my throat and tried to calm my body before I answer. "This is Kairo Lee, he's my boyfriend," pakilala ko na may kasamang pilit na ngiti.
"Ah yeah, iyng nabanggit niyo noon sa ospital. He's so handsome!" she exclaimed. "Alam mo kung ako ang niligawan niya, siguradong magugustuhan ko rin siya," she laughed but immediately stop when she saw my expression. "Sorry."
"No, it's okay. I just...I just miss him." I took a deep breath before I continue speaking. "Usually, I called him in two ways. I called him in his nickname, Kai and our endearment, Gori."
"Gori? Where does that came from?" kunot-noo niyang tanong.
"Gori, it was from the word 'irog'. Binaliktad lang, corny hindi ba?" I chuckled.
"Medyo corny nga, pero sige trip niyo 'yan," kibit-balikat niyang komento na bahagyang ikinatawa ko, "Ilang taon na kayo?"
"Two and a half years. We met in college, same course, business ad. Pero management ang major niya tapos financing naman ako. Malapit na kami magtapos ng third year noon nang manligaw siya at umabot siya ng halos isang taon bago ko siya sinagot."
"'Yong gano'n kagwapo, pinaghintay mo ng halos isang taon?" bulalas niyang tanong sa hindi makapaniwalang tono.
I smiled while nodding at her. "Ayoko talaga sana mag-boyfriend hanggang hindi ako nakaka-graduate kaya umabot ng ganoon, pero hindi ko rin natiis. He's a man of efforts and surprises, that's why..."
-Flashback-
NAGISING ako dahil sa sunod-sunod na pag-ring ng cellphone ko. Isang mata lang ang halos naibukas ko para tignan ang caller bago ko iyon sagutin. "Hello, Camille, ang aga mo naman tumawag." Camille is the students org president.
"Sorry, pero kasi...I need you here at school before 6. Aayusan ka pa kasi para sa pictorial," medyo tarantang sabi niya. Ako ang napiling school face/model pero hindi ako na-inform na ngayon pala iyon? I thought it was scheduled next week.
"'Di ba next week pa 'yon? Teka, anong oras na ba?" pupunga-pungas kong tanong.
"4:57 a.m.," simpleng sagot niya na ikinalaki ng mata ko, "Sorry, ngayon ko lang din kasi nalaman na in-adjust nila yung sched."
Dali-dali ko nang pinatay ang tawag saka mabilis na gumayak. Buti na lang may sandwich kaya 'yon na lang ang kinuha ko para may kainin ako. Halos sabihin ko nang paliparin ang sasakyan sa driver namin, na si kuya Lando, kung pwede lang para makarating ako sa oras. Saktong 5:50 nang makarating ako sa school. I heaved a sigh, atleast it was still before 6.
Nagtaka naman ako pagpasok ko, dahil parang wala naman akong nakitang mga tao or photographer. Nasagot ang tanong ko nang magtext si Camille. She said that they're on the soccer field. Nasa gawing likod iyon ng school at medyo may kalayuan sa main gate na pinasukan ko. Nandoon siguro silang lahat. Pero bakit sa field ang pictorial? Kadalasan ay may inaayos silang room na ginagawang studio, pero madalas ay sa mga lugar na naipapakita ang bawat kurso.
Pagkarating ko sa field ay napatakip ako sa bibig ko sa ganda ng tanawin. There's an aisle made of red and white rose petals. May mini hot air balloon sa magkabilang gilid ng mga iyon na nakatali para di lumipad at nagmistulang mga lampara. Sa dulo niyon ay may elevated platform na parang naging mini stage. The design really caught my attention, assorted flowers, heart shaped balloons, butterfly and coffee images. Kung hindi lang ito pictorial para sa school, iisipin kong para sa akin to. But no, siguro new strategy ng school?
I was about to step my foot in the rose petals, when a song suddenly scattered and heard around the field that froze me in a moment. A huge number of butterflies also started flying from the back of the backdrop. The song intro was very familiar to me. Pero bakit may paganito pang tugtog at may mga paruparo pa? Makukuhanan pa ba yun ng picture? Yung mga paruparo pwede pa. Ah, baka may video rin? Pero bakit ang romantic naman yata?
I was amazed watching how butterflies fly above me. They're like dancing with the rhythm of the song.
Mula sa panonood at pagkamangha sa mga paru-paro, ay lumipat ang paningin ko sa harapan kung saan nanggaling ang boses na narinig ko. "You girl, are the answer and the question, a completely new dimension.
You girl, take my heart and you can keep it...
If you don't want it, I don't need it anyhow."
My heart is pounding very fast as if it's in a race. Everything—the roses aisle, the backdrop designs, the butterflies and the music—became nothing. All I can see is him, Kai. I was hypnotized by his mere presence that it was too late for me to notice that he's already towering me. Would that be possible? Well I think it is.
He sang one of my favorite song, the one I wrote in his slambook I signed before for his project...You Girl by Asher Angel.
He's smiling cheeks to cheeks, "Do you like it?"
Hindi ko yata mahagilap ang dila ko at nanatiling tikom ang bibig ko. I can't even give any expression. I feel numb because of shock. All I can do is to stare at his face with an stoic expression.
"Okay, I get it. Sorry, sabi kasi ni Kayne ganito daw dapat ang surprise. Babawi—"
"No, I love it," maagap na putol ko sa sinasabi niya. Sa wakas ay nakabawi na ako sa pagkabigla.
Agad namang nagliwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Pero agad ding napalitan ng kakaibang ekspresyon. Para siyang natatae na ewan.
"Ayos ka lang ba? Masakit tiyan mo? Kailangan mo...mag-cr?" Nag-aalalang tanong ko. Napalundag pa siya ng bahagya nang hawakan ko ang tiyan niya.
"N-no," He slightly laughed with nervous. "I just need an answer..."
Bakas ang pagkagulat sa mukha ko. "May quiz kayo? Edi dapat di ka na nagpaandar ng ganito para may maisagot ka!"
Tinawanan niya lang ako bago umalis sa harap ko para mapunta ang tingin ko sa improvised mini stage na ginawa nila. Nakita ko na nakatayo doon sina Brent, Kayne, at Zach na pare-parehong nakasuot ng sky blue shirt. Pero ang mas nakaagaw-pansin sa akin ay nang warakin nila iyon at lumabas ang mga nakarolyong papel na may mga salita.
'WILL' 'YOU' 'BE'
Naghiyawan ang mga tao sa paligid, partikular ang mga babae na hindi ko napansing nandoon pala. Bumalik ang paningin ko kay Kai na tinuro ang harapan ng t-shirt niya.
'MY GIRLFRIEND?'
I've never noticed that earlier. "Can you please answer these for me? Can you be my girl?" he said with a wide smile painted on his lips..
I nodded without hesitation. "Of course Kai, I will be your girl."

Komento sa Aklat (90)

  • avatar
    Karen Mpendatuan

    like

    15/09/2025

      0
  • avatar
    MinuthCleivene

    😘Thnksss uouuu

    27/04/2025

      0
  • avatar
    Jhoren Emberga

    good

    03/02/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata