CHAPTER 39

My nephew and I had fun. Mahimbing ang tulog ng bata, nang dumating ako. Pero, agad ding nagising nang akyatin ko siya sa crib niya na nasa ikalawang palapag nitong bahay.
"You are my favorite nephew!" masayang pahayag ko saka dahan-dahang hinawakan ang pisngi ng pamangkin ko na buhat ni Ate Dorine ngayon.
"Bolera!" anas ni Ate. "Siya pa lang naman ang pamangkin mo kaya malamang na paborito mo talaga. Hayaan mo, susundan ko agad para may pagpipilian ka." My sister and I laughed.
Natigil ang tawanan namin nang magsalita si Tita Josie, Mama ni Kuya Raymond. "Dorine, nandiyan na si Oliver."
Napuno nang pagkabigla ang utak ko. So, alam ba ni Tita Josie ito? Galit ba siya o hindi? Baka naman pinapahirapan niya si Ate Dorine dito kapag wala kami? I really hate mother-in-laws. Well, I will always open an exception kung mabuti naman ang taong pakikisamahan ko.
Tumayo si Ate Dorine at ipinabuhat muna sa akin ang anak niya. Nilaro-laro ni Ynigo ang bata. Hindi ko magawang pansinin ang natutuwang lalaki dahil ang atensyon ko ay naroon kina Ate Dorine.
"How's your day, ijo?" tanong ni Tita Josie kay Oliver na naka-corporate attire pa. He looks good, too bad, may anak na sila ni Ate at wala na akong magagawa roon kung 'di ang tanggapin na lamang. Lalo pa ngayon na nakita ko na ang pamangkin ko.
"I'm good, Tita," sagot ni Oliver pero halatang ayaw kausap ang matanda. Ngumiti lang ito nang makaharap kay Ate. Humalik sa noo, yumakap at humiwalay muli. "Uwi na tayo."
Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng nakatatanda kong kapatid. Parang ayaw niyang sumama kay Oliver o hindi kaya naman ay may pumipigil sa kaniya?
Napunta ang iilang hibla ng buhok ni Ate sa may pisngi niya. "Puwede bang dito na lang muna kami ni Mond?" Tila may bumara sa lalamunan ni Ate. "Kung papayag ka, s-sana."
Ang maaliwalas na mukha ni Oliver ay napalitan ng lungkot, pagtataka at pagkadismaya. Si Ynigo lang ata ang hindi nakapansin no'n sa amin dahil abala siya sa paglalaro sa sanggol na buhat ko, tila ba naiintindihan na siya nito.
Gustong-gusto kong sumabat sa usapan nila pero wala akong karapatan para gawin iyon. I don't want to meddle with them, as long as Ate Dorine can hold back her tears. Alam ko, gusto niyang umiyak pero hindi ko alam ang dahilan.
I will comfort her later.
"Isang linggo na kayong extended dito, 'di ba?" naiinis na tanong ni Oliver kay Ate. "Bumili na ako ng bahay natin, bakit ayaw mo roon?"
Tita Josie excused herself. Natigilan si Ynigo sa paglalaro kay Mond dahil nakaramdam na rin ng tensyon.
Napatingin si Ate sa gawi ko. Humarap muli siya kay Oliver at nagsabing, "Sa labas na lang tayo mag-usap."
Imbes na makinig si Oli, nilapitan niya ako. Nginitian saka kinuha si Mond sa bisig ko. That's disrespectful! Umiyak tuloy ang pamangkin ko. How dare him do that?
"Oliver, ibalik mo sa akin ang anak ko!" sigaw ni Ate. "Ako ang nanay, wala kang karapatan na kunin basta -basta ang anak ko."
Oliver smirked. "Wala akong karapatan?" He chuckled, full of sarcasm. "Anak ko ang batang ito, Dorine. Kung ayaw mong umuwi, huwag mong idamay ang anak ko. I've been missing him for a month!"
A month?!
"Oliver naman..."
"What?" Oli shouted. "Stop making excuses, Dorine. Kung hindi ka masaya sa akin, sabihin mo. Pero, itong anak ko... kailangan niya ako."
Nakabalik na si Tita Josie mula sa kusina at may dala itong inumin. Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa kaniyang labi na para bang natutuwa sa sitwasyon ni Oliver at ni Ate Dorine.
"Ijo," panimula ng matanda. "You can always visit here. May trabaho ka, hindi ba? Hayaan mo muna rito sina Dorine. Hindi ko naman sila pababayaan, hindi sila pababayaan ng anak ko."
Nakikita ko ang panggigil sa mukha ni Oliver. There, an idea came up in my mind.
Nilapitan ko si Ynigo. Maingat kong kinuha sa kaniya ang pamangkin ko saka siya nginitian. "Iingatan ko sila, Oli. Sa condo ko muna sina Ate habang nasa trabaho ka. You can always pay a visit."
Ibinalik ko si Mond kay Ate Dorine. Si Tita Josie naman, inabutan pa si Oliver ng maiinom pero tumanggi na ang lalaki. Bago ito tuluyang umalis nang may pagkadismayang nararamdaman, humalik siya kay Ate at sa anak niya.
I pity Oliver for I feel like Ate Dorine shooed him. Nagkaroon pa kami ng argumento ni Ate. Pinipilit niya na dito na lang sila ni Mond sa bahay ni Kuya Raymond. Pero, dahil mas makulit ako, ako pa rin ang nanaig. Desisyon ko pa rin ang nanalo.
"Babalik kami, Ma," paalam ni Ate Dorine kay Tita Josie. "Pakisabi po kay Raymond, babalik kami."
Masasabi kong weird talaga si Ate lalo na sa mga ikinikilos niya ngayon. Mas gusto niya pa atang kasama si Kuya Raymond kaysa kay Oliver na tatay ng anak niya.
But, I understand. Oliver explained this to me. Mukhang hindi naman talaga planadong mabuntis niya si Ate. And, Ate Dorine really loves Kuya Raymond that much. Ramdam ko iyon sa pagbanggit niya ng vow niya para sa bayaw ko.
Nakarating kami sa condo ko, malapit nang magtakip-silim. Pinaalagaan muna kay Manang Lorna si Mond saka kami umalis ni Ate Dorine para sa mag-aliw lang sandali. I treated her in a luxury store. We ate in a well-known restaurant. Lahat ng kaya kong ibigay, binigay ko.
And yeah, we are with Ynigo. He drives us home to get Mond and then give us a ride to my condo.
"Salamat sa paghatid, Igo," ani Ate Dorine. Pasakay na si Ate ng elevator at susundan ko na sana siya pero binigyan niya ako ng nakatatakot na tingin.
Parang sinasabi niyang, "Ihatid mo si Ynigo."
I don't have enough energy to argue with my sister here. Besides, Mond is sleeping in her arms and I don't want to make a noise. No other choices, hinatid ko na lang palabas si Ynigo.
"Salamat, Denice."
Napaangat ako ng tingin kay Ynigo habang papalabas kami ng building. What's with this man?
"For what?" I asked, furious. Napapansin kong madalas ko nang pagbuntungan ng sama ng loob si Ynigo. Sunod kasi siya nang sunod sa akin!
Hindi siya sumagot sa tanong ko. Dumiretso siya sa kotse ko at nagpaalam na hihiramin iyon. Ibabalik niya raw kaagad. As far as I know, assuming na kung assuming, ginagawa niya ito para makita at makausap akong muli.
I know Ynigo for almost a year now. Well, not in 5 months that I'm not with him. Parang nag-iba ang tingin ko sa kaniya, lalo na sa istilo ng pananalita niya.
"Hatid mo na lang sa bahay ang kotse ko. Hindi mo na kailangan idaan pa sa akin."
The feeling of desolation. That is what I want Ynigo to feel right now. I want to shoo him, but how? Hindi pa ako ganoon kasama at aaminin kong nandito pa rin ang kilig sa tuwing ngingitian o palihim siyang ngingiti sa akin.
Ginayuma ba ako ng kumag na ito?
"Sige, hahatid ko na lang ang kotse mo sa bahay niyo," he agreed. That's good! "Pero, dadaanan pa rin kita."
My brow arched. "Daraanan?" Tumaas ang tono ng boses ko. "Para saan naman?"
"I'll drive you..."
What? Mamanehuhin niya ako? Tama ba ang narinig ko o sadyang malisyosa lang ang utak ko at ibang kahulugan ang pumasok sa isipan ko?
Napansin niya ang pag-iiba ng ekspresyon ko. Bigla akong namula at naestatwa sa kinatatayuan ko. Damn you, Ynigo! Ikaw lang ang nakagagawa nito sa akin!
"Ihahatid kita sa trabaho, Denice. Tawagan mo rin ako kung ihahatid kita pauwi. I want you safe. I want to be your refuge."
My refuge? He wants me safe? Oh come on, another clickbait.
"Hindi mo kailangang gawin ang mga bagay na hindi mo responsibilidad," ani ko.
"Hindi naman 'yon responsibilidad," giit niya. "Parte iyon ng pagmamahal ko sa'yo, Denicery Juaneza."
Muntik na akong mapayakap kay Ynigo dahil talaga nga namang nadadala ako sa mga sinasabi niya ngunit sa hindi kalayuan ay natanaw ko naman si Akus.
Nang magtagpo ang mata namin ay kaagad itong tumakbo papalayo. Napabaling ako kay Ynigo.
"Umuwi ka na muna, Igo. I need to handle something."
Tatalikuran ko na sana siya pero hinawakan niya ang braso ko at nagtanong, "May pag-asa pa ba ako sa'yo, Denice? Bibigyan mo pa ba ako ng pagkakataon para maipakita ko sa'yo na seryoso talaga ako?"
I also want to ask myself, "May pag-asa pa nga ba tayo?"

Komento sa Aklat (31)

  • avatar
    ZeusettePeachy

    I am now a fan of u Madam. I've read the first 7 chaps and it's good though there are some grammatical errors. but it's okay the construction of scenes is really good and I really like the characters namely Ynigo, Denice and the 2 antagonist.

    25/12/2021

      2
  • avatar
    Melvin Navarroza

    goods

    21/09/2024

      0
  • avatar
    Jazper Belardo Tulisana

    NICE BRO

    22/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata