Ala-ala

Alex's PoV
Kanina ko pa tinatawagan si Mama at hanggang ngayon ay 'di parin niya sinasagot ang tawag ko. Alas siyete na pala kaya binuksan ko nalang ang pinabili ko at kumain na. Hanggang ngayon 'di parin ako makapaniwalang bente tres na pala ako, at ang akala ko ay bente uno palang ako. Gusto ko na agad malaman ang totoo kung bakit 'di ko ma-alala ang nakaraan ko. Sumubo nalang ako ng sumubo hanggang sa maubos ko ang kinakain ko. Ilang sandali pa ay nagmumog lang ako para matanggal ang mga kaning sumiksik sa gilid ng ngipin ko. Nagstambay nalang muna ako sa sala para patunawin ang kinakain ko habang nanonood ng palabas. Inilabas ko naman ang selpon ko para i-kontak ulit si Mama, pero hanggang ngayon ay 'di parin niya ito sinasagot kaya naman pinatay ko nalang ang TV. Kumuha naman ako ng alak sa aparador at nagdala na din ng baso tsaka ako umakyat sa patungong kwarto ko.
Ginagawa ko ito sa tuwing may problema akong ina-alala, habang umiinom mag-isa ay nagliwaliw muna ako sa selpon ko. Binuksan ko naman ang epbi ko at tiningnan ang mga kamakailang kausap ko. Wala namang importante dito kaya nag-scroll scroll nalang ako. Mga nakikita ko ay puro katatawanan lamang kaya medyo bumuti buti na ang pakiramdam ko.
Nang makaramdam na ako ng antok ay sinara ko na ang bote ng alak, pumunta naman ako sa banyo para maghilamos pagkatapos ay dumiretso na sa kama ko para matulog.
K I N A B U K A S A N
"Oummm.. hello," nakapikit at tinatamad na sagot ko dahil inaantok pa ako.
"Anak? Bakit andami mong napalampas na tawag sa'kin?" tanong pa ni Mama pero hindi ko muna binuka ang mga mata ko.
"May itatanong lang po sana ako," tamad ulit na sabi ko.
"Oh ano naman 'yon?" tanong niya at dahan dahan naman akong bumangon.
"Na-alala niyo po ba nung tinanong ko po kayo tungkol sa pangalang Melody?" tsaka naman ako dahan-dahang tumayo mula sa kama ko.
"Ahh oo na-alala ko, bakit?" tanong niya tsaka ko naman pinagitnaan ang selpon sa tenga at balikat ko. Kumuha muna ako ng tuwalya at dumiretso sa banyo.
"Ano po yung apilyedo ng na-alala mong Melody ma?" tanong ko habang nilalagay ang tuwalya sa sabitan.
"Ahh teka.. parang Suarez ata yung sa pagkakatanda ko eh," sabi pa niya at bigla nalang sumakit ang tenga ko dahil sa naririnig ko ulit iyon.
"S-sige po Ma.. salamat," tsaka ko naman ito pinatay at pinipilit kong 'wag ipahalatang hinihingal ako. Pinisil pisil ko muna ang ulo ko dahil pakiramdam ko sasabog na talaga 'to?
"Suarez? Melody Suarez...arghhhh," sabi ko pa dahil may naririnig ulit ako tsaka parang mabibiyak na yung ulo ko.
Hingal na hingal akong umupo sa sahig at parang nasisiraan na ng bait. May nangyari nga talaga sa'kin. Dahan dahan naman akong tumayo dahil umiikot ang paligid ko. Pumunta ako sa kwarto ko tsaka ko isinalampak ang katawan ko sa kama ko. Nakatulala lang ako at nakatingin sa kung saan nakapwesto ang mukha ko.
"Kaya pala 'di ko siya ma-alala kasi Suarez ang ginamit niyang apilyedo? Ha?" tanong ko pa sa isip ko at marahas na ipinikit ang aking mga mata.
*PHONE RINGS*
Nagising ako sa tunog ng selpon ko, kinapa-kapa ko naman ito dahil nakapikit pa ang mga mata ko.
"Yeobo?" pakoreanong sagot ko.
"Anong yeobo yeobo ka diyan? May nangyari ba sa'yo anak? Ha? May sakit ka ata!" sabi ni Mama, gusto ko mang ibuka ang mata ko pero nahihirapan akong ibuka ito.
"Ma?" paunang tanong ko.
"Oh ano 'yon? May sakit ka ba talaga?" pag-uulit sa tanong niya kanina.
"Nagkasakit ba ako noon Ma?" tanong ko nang nakapikit pa din ang mga mata.
"Bakit mo naman naitanong 'yan?" patanong na sagot niya sa tanong ko.
"Sagutin mo nalang Ma," mando ko.
"Anong sakit ba? Andaming dumaang sakit sa'yo eh," nasabi niya kaya tumayo ako ng dahan-dahan.
"Nung lumuwas tayo Ma, anong dahilan non?" tanong ko at bigla naman siyang natahimik ng ilang minuto.
"May tumor ka noon," panimulang sabi niya at bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Nawala yung mga memorya mo bago ka pa tinubuan ng tumor, sabi ng doktor tinatawag daw yung retrograde amnesia. Pero ayos ka naman ngayon anak. Wala ka ng dapat problemahin pa," sabi niya at medyo naliwanagan naman ako.
"Sige.. salamat Ma. Patayin ko na po," sabi ko at agad pinatay ito. Umupo muna ako sa kama para pakalmahin ang paghinga ko, sumasakit muli ang ulo ko bagama't may mga na-aalala na ako.
N A K A R A A N
Naglalakad ako sa pagitan ng gusali ng paaralan namin nang may humila sa'kin. Bigla bigla nalang ay nakikita ko si Mel sa kaniya at agad niya akong sinunggaban ng halik. Hindi ko naman alam ang ginawa ko at marahas na inilapit pa siya sa akin. Ilang minuto pa ng paghahalikan namin nang bumitaw ako ng mapagtanto kong hindi si Mel ito.
"Sino ka b....arghhh," bigla nalang umikot ang buong paligid ko.
"Oyyy... Oyyyy!" dinig kong sigaw niya pero wala na akong nakikita at nararamdaman kong bumabagsak na ang katawan ko.
•••
"Sa ngayon hindi pa maayos ang kalagayan niya. Madami pa kaming kailangan gawin sa kaniya," dinig kong pagpapaliwanag nang imulat ko ang mata ko at puro puti lang ang nakikita ko. Lumingon naman ako sa kaliwa at nakita ko si Mama na may kausap. Ibinalik ko ang tingin ko sa harap at 'di ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko.
"Alex? A-alex! Gising ka na!" sabi niya at niyakap pa ako.
"Ba't ka umiiyak anak?" tanong pa niya at tiningnan ko naman ang mukha niya, kitang kita kong luhaan din siya.
"Ma..," namamaos na sabi ko.
"Oh ano 'yon anak? Bakit? May masakit ba sa'yo?" sunod-sunod na tanong niya at 'di ko naman alam kung anong gusto kong sabihin sa kaniya.
"Ma.. si Mel.. Ma?" tanong ko pa habang nakahikbi na.
"Bakit? Hindi ko alam kung nasan si Mel ngayon," sagot niya at 'di ko na matandaan ang mukha niya basta nalang umitim ang buong paligid ko at wala na akong maramdaman na kahit ano.
K A T A P U S A N - N G - N A K A R A A N
Bigla nalang tumulo ang luha ko nang ma-alala ko 'yon. Na-alala ko pang may parating tinatawagan si Mama at binabanggit ang pangalang Mel. Na-aalala ko na lahat! Lahat ng nakalimutan ko! Ng dahil lang sa tumor na 'yan nakalimutan ko na si Mel! Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayong pagkabigo. Unti-unti ay nakatulogan ko ang pag-iyak ko.

Komento sa Aklat (49)

  • avatar
    Jolie Reyes

    Tunay na kahanga-hanga ng iyong gawa, ako'y nasisiyahan sa mga malalalim nitong mga salita.

    16/04/2022

      6
  • avatar
    Marinel

    wow 😮

    31/10/2024

      1
  • avatar
    Jimmy Manzano

    good

    13/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata