Homepage/A Heartthrob Dweeb [Tagalog]/
Nakakatawa 'Yon?
Mel's PoV
Miyerkules na ngayon at nung isang araw pa nung huli kong makita si Alex, nagtataka ako kung bakit 'di na siya dumadaan dito o bumibisita man lang. Wala kaming pasok ngayon kaya andito ako sa hospital na nakabantay lang sa kuya kong patulog-tulog lang. Hanggang ngayon 'di pa din alam ni Mama ang nangyari kay kuya dahil sa sobrang busy niya, at ayaw niya din magpa-istorbo kapag may tinatrabaho siya.
Hindi ko namalayang tanghalian na pala kaya kumuha nalang ako ng pagkain sa nakahandang ref nila pagkatapos ay lumabas ako para painitin ito. Ilang minuto pang paghihintay at natapos na yung minuto para mainit ang pagkain ko, bumalik akong muli sa loob ng kwarto at doon na kumain.
"Kuya.. alam mo naman siguro diba? Nahahalata ko na din kasi noon na may tinatago ka sa'kin. Alam kong alam mo na ang tungkol kay Alex noong naging kami, kaya minsan nagtaka ka kung bakit sabik na sabik ako noong umalis kaagad sa lugar na 'yon," mahinang kwento ko pa sa kuya ko habang kumakain.
"Sobrang nahihiya lang talaga ako magkwento sa'yo ng mga problema ko, ayaw ko na din kasi makadagdag pa sa pasanin mo... Sabagay matatag ka naman diba?" sabi ko pa at tumulo ang luha ko.
"Kaya ayaw na ayaw ko magsabi sa'yo.. kasi.. ayaw ko na ulit makita yung.. yung luhaan mong mukha.. yung alam kong sobrang stressed at depressed ka na.. ayaw ko ulit yun makita kuya," huling sabi ko at tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. Ilang minuto pang pag-iyak hanggang sa makabawi ako ng lakas, at hindi ko na natapos ang pagkain ko.
Lumabas na muna ako ng hospital para magpahangin at magliwaliw muna ng sandali, pumara ako ng dyip papuntang mall dahil bibili ako ng mga susuotin ko. Pumunta muna ako sa atm para kumuha ng pera, pagkatapos ay naghanap na ako ng mga mabibili kong gamit. Bumili na din ako ng pagkain pang konsumo sa akin sa hospital at mga iba pang mahahalagang dapat bilhin. Pagkatapos ay umuwi muna ako sa bahay para linisan 'yon, dahil kanina ay umalis nalang ako ng biglaan. Matagal tagal pa nang matapos akong maglinis sa buong bahay at tiningnan ko naman ang relo at alas kwatro na pala. Naghanda muna ako pagkatapos ay umalis na sa bahay.
Pagkarating ko sa kwarto ni kuya ay parehas parin sa dating ka-anyuan, makulimlim at medyo madilim. Ayaw kasi pabuksan muna ang bintana sabi ng nars, kaya hindi ko muna binubuksan.
Inilagay ko nalang ang mga nabili ko sa loob ng drawer at yung mga pagkain naman ay sa ref. Dinala ko din yung bag ko galing sa bahay para diretso na ako sa paaralan bukas.
"Ang init!" bulyaw ko pa. Wala akong paki kasi si kuya lang naman kasama ko dito.
"Oo nga?" may sumagot kaya medyo nangilabot ako! Shemsssss!
"Sino 'yon? Shoetaaaa wala naman akong kasama dito ah? Si kuya langggg," sabi ko pa sa isipan ko habang nagmumura at umiiyak na.
"Huy oka—."
"AHHHHHHHHHH LUMAYO KA! LUMAYO KA! SA NGALAN NI—."
"Manahimik ka nga," sabi niya nang matakpan niya ang aking bibig gamit ang kamay niya.
"Bogh oobgg ohhg obggb oggh," sabi ko habang nasa bibig ko pa din ang kamay niya.
"Ano?" sabi niya at binitawan ang bibig ko.
"Sabi ko, ba't ka ba andito?" pagka-klaro ko sa sinasabi ko kanina.
"Dahil bumisita ako?" patanong na sagot niya.
"Oo nga! Pero! Aish!!! Kailan ka pa dito?!" naiinis na tanong ko.
"Kani-kanina lang nung pag-alis mo.. tapos nakatulog na ako," sagot niya at bumalik naman siya sa upuan niya.
"Eh ba't hindi ka nag-ingay!?" pasigaw na tanong ko.
"Kasi nga PO tulog PO ako," sabi niya na mas nilakasan talaga yung PO.
"Tch! Muntik mo na akong patayin Alex!" sabi ko at bumalik sa ginagawa ko kanina.
"Anong mga binili mo?" tanong pa niya tsaka narinig kong lumapit siya sa'kin.
"Mga gagamitin ko tsaka pagkain ko na din dito," sagot ko katanungan niya.
"Ahh," sabi niya lang at bumalik sa kinauupuan niya. Ilang minuto pa ang lumipas at natapos na din ako sa pag-aayos ng mga gamit ko.
"Ahhh bakit pala.. 'di ka na bumisita noong nakaraang araw at kahapon?" nagtatakang tanong ko.
"Ah.. may pinuntahan lang ako tsaakaaa.. may tinatapos din ako eh," sagot niya pero parang kalahati ng sinabi niya ay sinungaling.
"Ahh ganoon ba," sagot ko nalang.
"Ba't naman napadalaw ka ngayon?" dagdag na tanong ko.
"W-wala lang.. nais ko lang makita yung kalagayan ng kuya mo," sagot niya at alam kong totoo na ang sinasabi niya.
"Yung totoo.. gusto ko ng masinsinan," sabi ko pa at mas lumapit sa kaniya at umatras naman siya ng dahan-dahan.
"A-ano?" kabadong tanong niya.
"Magka-ano ano ba kayo ng kuya ko? Parang sobrang malapit ka sa kaniya eh, tapos ikaw pa yung nagligtas sa kaniya.. may gusto ka kay kuya noeh?" pangbibisto ko sa kaniya at habang sinasabi ko ang mga katagang 'yon ay nagbabago ang ekspresyon niya, galing sa pagiging kalma patungong balisa.
"A-ano bang.. sinasabi mo jan?" pasagot na tanong niya at iniwas pa ang tingin sa akin kaya medyo lumayo na ako sa kaniya.
"Sagutin mo nalang," pang-aasar ko pa.
"Wala kaming koneksyon ng kuya mo.. okay? Tsaka ako lang siguro yung iniisip na close kami.. kasi.. iniiwasan niya din ako nung magta—, magpakilala ako sa kaniya," naisagot niya at huminga siya ng malalim matapos niyang sabihin 'yon.
"Tsaka.. nagkataong naligtas ko ang kuya mo noeh! Kaya magpasalamat ka nalang sa'kin!" dagdag niya at parang ako naman 'tong nahiya sa sinabi niya.
"O-oo nga eh," sabi ko pa at hinimas himas ang paa ko.
"Teka.. diba sabi ng doktor noon na magigising na siya? Pero parang bakit hanggang ngayon hindi pa din siya nagigising?" nagtatakang tanong ni Alex.
"Ang totoo niyan.. nakausap ko yung nag-opera sa kaniya. Sabi nung siruhanong nakausap ko, hindi pa daw siya magigising ng ilang linggo," nanlulumong sagot ko.
"Ibig mong sabihin? Baka umabot ng buwan?" 'di makapaniwalang tanong niya.
"Oumm," sagot ko at yumuko pa tsaka kinutkot yung kuko ko.
"Kailan mo pa nalaman?" mahinahong tanong niya.
"Nung araw na umulan," sagot ko at parang nakuha naman niya ang sagot ko.
"'Yan na lang daw ang aalahanin natin, yung pag-gising niya. Wala na siyang ibang problema bukod sa kung kailan siya magigising. Sana nga ay mapaaga 'yon kahit isang linggo man lang," sabi ko na umaasang magkakadiwa na ulit siya.
"'Wag ka mag-alala.. 'di naman tayo papabayaan ng Diyos," sabi niya na siyang dahilan ng ikinatatag ko.
"Salamat," sabi ko at nagpakawala ng buntong hininga. Naging tahimik naman ang paligid matapos kong sabihin iyon, ilang sandali din ay may pumasok na nars tsaka tsinek ang kalagayan ng kuya ko. Ganoon pa rin ay umalis kaagad siya matapos siyang magsulat sa papel na dala-dala niya.
"Ganoon ka talaga noh?" tanong pa niya at nagtaka naman ako sa naging tanong niya.
"Ha?" lutang na pagkukumpirma ko.
"Ang sabi ko, ganoon talaga reaksyon mo pag may lumalapit sa kuya mo. Tsaka parang papatay ka ng tao kung makatingin ka kapag lalabas na yung nars," sabi niya pa at medyo natawa ako sa sinabi niyang papatay talaga ako ng tao.
"HAHAHA.. hindi ganoon 'yon, naiinis lang ako kasi pagkatapos niyang pumasok dito na walang pasabi eh aalis din ng wala man lang sinasabi," pagpapaliwanag ko pa at tumango tango naman siya. Naging tahimik muli ang paligid tsaka niya tiningnan ang relo niya pagkatapos ay tumayo.
"Alis na siguro ako," sabi niya at kinuha ang selpon nito mula sa bulsa niya.
"Sige.. ingat ka ah?" sabi ko pa at tiningnan siya hanggang sa makaalis na ito.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (49)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Tunay na kahanga-hanga ng iyong gawa, ako'y nasisiyahan sa mga malalalim nitong mga salita.
16/04/2022
6wow 😮
31/10/2024
1good
13/10/2024
0Tingnan Lahat