Homepage/A Heartthrob Dweeb [Tagalog]/
Kataka-taka
Alex's PoV
Kahit pilit kong alalahanin ang nakaraan, wala talagang pumapasok sa isip ko. At sa tuwing pinipilit kong alalahanin sya ay bigla bigla nalang sumasakit yung ulo ko. Nilisan ko ang hospital dahil ayaw ko munang magtagal doon, alam ko namang paiyak na yung kapatid ni Tar kanina kaya tumayo ako bigla at nagpa-alam. Naka uwi na ako ng bahay gamit ang kotse ko, pagkatapos ay dumiretso at natulog na kahit 'di pa ako kumakain.
K I N A B U K A S A N
Maaga akong nagising dahil maaga din naman akong natulog kagabi, nagluto muna ako ng makakain ko tsaka kumain pagkatapos ay umalis na ng bahay. Nang makarating ako ay nandoon pa rin yung kotse ni Tar sa paradahan. Pumunta na ako ng silid aralan ko at sobrang tahimik ng lahat, walang ni isang sumubok basagin ang katahimikan hanggang sa dumating ang guro namin.
"Mr. Alex, the principal is asking you to go to his office," sabi niya kaya tumayo ako tsaka umalis dala ang bag ko. Nang makarating ako ay kumatok pa muna ako bago ako pumasok sa opisina nya.
"Yes po sir?" tanong ko.
"Tungkol ito sa kaso ni Tareon Cyan.. may ilang katanungan lang ang mga pulis sa'yo. Maya-maya din ay darating na sila dito para hingin ang iyong parte," sabi nya at tuluyan na akong pumasok.
"Maupo ka muna diyan," dagdag nya at sinunod ko naman ang sinabi nya. Naghintay pa ako ng ilang minuto at may kumatok sa pintuan tsaka ito bumukas. Nakita ko namang mga pulis ito kaya tumayo ako at nagbigay galang sa kanilang dalawa.
"Ikaw ba si Mr. Alex?" panimulang bati nya.
"Opo," tanging sagot ko.
"May ilan lamang kaming katanungan tungkol sa pagdala mo kay Mr. Tareon Cyan," sabi nya at may kinuha sa bag nya.
"Maupo ka," dagdag nya at umupo naman ako. Kinuha naman nya yung bakanteng upuan at hinarap ako.
"Bago po mangyari ang insidente, nasaan po kayo noong oras na iyon?" panimulang tanong nya, tumikhim pa muna ako bago sinagot ang kaniyang tanong.
"Nasa loob po ako ng campus non, galing po akong canteen non tapos sinundan ko po si Tar at pumunta po sya malapit sa silid i kung nasaan po yung bakanteng upuan. Nag usap pa po kami non ng matino pagkatapos ay iniwan niya ako," sagot ko.
"Ano naman ang dahilan nya para iwan ka? May sinabi ka ba sa kaniyang hindi niya ikinatuwa?" seryosong tanong nya na parang may sobrang lalim na ibig sabihin non.
"Wala po.. humingi lang po ako ng pagkaing turon sa kaniya at isinalansan nya po yung turon sa baba ko. Pagkatapos po nun umalis na po siya," sagot ko.
"Matapos non ano namang ginawa mo?" tanong nya.
"Nag-antay pa muna akong mawala sya sa paningin ko, pagkatapos non sinundan ko na sya," pahina ng pahina ang boses ko ng sinagot ko iyon.
"Ano ng nangyari?" tanong nya at nagsusulat sa papel nya.
"Yun na po.. may nakita po akong lalaking nakajacket na nakaitim na tumatakbo papalayo po sa katawan ni Tar na nasa lupa po," sagot ko at tumingin lang ako sa mata niya.
"Tapos dinala mo na siya pagamutan?" tanong nya.
"Opo," sagot ko at hindi pa muna sya nagsalita at sa halip ay may sinusulat pa sya. Tumayo naman sya pagkatapos ay tumikhim ng pangalawang beses.
"Maraming salamat sa iyong kooperasyon Mr. Alex, kokontakin po namin ang paaralang ito sa oras na mahanap namin kung sino ang may gawa nito sa nobyo mo," sabi nya at nagulat pa ako dito.
"P-po? Nobyo? Hindi ko po siya nobyo.. kaiskuwela ko lang po siya," pagpapaliwanag ko at natawa naman siya.
"Ah yon ba? Pasensya pasensya," sabi nya at isinilid sa bag nya ang kaniyang kinuhang papel kanina.
"Mr. Cruz," tawag niya sa principal.
"Salamat po sa inyong kooperasyon, asahan nyo pong tatawagan po namin kayo sa oras na may mahanap po kaming ebidensya," sabi niya at umalis na sila.
"Mr. Alex you may leave now. Thank you so much for your cooperation," sabi nya at hinawakan ang balikat ko.
"Sige po sir una na po ako," sabi ko at umalis na ng opisinang 'yon. Pagkarating ko sa silid aralan ay tumango lang ang guro ko na ibig sabihin ay pinapapasok niya ako. Hindi na ako nagsalita pa at pumasok nalang pagkatapos ay umupo sa upuan ko. Nakinig lang ako sa diskusyon nya hanggang sa dumating ang susunod na magtuturo, sobrang tahimik padin ng lahat at kahit yung guro ay nararamdaman kong saliwa sya. Nagturo lang sya pero parang walang pumapasok sa utak ko dahil sa sobrang okupado nito.
"Nobyo?!" tanong ko pa sa utak ko.
"Hayst," napabuntong hininga nalang ako ng mahina at pinipilit itinuon ang atensyon sa nagtuturo ngayon.
"Yung mama mo? Na-alala mo ba?"
"Kung gayon dapat na-aalala mo din ako?" bigla nalang sumakit ang ulo ko ng maala-ala ko ang sinabi niya. Pilit kong pinakalma ang sarili ko, huminga muna ako ng malalim hanggang sa umayos na ang paghinga ko. Natapos naman ang klase na walang nag-ingay pagkatapos ay pumunta na ako ng canteen para kumain ng tanghalian.
"Yung mama mo? Na-alala mo ba?"
"Kung gayon dapat na-aalala mo din ako?" Napakapit pa ako sa bakal na poste dahil pakiramdam ko nahihilo ako.
"Tanungin ko kaya si mama?" tanong ko pa sa isipan ko kaya mabilis na kinuha ang selpon ko sa bulsa ko at tinawagan ang numero nya pero walang sumasagot. Nasa trabaho pa siya ng mga oras na 'to, isinilid kong muli ang aking selpon pagkatapos ay dumiretso na sa pilahan. Bumili lang ako kung ano yung natipuhan ko pagkatapos ay naghanap ng mauupuan. Wala akong gana kumain kaya hindi ko naubos ang kinakain ko, kinuha ko naman ang selpon ko at tinawagan ulit si mama. Sa pangalawang pagkakataon ay sinagot niya na ito.
"Hello anak? Kamusta? Ba't napatawag ka?" tanong niya.
"Ma..," pagpuputol ko sa sasabihin ko.
"Oh ano 'yon?" nag-aalalang tanong niya.
"Ma may alam ka bang pangalan na Melody Cyan?" tanong ko pa at medyo matagal pa bago sya magsalita.
"Ha? Melody Cyan? Wala akong alam na ganyang pangalan," nag-aalangang sagot niya. Medyo hindi ako naniniwala kay Mama ngayon pero hindi ko nalang ito ipinahalata.
"Bakit anak? May nangyari ba?" dagdag na tanong niya.
"Po? Wala naman po," sabi ko at sumubo ng isang kutsarang pagkain.
"Patayin ko na anak ha? May ginagawa pa kasi ako," sabi niya at nilunok ko muna yung kinakain ko bago ako sumagot.
"Sige po ma.. ingat po kayo diyan. Labyu po," sabi ko nalang at hindi na siya nagsalita pa bagkus ay pinatay niya na kaagad.
"Kakatwa at ganoon ang kaniyang kilos?" natanong ko nalang, inubos ko nalang ang kinakain ko pagkatapos ay nilisan ang lugar na 'yon. Bumalik nalang ako sa loob ng silid aralan dahil wala naman akong gagawing iba.
"Ano kaya ang pwede kong gawin para makatulong sa pag-iimbestiga?" nasambit ko nalang. Tsaka ko naman iniyuko ang ulo ko at hinarang ang aking braso para magsilbing unan iyon.
"Oy Alex," may tumawag sa'kin kaya iniangat ko ang aking ulo.
"Hmm?" tanong ko pa nang makita kong si Harold ito.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya.
"Oo naman.. may.. mali ba sa'kin?" biglang tanong ko.
"Wala naman.. nag-aalala lang kami sa'yo kasi baka ikaw yung mapagbintangang pumalo kay Tar," nag-aalala talagang sabi niya.
"Ha? Pa'no niyo naman nasasabi iyan?" nagtataka ko pang tanong.
"Kasi yung testamento mo daw hindi kapani-paniwala," sabi niya at napaisip naman ako.
"Siya, diyan ka muna 'wag ka masyadong mag-alala.. naniniwala kami sa sinasabi mo," sabi niya at umalis naman siya sa harapan ko. Pinagpatuloy ko nalang ang naputol kong pag-idlip kanina.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (49)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Tunay na kahanga-hanga ng iyong gawa, ako'y nasisiyahan sa mga malalalim nitong mga salita.
16/04/2022
6wow 😮
31/10/2024
1good
13/10/2024
0Tingnan Lahat