Homepage/A Heartthrob Dweeb [Tagalog]/
Lihim
Tar's PoV
Huling asignatura na namin ngayon at may walong minuto pa kami bago tumunog ang batingaw pero yung guro namin ngayon ay sobrang sinusulit ang oras niya ngayon.
"Bukas na naman muli. Paalam mga anak," sabi nya tsaka umalis. Nagsilabasan naman ang lahat kahit 'di pa man tumutunog ang batingaw.
"Hoy yung maglilinis ngayon maiiwan!" sigaw ng pinuno ng pangkat ikalima.
"Hala yung mga lalake tumakas na naman!" sigaw ng isa nilang ka grupo.
"Hala sige boys umalis kayo! Makikita nyo marka nyo sa lunes na may guhit pito," banta ng pinuno nila kaya naman nagsibalik ang mga nakarinig non.
"Ayun naman pala eh, ayaw naman palang malagyan ng pitong numero ang marka nyo," sabi pa ng isang sumigaw kanina. Sinuot ko na ang bag ko tsaka umalis na dahil kahapon naman ang termino ng paglilinis ko.
"Sya na naman," sabi ko pa sa isipan ko dahil kahapon din ay nag-aantay sya sa'kin dahil sa nangyari noong miyerkules na pinagbintangan ko sya. Hindi ko nalang sya tiningnan sa mata at mabilis na naglakad pero nahawakan nya ang kaliwang braso ko.
"Ano na naman?" walang kagana-ganang tanong ko.
"Sino ka ba sa inaakala mo, ha?" tanong pa nya.
"At ikaw sino ka din ba sa inaakala mo?" balik tanong ko sa kan'ya.
"Huh! Kung inaakala mong nakakalimutan ko na 'yong ginawa mo nung pinagbintangan at tinapunan mo'ko pwes hindi!" inis na sigaw nya at tinulak ako pabalik sa nilalakaran ko kanina, at ngayon ay magkaharap na kami.
"Woy may away."
"Hala sino yan?"
"Ba't naman dito pa sila nag-away?"
"Gaggsti baka magsuntukan yan," mga bulong bulongang naririnig ko pero hindi ko nalang iyon pinansin.
"Huh! Kaya pala.. kumikimkim ka pala ng galit ano?" sarkastikong tanong ko sa kan'ya.
"Anong sabi mo?" nauubusan ng pasensya nya at sinugod ako tsaka marahas na hinawakan ang kwelyo ko.
"Oh? Galit ka na agad? Totoo naman diba?" seryosong tanong at tiningnan pa ito sa mata.
"Pareho lang tayong estudyante dito kaya dapat pantay lang tayo, 'wag kang magmarunong kung wala ka namang maibubuga. Maliwanag?" sabi ko na inilapit pa ang mukha ko sa kan'ya tsaka ko marahas na tinanggal ang mahigpit na pagkakahawak nya sa kwelyo ko. Nakikita ko sa mga mata nitong may sasabihin pa ito pero wala syang sinasabi ngayon kaya lumihis ako ng daan para hindi ko sya mabangga. Naglakad na ako papalayo sa kan'ya at unti-unti na ding nagsisi-alisan yung mga nakikinig kaninang estudyante.
"Oy Tar, sino 'yon?" malanding tanong ni Liza sa'kin!
"Wala!" inis na sagot ko at mabilis na naglakad papunta sa silid aralan nila Mel. Nagsilabasan na din ang pangkat nina Mel kaya nag-antay nalang ako na makalabas sya.
"O-oh kuya," gulat na sabi nya at may naririnig pa akong nagbubulungan na nagpapansin na naman sa'kin kahit araw-araw akong pumupunta dito sa klase nila.
"Ba't naman parang galing kang away ha?" tanong nya.
"Ha? Bakit naman?" tanong ko at nagsimula ng maglakad.
"Nakasimangot ka kasi at isa pa nakakunot yang noo mo," sabi nya at tiningnan pa talaga ang mukha ko.
"Tch wala 'to. Isang letcheng lalake lang ang sumisira sa araw ko," sabi ko pa at natawa naman ito.
"Mmm! Dyaan ka magaling sa patawa tawa mo!" sabi ko pa at mahinang tinapik ang ulo nito.
"Wehh? Lalake lang? Umuurong naba kaastigan mo ngayon?" tanong pa nya at malapit na kaming lumabas ng gate.
"Tsk! Tumigil ka na nga!" sabi ko pa at binuksan ang pintuan ng sasakyan ko at sumakay na.
"Oy umiiwas sa usapan! Baka ibang away na yan ha? Baka mapunta na yan sa—,"
"Ano?" putol ko sa kan'ya nang makasakay na sya.
"Hehehe wala," sabi nya at nag senyas pa ng dalawang daliri niya. Hindi naman na sya nagsalita pa at pina-andar ko na yung sasakyan.
"Mel," tawag ko sa kan'ya habang nagmamaneho ako.
"Hmm? Bakit?" tanong nya at lumingon sa'kin.
"May bumabagabag ba sa'yo?" seryosong tanong ko at alam kong bumibigat naman ang tensyon ngayon dito.
"Wala na..man," sabi nya na parang nag-iisip pa ito.
"Sa ngayon wala naman," dagdag pa nya.
"Anong sa ngayon? Yung totoo Mel gusto kong malaman kung may pinoproblema kaba?" ulit na tanong ko at lumingon pa sa kan'ya.
"Kuya wala po talaga, pangako!" sabi nya at itinaas ang kamay nito.
"Hindi ako naniniwala. Inaantay ko lang na sabihin mo. Pero kung hindi ka pa handa sa ngayon hindi naman kita pinipilit na sabihin sa ngayon," sabi ko pa at itinuon ang paningin sa daan. Hindi naman na sya sumagot pa at tumingin nalang sa labas, ilang sandali pa ay lumiko na ako at 'yon na ang bahay namin. Inihinto ko ang sasakyan para bumaba si Mel tsaka ko ito pinarada sa paradahan namin. Bumaba na ako at binuksan ang pintuan ng sasakyan ng likuran para kunin ang bag ko tsaka ako pumasok sa loob ng bahay. Tsinek ko ang oras at malapit na palang mag- alas singko. Umakyat na muna ako at inilagay ang bag ko sa kama ko tsaka nagbihis, pagkatapos ay bumaba na din ako para maghanda ng lulutuin ko. Kumuha ako ng karneng manok sa ref at tinadtad ko ang kapiraso nito at ang kapiraso naman ay ibinalik ko sa loob ng ref. Pagkatapos kong magtadtad ay nagtadtad na din ako ng rekado tulad ng bumbay, at ahos pati na din yung paminta na dinikdik ko. Naghiwa na din ako ng sitaw para naman mas sumarap pa 'tong niluluto ko. Ginawa ko nalang itong adobong manok na may sitaw. Pagkatapos kong magluto ng ulam ay nagsaing na ako sa rice cooker tsaka ko ito iniwan at pumunta sa kwarto ko para magbasa-basa muna ng libro.
Mel's PoV
"Sasabihin ko ba kay kuya? Alam na nya kaya noon pa ang tungkol sa dati kong kasintahan? Tapos 'di nya lang sinasabi sa akin? Pa'no pag sinumbong nya na 'yon kay mama? Tapos nakiusap lang si kuya na wag akong pagalitan dahil baka bawasan ang rasyon ko? Pa'no na?" yan lagi ang tumatakbo sa isipan ko. Si kuya naman eh! Masyado akong pinag-iisip ng ganito! Ba't 'di nalang nya sinabi kanina! Tsk, kailangan pa bang ako talaga? At ngayon kinakalaban ko na naman ang sarili ko.
Lumabas na muna ako para mag stambay sa sala nang makita kong bukas ang kwarto ni kuya at nagbabasa ito ng libro. Hindi ko nalang sya tinawag pa at dumiretso na ako sa sala pagkatapos ay pinaandar ang TV dahil gusto kong manood ng balita! Galit na naman ako! May panagano indayog na naman ako, ano ba! Itinuon ko nalang ang panonood ko habang nakasimangot ang mukha ko.
"Hayysss! Ba't ba kasi kailangan pang bawasan yung dugo namin?! Ba't pa po ba kasi nagdesisyon si Hesus na sa sobrang kademonyohan ng dugo namin eh kailangan pang bawasan -_-," nayayamot at naiinis na sigaw ko sa isip ko. Tumayo nalang ako at pinatay ng marahas ang TV! Pagkatapos ay padabog na umakyat sa hagdanan patungong kwarto ko at malakas na isinara ang pinto. Isinalampak ko nalang ang mukha ko sa kama ko at kalaunan ay sumaya na ako sa mahimbing kong tulog. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (49)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Tunay na kahanga-hanga ng iyong gawa, ako'y nasisiyahan sa mga malalalim nitong mga salita.
16/04/2022
6wow 😮
31/10/2024
1good
13/10/2024
0Tingnan Lahat