logo text

Chapter Twenty-two-Making Out

Parang tinatambol ang dibdib ni Allie habang hinahanap ang room 214 ng St. Matthews’ Hospital kung saan naka-confine ang kanyang Mama. Panay ang bulong niya ng dasal na sana naman ay ayos lang ang lagay nito. Kapapasok lang niya ng classroom para sa panghapong klase nang tumawag ang kapatid na si Elize. Dinala daw nito sa ospital ang ina sapagkat nahihilo daw ito at sinasamaan ng pakiramdam.
Hindi pa man natatapos ang pag-uusap nilang magkapatid ay halos takbuhin na niya ang opisina ni Madam Rivera. Agad siyang nagpaalam dito na mag-a-undertime. Agad naman siyang pinauwi ng boss niya pagkatapos malaman ang nangyari sa kanyang ina.
Nasa dyip pa lamang pauwi ay nais nang bumagsak ng mga luha ni Allie. Please, Lord, no. Panay na usal niya. She wasn’t sure if she could go through with it again. Sobrang traumatic sa kanya ang biglang pagkawala ng kanyang ama. She had never imagined, not even in her worst dream that it would happen to her father. Mas malakas pa sa kalabaw ang kanyang ama, sabi nga nila.
He was very young. Only fifty-five. Ang lakas-lakas nito. Ang sigla-sigla. Pero isang araw naabutan na lang niya ito sa ospital, nakakabitan ang katawan ng mga apparatus at halos wala nang buhay. Ni hindi man lang niya ito nakausap. Siya, ang kanyang Mama at kapatid ay parang pinagsakloban ng langit at lupa noon. Pinakamasakit at pinakamahirap ang mga sumunod na araw. Iyong paghihintay na umaasang makaka-recover ang kanyang ama. Ngunit hindi na nangyari iyon. Iniwan na sila nito nang wala man lang kapaa-paalam.
At ngayon ay tila mauulit na naman ang pangyayaring iyon sa kanyang ina. Please, Lord, no. Kumakabog ang dibdib na muling usal ni Allie. Baka hindi nila makaya ni Elize.
Nang matagpuan ang room 214, hindi niya magawang pumasok agad. Kaya tumayo lang siya sa tapat ng pinto, nag-count one to ten, nag-inhale-exhale, pinagpag ang damit, inayos ang sarili, huminga ng malalim. Ayaw niyang makita siya ng ina at pati na ni Elize na halos nanginginig sapagkat natatakot na muling mawalan ng magulang. Kumatok siya nang mahina bago tinulak ang pinto.
Ang nabungaran niya ay ang tawanan ng ina, ni Elize at kanyang ninang Nelly, ang bestfriend ng kanyang ina. Nakahiga ang kanyang Mama sa hospital bed, nakakabitan ng suwero ngunit masaya ito. Napahinto ang mga ito sa pagkukuwentuhan at sabay-sabay na lumingon sa kanya. Ilang segundo rin ang lumipas na tahimik na nakatingin lamang siya sa tatlo. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga ito.Her mother was okay. Noon niya lang yata napakawalan ang hininga niya.
“Allie, anak. Okay ka lang ba? Parang namumutla ka?” sabi nito pagkakita sa kanya.
Parang gusto niyang tumawa ng pagkalakas-lakas. Here she was, parang mamamatay na sa sobrang nerbiyos at pag-aalala sa ina pagkatapos siya pa pala ang mukhang hindi okay. Ang taong inaaalala niya pa ang nagtanong sa kanya kung ayos lang siya.
“Halika at maupo ka muna, Allie,” nag-aalalang wika ng Ninang Nelly niya. Tinapik nito ang bakanteng upuan sa tabi nito. Lumapit siya rito at nagmano. Pagkatapos ay lumapit sa ina at hinagilap ang kamay nito at nagmano rin dito. Hindi na niya binitiwan ang kamay ng kanyang Mama.
“Ma, ayos ka lang ba? Ano ba’ng nangyari sa’yo?”Kahit mukhang maayos at masaya naman ito ay hindi pa rin maalis ang pag-aalala niya rito.
“Ayos lang ako, anak. Medyo napagod lang siguro nang konti. Pero mabuti na ang pakiramdam ko,” ani Mrs. Diaz.
“Sabi ko naman kasi sa’yo eh tigilan mo na pagpapa-order ng mga avon products eh. Baka nasosobrahan ka na sa pagod. Alalahanin mong hindi ka na kasinglakas tulad ng dati.”
“Ayan, sige, Ate. Sermonan mo ‘yang si Mama. Iyon nga din ang palagi kong sinasabi sa kanya eh pero ayaw niyang makinig. Ang kulet lang,”tila batang nagsusumbong si Elize.
“Naku, kaya ko pa naman. False alarm lang ito. Hindi pa ‘ko mamamatay. Mga batang ito, oo. Hindi ako basta-basta mapapabagsak. Matibay ito.”
Nagawa pa talagang magbiro at tumawa ng kanyang Mama.
“Ma! Seriously,” nanghahaba ang ngusong turan ni Allie. Kung alam lang nito kung gaano siya ka-nerbiyos kanina eh hindi nito magagawang magbiro.
“’Yan ang Mama ko. Mas malakas pa sa kabayo,” banat naman ni Elize. Tawanan nila ang naging kasunod ng sinabi nito.
Saka pa lamang tuluyang nakahinga nang maluwag si Allie nang makausap ang doktor ng ina. Pagod nga lamang daw kaya bahagyang tumaas nga ang presyon ang dahilan ng pagkahilo nito. Sapat na pahinga, balanseng pagkain at hinay-hinay sa mga gawain daw ang dapat dito.
***
Kakatalikod lamang ng doktor nang muling bumukas ang pinto. Nang makita ni Allie kung sino ang dumating ay muling tinambol ang dibdib niya. Hindi dahil sa nerbiyos kung hindi sa sobrang saya. Sapagkat nakatayo sa pinto ng room 214 at halos ma-okupa ang taas ng pinto ay walang iba kung hindi si Andrew who looked gorgeous on his simple white polo shirt and fitted maong pants.
Alam niyang nakapako rito ang mata ng lahat ng nasa silid na iyon. Pati na nga si Dr. Matthews na anak ng may-ari ng ospital na papaalis na ay hindi napigilang lingunin at ngitian ito. Bagaman napakasimple ng get up nito, Andrew looked like he just jumped out from the cover of a magazine.
“Allie, Tita Amel, kumusta po kayo?” anitong bakas din sa mukha ang pag-aalala. Tila may mga paro-paro sa sikmurang tumayo si Allie at lumapit dito upang salubungin ito. Nagulat siya at medyo nahiya nang bigla na lang siyang gawaran nito ng halik sa labi. Pagkatapos ay hinapit nito ang baywang niya. Kaya mistulang yakap siya nito nang lumapit sa kanyang Mama. Nagmano ito sa Mama niya.
Hindi magkandamayaw ang puso niya. Nininerbyos siya ngunit hindi dahil sa pag-aalala sa ina kung hindi dahil sa napakaguwapong lalaking nakakunyapit sa baywang niya. Parang ice cream lang na nabilad sa araw ang puso niya. Si Andrew ang araw at nasisinagan nito ang puso niyang natutunaw na parang ice cream haha.
Baka manginig lang ang boses niya kaya hindi na lamang siya nagsalita. Nakinig at nakitawa na lamang siya sa pakikipagbiruan ni Andrew sa kanyang Mama, sa ninang niya, at kay Elize. Bakas sa mukha ng kanyang ina ang labis na kasiyahan. Namumula pa nga ang pisngi nito. Hindi nito inaasahan na dadalawin ito ni Andrew.
Tinawagan daw siya ni Yaya Perla, kuwento ni Andrew. At ipinaalam nga rito ang nangyari. Hindi naman ito nag-aksaya ng oras. Agad na nagpaalam sa opisina due to an emergency.
***
“Hey, your mother will be okay. Everything will be alright,”ani Andrew. His voice was so soft and husky. Naramdaman niyang ginagap nito ang kamay niya.They were now inside his car. She welcomed the silence, the cool atmosphere inside the car, and the coolest guy ever who was sitting beside her and giving her courage and strength. Ibinigay niya kay Andrew ang pinakamatamis niyang ngiti. “Thank you for coming over. Kaagad kang umalis ka sa office mo para puntahan ang Mama ko,” tugon niya rito.
Bigla niyang naramdaman ang kamay ni Andrew sa baba niya. Ibinaling nito ang mukha niya paharap dito at saka buong pagmamahal siyang tinitigan nito. “Iiwan ko ang lahat para sa’yo, okay? I will always be here for you no matter what,” anito habang nakatitig sa kanyang mga mata. Ramdam niyang he meant what he said. Namuo ang luha sa kanyang mga mata. “O, teka. Hindi kita pinapaiyak ha.”
Natawa siya doon. Hindi na nga niya napigilan at tuluyan nang bumagsak ang luha niya. Kasi naman kanina pang patungo siya sa ospital at inakala niyang kung ano na ang nangyari sa ina, naipon ang luha niya. Kinabig siya ni Andrew at masuyong niyakap. Ginantihan niya naman ng mas mahigpit na yakap ang yakap nito. “Kanina kasi sobrang nag-alala ako kay Mama. Akala ko tulad ni Papa…” hindi niya maituloy ang sasabihin.
“Shh,I know, I know. Alam kong mahirap mawalan ng mga mahal sa buhay. Lalo pa kung marami sila at sabay-sabay na nawala. You cannot imagine the pain.”
“Yes,” bulong niya. Alam niya nobody could understand the feeling of losing people you loved more than Andrew. He lost his own parents and Isabella’s parents in a blink of an eye dahil sa isang aksidente.
“Paano mong nalagpasan iyon?” tanong niya habang nakayakap pa rin sa binata. She was just loving this position and this moment. She loved embracing him, feeling his body heat and hearing his soft voice. Nakakapagpalakas ng kalooban. Feeling niya matatag siya at makakaya na niyang harapin ang anumang pagsubok na darating sa buhay niya. Iyon ang epekto sa kanya ng lalaking ito.
Wala naman sigurong nakakakita sa kanila sa loob ng kotse sapagkat tinted naman ito. Para kasing ayaw na niyang umalis sa pagkakayakap nito. Puwede bang hanggang bukas ganito kami?O kaya naman habangbuhay na lang?
“Hindi ko rin alam. Tanungin mo si Yaya Perla at Tita Linda,” naramdaman lang niya ang mahinang tawa ni Andrew. “Wala kasi akong matandaan noong mga panahong iyon. Sabi ni Yaya naluto raw ng alak ang utak ko kaya wala akong matandaan.”
Si Andrew, nalulong sa alak? Parang hindi niya mapaniwalaan iyon. The coolest guy he had ever met, ay dating lasenggo? Eh, puwede na nga itong maging santo sa kabaitan eh. Dahan-dahan siyang kumawala sa pagkakaykap nito at namimilog ang mga matang tinitigan ito.
“No.”
“Yes,” mukhang seryoso si Andrew ngunit may naglalarong ngiti sa labi.
“Drugs?”
“No. Never into drugs,” ani Andrew sabay iling. Hindi naman ako naging lasenggo ng matagal. I was just lost for a while pagkaraan ng aksidente. Mabuti na lamang at nariyan lang si Yaya Perla, si Tita Linda at iba ko pang kamag-anak. Nariyan din naman sina Adrian at ang barkada.” Saglit itong tumigil sa pagsasalita at tumingin sa malayo. “So, hindi mo na ba ako mahal dahil dati akong lulong sa alak? I’ve had quite a reputation back then. You know, alak, babae…”
“Teka, iisipin ko muna. Para kasing hindi ikaw iyong kilala kong si Andrew. ‘Yong kilala ko kasing Andrew ay may clean-cut image. You know, someone who could do no wrong. Crush ng Glenford population, sobrang responsableng tito, superbait, supercool. Hmm. Hindi kaya may kakambal siya…”
“Ah, ganoon…”Napahiyaw si Allie nang muli siyang kabigin ni Andrew at paghahalikan, sa leeg, sa pisngi, she kept on squirming habang tumatawa. Natahimik lamang siya nang dumako ang mga halik nito sa labi niya. Napapikit siya at napaungol. His lips were soft and gentle. He opened her lips, explored the insides of her mouth, found her tongue and played with it.
Napakapit siya sa ulo nito. Ginantihan niya ang bawat halik nito. Ipinadama niya rito na kahit ano pa ang naging nakaraan nito ay hinding-hindi magbabago ang pagmamahal niya rito bagkus ay higit pa ngang nadagdagan.
Saglit itong huminto sa paghalik at tumitig sa kanya. And when she saw his eyes she loved him even more. They were dark brown, filled with emotion. Then he kissed her once again. This time hard, napasiksik siya nang todo sa passenger seat. Halos nakadagan na kasi sa kanya ang upper body nito. Napakapit siya sa katawan nito. Pakiramdam kasi niya ay mahuhulog siya.
It felt so good to be kissed by Andrew. She welcomed every movement of his lips, the nipping, the sucking, the hard kiss, the soft kiss. They were all heavenly. Napapakapit siya nang todo sa katawan nito sa tuwing didiinan nito ang paghalik. Naramdaman niya ang isang kamay nito roaming around her body. Napahugot siya ng hininga nang maramdaman ito sa ibabaw ng kanang dibdib niya. Andrew’s one hand was massaging it and it felt great. Napaliyad siya.
Bakit parang ang init ng palad nito gayong nakapagitan dito ang kasuotan niya. Then he felt his hands opening one by one her blouse button. Nais magreklamo ng isang bahagi ng utak niya. Ngunit ang isang bahagi naman ay na-e-excite sa kung ano ang pakiramdam if he touched her without the confinement of her clothing.
She had never been so intimate with any man before. Andrew was the first. Her very first love. And he would be the last. And now she was torn between excitement and fear. Fear of the unknown and excitement as well because though the feelings were all new to her, she discovered she liked them. She loved what Andrew was doing to her.
Minutes later his hand was cupping her one breast. Napasinghap siya nang pisilin nito iyon. “Andrew,” reklamo niya pero napapaliyad naman siya. Lalo naman niyang inilalapit ang dibdib sa kamay nito. Nag-angat ng mukha si Andrew at tumitig sa kanya. Then lowered his eyes to her exposed breast. Naramdaman ni Allie ang paghugot ng malalim na hininga ni Andrew. Feeling a bit shy, she moved her arms to cover her chest but Andrew stopped her. Pinigil nito ang kamay niya.
“No. It’s beautiful. You are beautiful, Allie,” narinig niyang bulong ni Andrew. Then as if he could no longer control himself, he lowered his head and enclosed one peak in his mouth and sucked it. Napakapit si Allie sa ulo nito at halos masabunutan niya ang binata. The sensation was too much. Nakakakiliting nakakalunod na hindi niya maintindihan. Awtomatikong naitaas niya ang upper part ng katawan niya. Pagkatapos ay lumipat ang bibig nito sa kabilang dibdib niya. Hindi niya napigilan ang ungol na lumabas sa bibig niya.
*****

Komento sa Aklat (68)

  • avatar
    ErruigaAiram

    good

    17/12/2024

      0
  • avatar
    BitorLaica

    janananananahahahahahahsshahahahahahahahahahahahahahahajsjsjsjsjsjshshshshshshshshshshshshshshshshshshshshshshsjsjhsjsjsjsjsjsysgsgsjxbdjsuwgsnkdjsbdjxjsvdodbsjosjddboskebxifjdbksjdboskdbdbdodhdjcijdbdkcnbdkekdbvrisoslbdveidheosjvrjrkdbrjsjgekrhjejevejrvjdjevrjskdhrcjddjrvjdjsidhdbekdkdnevksoaooajxjcycy idoskejbrbt tvnekducy yxosiejbrbdjcu t yxosieihrvrbjsycvtydjdvvdjdifyudje r uduejejehcejekdjeghdidjgegejsjgrhdksjeggejoohegeudjbjjeuefggsuevvhzksjgjskvsxiehdjbdiejvbsjeijbdkgsiwjbddhkdjegdijsshej

    06/11/2024

      0
  • avatar
    Mark Jaycee Castil

    oknamn

    04/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata