Homepage/A Heartthrob Dweeb [Tagalog]/
Huli Ka!
Alex's PoV
Anong oras na at hindi pa din bumabalik yung kapatid ni Tar. Hindi pa naman ako uwing-uwi pero parang sumama ang pakiramdam ko at masama din ang kutob ko. Ilang minuto pa habang nakatayo ako sa tabi ni Tar ay biglang bumukas yung pintuan.
"Andito ka na pala," sabi ko at umupo sa sopa.
"Hmm? Inaantay mo ako?" tanong niya.
"Hindi naman.. ahmm may problema ba?" naitanong ko bigla dahil parang galing sya sa pag-iyak.
"Wala naman, bakit?" tanong niya pa.
"Umiiyak ka kasi," buking ko pa sa kaniya.
"H-ha?! Umiiyak ba ako?" nagpapanggap na tanong pagkatapos ay pinahiran ang mata nito.
"'Di naman halata," nang-aasar na sabi ko.
"Sige alis na ako.. may kailangan pa akong tapusin eh," sabi ko pa at dumiretso na lumabas ng kwartong 'yon. Wala talaga akong tatapusin, gusto ko lang tumulong sa pag-iimbestiga. Pumunta muna ako ng paaralan gamit ang kotse ko para kausapin ang guwardiya.
"Magandang hapon ser.. napadaan po kayo? May naiwan po ba kayo sa loob ng campus?" tanong pa niya dahil kakaunti nalang ang tao sa loob ng campus.
"Wala naman, may itatanong lang sana ako sa inyo manong," sabi ko pa at bumaba ng kotse.
"Oh ano 'yon?" tanong niya.
"May CCTV po ba sa bandang library po? Yung sa may bench po malapit?" tanong ko pa dahil may kutob akong nakunan iyon ng CCTV ng paaralang ito.
"Ahh oo meron nga," sagot niya at nabuhayan naman ako.
"Pero 'di nga lang ako sigurado kung gumagana pa 'yon nung araw ng insidente," dagdag niya at medyo bumigat naman ang pakiramdam ko.
"Pero maaari ko po bang tingnan?" pagkukumpirma ko dito.
"Oo naman.. sasamahan lang kita," sabi niya at may kinuhang susi sa box.
"Brad jan ka muna ah? May titingnan lang kami saglit," sabi pa niya sa kasamahan niya na nagsusulat sa papel.
"Sige sige," sagot lang ng kasamahan niya.
"Tayo na po," sabi naman ng guwardiyang sasama sa'kin. Napunta naman kami sa control room kung saan nandoon lahat ng mga files at may monitor room din. Dumiretso naman kami sa monitor room at siya na ang gumawa ng paraan para makita ang clip nung araw na 'yon.
"Ayan-ayan," bigla kong nasabi nung nakita kong lumapit ako kay Tar. Pinanood pa namin ang pag-alis ni Tar hanggang sa mawala siya sa monitor.
"Wala po bang ibang cctv sir na magkokonekta non?" tanong ko pa.
"Wala na po sir eh," naisagot niya lang kaya naman nanlumo nalang ako.
"Maiwan ko po muna kayo sir," sabi pa niya at umalis sa loob ng kwarto. Kinuha ko naman ang pagkakataong 'to para magsiyasat sa lahat ng anggulo noong araw na 'yon. Tiningnan ko lahat ng nakakonekta sa library at makikita kong may lalaking nakaitim na naglalakad na may dalang pamalo, tinakpan niya ang kaniyang mukha gamit ang maskarang itim pagkatapos ay nawala na siya sa monitor.
"Ha! Huli ka ngayon balbon!" sabi ko nalang sa isipan ko pagkatapos ay kinopya ang clip sa selpon ko, nang matapos ako ay pinatay ko muna ang PC pagkatapos ay lumabas na kaagad.
"Oy sir, aalis na po kayo?" tanong ng guwardiya nang makita niya akong lumabas galing sa monitoring room.
"Ah opo, na-alala ko lang po meron pa po pala akong gagawin sa bahay," sabi ko pa at tiningnan ang hawak niya.
"Ah sige po sir," sagot niya lang at tiningnan naman niya ang hinahawakan niya.
"Eto po sir? Na-alala ko din po kasi na kailangan ko 'tong ilagay sa monitoring room," sagot niya lang.
"Ah ganoon ba? Sige alis na po ako manong," sabi ko pa at tinapik siya sa kaniyang balikat.
"Sige sige, mag-ingat ka iho ha?" sabi niya lang at tumalikod na ako pagkatapos ay umalis na ng paaralan. Tiningnan ko naman ang oras ko at alas singko na pala, dumiretso muna ako ng bahay para pag-aralan ang clip na 'yon.
Nang makarating ako sa bahay ay dumiretso ako ng kwarto pagkatapos ay ini-on ang PC ko at doon ko pinanood. Hindi ko namumukhaan ang lalaki bagaman ay sa tingin ko nasa hayskul palang ito. Pina-ulit ulit kong pinanood ang clip hanggang sa tuluyan ko na talagang ma-alala ang kaniyang mukha. Lumabas naman ako ng bahay kahit gabi na at dumiretso sa pulis istasyon para i-report ang nakita ko.
Pero sa halip ay matuwa ako dahil sa magandang balitang dala ko ay mas nainis at umapaw lang ang galit ko dahil nakikita kong nakaupo ang lalaking pumalo kay Tar. Mabilis ko siyang sinugod at dinakma pagkatapos ay sinuntok ng sinuntok hanggang sa mawalan ako ng lakas.
"S-sir sir sir! Tama na po! Sir!" awat ng mga pulis na nakakita.
"GAGO KA BA!?!" nangga-galaiting sigaw ko.
"ISA KANG KREMINAL! MUNTIK MO NG MAPATAY ANG KAIBIGAN KO!" galit na galit na sigaw ko pagkatapos ay gusto ko pa sana siyang banatan kaso mas mahigpit ang hawak ng pulis sa'kin.
"Sir tama na po, maaari ka pong kasuhan sa inyong ginagawa," sabi niya at wala akong pake-alam doon. Umayos naman ako ng tayo at inis na tiningnan ang nasa sahig na lalaking kriminal.
"Pa'no niyo siya nahuli?" galit ko pa ding tanong pero pinipilit ko pinapakalma ang sarili ko.
"May buybust operation po kami kanina at isa po siya sa nadakip doon, namukhaan din po siya ng isang pulis na minsang pumunta po sa paaralan niyo para mag-imbestiga," sagot niya at naliwanagan naman ako sa paliwanag niya.
"Sinong nag-utos sa'yo ha?!" sugod ko dito at agad naman rumisponde ang mga nakabantay na pulis.
"SINO!?" galit talagang sigaw ko. Ewan ko ba kung ba't ako nagagalit ng ganito, hindi ko makontrol ang galit ko.
"Hindi mo alam kung gaano pa katagal magigising ang pinagtripan mo!" sabi ko pa at inisip ang itsura ni Tar na nakahimlay sa kama'ng 'yon. Tumalikod naman ako pagkatapos ay inis na pinahid ang mukha ko.
"Wala pa po ba siyang sinasabi sir?" inis na tanong ko sa pumigil sa'kin kanina.
"Hindi pa po siya umiimik sir nung mahuli namin siya.. tsaka po 'wag ho kayong mag-alala dahil gagawin po namin ang lahat para mag-salita siya kung intensyon niya ba talagang gawin 'yon," sabi niya at medyo lumuwag naman ng konti ang pagginhawa ko.
"Sige po sir salamat," naisagot ko nalang.
"Makaka-asa ho kayo sa'min sir," dagdag pa niya at tinapik niya lang ang balikat ko. Tiningnan ko pa muna ng nakakamatay na tingin ang lalaki pero nakayuko lang ito, hindi na ako nagtagal sa loob at pumunta na ako sa kotse ko.
"Arghhh!" sigaw ko pa sabay hampas ng manibela. Malakas akong nagpakawala ng buntong hininga pagkatapos ay pinaandar na 'yong kotse. Dumiretso nalang muna ako sa bahay dahil alas sais na pala, nag-order nalang ako ng pang-hapunan ko dahil tinatamad na din akong magluto. Kinuha ko ang bag ng mga gamot ko dahil napasobra yata ang pagbugbog ko sa adik na 'yon.
"Tigas din ng bungo non ah?" sabi ko pa sa isipan ko at nilinis ko muna ang sugat ko gamit ang bulak at nilagyan ng agwardyente o alkohol. Sobrang hapdi ng sugat ko habang nilalagyan ko nito bagaman ay nakakaya ko namang tiisin. Pagkatapos kong linisan ay nilagyan ko na ito ng betadine para hindi ito maimpeksiyon. Ilang minuto pang paghihintay ay dumating na 'yong in-order kong pagkain at kumain na din ako.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (49)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Tunay na kahanga-hanga ng iyong gawa, ako'y nasisiyahan sa mga malalalim nitong mga salita.
16/04/2022
6wow 😮
31/10/2024
1good
13/10/2024
0Tingnan Lahat