Katalinuhan

Tar's PoV
Masyadong nakakalungkot pakinggan ang pangyayaring naganap sa buhay ni  Liz. Kung tutuusin sa istorya nya ay hindi naman sya ang dapat sisihin sa nangyari dahil bata pa lang naman sya nung maganap ang ganong insidente. At isa pa, malamang nagsakripisyo at nagpa-ubaya lang naman ang ate nya dahil wala na itong maisip na paraan at sinunod lang nito ang bilin ng kanyang nakakatandang kapatid. Alas dose imedja na nang matapos kaming kumain at napagdesisyunan kong tumambay muna dito ng mga ilang minuto.
"Kuya, mauna na siguro ako," sabi ni Mel tsaka tumayo.
"Sige una ka nalang Mel," tapos nag beso-beso kami.
"Ah ikaw Liz? Saan ba ang silid mo? Sabay na tayo?" tanong ni Mel.
"Ahh.. sige sige," sagot nya sabay tayo at kinuha ang bag nito.
"Alis na po kami," sabi ni Liz.
"Paalam kuya, kita nalang tayo mamaya," sabi ni Mel.
"Sige ingat at magpakabuti sa klase ha?" bilin ko pa.
Pagka-alis nila ay kinuha ko muna ang selpon ko at nag scroll scroll muna sa IG. Nagpost ako ng litrato namin kanina nila Liz at Mel na may caption na: Maraming salamat Panginoon sa bagong taon ng pag-aaral, bagong pahina na naman ang mabubuklat at kaibigang makikita.
Pagkatapos ay ti-nag ko si Liz sa IG nya at ang kapatid ko namang si Mel. Pagkatapos kong mag-post ay nag epbi na naman ako at kaparehas lang din ng pi-nost ko sa IG. Kahit kaunti lang nakukuha kong likes ay sapat na sa akin iyon, para din naman 'to sa mama ko. Kahit si mama ay adik na din sa sosyal mija. Gusto ko lang naman malaman ni mama kung anong mga nagaganap sa amin ni Mel. Si mama kasi yung tipong dapat mong ipa-alam ang mga importanteng nangyayari sa amin para daw 'di sya mag-alala. Ayos lang sa'min yun ni Mel at komportable naman kami sa ganoong kondisyon. At para sa kaalaman nyo tungkol sa papa ko... hehe 'wag na po nating pag-usapan.
Napag-desisyunan kong isauli ang mga mangkok na ginamit namin kanina, kasama na din yung kay Liz. May lalagyan naman sa mga mangkok kaya yun nalang ang ginamit ko para 'di na ako mahirapan, may mga laman pa kase 'tong mangkok kaya ayaw kong pag-patung-patongin. Naglalakad na ako patungo kung saan ito ilalagay nang mawalan ako ng balanse at mabunggo ng 'di ina-asahan. Sa kamalasan nga naman at natapon po yung natitirang pagkain sa naka-unipormeng lalaki, kung makikita ninyo ngayon ay hindi maipinta ang mukha ng lalaki dahil sa galit nito.
"Put— anong ginawa mo sa uniporme ko!?" nangga-galaiting tanong nito.
"A-ahh hindi ko sinasadya, paumanhin natapunan kita dahil nawalan ako ng balanse kanina," sabi ko pa sa kan'ya pero hindi nagbago ang ekspresyon nito.
"Nawalan ng balanse?! Ha!? At ano? Dahil lang sa isinalaysay mo ay paniniwalaan na kita?" pagkatapos ay dinaklot nya yung kwelyo ko at nabitawan ko ang dala-dala kong lalagyan.
"Nagsasabi ako ng totoo," kalmado kong sabi dahil ayaw ko ng gulo.
"Ha!" inis nya talagang sigaw.
"Paniniwalaan kita.. sa ngayon! Pero sa oras na maulit ang insidenteng ito, 'di lang yan ang aabutin mo," tsaka nya ako patapong binitawan.  Tumalikod naman sya at bumalik sa kanyang upuan. Medyo nahihiya ako dahil may konti pang tao na nandito ngayon at nakatingin sa akin. Pinulot ko ang lalagyan at ang mga mangkok na nagkalat sa sahig, tsaka ako pumunta sa lalagyan ng mga pinag-gamitan ng pagkain. Pumunta muna ako sa banyo para ayusin ang damit ko at naghugas na din ng kamay.
Bumalik na ako sa silid aralan ko dahil malapit na atang mag-simula ang klase, at sa pagkaka-alam ko ay kasaysayan ang asignatura namin ngayon. At 'yan ay isa sa mga ayaw kong asignatura bukod pa diyan ay ang Filipino'ng asignatura. Pero gayunpaman kahit ayaw ko sa mga asignatura'ng 'yan ay may sapat naman akong kaalaman para may maisagot sa klase.
"Magandang hapon sa lahat!" panimulang bati ng guro namin sa kasaysayan.
"Magandang hapon din po ginoo," pabalik naming bati sa kan'ya.
"Maupo!" sigaw nya.
"Ang ating pag-aaralan ngayon ay tungkol sa kontinente," panimulang diskusyon nya.
"Mayroon tayong pitong kontinente sa mundong ito, at maaari bang isa sa inyo ang magsabi ng mga kontinente?" tanong nya sa aming lahat.
"Ginoo! Africa po!" taas kamay'ng sagot ni Lex.
"Hmm, magaling! Ano pa?"
"Ginoo, Asia!" si Ana ata yung sumagot.
"Ginoo, Antarctica!" si Jose.
"Ginoo, Australia!" hindi ko kilala ang nagbanggit.
"Ginoo, Europe!" si Gab.
"Ginoo, North America at South America po!" si Julie naman.
"Aha! Magaling mga studyante. Patunay ngang nag-aaral kayo," pagbibigay komento nya sa mga sumagot.
"Uhmm, ginoo!" pagta-taas kamay ko dahil may gusto lang akong i-kompirma.
"Oh ginoong?" tanong nya.
"Tareon po ginoo, Tar nalang po para konti," sabi ko.
"Oh Tar, ano 'yon?" tanong nya.
"Ginoo, gusto ko lang po sanang ipa-alam na may walo po tayong kontinente sa mundo at may isang hindi nabanggit doon," panimula ko at ina-asahan ko ng magulat ang mga mukha nilang lahat.
"At ano naman ang panghuli, Tareon?" tanong nya.
"Ang kontinente ng Zealandia ginoo," sagot ko at nagtaka sila.
"Sa karamihan ng mga pamantayan, ang ating mundo ay may pitong kontinente – Africa, Antarctica, Asia, Australia o Oceania, Europea, North America, at South America. Naniniwala ang isang grupo ng mga heologo na dapat nating kilalanin ang ikawalo at yun ay ang Zealandia ginoo," pagpapaliwanag ko.
"Hmm tama! Magaling! Parang narinig ko na din ang kontinente ng Zealandia noon, pero nasa dalawampung unang siglo na tayo ginoong Tareon, kung kaya't ang tunay na bilang ay pito lamang. Pero magaling ka dahil naibahagi mo ang kaalamang yan na noon pa at mas mahalaga ay naipa-alam mo ito sa mga hindi alam. Magaling, palakpakan!" sabi ng guro at sinunod naman ng mga kaklase ko at pinalakpakan nga ako. Tsaka nagpatuloy sa diskusyon ang aming guro.
"Maaari bang magbigay kung ano ang kontinente?" tanong uli ng guro.
"Ginoo!" sigaw ni Julie.
"Oh binibining Julie?" at tumayo naman si Julie.
"Ang kontinente ay isa sa ilang napakalaking masa ng lupa. Karaniwang tinutukoy ng kombensiyon sa halip na anumang mahigpit na pamantayan, hanggang pitong rehiyon ang karaniwang itinuturing na mga kontinente sa heopolitikong paraan," pagtatapos ni Julie.
"Magaling Julie! Saktong-sakto!" komento ng guro.
"Pero ginoo! Sa heolohikal, ang mga kontinente ay tumutugma sa mga lugar ng mga bahagi ng kontinental tulad ng Madagascar na hindi binibilang sa mga heopolitikal na kontinente. Ang ilang mga kontinente ng heolohikal ay natatakpan ng tubig, tulad ng Zealandia. Ang kontinental na pang-ibabaw ay kilala lamang na umiiral sa ating mundo," dagdag pa nya. Hindi lang pala ako ang may alam sa Zealandia kundi sya din.
"Kamangha-mangha kayong dalawa binibining Julie at ginoong Tareon. Alam mo din pala ang kasaysayan ng kontinente tulad ng Zealandia binibining Julie. Maaari na kayong mag-ingay at kausapin ang mga kaibigan nyo. Nasagot na lahat ng dapat kong itanong. Palakpakan nyo naman ang dalawang matatalinong estudyanteng ito," sabi ng guro at nagsipalakpakan naman ang lahat, pagkatapos ay umalis na sya.
Sumunod naman ang ikalimang asignatura at yun ay ang ingles, isa sa paborito kong asignatura. Nakinig naman ako at ang idi-diskusyon nya ngayon ay ang 'The Portrait of Lady' na may walong pahina at limang tula at ang bawat pahina ay may sariling titulo. Medyo hindi na ako nakinig at kinuha nalang ang kwaderno ko para magsulat ng mga mahahalagang impormasyon.

Komento sa Aklat (49)

  • avatar
    Jolie Reyes

    Tunay na kahanga-hanga ng iyong gawa, ako'y nasisiyahan sa mga malalalim nitong mga salita.

    16/04/2022

      6
  • avatar
    Marinel

    wow 😮

    31/10/2024

      1
  • avatar
    Jimmy Manzano

    good

    13/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata