"HOW IS HE?" mahinang tanong ni Vera habang nakatitig sa natutulog kong anak. Marahan niyang hinaplos ang mukha ni Bennett. "Okay na siya kaya 'wag na kayong mag-alala." "Mabuti naman," ani Karen na nakatayo sa tabi ko. Malakas na buntong-hininga ang narinig ko sa kanya. Tumayo si Vera sa pagkakaupo sa kama at sabay-sabay kaming lumabas ng kwarto. Dumiretso kami sa sala at doon umupo. Kagagaling lang ni Karen sa private resort nila Liam kung saan ginanap ang kasal nito. Si Vera naman ay may pinuntahan ding party kagabi. Dito na sila sa condo dumiretso nang malaman ang lagay ni Bennett. "Hindi ba alam ng Teacher niya na may allergy siya?" bakas ang inis sa boses ni Karen. "Bago raw 'yong Teacher nila Bennett na 'yon." "Bakit pinauwi na agad kayo ng doktor?" "Okay na naman siya, Ren. Kaunting pahinga lang at babalik din ang lakas niya." Hinilot ko ang sentido. Wala pa akong tulog kaya naman ngayon ay nakakaramdam ako ng pananakit ng ulo. Kapag ganitong may sakit si Bennett ay hindi ako napapakali at hindi nakakatulog ng maayos. "Nagtaka ako noong hindi kita nakita sa reception kahapon. Hindi ka man lang nagtext. Sana nasamahan kita sa ospital kahapon," inis pa ring ani Karen. "Kasal 'yon ni Liam. Hindi naman pwedeng umalis ka na lang bigla do'n." "Kung hindi pa ako tumawag kanina hindi ko pa malalaman na may sakit si Bennett," maktol niya. Hindi na ako nakasagot pa roon. Nakapikit na si Vera. Mukhang maging sila ay wala pang maayos na tulog. Alas kwatro pa lang ng umaga kaya naman pinapunta ko sila sa kwarto ko at doon pinatulog. Tumabi naman ako kay Bennett. Nagising ako nang maramdaman na may humahalik sa pisngi at may naririnig na hagikgik. Nagmulat ako pero muli lang napapikit dahil nasilaw sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. "Mommy, wake up na po!" Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang malakas sigaw ni Bennett at natataranta tiningnan ang kabuuan niya. "What? What happened?" Napahagikgik siya na ipinagtaka ko. "Mommy, ginigising lang po kita kasi umaga na." Nakahinga ako nang maluwag nang makitang bumalik na ang lakas at sigla niya. "Don't do that again, okay? Nagulat ako." mahinahong sabi ko. "Opo. Sorry, Mommy," nakangusong aniya at tumungo. "It's okay. Hindi galit si Mommy." Hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya bago siya hinawakan sa kamay. "Let's go. Nariyan sila Tita-Ninang." "Talaga po?" masigla na muling sabi niya at mabilis na tumalon na sa kama bago pa ako makasagot. Dumiretso kami sa kusina. Naabutan kong nagluluto si Ate Rose. Naroon na rin sila Vera at Karen na parehong nakatutok sa cellphone. Sabay silang napalingon sa amin nang tawagin sila ni Bennett. Nag-unahan pa ang dalawa sa paglapit sa anak ko. "My baby boy, how are you?" tanong ni Vera kay Bennett at iniupo ito sa hita niya. "I'm okay na po, Tita-Ninang," masiglang sagot ni Bennett. "Don't eat gummy bears anymore, okay? Nag-aalala si ninang kapag may sakit ka. At nababawasan ang ganda ni ninang kapag nag-alala," ani Karen at pinupog ng halik si Bennett sa magkabilang pisngi na ikinatawa nito. "Puro ka kalokohan," naiiling kong sabi. "Gandang 'di namin inakalang mayroon ka," biro ni Vera na ikinatawa ko. Sinamaan naman siya ng tingin ni Vera. Maingay ang naging pag-aagahan namin dahil panay ang pagtatankng ng mga kaibigan ko sa anak ko. Nang matapos naman si Bennett kumain ay nagtungo ito sa sala para manood. Nanatili naman kaming tatlo sa kusina kahit tapos ng kumain. Nakaupo lang kami roon habang sa harap namin ay naroon pa ang mg ma pinagkainan. "Kumusta ang party kagabi?" pang-uusisa ni Karen. "Okay naman. Muntik ng magkainitan si Pia at Pau," nakangiwing ani Vera. Napangising napapailing si Karen. "Mga baliw. Naturingang kambal hindi magkasundo." "Katrabaho n'yo?" "Oo. Ang gaganda pero nag-aaway dahil sa isang lalaki." Parang dismayadong ani Karen. "Oh!" Napatalon kami ni Vera sa kinauupuan nang biglang sumigaw si Karen kasabay ng paghampas niya sa lamesa. "Gaga ka, nagulat ako!" gigil na ani Vera at pabirong hinila ang buhok ni Karen. "Aray, ha!" maarteng daing ni Karen at inirapan si Vera. "Anyway, naalala ko lang. Kanina ko pa sana sasabihin 'to pero nakalimutan ko—" "Ano ba kasi 'yon? Sabihin mo na agad," putol ni Vera sa sinasabi niya. "May nakita ako kahapon sa kasal ni Liam," excited na ani Karen na nasa akin ang paningin. "Sino?" sabay naming tanong ni Vera. Nakatutok ang buong atensyon kay Karen. Iisipin ko pa sana na baka si Kevin ang nakita niya dahil kaibigan ito ni Liam, pero agad 'yong iwinaksi ng isip ko dahil alam kong hindi naman ma-e-excite ng ganito si Karen kung siya ang nakita nito roon. Humilig pa siya sa lamesa habang nakangising nakatingin pa rin sa akin. "Si Kaiden," bulong niya pa. "OMG!" ani Vera at nakangangang lumingon sa akin. Bakas sa mga mata ang saya. ‘Akala ko kung sino.’ Tumango ako pero natigilan nang makitang pareho silang nakatingin sa akin. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nagtaka ako kung bakit ganito reaksyon nila ngayon dahil lang doon. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi nila nang manatili akong tahimik. "Hindi mo siya natatandaan?" dismayadong tanong ni Karen. "Tagaytay, Inari. 2012," sabi naman ni Vera na parang ipinapaalala sa akin ang tungkol doon. "Natatanda ko siya. Hindi naman ako nagka-amnesia, 'no." Bumalik ang ngisi sa labi nila na ikinangiwi ko. Napailing pa ako nang maalala na ganitong ganito sila noon kapag gusto akong isama sa pakikipagblind date. "Wait." Nagpipindot si Karen sa kanyang cellphone. Maya-maya ay iniharap sa akin ang screen niyon. Nakita ko roon ang picture niya kasama si Liam, si Ness at ang isang gwapong lalaki na nakasuot ng navy blue suit. Habang nakatingin sa picture ay pumasok sa isip ko ang lalaking nakilala ko noon nine years ago. Kung gwapo ito noon ay masasabi kong mas nangibabaw ang kagwapuhan niya ngayon at mas naging matured ang itsura. Pansin ko rin na mas naging matipuno ang pangangatawan niya. May isang bagay lang na alam kong hindi nagbago sa kanya, iyon ay ang maganda niyang ngiti na pati ang kanyang mga mata ay para bang kumikislap sa saya. "Ano'ng masasabi mo?" Kung hindi pa nagsalita si Karen ay baka hindi ko na naalis ang tingin sa lalaking iyon. "What do you mean?" "Mas gumwapo, 'di ba? Balita ko isa na siyang ganap na Doctor." "Malamang. Siyam na taon na ang nakakaraan, Ren. Imposibleng nag-aaral pa siya?" pamimilosopo ni Vera. Sinamaan siya ng tingin ni Karen pero nginisihan niya lang ito. "Balita ko rin wala pang asawa." "Type mo?" tanong ko nang makita ang magandang ngiti ni Karen habang nakatingin ito sa picture na iyon. "Pwede rin." Tinaasan siya ng kilay ni Vera na ikinatawa niya. "Single ako, single siya. Walang masama, right?" "Walang asawa. Pero sure ka bang walang girlfriend?" "Nainterview ko na siya kagabi, Vera, kaya sure na sure ako," proud na sabi niya. Napangisi ako roon. "Go for it." Sabay silang napatingin sa akin na parang nagulat sa sinabi ko. "Basta ba hindi ka lolokohin, eh," dagdag ko pa. "Go raw, Beb!" ani Vera at napahagalpak ng tawa. Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa restaurant kasama si Bennett at si Ate Rose. Tuwang tuwa ang mga empleyado roon nang makilala nila ang anak ko. "Hindi halatang may anak ka na, Ma'am Inari," nakangiting sabi ni Ria— ang Manager ko roon. Nasa mid 30's na ito at may asawa't anak na. "Binobola mo ako, Ria," natatawa kong sabi. "Hindi, ah. Kung hindi mo isinama rito si Bennett ay iisipin kong nagbibiro ka lang noong sinabi mong may anak ka na." "Bata pa ako noong ipinagbuntis ko si Bennett. Kaya siguro hindi halatang may anak na ako ngayon." "Hindi dahil doon," seryosong aniya. "Mayroon kasing lumalaki ang pangangatawan pagkatapos magkaanak. Pero ikaw, nanatili pa rin ang magandang hubog ng katawan mo." Napangiti ako sa sinabi niyang iyon. Maraming nagugulat noon kapag nalalaman nila na sa edad na twenty-seven ay may eight-years-old na akong anak. Akala ko ay iyon ang ibig sabihin nila kapag sinasabing hindi halata na may anak na ako. Pero dahil sa sinabi ni Ria ay nagkaroon ng bagong kahulugan ang mga salitang iyon na madalas kong naririnig sa mga tao. Tiningnan ko ang kabuuan ng restaurant. Napangiti ako nang makitang handang handa na iyon. Two days from now ay opening na niyon. Pagkatapos ma-check iyon ay dumiretso kami sa hospital para sa follow-up checkup ni Bennett. "I'm sorry, Miss Rivera, nagkaroon po kasi ng seminar si Dr. Yu. Pero inirecommend niya po ang mga pasyente niya ngayon kay Dr. Petterson," mahabang paliwanag ng assistant nurse ni Dr. Yu. "It's okay," nakangiti kong sabi. "Saan ba kami pupunta?" "Sa 3rd floor po, Miss Rivera," magalang na sabi nito. "Okay. Thank you." Naglakad kami papunta sa elevator. Nang makitang papasara na iyon ay iniharang ko ang kamay kaya muli iyong bumukas. Natigilan ako sa pagpasok doon nang makita ang nag-iisang taong sakay niyon. Tulala akong napatitig sa mukha ng babaeng nasa harapan ko na hindi ko akalain na makikita ko ngayon dito. Bakas rin ang gulat sa kanyang mukha. Nanlaki ang kanyang mga matang nakatitig sa akin. "Mom?" tawag sa akin ni Bennett dahilan kung bakit nalipat sa kanya ang tingin ng babaeng nasa harapan namin.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (57)
MadarangLheen
Nice flow of story and I'll recommend to everyone to read this book.. A story to give you a lessons❤️
Nice flow of story and I'll recommend to everyone to read this book.. A story to give you a lessons❤️
18/12/2021
6ilove this novela
05/03/2025
0beautiful
07/09/2024
0Tingnan Lahat