CHAPTER 40

Kanina pa akong akyat-panaog rito sa condo, kahihintay na sagutin ni Akus o ni Nanay Luz ang tawag ko sa kanila. I am also calling Nanay Luz's nurse but he always hangs up. 
I don't have any idea what is happening right now and I am nervous. My knees were trembling and my hands were shaking. Masyadong nilalamon ng kuryosidad ang katawan ko. Galit ba sa akin si Akus nang makita niya kami ni Ynigo kanina? 
Tama rin bang nakita ko siya kasama ang isang babae na tila pamilyar sa akin ngunit hindi ko naman masyadong namukhaan?
Muli kong tinawagan ang numero ng kahit sinong maaari kong makausap tungkol sa sitwasyon ni Nanay Luz at Akus. 
There, Marcus' number is now available. He answered it. No, I guess he is not the person who answer my call. For a girl's voice greet me.
"What a good day, Denicery! Kamusta ang kumpanya mo?"
A good day? I guess no. Ano namang connect ng kumpanya ko sa tinuturing niyang magandang araw?
"Bakit mo hawak ang cellphone ni Akus?" galit kong tanong. "Anong kinalaman mo dito? Sino na naman ang gusto mo manipulahin? May binabalak ka na naman ba?"
The call ended in a snap of a finger. Nanguyom ang kamao ko. That bitch! Ano na naman kaya ang pinaplano niya?
Saglit akong nagbigay ng oras para makapagpaalam kay Ate Dorine. Kailangan kong pumunta ng kumpanya. I sense something is happening that is not under my control.
"Samahan na kita, Den?" alok ni Ate. I rejected her offer. She needs to take care of her son, Mond. 
Ayaw kong abalahin ang pagiging nanay niya. Kaya ko na naman sigurong i-handle ang sitwasyon na ito. Petiks na lang ito sa akin.
Dahil nandoon kay Ynigo ang kotse ko, napilitan akong mag-commute. Ngayon pa talaga. 
Nang makarating sa kumpanya ay nangangamoy polusyon na ang buong katawan ko. Mula sa hangin na malalanghap sa labas hanggang sa binubugang usok ng mga transportasyon.
Pasimple kong inayos ang nagulo kong buhok. Binati ako ng mga gwardiya at tila gulat pa sila gayong kababalik ko pa lamang. Limang buwan nila akong hindi nakita. This is my greatest comeback.
Nagtungo muna ako sa banyo at pumasok sa isang cubicle. Saktong may tao naman sa kabilang cubicle na katabi ko lang. Dinig ko ang pagsara ng mismong pinto nitong banyo. Hindi niya ba alam na may ibang tao rito bukod sa kaniya?
"Nandito na po lahat ng board of directors, Ate."
Board of directors, who? And, Ate?
Dahil may sanglibong pagkatsismosa ako, hindi ko na napigilan pang hindi makiusyoso. Sobrang swerte ko dahil naka-loud speaker ang babae.
"Successful ba ang plano?"
Dinig na dinig ko ang boses nang nasa kabilang linya at kilala ko iyon. Kilala ko rin ang babaeng nasa kabilang cubicle lang din. How dare her to betray me? After all I have done for her? I trusted her!
"Opo, Ate. Nagawa ko na po lahat ng pinapagawa mo. Sana hindi masaktan si Juaneza rito. Kaibigan ko rin siya."
Kaibigan? Traydor!
Humalakhak ang babae sa kabilang linya. "You are so kindhearted, sis. You don't have to pity my enemy. Oops, our enemy. Don't treat her as your friend. Hindi ka niya tinuring ng ganoon. Wake up, girl!"
Bumibigat ang paghinga ko. Bumabaon ang aking kuko sa sarili kong balat.
"If you want to be treated as one of our family, sundin mo lang ako. Wala tayong magiging problema."
I guess the call ended. The girl beside the cubicle that I am in is now sobbing. What's the point? Hindi naman basta-basta nagpupunta rito ang board of directors kung walang malaking problema. I guess, Mama and Papa are here, also. Disspointed again.
Nang makalabas na ang babae, agad din akong sumunod. Kailangan kong maging kalmado sa kabila ng takot na nararamdaman. Hindi ko alam ang mismong nangyayari ngunit may pakiramdam akong mali na ito.
Nasa labas pa lamang ako ng conference room ay ramdam ko na ang matinding tensyon na nangyayari sa loob.
"Juaneza, your daughter is such a shame!"
"Magpalit na tayo ng CEO."
"Lahat ng articles, tini-takedown ng radio at report stations. Hindi maganda! Nasasayang lahat ng investments!"
What have I done?
Lakas-loob akong pumasok ng Conference room. Lahat ng atensyon, napunta sa akin. Kita ko ang nanghuhusga nilang tingin. Ramdam na ramdam ko rin iyon.
"I am sorry for I am late. I am not informed about this."
Sarkastikong tumawa ang karamihan. Tinignan ko si Papa at pagkaawa lang ang nararamdaman niya. Walang galit, hindi poot.
Pagkaawa. Kaawa-awa kasi talaga ako.
"You are not informed because you are no longer the owner," sabat ng isa.
"I respectfully nominate Roxie Valeria as the new owner," anang lalaki na dati ko pang napapansin dahil sa pagiging pasikat.
Respectfully nominating? Aba't Elementary pa ako nang una kong marinig ito, e. Ginawa pa akong Elementary student.
"Ms. Juaneza, simula nang maupo ka bilang CEO, lahat ng articles at interviews, hindi na compelling. Hindi mo naha-handle. Hindi mo nache-check ang quality. Ano bang pinagkakaabalahan mo?" reklamo ng isa pa.
Oh, wow! Bumalik pala ako rito para pakinggan ang lahat ng hinaing nila. Hindi rin ako na-inform na ako na pala ang bagong Raffy Tulfo ng henerasyong ito.
"There is another issue of plagiarism!" pahayag pa ng isa. Bakit parang kasalanan ko? Ako ba ang nagnakaw ng akda ng ibang tao?
Inilabas ko ang cellphone ko. Sigurado akong ikagugulat nila kapag nalaman nila  na ang gusto nilang ipalit sa akin, isang traydor. Isang sakim sa kapangyarihan. Taong may kakayahan para pabagsakin kaming lahat. I have my evidence.
"Ate Monique, nasira ko na lahat ng articles. I already plagiarized other network's article. Nakita na rin ng board of directors kaya agad silang pumunta rito."
Yeah, I recorded Roxie and Monique's conversation awhile ago. Gulat na gulat si Valeria. Gulat na gulat din ako sa rebelasyong magkapatid sila. 
Hindi pa ako nakuntento sa nagngingitngit na emosyong makikita sa mga mukha ng directors. I played another record that I have.
"Kailangang bumagsak ni Denice! Bagay lang sa kaniya ang mapahiya. Gawin mo ulit ang ginawa mo noong hindi siya payagan ng mga magulang niya na makasama sa International Fashion Design Contest," si Monique.
Agad na lumapit sa akin si Roxie. Alam ko naman na naipit lang siya sa sitwasyon. Magkaibigan na kami at kaibigan naman talaga ang turing ko sa kaniya umpisa pa lang.
Kailangan ko lang siyang i-expose na kausap si Monique para malinis ko na ang pangalan ko, pangalan ng kumpanya, at pangalan ng lahat ng nadadamay.
I genuinely smiled at Roxie. Hindi naman ako ganoon kagalit sa kaniya.
Tumango-tango ako at isa-isang tinignan lahat ng tao rito sa Conference. They are shocked to know the truth.
"I have nothing against Valeria being the CEO or anything you want her to be. Pero, ang pagsalitaan niyo ako ng masama at pagtanggal sa akin nang hindi man lang nalalaman ang totoo, isang kahangalan ang bagay na iyon."
I nodded again. I am now satisfied about myself. Hindi ko na kailangang ipangalandakan kung gaano ako kabuti bilang isang boss, kaibigan, at katrabaho.
Because I have done enough. Nagawa ko naman ang parte ko.
"Thank you sa binigay ninyong oras," ani ko. "Meeting adjourned."
Ito na siguro ang pagkakataon para gawin ko nang malaya ang gusto ko talagang gawin simula pa noon. Next year, sasali na talaga ako sa International Fashion Design Contest. I don't care if it will be held at Paris, basta sasali ako.
Ngayong nalaman ko na pakana lahat ito ni Monique, hindi na niya ako mapipigilan pa. She's not contented. Her heart is so unclean by insecurities. I will do my best to slap her my success.
Na kahit ano pa ang mga ginawa niya sa akin, makakayanan ko pa ring tumayo. Makakayanan ko pa ring labanan siya hanggang dulo.
Watch and learn, Monique. Hindi pa ako tapos sa iyo. Magtutuos pa tayong dalawa.

Komento sa Aklat (31)

  • avatar
    ZeusettePeachy

    I am now a fan of u Madam. I've read the first 7 chaps and it's good though there are some grammatical errors. but it's okay the construction of scenes is really good and I really like the characters namely Ynigo, Denice and the 2 antagonist.

    25/12/2021

      2
  • avatar
    Melvin Navarroza

    goods

    21/09/2024

      0
  • avatar
    Jazper Belardo Tulisana

    NICE BRO

    22/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata