Chapter 25

Hindi ko maiwasang manggigil sa mga pinagsasabi ni Claw kanina. Humihigpit ang pagkapit ko sa manibela dahilan para medyo manginig ang mga braso kong nakahawak dito. Minabuti ko nalang na iparada muna ang sasakyan ko sa gilid ng kalsada dahil baka mawalan ako ng kontrol.
I screamed as loud as I can inside the car after I placed my forehead on the steering wheel. Different scenarios are now playing in my head that is driving me crazy thinking of those. I tried to calm myself and turned my head up as I think of an idea to ease my frustrations.
Agad kong kinuha ang cellphone ko sa sling bag ko at dinial ang number ng isang taong naging kasangga ko dati sa grupong may hawak sa akin.
"Dani," bungad ko nang sinagot niya ang tawag ko. Daniella Morgan became my sister ang bestfriend inside the gang I was belong. Pero hindi na kami nagkakausap mula nang pumunta na kami sa Manila para mapuntahan sila Mommy.
"Sheen?" may pag-aalinlangan niyang sagot na nagsilbing patanong.
"Yes, nasaan ka? I wanna hang out." And that was a code. Sa tuwing may problema kami ay meron kaming lugar na pinupuntahan para mawala ang tensyon sa katawan namin.
"I'm on my way," sagot niya kaya pinatay ko na ang tawag. Bumalik na muli na ako sa pagmamaneho papunta sa lugar na iyo.
Inabot lang ako ng ilang minuto dahil malapit lang naman sa lugar na pinagkitaan namin ni Jarred kanina ang lugar na iyon. Pagkaparada ko ng sasakyan ko ay natanaw ko na si Dani na nakatayo sa entrance. Nagbatian lang kami bago tuluyang pumasok sa loob.
Kilala na kami ng mga nandito kaya naman agad na nila kaming inabutan ng baril na gagamitin at headphones pati na rin ang salamin sa mata bago pumwesto. We're going to do firing.
Itinutok ko na ang baril sa target na may kalayuan sa akin. I aim for the center but I failed on my first try. Sinubukan ko ulit nang sinubukan ngunit tanging gilid lang ang natatamaan ko. Matapos ang panglimang tira ay pumikit na muna ako at 'di ko alam kung bakit mukha ni Shei ang nakita ko sa target. Dahan-dahang umangat ang mga kamay ko patutok sa kaniya at walang pag-aalinlangang kinalabit ang gatilyo ng baril.
I hit the bull's-eye.
Matapos ang tirang iyon ay tinanggal ko na ang headphone sa ulo ko at tanging salamin nalang ang natira sa mata ko.
"Seems like you're so upset," narinig kong komento ni Dani na hindi ko namalayang nasa likuran ko na pala, "Care to share?"
Nagpunta kami sa malapit na fastfood chain nang magsawa kami doon. Siya na ang um-order at kumuha ng mga order sa counter. Samantalang ako naman ay pumunta na sa pandalawahang pwestong nakita ko malapit sa bintana.
"Spill the beans, Sheen," sambit niya nang makaupo na siya at mailagay sa lamesa ang mga pagkaing in-order niya.
"Nasabi ko naman sa iyo kung bakit ko pinilit na umalis sa grupo diba?" tanong ko sa kaniya at tumango naman siya.
"Yup! Kasi pupuntahan niyo na ang inyong 'long lost family'," she quoted in the air using her two fingers in the same hand.
"I have a twin," panimula ko at interesante naman siyang tumingin sa akin, "She had a brain tumour and flew to Russia for her surgery."
Napatakip naman siya sa bibig niya. "Kawawa naman pala yang kambal mo buti nalang yayamanin iyang pamilya mo."
Tumango naman ako bago magpatuloy. "Model siya sa Manila at ayaw niyang malaman iyon ng media kaya nagpanggap ako bilang siya habang nandoon siya."
"Nahihirapan ka sa pagpapanggap?" pag-uusisa niya pero umiling ako.
"Nope, actually, I'm enjoying it and slowly loving being her."
Naguguluhan naman niya akong tinignan, "Eh anong problema?"
"Si Claw—"
"Iyong may gusto sa 'yo tapos naging dahilan para makaalis ka sa grupo?" pagputol niya sa sinasabi ko na tinanguan ko naman.
"Dahil sa utang ko sa kaniya kaya napilitan akong kumuha ng pera ng kakambal ko pambayad sa kaniya pero lumagpas na iyon sa palugit kaya naman gusto niyang makuha ang interes."
"Anong interes?"
"Ako," sagot ko, "Pero, nakilala niya ang kakambal ko dahil nagkita sila sa Russia at siya na ngayon ang gusto niyang kuhaning interes. Sa totoo lang, pabor naman sa akin iyon dahil...dahil natutunan ko nang magustuhan si Kai, ang boyfriend ng kapatid ko," pahina nang pahina ang boses ko habang sinasabi ang huling mga salita.
Nanlalaki naman ang mata ni Dani na nakatingin sa akin habang nginunguya ang kinagat niyang burger. Lumunok naman muna siya bago magsalita. "Pero sa kapatid mo pa rin siya."
"Alam ko, pero anong magagawa ko? Kung meron man akong kalaban na kailanman ay 'di ko natalo, iyon ay ang sarili ko." Mapait akong ngumiti. "Ngayon lang ako nakaramdam ng saya at ayokong ipagkait yun sa sarili ko. Pero, parang 'di ko rin yata kaya na ipaubaya kay Claw ang kapatid ko. She's still my sister."
Lumihis ako ng tingin sa kaniya at itinuon ang paningin sa labas ng bintana. "She's still my twin."
Shei's POV
"Anak, nasa ibaba si Claw," katok ni Mommy sa pintuan ng kwarto ko. Tinatamad naman akong tumayo mula sa kama ko para pagbuksan siya ng pintuan.
"Do I really have to see him? You really trust him?" Ewan ko ba kung bakit hindi ako nagsasawang tanungin si Mommy ng ganyan sa bawat araw na pupunta rito sa bahay si Claw.
"He's a good man. I already checked his background." Iyan naman lagi ang sagot ni Mommy sa akin. Ngayong naaalala ko na halos lahat ng memorya ko mula pagkabata, sigurado na akong hindi ko talaga kailanman nakilala si Claw.
Hinayaan ko namang nakabukas ang pintuan saka ako naglakad pabalik sa kama ko at doon umupo. "Yes, let's say that he's a good man but I feel like cheating over Kai."
"It's not like that, Shei. Wala naman kayong relasyon eh. Saka hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari sa hinaharap," mahina ang boses niyang sinabi ang huling pangungusap na iyon pero sapat para marinig ko ng malinaw.
Napatitig naman ako sa kaniya dahil doon, gusto kong basahin kung anong iniisip niya pero 'di ko magawa. Hindi nagbabago ang ekspresyon niyang nakatingin sa akin. "May hindi ka ba sa akin sinasabi, Mommy?"
Ngumiti naman siya bago bahagyang umiling. "Nothing. Puntahan mo na sa baba si Claw, siya maghahatid sa 'yo sa doktor mo ngayon." Napipilitan naman akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa kama.
"I just want to protect you," mahinang bulong niya pero narinig ko bago ako tuluyang lumakad pagkalabas ko ng pintuan ng kwartong iyon. Samantalang nanatiling nakatayo pa rin doon si Mommy.
Nandito na naman ako sa gusaling ito. If there's someone who will ask me what's my most visited place, I would probably answer the hospital. Why not? In the past few years, I'm visiting this kind of place more than five times a year unlike normal patients do. In the past few years, I already memorized the beeping tone of hospital machine beside me, but I can't count how many needles penetrated my skin and how many medications I have taken. In the past few years, I learned how to appreciate staying inside the four corners of the white room, I learned how to get used on the hospital bed, and wore the unfashionable hospital gown. But on top of that, I learned how to accept my fate and fight no matter what.
"I cannot see any traces anymore," panimula ng doktor na ikinalapad ng ngiti ko. "But, you still have to undergo the last therapy next session."
"Thank you, Dr. Bolivic," pasasalamat ko. May ilang mga bilin naman siyang iniwan sa akin lalo na kay nurse Amy bago kami umalis doon.
Kasa-kasama pa rin namin si Claw na siyang nagmamaneho ng kotse. Habang nasa likod naman kami ni Nurse Amy.
"Nurse Amy, ikaw lang muna ang ihahatid ko," biglang sabi ni Claw sa gitna ng biyahe namin.
"Bakit siya lang? Eh ako?" tanong ko habang nakatingin sa kanya mula sa salamin.
"We're going somewhere," pahayag niya dahilan upang gumalaw ang mga kilay ko pasalubong.
"Why?" iyon lang ang tanong na namutawi sa labi ko na sinuklian niya lang ng isang ngiti. Malapad na ngiti.
Pinalipat niya ako sa upuang katabi niya nang bumaba si Nurse Amy ng sasakyan. Masyado na raw siyang magmumukhang driver kung mananatili akong nakaupo sa likod.
"Saan ba kasi tayo pupunta? Saka bakit? Baka hanapin ako ni Mommy," sunod-sunod kong sabi nang sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan pero imbis na sumagot ay ngumiti lang ulit ito. 'Di ko tuloy maiwasang mapairap.
"Hoy! Are you deaf? Saan—"
"Pinagpaalam na kita sa Mommy mo," he chuckled still ignoring my first questions. Sa huli ay hinayaan ko nalang siyang dalhin ako kung saan. I still don't know why my mother trusted him.
"We're here!" anunsyo niya nang ihinto ang sasakyan. I can't see what's inside but the whole front of the place are covered with wall full of beautiful creeping plant. There was a gate in the middle where we entered after stepping out of the car.
"Nasaan tayo?" I can't help but to be amazed by the view I am seeing right now. It was like a fancy restaurant created turned into a fascinating garden, comforting yet classy.
Iginiya niya ako sa isang pwesto. Para kaming nasa isang maliit na kwartong wala dingding kung saan napapalamutian ng gumagapang na halaman ang bawat haligi nito. It has four wooden pillars that are all colored green because of the plant creeped on it.
"In a restaurant?" pamimilosopo na naman niya. Ginawa na yata niyang hobby ang ganoon tuwing tatanungin ko ang isang bagay na alam ko naman na talaga ang sagot.
"What I mean is, what are we doing here?" I changed my question.
"Dating." Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. He didn't even asked me for my permission.
"I have a boyfriend," diretso kong sabi. Totoo naman, si Kai ang boyfriend ko na isa sa mga dahilan kung bakit ko nilalabanan ang pesteng tumubo sa utak ko.
Tumikhim muna siya bago sumagot. "And so?" taas kilay niyang tanong saad. "As if I'm courting you. I don't do such thing, sweety. It was just...a friendly date."
Right! It was just a friendly date and he's not courting me anyway. But why am I feeling disappointed with what he said? I immediately shook my head to erase any thoughts running in my head.
"I love you, Kai. Just wait for me," I whispered in my mind taking away my gaze from the man in front of me.

Komento sa Aklat (90)

  • avatar
    Karen Mpendatuan

    like

    15/09/2025

      0
  • avatar
    MinuthCleivene

    😘Thnksss uouuu

    27/04/2025

      0
  • avatar
    Jhoren Emberga

    good

    03/02/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata