logo text

Chapter 3 - The Conflict

"Hmm, nasaan kaya siya" sambit ko habang iniikot-ikot ang tingin ko 
Wala si sungit sa pagpasok ko, kahit sa kama at study table niya ay wala siya nang balingan ko ito ng tingin. Ngunit nakabukas ang laptop niya na nasa study table at nakalabas din ang mga gamit nito. 
Naisip ko na lang na baka lumabas lang siya saglit o may pinuntahan kaya wala siya rito—wala ang masungit na elemento sa dorm. 
Tumuloy na lang ako sa paglalakad upang dumiretso na lang sana sa kama ko at kumain na muna; hihintayin ko na lang si sungit, para iabot ang binili kong pagkain para sa kaniya. Nang maagaw naman ng atensyon ko ang tila ingay ng gripo sa banyo.
"Nasa cr lang pala siya" sambit ko sa isip at tsaka marahan na lumapit sa banyo upang i-check kung naroon nga ba talaga si sungit
Marahan kong inilapit ang sarili ko sa pinto at wala pang pag-aalinlangang mas lalong inilapit ang tainga ko sa pinto na halos dumikit na.
"Confirmed" sa loob-loob ko
Nang makumpirma ko ng naroon nga lang siya ay agad akong marahan na pumunta sa study table niya. Sunod ay agad kong ibinaba ang supot na kanina pa'y dala-dala ko. Dahan-dahan kong inilabas ang mga binili kong pagkain, para ihanda. 
Sa kaniya na lang yung Iced Chocolate Cappuccino since tila abala siya sa studies niya or kung ano man yung ginagawa niya na sigurado akong nakakapagod din, much better kung iced coffee ang sa kaniya. 
Iced coffee always tend to increased and improved the energy levels of every individual.
Habang tig-isa naman kami sa grilled cheese na binili ko, paborito ko kasi ang grilled cheese kaya idadamay ko na lang siya. Sana lang magustuhan niya rin.
Nang mailabas ko na ay maingat ko naman 'tong pinuwesto sa tabi ng laptop niya. Nakakita pa ako ng sticky notes sa mga gamit nito dahilan upang maisip ko ang mag-iwan din ng note para sa kaniya. Agad ko itong kinuha at marahan na pumilas ng isa; habang sunod ko namang kinuha ang isang panulat nito.
Masaya kong dinikit ang sticky note sa screen ng laptop niya. Hindi naman siguro siya magagalit kung sa screen ng laptop ko niya dinikit, hindi ba.. Para makita niya agad.
"Finallyyy!" masaya kong sambit bago kinuha ang pagkain ko na inilabas ko rin sa supot kanina
Umikot ako palikod upang sana'y bumalik na sa kama ko at makakain. Ngunit sa pag-ikot ko'y tila nanigas na naman ang buong pagkatao ko sa gulat nang nasa likod ko na pala si sungit. 
Tuwid lang siyang nakatayo sa harapan ko; sobrang lapit niya rin dahilan upang muntik na naman akong bumunggo sa dibdib nito. Ang tangkad naman kasi, hanggang dibdib niya lang ako. 
Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko upang sumulyap sa ekspresyon ng mukha nito dahil baka naiinis na naman siya at baka mapagtaasan na naman ako ng boses. Ayoko pa naman ng gano'n.
Magkasalubong ang kilay nitong nakatingin sa'kin sa pag-angat ko ng ulo ko, nakakatakot na kung tumingin siya dahil para bang naiinis na naman ito. But at the same, it gives me chills. Dahil maganda si sungit, na kahit naiinis siya, umiibabaw pa rin yung ganda niya.
"What are you doin?"
Isang malamig na boses ang muling binagsak sa'kin ni sungit, nang tanungin ako nito. Nakatingin lang siya sa'kin at kahit na pagkurap ay wala. Magkasalubong pa ang mga kilay nito habang nakayuko at nakatingin sa'kin.
Gano'n na ba ako kaliit sa kaniya? 
"Uh.. w-wala wala" utal kong tugon. Napansin ko itong tumingin sa likuran ko upang siguro'y tignan ang ginawa ko dahilan upang makakuha ako ng pagkakataon na makawala sa harapan niya
"Hey!" aniya pa nito
Kabado akong bumalik sa kama ko at naupo. Ngunit dahil malapit lang naman ang kama ko't kaunting distansya lang ang layo; tumalikod na lang ako. Para hindi ko makita ang mukha at reaksyon niya sa ginawa ko. Nagcocollab pa kasi ang kaba at hiya ko. 
I literally turned away back as I sat in my bed facing the walls—followed by intensely sipping my hot coffee. 
*cough* pag-ubo ko naman dahil sa init ng kape na hinigop ko na agad
Nang dahil sa kaba, napahigop tuloy ako ng kape nang wala sa oras. Mabuti na lang at nalunok ko agad kahit mainit. Muntik pa akong mabulunan dahil sa init sa lalamunan. 
*sigh* rinig kong pagbuntong hininga ni sungit
Sa inis ba ang pagbubuntong hininga niya? 
Galit kaya siya? 
Nagustuhan niya kaya?  
Ano kayang reaksyon niya?
Ano na kayang ginagawa niya? 
What if hindi niya nagustuhan?
What if hindi niya tanggapin?
What if ibalik niya lang sa'kin?
What if itapon niya? 
What if---
"Thanks" 
Nang biglang maputol ang mga boses na bumoboses sa utak ko nang marinig ko iyon. Did she just... said thanks? Marahan akong humarap dito na may nananatili paring kaba, pero lahat ng 'yon ay napalitan ng ngiti at tuwa dahil nakita ko siyang humihigop na ng iced coffee na binigay ko, habang abala sa pagpindot pindot sa laptop niya.
Nakahinga ako ng maluwag sa nakita ko at pasimpleng ngumiti dahil sa pagtanggap nito sa binigay ko. Sino ba naman ako para hindi matuwa na makitang tinananggap ng isang masungit ang binigay ko.
Gusto ko siyang lapitan at kausapin dahil sa tingin ko naman ay p'wede na. Gusto ko rin siyang makilala para naman hindi ganoong nakakailang kumilos dito sa dorm. Ang awkward kasi na pareho lang naman kaming nasa dorm pero hindi kami magkakilala, 'di ba. Araw-araw namin makikita yung pagmumukha ng isa't isa. 
Ngunit hindi ko na muna ito inabala sa ginagawa niya, baka mainis na naman siya't baka this time mas tumaas na yung boses niya sa'kin. Although hindi naman siya mukhang gano'ng tao.
.
.
.
Minutes passed by... 
.
.
.
*burp* malakas na pag dighay ko nang matapos kong mahigop ang huling higop sa kape ko. Mabilis ko naman tinakpan ang bibig ko para kahit papano'y mabawasan ng kahit onti yung lakas ng dighay ko. Jeezz, nakakahiya at ang lakas pa. Baka maka istorbo kay sungit. 
Madali akong tumayo at tumungo sa kusina para itapon ang pinagkainan ko. Nadaan ko si sungit na abala pa rin sa kaniyan ginagawa at napansin kong tapos na rin ito kumain. Sumulyap pa ako ng bahagya para tignan ang ginagawa nito kaso lang ay tumingin din ito sa'kin habang naglalakad ako nang madaanan ko siya; na agad ko namang ikinaiwas ng tingin.
Huh, ang bilis namang umikot ng ulo no'n. Mabuti na lang hindi niya ako nahuling nakatingin at mabilis ko ring naikot ang ulo ko paiwas sa tingin niya, kung hindi panibagong kahihiyan na naman 'to.
Pabalik na sana ako ng kama nang maitapon ko na ang basura, nasa likod ako ni sungit, bahagyang distansya lang yung layo. Habang sinamantala ko naman na ang pagkakataon na 'to para pagmasdan siya; kahit mula sa likod lang. 
Grabe, kahit nakatalikod, mararamdaman mo na talaga na maganda at may itsura siya. Wolf cut din ang gupit niya na bagay na bagay sa kaniya. Isang magandang babae na matangkad, maputi, makinis, naka-wolf cut, mga suotan niyang pormal, at para bang matatawag ko na siyang pogi't magandang babae—kaso lang masungit. 
"Ano kaya ang pinagkakaabalahan niya?"
"Bakit kaya siya masungit?"
"Ganoon ba talaga siya?"
"May boyfriend na kaya siya?"
"Saan naman kaya siya nag-aaral?"
"Call center ba siya't lagi siyang nakatutok sa laptop niya?"
Mga tanong na napadaan sa isipan ko habang pinagmamasdan ang masungit kong roommate.
Nacu-curious ako sa kaniya at gusto ko siyang makilala, pero paano? Hindi na ako makabuwelo pang kausapin siya matapos ang kahihiyan na nagawa ko. Baka sungitan niya na naman ako, huh. 
Habang pinagmamasdan ko si sungit, hindi ko inaasahan ang biglaan niyang paglingon sa'kin, o sa likuran niya kung nasaan ako na thankfully ay muli ko na namang naiwasan.
"What are you looking at on the ceiling?"
Nagtatakang tanong nito habang nakikitingin na rin sa kisame. Nagpanggap kasi akong may tinitingnan sa kisame nang biglaan itong lumingon sa kung nasaan ako. Wala na rin naman akong choice at 'yon na talaga ang kusang ikinilos ng kaluluwa ko, kaysa naman mahuli niya akong pinagmamasdan siya. 
"H-huh? Wala wala" kinakabahang tugon ko 
Kumuha ako ng upuan at nagmadaling umupo sa tabi niya, bagamat may bahagyang kaba at hiya, at least susubukan. Marahan at nahihiya akong naupo sa tabi ni sungit na may ngiti, habang bakas naman sa muka niya ang pagtataka.
Thankfully normal akong naupo at walang kahit anong kahihiyan na nagawa. Kahit papaano naman ay naging normal na tao na ako sa paningin niya.
"H-hi.." nahihiya kong pagbati nang may ngiting kinakabahan
Nakatingin lang siya sa'kin at walang kahit anong sinambit. Tingin na para bang naghihintay pa ito ng susunod kong sasabihin. Mga tinginan niyang normal lang naman pero lubos na nakatutunaw kung iyong pagmamasdan. 
Isang malalim na paghinga muna ang ginawa ko bago pasimpleng nag sign of the cross. Nakakakaba talaga, baka hindi niya ako pansinin. 
"I would like to apologize for what I did earlier" seryoso kong pagpapaumanhin habang bahagyang nakayuko at mariin na nakapikit
...
Nakayuko pa rin ako't nakapikit na naghihintay ng sagot niya, tila mag-iisang minuto na't wala pa rin akong naririnig na kahit anong salita. Narinig niya kaya ako? Uulitin ko ba? Hindi ko alam. Ayoko pang imulat ang mga mata ko at tumingin sa kaniya, hihintayin ko muna ang sagot niya.
...
Mag iisang minuto't kalahating segundo na, wala pa rin akong naririnig na kahit ano. Tatanggapin ko na lang siguro na hindi niya mapagbibigyan ang ginagawa ko kanina, na ayaw niya talaga akong makausap. 
Nagdesisyon akong imulat na ang mga mata ko't bumalik na lang sa higaan ko, wala rin naman akong mapapala kung mananatili akong nakayuko at nakapikit na naghihintay sa wala. At least nakapag paumanhin na ako.
Isang malalim na paghinga muli ang hinatak ko nang imulat ko na ang mga ko at iangat ang ulo ko sa pagkakayuko. Subalit sa pag-angat ko ng ulo ko'y bumungad sa'kin ang nakaharap sa'king si sungit. 
Kalmado lang itong nakasandal habang nakaharap at nakatingin sa'kin. Sa halos dalawang minuto kong nakayuko at nakapikit na naghihintay sa sagot niya, naabutan ko lang siyang nakatingin sa'kin. 
"It's fine"
Kailangan pala sigurong tumingin ako sa kaniya bago siya sumagot, huh.. Tumiklop tuloy ang buong pagkatao ko; sa mga tinginan niya at malamig niyang boses. Ang ganda ng mga mata niya at ang calming pa ng boses.
"Kailangan pa lang tumingin muna ako sa'yo bago ka sumagot, huh" pagbibiro ko na kala mo'y close na kami
*sigh* "Can you go now?"
Pagbubuntong hininga nito dahilan upang kabahan na naman ako. Naiinis na naman ba siya? Jeez, lagi na lang. 
Aalis na sana ako nang maisipan kong tanungin ang pangalan niya, para naman hindi ko na siya tawaging sungit. Gusto ko rin siya makilala, tutal nasa iisang bubong lang naman kami. 
"Anyway I'm Ashara, and you are?" masaya kong pagpapakilala't pagtatanong
Hindi ito kumibo at hindi pinansin ang tanong ko. Humarap na muli ito sa laptop niya at bumalik sa sa kaniyang ginagawa. 
Hays, gusto ko lang naman malaman ang pangalan niya, nang sagayon ay kilala ko siya na araw-araw kong makakasama rito dorm kahit sa pangalan manlang. Pati ba naman doon ay pagsusungitan niya ako? 
*sigh!* inis kong pagbubuntong hininga bago mariin na tumayo dahilan upang umusog ang upuan na inupuan ko
"Ikaw na nga pinakikisamahan ng maayos sa kabila ng kasungitan mo, ayaw mo pa!" mariin kong bulong habang inis at nakasimangot na naglalakad pabalik sa higaan ko
"What did you say?" 
Paglingon nito sa'kin habang magkasalubong ang mga kilay. Napalingon din kasi ako nang magsalita siya, hindi ko inakalang maririnig niya pa ako no'n. Na pag nagsasalita ako ng maayos sa kaniya parang hindi niya naririnig–tapos pag against sa kaniya rinig na rinig niya? Jeez
"NOOOOO-THING!" sigaw ko bago muling tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad 
"Did you just call me masungit?" 
Inis na tanong ni sungit habang magkasalubong pa rin ang mga kilay nitong nakatingin sa'kin. Muli kasi akong napalingon nang muli siyang magsalita.
Tila naiinis na talaga siya, kinakabahan tuloy ako. Bakit pa kasi nagmatapang pa ako at hindi na lang hinabaan ang pasensya sa kaniya. 
Pero nakakainis talaga siya, papatulan ko talaga 'to dahil tama naman ako sa sinabi ko, huh. Ang sungit niya kahit maayos naman ang pakikipag-usap ko sa kaniya.
"Oh well, aren't you?" inis kong tugon dito 
---
NEXT CHAPTER >> Intense Incident 
Chill, read, enjoy ;))

Komento sa Aklat (64)

  • avatar
    Stilw8tng

    highly recommended,kaso wla pang update si author.

    31/05/2025

      0
  • avatar
    Bu Dang Pangilinan

    its amazing story i hope there are next chapter.author

    04/12/2024

      0
  • avatar
    Christine Marie Bocala

    nice 👍 story

    26/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata