Homepage/Melancholy Baleleng/
CHAPTER 17
"Condo natin?"
I am really confused right now. Hindi na sumasagot si Ynigo sa tinatanong ko, sa halip, pinagpatuloy niya lang ang pagmamaneho.
Binuksan niya pa ang music player na pagkalakas-lakas kung tumugtog. Pinatay ko naman iyon.
"You're kidnapping me, Ynigo!" bulyaw ko sa kaniya.
"Then file a case against me. Hayaan mo munang kidnap-in kita ngayon para naman totoo ang pag-aakusa mo sa akin. I'm more than willing to go to jail."
Seryoso ba siya?
Kinapa ko ang bulsa ko para tawagan si Ate pero naaalala ko naman na naiwala ko nga pala iyon sa kung saan.
"Ito ba ang hinahanap mo?" Itinaas niya ang isang niyang kamay at doon ay nakita ko ang cellphone ko. All this time, nasa kaniya lang pala. Pinaghanap pa ako.
"Akin na iyan, Ynigo Louie," pagbabanta ko.
"Kiss muna," aniya. Siraulo ba siya? Kung kiskisin ko kaya ang mukha niya sa manibela? Papayag ba siya?
"Akin na nga kasi!"
Inihinto niya ang kotse sa tapat ng isang convenience store. Inaagaw ko pa rin ang cellphone ko.
"Ibalik mo na kasi sa akin para walang gulo!"
"Mas magkakaroon ng gulo kapag binalik ko sa iyo ito!" Iniwasiwas niya ang cellphone ko sa ere. "Kidnapper ako kaya hindi ko papayagang gumamit ng cellphone ang hostage ko. I need ransom."
Aba't mukhang pera ha!
"Sa iyo na ang kumpanya namin! Ibigay mo na ang cellphone ko para naman makauwi na ako sa bahay." Para akong batang nagmamakaawang bilhan ng ice cream.
Hindi alam ni Ynigo kung gaano kaimportante sa akin na hindi niya ma-open man lang ang cellphone ko.
Gosh.
"Ang ganda ng wallpaper mo," aniya.
Kinuha ko ang pagkakataon na hablutin sa kamay niya ang cellphone ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. This will be a big issue for us.
"Huwag mo nang tangkain pang insultuhin ako. Oo na, ako na ang hindi maka-move-on," pagsuko ko sabay taas pa ng dalawang kamay ko.
"Ha? Anong sinasabi mo? Mukha mo ang wallpaper kaya napakaganda," papuri niya.
Nagtakha ako sa sinabi niya kaya naman tinignan ko ang cellphone ko. Tama nga, mukha ko ang wallpaper. Last time I checked, hindi naman ito iyong wallpaper ko.
"Paano nasama ang pagiging marupok mo sa wallpaper?"
Ugh! Ang hirap naman nito masyado.
"Wala akong oras para magpaliwanag pa sa iyo. Iuwi mo na lang ako," pakiusap ko sa kaniya pero mukhang wala siyang balak na sundin ako.
"Request ito ni Ate Dorine. Masamang hindi pagbigyan ang buntis," sabi niya na ikinagulat ko.
Ate Dorine is pregnant? When?
Napatakip ng kaniyang bibig si Ynigo nang mapagtanto ang nasabi sa akin. Balak bang ilhim ni Ate Dorine ang pagbubuntis niya sa amin, sa akin?
"I'm sorry, Denice..."
"Kailan pa?"
Grabe ang nararamdaman kong inis ngayon. Ni wala na nga akong pakialam kung matuyo pa ang basa kong damit sa sarili kong katawan.
I feel like Ate Dorine gave her trust to someone more than me.
"I don't think sa akin dapat manggaling ang bagay na ito," pagrarason niya.
"Okay."
Hindi ako sang-ayon sa kaniya pero um-okay na lang ako. Alam kong alam niya na gusto ko talagang malaman ang bagay na iyon. And of all people, bakit parang ako ang hindi pinagkakatiwalaan ng Ate ko?
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Nakahinto pa rin kami sa tapat ng isang convenience store. Halatang pinagt-tripan ako ni Ynigo kanina nang sabihin niyang didiretso kami sa condo raw namin.
"She's one month pregnant," ani Romualdez.
Nangunot ang noo ko pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin sa may bintana.
Halos tatlong linggo pa lang noong magpakasal sina Kuya Raymond at Ate Dorine ah? Sa pagkakaalam ko, hindi magpapagalaw si Ate hangga't hindi siya humaharap sa altar. She badly hates pre-marital sex.
"Are you freaking serious, Ynigo Louie?" inis kong tanong, hindi pa rin makatingin sa kaniya.
"Sabi ko na nga ba eh, hindi na dapat pa ako nagsalita." He sounded so regretful. Wala rin talaga siyang balak na pangunahan ang Ate ko but now, he did.
Dapat ko pa nga siyang pasalamatan.
"Iuwi mo na lang ako, Ynigo," pakiusap ko sa kaniya.
"Sure."
I'm not mad. I just can't bear the thought that my sister hid a secret from me. At saka, bakit niya naman ililihim sa akin na buntis siya? Alam niya naman na ako ang pinakamasayang tao sa mundo para sa kaniya once na malaman iyon.
May mas malalim pa kayang dahilan para piliin niyang itago sa akin ang bagay na iyon?
I'm not going to ask her once na bumalik ako sa kumpanya. Hihintayin ko na sa kaniya mismo manggaling iyon.
Wala akong pakialam kung hanggang kailan niya ililihim sa akin na may bata na nabubuhay sa tiyan niya ngayon, basta siya ang magsasabi sa akin.
"Ynigo..."
The man beside me stare at me, nervously. Akala niya siguro, galit ako sa kaniya, but I'm not.
"D-Do you need something?" he asked in confusion.
"Pumunta tayo ng Cebu."
Nakita ko kaagad ang nagtatakhang tingin niya sa akin. I smiled at him, trying to light up the mood.
"Stop joking, Denice. Next week na ang pagkikita niyo ni Oliver. Pasensya ka na kung nagulo ko ang isip mo."
"I'm not joking, Romualdez," I said, full of assurance. "I will file a one-week leave. Samahan mo ako ah?" I smiled again.
Wala sa sariling tumango siya. Hindi siya mukhang tumatanggi sa alok ko pero hindi rin bakas sa mukha niya ang pagsang-ayon.
"And oh, huwag mong sabihin kay Ate na nasabi mo na sa akin ang kung ano mang rebelasyon na hindi mo naman sinasadyang sabihin sa akin. I want her to tell me, personally. Sa kaniya ko mismo gustong marinig ang magandang balita na iyon."
Kahit na na-explain ko na kay Ynigo ang nararamdaman ko, ramdam kong nagdadalawang-isip pa rin siya.
Mukhang may alam siya sa behind the scene story ng paglilihim ni Ate sa pagiging preggy niya but I dared not to ask him. Baka kung saan pa mapunta ang usapan.
Katulad ng sinabi ko, iniuwi naman ako ni Ynigo. Alas diyes na ng gabi. Nagulat pa si Manang nang makita akong kasama si Ynigo.
"Mamamanhikan ka, ijo?" interoga naman ni Manang sa kasama ko. Napasapo pa ako sa noo ko dahil sa naging hinala niya.
"Sinong mamamanhikan?"
Hayan. Napapikit na ako dahil sa biglang sumulpot.
"Good evening, Mr. and Mrs. Juaneza," pagbati naman ni Ynigo sa kaharap namin ngayon.
"Masaya akong makita kita ulit matapos ang sampung taon," ani Mama na ikinataka ko naman. Sampung taon?
Biglang umubo si Papa para hindi maging awkward ang sitwasyon dahil sa naging pahayag ni Mama.
"That's hyperbole," paliwanag pa ni Mama na mas lalo kong hindi naintindihan. Saan banda ang extravagance sa statement niya?
"Salamat sa paghatid sa anak ko, Ynigo," pagwiwika ni Papa. "Tiwala ako sa iyo."
That's nonsense. Lahat ng pinapakilala ko sa kanila o aksidente man nilang nakikilala basta kasama ko, tiwala agad sila. Hindi man lang ipa-background check.
"Pa," usal ko. "Hindi ako nandito para magpahatid lang kay Ynigo. Gusto ko po sanang mag-file ng one week leave. Pupunta ako ng Cebu."
Aaminin kong nagpapadalos-dalos ako tungkol sa desisyon kong ito. Kailangan ko rin silang diretsahin.
Nagpalipat-lipat ang tingin nila sa aming dalawa ni Ynigo. I have read their minds.
"And yeah, magkasama kami ni Ynigo." Umirap pa ako matapos sabihin iyon.
"Payag na payag ako!" masayang pahayag ni Papa.
"I know," bored kong sabi. Alam ko na naman na mangyayari iyon. "So, puwede ko na po bang kunin ang mga gamit ko at itigil niyo na ang pag-iinterogate sa amin?"
Hindi ako nakikiusap. I'm more on, nag-uutos.
"Of course, you can. Kahit isang buwan ka pang mag-leave," masayang-masayang pahayag ni Papa at halos pumalakpak pa ang tainga niya sa pagpapaalam ko.
Nahampas naman siya ni Mama. Halatang-halata ang pagkagusto niya kay Ynigo para sa akin. Hindi man lang tinago kahit kaunti ang nararamdaman niya.
"Stop exaggerating things, Pa," saway ko kay Papa bago hilahin si Ynigo papunta sa kwarto ko para matulungan ako sa pag-aayos ng gamit ko.
Kinain ako ng kaba nang ma-realize na hindi ko pa nga pala naaayos ang mga gamit ko. Nandoon pa rin sa dingding ang mga pictures namin ni Oliver.
"Sana sa susunod, picture na natin ang nandito," aniya hindi man iniisip ang sinabi.
"Ayaw ko na ng pictures. Itatapon ko na nga rin iyang mga iyan," sabi ko sabay-turo sa mga larawan na pina-frame ko pa talaga.
"Mahal na mahal mo 'no?" sabi ko sa sarili ko. Napakagaga ko naman kasi. Umasa pa ako na may forever kasi kahit kailan, wala naman kaming naging malaking tampuhan ni Oli. Ewan ko ba roon sa lalaking iyon.
Sana panghinayangan niya naman ang mga ala-ala naming dalawa.
"Bakit ka ba pupunta ng Cebu?" tanong ni Ynigo habang kinukuha ang mga damit ko sa aking closet.
"Wala, trip ko lang."
"Tungkol ba ito sa nasabi ko sa iyo tungkol sa Ate mo?" kinakabahang tanong niya ulit.
"No," seryosong sagot ko. "I just want to relax myself. My environment here is not healthy for my mental, physical, and social health."
Hindi iyon ang pangangatwiran. Totoo naman kasi talagang napaka-toxic na ng ginagalawan ko. Hindi naman kasi ako makakapagtrabaho nang maayos kapag ganito ako.
In-email ko na nga lang si Joycelyn at Terrence na sila muna ang mag-handle sa mga maiiwan kong trabaho. Posting blogs and attending two press conference lang naman iyon.
Ako na ang bahala sa iba pang maiiwan kong trabaho.
"Parang pang-isang buwang damit mo ang dadalhin natin ah," puna ni Ynigo na ikinatawa ko.
"Mahilig ako magpalit eh. At saka malay mo, magkaroon ng event tapos kailangan ko ng damit. Atleast, ready ako."
Tinignan niya ako na parang sinisiyasat.
"Baka naman gusto mo nang umalis kasama ako tapos doon na tayo sa Cebu, habangbuhay," pangangantiyaw niya.
"I'll give that a thought."
Nakita ko ang pagkaestwatwa ni Ynigo dahil sa sinabi ko. Siya ang unang nang-asar, ginantihan ko lang.
But somehow, parang maganda ang naisip niya. Titira lang naman sa Cebu habangbuhay kasama siya, hindi naman sinabing papakasal ako sa kaniya.
But that's another good idea for me.
Paglabas ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang isang tao na isa rin sa mga dahilan kung bakit gusto ko munang mag-relax sa Cebu.
I need to give her space. Pakiramdam ko, hayun ang kailangan niyang matanggap mula sa akin para masabi niya ang kung ano mang nasa isip niya.
"Where are you going, Denice?" Napatingin siya sa hawak ko maleta at hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang iniisip niya.
Napatingin naman ako sa tiyan niya. Medyo tumaba siya pero hindi pa naman halata na buntis siya.
"Hindi ako maglalayas, Ate," paliwanag ko kaagad. "Gusto ko lang magkaroon ng space."
Space for what, self? Si Ate Dorine ang bibigyan mo ng space!
Lumabas na rin si Ynigo sa kwarto at nabangga niya pa ako.
"H-Hello, Ate Dorine," nauutal na bati ni Ynigo. Kabado much?
Masamang tumingin si Ate Dorine kay Ynigo na para bang may ginawa itong masama. Alam niya sigurong nasabi sa akin ng lalaki ang sikreto niya na mukhang doon niya lang nasabi.
"Ynigo, mag-usap nga tayo," ani Ate Dorine. Big deal ba talaga sa kaniya kung nalaman ko?
Agad kong hinawakan ang braso ni Romualdez nang akmang susundin niya rin si Ate Dorine. Ngayon lang ako magmamatigas sa iyo, Ate. Sana mapagbigyan mo na.
"Isasama ko si Ynigo sa Cebu to give him a chance to prove himself. Other than that, I think I don't have anything to say."
Kahit nakangiti ako kay Ate, parang sinasaksak ang puso ko.
"A-Alam mo na ba, Denice?"
Yes, Ate Dorine! I know what you're going through!
"Ano pong alam ko?"
Hindi nakalagpas sa paningin ko ang pag-iling iling ni Ynigo. Good, huwag mong sabihin kay Ate na alam ko na.
"Wala, wala," natataranta niyang sabi. "Ako na ang bahala sa kumpanya. Enjoy yourself there, sis."
Hindi ganito ang gusto kong marinig kay Ate Dorine. I want her to call me 'bitch' because I am used to it. And that's true, I am really a bitch.
Kasi naman, palihim akong nagagalit sa kaniya ngayon. Kung hindi lang siya nakatingin, baka nasaksak ko na siya ng tingin ko.
Natuto na kaming magtago ng mga bagay-bagay sa isa't isa. Oo, alam ko naman na napakarami na talagang nagbago pero bakit parang ganito naman ata kalala?
She's not trusting me anymore. Kahit pa ang pinakamasayang part ng buhay niya, ayaw niyang i-share sa akin.
"Aalis na po kami kung wala ka nang gustong sabihin," paalam ko saka nilagpasan ang nakatatanda kong kapatid nang tumango siya.
Nakasalubong ko rin sina Mama at Papa saka nagpaalam. Pinabaunan naman ako ni Manang Lorena ng isang mp3 recorder. Humingi pa siya ng pasensya dahil luma na rin iyon.
Ang totoo, I appreciate her kindness. Alam niyang nahihilo ako sa mahahabang byahe kaya kailangan ko ng mapagkakaabalahang pakinggan.
"Ingat ka, Denicery," bilin ni Ate Dorine nang makasakay ako sa kotse ni Ynigo.
"Ikaw rin, Ate Dorine."
Pati na ang anak mo, na pamangkin ko.
I found myself crying paglabas pa lang namin ng subdibisyon.
"Huwag kang umiyak. Nadi-distract ako," saway ni Ynigo.
"Huwag mo rin akong pansinin para hindi ka ma-distract. Sinisira mo ang moment ko eh." Natatawa akong pinunasan ang luha ko.
"Do you hate her?"
"Why would I?" tugon ko, patanong din. "She's my sister. Choice niya kung sasabihin sa akin iyon o hindi."
Nilaro ko ang daliri ko para mapigilan ang antok. Hindi ko na naipagpabukas ang byahe dahil atat na atat na rin yata talaga akong makapunta sa Cebu. I miss that place. Napakarami kong baon pag-uwi noong huli akong pumunta roon.
It was Ate Dorine's wedding that time.
"Paano kung hindi si Kuya Raymond ang ama?"
Matalim ko siyang tinignan nang sabihin niya iyon. Ano bang ibig niyang sabihin? Dinig na dinig ko ang pagbibiro sa boses niya nang sabihin iyon pero nainis pa rin ako.
"Don't tell me, ikaw ang ama?" anas ko sabay tumawa. Galit ako, galit na galit. Simpleng biro lang iyon pero para sa akin, hindi magandang pakinggan.
Hindi kaladkaring tao ang Ate ko at hindi niya magagawang magpabuntis sa iba. Mahal niya si Kuya Raymond at walang kahit sino na makakahadlang sa kanilang dalawa.
Hindi si Ynigo!
"What if I'm the father?"
"E 'di tangina mo."
This is my first time cussing in so much anger. Bigyan niyo ako ng gunting at ako na mismo ang tatapos sa buhay ng lalaking ito.
"Ibaba mo na nga lang ako, Ynigo. Kaya kong pumunta sa Cebu nang mag-isa. Huwag ka na lang sigurong sumama. Ka-badtrip ka masyado."
Tatawa-tawa pa siya kahit alam niyang galit na talaga ako. Halos lumabas na nga ang ugat sa utak ko dahil sa kaniya.
Nakatingin pa rin siya sa daang binabagtas pero nagawa niya pa ring halikan ang noo ko. Pinunasan ko agad iyon dahil kahit pogi at mabango ang hininga niya, nandidiri pa rin ako sa mga pinagsasabi niya.
"Huwag ka nang magalit. I'm just joking."
"You're so annoying and obviously, you aren't helping in any ways. You insulted my mind and Ate Dorine's pregnancy."
Tumingin muli ako sa bintana. Halatang makapal ang ulap na tila ba uulan pero kita ko pa rin ang iilang bituin doon.
"I love you, Denice. I'm sorry, again. Thank you dahil isinama mo ako sa Cebu."
"I hate you. I don't accept your apology and I am totally regretting na isinama pa kita, alalay."
Napahawak ako sa sintido ko. Iba ang tama ng pang-iinis nitong si Ynigo sa akin. I don't how to handle his demon.
Maybe because wala rin naman akong balak na pakialaman siya o ang demonyo sa loob ng katawan niya but he's really getting into my nerves, huh?
"Masyadong malayo ang Cebu. May alam akong lugar. 3 hours lang ang byahe," suhestyon niya. Medyo bumibigat na ang talukap ng mata ko dahil sa antok.
"Where?"
"To my ancient house at Laguna," nagmamalaking sabi niya.
Buti hindi siya nabubunggo kahit sobra-sobra ang pagiging madaldal niya. Focus pa rin siya sa daan.
"Yours, huh?"
"Oo."
Ang yabang mo!
"Ikaw bahala. Basta ba safe roon."
"You're always safe when you're with me. I guarantee you."
Napangiti ako kahit na inis na inis pa rin ako sa mga pinagsasabi niya kanina. Na-turn-off talaga ako sa kaniya ng sobrang lala, nang sabihin niya ang bagay na iyon.
Gustong-gusto ko nang magtanong kay Ate Dory tungkol sa mga pangyayari sa buhay niya kaso, baka ma-stress pa ang buntis na iyon.
Hindi pa naman siya healthy living pero ang liit ng baywang niya. Puro softdrinks at junkfoods ng kinakain niya.
Ngayong alam niya na may nabubuhay na supling sa sinapupunan niya, alam kong gagawin niya ang lahat para ingatan iyon.
Kuya Raymond will surely care for her, for their child.
"Magpahinga ka muna, Denice. Safe ka naman dito," aniya.
"I know, I'm safe but you're not failing yourself to make me pissed the whole time."
"Mahal lang kita gaya gano'n."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (31)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I am now a fan of u Madam. I've read the first 7 chaps and it's good though there are some grammatical errors. but it's okay the construction of scenes is really good and I really like the characters namely Ynigo, Denice and the 2 antagonist.
25/12/2021
2goods
21/09/2024
0NICE BRO
22/08/2024
0Tingnan Lahat