Ang Sakit!

Mel's PoV
Hanggang ngayon ay naiinis pa din ako sa babaeng 'yon.
"Ano kayang gusto niyang sabihin kanina?" tanong ko pa sa isip ko tsaka ko binuksan ang pintuan ng kwarto ni kuya at nakita kong muli si Alex na nakatingin kay kuya.
"Alex," tawag ko pa at lumingon naman siya. Parang nasurpresa pa siya sa nakita niya at mabilis na tumakbo patungo sa akin at agad akong niyakap ng mahigpit.
"A-ano ba Alex," angal ko pa pero 'di niya ako binitawan.
"Patawad Mel," rinig kong sabi niya na humihikbi.
"T-teka nga," sabi ko pa at itinulak siya nang malakas. Hindi naman niya ako pinahirapan pa at bumitaw naman siya.
"Na-alala ko na, na-aalala ko na ang mga araw na magkasama tayong dalawa. Na-aalala ko na lahat Melody Suarez," sabi pa niya at bigla nalang tumulo ang luha ko nang 'di ko namamalayan.
"A-anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko. Sobrang daming tanong ang pumasok sa utak ko. Naghalo-halo ang nararamdaman ko ngayon.
"May sakit ako.. may sakit ako noon," paunang sabi niya at umupo naman siya sa sopa. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at tiningnan lang siyang umupo sa sopa na tumutulo ang luha.
"Mama ko mismo ang nagsabi na nagkaroon ako ng amnesia.. kaya.. kaya nakalimutan kita, at ngayon lang kita na-alala... Mel? Ba't 'di mo sinabi sa'kin?" sobrang labo ng mga ibinibigkas niya na salita. Parang ayaw tumanggap ng tenga ko ngayon, parang ayaw tanggapin ng utak ko ang mga sinasabi niya.
"Sa.. s-sandali lang," utal na sabi ko habang nakahawak pa sa dibdib ko at umaagos ang luha ko.
"Pa.. p-pa.. panong nangyari.. yung nakita ko? Ha?" sabi ko at nararamdaman ko na naman muli ang sakit nung araw na nakita ko sila. Huminga muna ako ng malalim para makapagsalita ako nang maayos.
"Papano mo.. ipapaliwanag yung nakita ko? Yung may kahalikan kang babae?" pinilit kong 'wag mabiyak ang tinig ko. Sa kaloob-looban ko ay gusto ko ng magwala at sumigaw dahil sa nararamdaman ko ngayon.
"Papano? Pakiusap sabihin mo," pagmama-kaawa ko pa at tuluyan na ngang nabasag ito.
"'Yan.. 'yun yung oras na umatake ang sakit ko, dun nagsimula. Akala ko noon na ikaw yung humila sa'kin, kaya hinalikan ko siya pabalik at hina.. hinawakan ang ulo niya," maluha-luhang pagpapaliwanag niya at mas lalo pang tumulo ang mga luha ko.
"Nung oras na mapagtanto kong hindi ikaw 'yon ay dun na.. dun na nagsimula ang lahat, biglang umikot at dumilim ang paligid ko. Wala ka nun.. wala akong masasandalan at mapagsabihan non. Nagising nalang akong nasa hospital na at biglang na-alala ka, pero unti-unti non ay nakalimutan ko na ang lahat lahat," pagpapaliwanag niya habang nakayuko at tumingin sa'kin.
Mas lalo lang akong nasasaktan kapag nakikita ko siya.
"Kasalanan ko ba? Kasalanan ko bang hindi ko muna inalam ang dahilan kung bakit niya ginawa 'yon? Hindi BA makatuwiran ang ginawa kong paglisan nung araw na 'yon? Masiyado ba akong makasarili?" mga tanong na tumatakbo sa utak ko. Wala akong masabi ngayon, hindi ako makapag-isip ng tama.
"Mel? Ba't 'di mo sinabi sa'kin, Mel?" desperadong tanong niya at tiningnan ko lang siya sa mata.
"Bakit? Kasi nakalimot na ako sa'yo, kinalimutan na kita! Hindi mo alam kung gano akong nasaktan nung araw na makita ko kayo! Para akong binagsakan ng langit at lupa non Alex! Alam mo ba?" makasarili kong tanong at alam ko 'yon. Alam ko lahat ng sagot sa mga katanungan ko sa utak ko ngayon.
"Patawad," sabi niya at umiyak nang umiyak.
Sobrang tagal ng oras na dumaan bago ako tumayo sa kinauupuan ko kanina dahil sa pag-iyak ko lang. Huminga muna ako ng malalim bago nilunok ang namamanis kong laway.
"Patawarin na natin ang ating mga sarili, napatawad na kita noon at isa pa nakalimutan na din kita. Maraming salamat at ipinaalam mo sakin kung bakit mo nagawa 'yon. Sana mapatawad mo na din ako sa paglimot at hindi pagka-usap sa'yo noon," sabi ko tsaka ako lumabas ng kwarto ni kuya. Dala-dala ko padin ang bag ko at 'di ko mawari kung saan na ako pupunta nito. Umupo nalang ako sa bakanteng silya nila dito at nagmuni-muni kung ano ng dapat kong gawin. Ngayon naiintindihan ko na ang lahat, lahat lahat kung ba't niya nagawa 'yon.
"Ako lang siguro ang may nagawang mali. Baka mali ko ang 'di pagkausap sa kaniya noon, kung bakit niya nagawa 'yon. Siguro nga talagang kasalanan ko. Sobrang sinungaling ko naman sa mga iniwan kong salita sa kaniya kanina, akala ko ba nakalimutan ko na siya? Tch! Edad dose nga ako noon pero lahat naman siguro balido yung nararamdaman ko? Hindi madaling kalimutan ang unang minahal mo, sana maging hakdog nalang ako," mga salita, kataga, mga katanungang bumabagabag sa isip ko ngayon. Nagpakawala nalang ako ng buntong hininga tsaka pinahid ang gilid ng mga mata ko.
Kinuha ko naman ang selpon mula sa bulsa ko tsaka tiningnan ang oras at mag-aalasais na pala. Lumabas nalang muna ako para ibahin ang panagano ko, kailangan kong maging masaya kapag humarap sa kuya ko. Ayaw kong dagdagan pa ang kalungkutan niya.
Habang naglalakad ay may nararamdaman akong nakasunod sa akin, tumigil naman ako at dahan-dahang kinuha ang selpon ko tsaka nagpanggap na may tumatawag. Ito lang ang tanging paraan ko para makatakas sa mga ganiyang tao.
"Magandang gabi po? Opo, sige po papunta na po ako," sabi ko pa habang nagmamadaling naglakad at nakihalo sa maraming tao. Tsaka ko naman ibinaba ang selpon ko at ibinalik ito sa bulsa ko. Pumunta muna ako kung saan mas marami ang tao at nag-antay ng ilang sandali doon bago ako naglakad muli at naghanap ng mabibilhan ng pagkain.
Hindi ko naman siya naramdamang muli kaya nakaginhawa na ako ng maluwag, tsaka ako bumili ng prutas na sagana sa mga may tubig tsaka ako bumili ng makakain ko. Binili ko lang ang mga dapat kong bilhin pagkatapos ay bumalik na sa loob ng hospital. Hindi ko na nga siya naramdaman ulit kaya mas sigurado na akong wala ng nakasunod sa'kin ngayon. Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ni kuya ay wala na si Alex. Pagkatapos kong ihanda ang mga nabili ko ay kumain na ako dahil pakiramdam ko sobrang pagod at gutom ko ngayon.
"Sobrang nakaka-apekto ba ang pag-iyak ko? Tsaka sobrang pag-iisip?" tanong ko pa sa isip ko pero agad ko ding tinulak ang mga negatibong naiisip ko sa likod ng utak ko pagkatapos ay kumain na ng matiwasay.

Komento sa Aklat (49)

  • avatar
    Jolie Reyes

    Tunay na kahanga-hanga ng iyong gawa, ako'y nasisiyahan sa mga malalalim nitong mga salita.

    16/04/2022

      6
  • avatar
    Marinel

    wow 😮

    31/10/2024

      1
  • avatar
    Jimmy Manzano

    good

    13/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata