Homepage/Melancholy Baleleng/
CHAPTER 15
Bigla akong natulala sa aking narinig. Nabingi lang ba ako o totoong sinabi niya na nakita niya na si Oliver?
"S-Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" pag-uulit ko sa aking tanong.
Hindi na ako makapagsalita nang maayos. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Bahagyang lumayo si Ynigo sa akin saka ako hinarap ng maayos.
"Oo," pagkumpirma niya. "At sana, makapag-usap na kayong dalawa."
Taray, supportive ang Ynigo niyo!
"Paano mo siya nakita? Parang ang bilis mo namang malaman. Nangako ka pa lang noong isang araw na hahanapin siya para sa akin ah?" Litong-lito ako pero mas nangingibabaw ang kasiyahan sa ideyang makakausap ko ang taong matagal ko nang hinahanap.
"Ayaw mo ba?" tanong niya at muling bumalik sa kinauupuan niya kanina. "Baka gusto mong hindi ko na lang ituloy ang appointment mo sa kaniya sa susunod na Linggo?"
What? Sa susunod na Linggo kaagad kami magkikita? Teka lang kasi, hindi pa ako handa!
"H-Hindi. Tutuloy ako," wika ko.
Mamaya baka maisipan niya pang hindi talaga ituloy iyon. Baka naman h-in-arass niya si Oliver kaya napapayag niya?
Ang sama ko na talaga. Tinutulungan na nga ako ng tao, ganito pa ang iniisip ko. Masisisi niyo ba ako kung mayroon na akong trust issues?
Baka nga ginu-goodtime lang ako ng lalaking ito eh. Bibigwasan ko talaga siya nang makita niya ang hinahanap niyang sakit ng katawan. Hihingi rin ako ng resbak ni Ate Dorine at Ate Frey.
May kakampi naman pala ako eh.
"Sana paghandaan mo nang maayos ang pagkikita niyong dalawa. I wish you luck. Hindi ibig sabihin na may gusto ako sa iyo, may karapatan na akong mag-demand pero sana, kung ano man ang mapag-usapan niyo, ikonsidera mo pa rin ang nararamdaman ko," bilin niya.
I continuously nodded. Probably, aggreing with Ynigo's thoughts. "Of course, Ynigo. Marunong naman akong tumupad sa pangako ko. And I promise to consider you once na makapag-usap na kami."
He smiled, again. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong nasilayan ang dimples niya ngayong araw. Kabilaan pa naman ng pisngi niya.
"I don't know what will happen between the two of you. Hindi ako sigurado kung closure ba iyon o comeback pero seryoso talaga ako sa iyo, Denice. Kung alam mo lang."
Ano ba naman itong lalaking ito? Dadramahan pa ata ako. In-assure ko na nga na I'll be considerate to his feelings eh. Ayaw pa akong pagkatiwalaan.
"Thankyou a million times, Ynigo."
"Mahal kita, milyon-milyong beses, Denice."
Pakiramdam ko pulang-pula na ako ngayon sa mga sinasabi ng lalaking ito. Hindi na corny ang tingin ko sa kaniya eh. Parang seryoso na siya sa mga pinagsasabi niya.
Kapag magaling daw magsalita, magaling din magsinungaling. Hmm?
"Check-out na tayo?" aya niya.
I nodded. Sa tingin ko, na-relax ko naman kahit papaano ang sarili ko. Thanks to this man pati na rin kay Ate Dorine dahil naalala niya pa ang mga pinagsasabi ko noong mga bata pa kami.
"Miss, may malapit bang restaurant dito?" tanong ni Ynigo sa isang babae na mukhang dito rin nagtatrabaho.
"Medyo malayo pa po rito, Sir. Mga isa't kalahating oras niyo po babagtasin kung may sasakyan kayo. Kung lalakarin niyo, baka hindi na kayo umabot doon."
Kung hindi lang ako gumagalang sa mas matatanda sa akin, ewan ko na lang ang nangyari rito kay Ate.
Tinatanong nang maayos eh.
"I'll call Ate Dorine."
Nginusuan ko siya nang sabihin niyang tatawagan niya si Ate. And wow, Ate Dorine ah? Para namang hindi naging isa sa mga choice niya ng pakakasalan ang Ate ko?
Baka nga kung wala pang asawa si Ate Dorine ngayon, naghahabol na siya ngayon habang ako, naghihintay ng surot na kakagat sa akin.
Lintian!
"Yeah, it's me Ynigo."
Hindi ko marinig ang sinasabi ni Ate. Puro sagot lang nitong si Ynigo ang naririnig ko.
"Oh, okay. Send me the address, Ate."
Ganiyan ba talaga siya kagalang? Mukhang oo. Si Roxie at Monique pa lang ang nakita kong babae na sinigaw-sigawan niya.
At first glance, aakalain mong perpekto itong si Ynigo. Hindi siya mukhang alalay dahil siya pa mismo ang aalalayan.
Heaven ang visual beh!
Tapos napakabait pa. Nga lang, manyak ang first impression ko sa kaniya. Magpakita ba naman ng katawan habang naglilinis ng kwarto ko.
"Thanks a lot, Ate Dorine. I'll take care of her."
Ito na naman ang pakiramdam ko na parang maiihi kahit anong oras. Kilig ba ito o hindi na maayos ang pagf-function ng pantog ko?
"Let's go, Denice," pang-aaya niya sa akin saka hinawakan ang kamay ko. Tsansing na siya masyado ah!
Inalalayan niya pa ako sa pagpasok sa kotse niya. Ganoon na ba ako kalampa sa paningin niya para siguraduhin na hindi ako mauuntog o matatapilok?
"Saan tayo?" siyasat ko.
"Hindi ko rin alam. Si Ate Dorine ang may pakana nito."
Lagot ka sa akin pagbalik ko, Ate. Ikaw pala ang may pakana ah. Magtago-tago ka na bago pa ako makabalik!
Hinayaan ko na lang na magmaneho si Ynigo kung saan. Mukhang nagpa-reserve si Ate Dorine sa isang restaurant.
Napakagastos talaga ng babaeng iyon. Hindi niya na dapat ako isipin ngayong may asawa na siya. Kailangan niyang itabi ang pera niya para sa future.
"Close na close ba kayo ni Ate Dorine?"
Nagsalubong ang kilay ko dahil sa pagtatanong ni Ynigo. Kung saan-saan niya ba nakukuha ang mga tanong niya?
"Sobra," wika ko.
"So masasaktan ka kung sasabihin ko sa iyo na siya ang una kong nagustuhan?"
Aba'y ogag pala ito ah! Balak pa akong i-two time sa nakatatanda kong kapatid. Eh kung buhulin ko kaya siya?
"Wala akong pakialam sa gusto mo at sa mga magugustuhan mo pa," badtrip kong sagot. Nakakataas ng dugo ang lalaking kasama ko. "Magmananeho ka na nga lang!"
I don't know why Ate Dorine leave me with this guy! He's not trustworthy enough. Earlier in the sauna, he narrated his past but I still have trust issues in him.
Sabi ko sa kaniya kanina, kailangan niyang ikwento ang mga sikreto niya. Sabi niya naman, naikwento niya na ang lahat tapos ngayon sasabihin niya na Ate ko pala talaga ang gusto niya?
Subukan niya lang kumabit kay Ate Dorine at Kuya Raymond. Ako mismo ang babangas ng mukha niya.
"Seryoso ako. Si Ate Dorine ang una kong nagustuhan."
"Shut up, Romualdez. Just drive safely okay?!"
Requirements ata sa akin ang mag-English tuwing nagagalit.
"Pero, sa iyo pa rin pala ako mapupunta."
Ay sus, kung alam ko lang, nabasted siya ni Ate dati kay naman ngayon, ako na itong hinahabol niya. He doesn't had a choice.
"You can use Waze so your direction will not cross my ways," sagot ko. Tanga nito. Sa akin din pala siya mapupunta? So, kasalanan ko pa yata ngayon.
"Bakit ba galit na galit ka, Denice?"
Hindi ba obvious? Isa kang sinungaling, manloloko at manggagamit. Pare-pareho talaga kayo eh! Same moves!
"I'm not mad. Just drive!"
Napahawak ako sa aking dibdib. Mukhang hindi na normal ang paghinga ko. Ganoon na ba ako kainis?
"Gusto mo bang malaman kung bakit si Ate Dorine ang gusto ko dati at ayaw ko sa iyo?"
Tsh. Magkakakilala na pala kami dati? Or should I say, kilala niya na pala kami dati? First time ko kasi siyang makita roon sa Hotel sa Cebu.
Mukhang invited siya kasal eh. Kilala niya rin si Kuya Raymond kaya akala ko talaga, silang dalawa ang magkaibigan.
Hindi naman kasi friendly si Ate sa mga boys. Except, kapag nalaman niya na kaibigan ko.
"I'm not interested. Tumahimik ka na nga."
I rolled my eyes. Raised a brow and look away.
"Sure ka? Ayaw mong malaman ang feelings ko sa iyo 10 years ago?"
"That's nonsense. Kapag hindi ka pa tumahimik at kapag hindi ka pa tumigil sa pangungulit, papatulan na talaga kita!"
"May nanliligaw na kasi sa iyo noong mga panahong iyon."
I stared at him for a minute. Naka-focus lang ang mata niya sa daan na kaniyang binabaybay.
"Tss. Nonsense. Nanliligaw pa lang. Kung gusto mo talaga ako noon, you're willing to fight for me. Lalabanan mo sana si Oliver. Edi sana tayong dalawang ngayon."
Biglang naihinto ni Romualdez ang kotse.
"So you'll consider me kung nanligaw ako noon at kinalaban si Oliver?"
Napatakip ako sa aking bibig nang ma-realize ang aking mga sinabi.
"Hindi pa rin," sagot ko. "Nakatadhanang magkakilala kayo ni Monique."
Kung ano-ano na ang pinagsasabi ko. Hindi ko malaman kung naiinis ako kay Ynigo or if I meant those words I uttered.
Wala nang nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa isang restaurant. This was familiar to me. Parang nakita ko na ito noong bata pa ako.
"Nakapunta na ba ako rito?" tanong ko sa aking sarili. "Parang alam ko talaga ang lugar na ito eh."
"Talaga? Kailan ka napunta rito?" usisa naman ni Ynigo.
"Hindi ko alam. Baka nakita ko sa Internet or magazines," tugon ko.
Inalalayan niya ako papasok ng restaurant. I can say that this is fancy. Baka mahiya akong um-order. Hindi ko pa nakikita ang menu, parang iiyak na ang bulsa at wallet ko.
"Don't mind the price, I'll pay for this date of ours."
Date? Sino namang nagsabing date ito?
"Lipat na lang tayo. Ayaw ko rito, mapapagastos ka pa," buwelta ko. Tinatawanan lang ako ni Ynigo sa mga pinagsasabi ko.
Dumating ang tatlong waitress kasama ang isang manager saka yumuko sa harap namin. Taray, pa-VIP.
Hanggang dito, ginagalang si Ynigo. Mukhang napakayaman niya talaga ah.
"Good day, Ms. Juaneza. I'm glad, I finally meet you."
Woah? Kilala niya ako? Paimportante rin yata ako ngayon.
"We receive your reservation for today. Siya po ba ang kasama niyo ngayon?" anang manager na nasa harap ko saka itinuro si Ynigo na katabi ko lang. Close ba kaming dalawa nitong manager?
Hindi ko naman siya kaano-ano at hindi kami naging magkaklase in my elementary, high school at college days. Hindi ko rin siya kamag-anak at lalong-lalo namang hindi ako ang nagpa-reserve rito sa restaurant nila today.
Sasagot na sana ako sa manager pero bigla naman akong nakatanggap ng tawag.
"I'll excuse myself," paalam ko na tinanguan naman nina Ynigo at ng manager.
Ate Dorine calling...
"Anong pakiramdam na nakatapak ka ngayon sa sarili mong restaurant, Denice?"
Nangunot ang noo ko.
"What do you mean? Nakatapak ako sa sarili kong restaurant? What are you talking about, Ate Dorine?"
"Go outside and read the restaurant's name."
Inuutusan pa ako nitong magaling kong nakakatandang kapatid. Dahil may sa tanga ako, sinunod ko rin ang inutos niya sa akin.
DENICERY'S
Ang weird naman nitong restaurant, kapangalan k---
"Oh my gosh, Ate!" sigaw ko. Napatingin sa akin ang mga kumakain.
"What? Hindi mo ba nagustuhan? Papa-demolish ko na iyan ngayon!"
Grabe naman siya. Ipapa-demolish talaga? May sinabi ba akong ayaw ko nito? What I'm being nervous about this was how much did she spent for this?
"Huwag mong paghintayin ang ka-date mo, Denice. Nahirapan akong rentahan siya."
Natawa ako sa sinabi ni Ate Dorine. Nirentahan niya si Ynigo Romualdez at nahirapan siya? Kung alam ko lang, napakalakas ng tama sa kaniya ni Ynigo.
Silang dalawa na lang kaya ang mag-date rito?
"I'll hang up."
"As if I have a choice, Ate."
Friname-up ako ng Ate ko. Palibhasa, kasal na siya kaya ako naman itong kinakantiyawan niya. Kung hindi siguro magw-work out ang pinaggagawa niya sa amin ni Ynigo, sigurado akong hahanap siya agad ng kapalit.
I hate commitment!
I am only committed to my job, duh.
Committed na sana ako sa isang tao eh, kaso nga lang, iniwan ako. Hindi pa rin ako maka-move-on and who'd have thought na sa ganda kong ito, malas ako sa pag-ibig.
Oo maganda ako, aangal ka?
Habang papunta ako sa seat namin ni Ynigo ay nakita ko siyang palinga-linga. Mukhang pinagmamasdan ang paligid.
"Enjoying the ambiance, huh?" puna ko.
"Yeah. I remember your style and character in here. This is complicated but gorgeous," aniya saka ako nginitian.
"Bolero ka," komento ko.
"Ikaw pa lang ang ganiyan ang naging reaksyon sa papuri ko. Ikaw lang talaga, Juaneza. Namumukod-tangi ka."
"Shut up, Romualdez."
"Shut up, Juaneza!"
Ayaw talagang patalo ah.
"What's your order?" tanong sa akin ni Ynigo habang minamata ang menu.
"Ikaw na ang bahala."
"I want Oli de Grechain," aniya.
Oli, what?
Nang-iinis ba sila sa akin? Bakit ganiyan ang pangalan ng pagkain sa menu?
Minata ko rin ang menu para makita pa ang ibang putahe. At first glance, it was a simple menu pero kung ako ang magbabasa n'on, memories will surely flash in front of me.
"Francis Parmeniana, Draco Carbonara, Ralph Shawarma," isa-isa kong bigkas sa mga pangalan ng pagkain.
"All of these was my ex crush's and ex boyfriend's name," anas ko. Paulit-ulit ako sa pagsinghal.
"Baka coincidence lang," sabat naman ni Ynigo.
"Ikaw na nga lang ang pumili ng pagkain natin. I hate foods' name."
Nakapangalumbaba ako sa table namin habang hinihintay na mai-serve ang order ni Ynigo na naging order ko na rin.
"You hate your past?" tanong ni Ynigo.
"No, I just hate people in my past. Not totally, my past."
That's right.
I always cherish every moment in my life. Even if it's the biggest downfall and gigantic conflict that can turn my whole world upside down.
Hindi naman masamang balikan ang mga nakalipas na. What I hate is someone reminding me of people who I hated so much for hurting me.
Kapag nasasaktan nila ako, nasasaktan ko rin ang iba. Nag-iiwan sila ng malaking peklat sa puso ko at ang hirap burahin n'on.
"Don't hate people in your past. Para silang ginto na mapapakinabangan mo rin balang araw," pangaral ni Romualdez.
"So, iniisip mo na isa akong ginto?"
Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko. She's smiling but I know it will fade once her eyes will meet mine.
"Bakit ka nandito, Monique?" Dinig ko ang pagkairita sa boses ni Ynigo ngayon. It looks like we're on a drama at ako ang kabit.
But Monique is not the real wife, naghahabol lang siya.
"I'm here to make you mine once again, Ynigo."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (31)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I am now a fan of u Madam. I've read the first 7 chaps and it's good though there are some grammatical errors. but it's okay the construction of scenes is really good and I really like the characters namely Ynigo, Denice and the 2 antagonist.
25/12/2021
2goods
21/09/2024
0NICE BRO
22/08/2024
0Tingnan Lahat