CHAPTER 10

Kahit sa panaginip, ginugulo mo ako.
Natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa isang sofa. Lugar kung saan hindi ako nakatira. Naka-jersey rin ako. Hindi ito ang damit ko kagabi ah! At, natandaan ko na hinatid ko pala si Ynigo kagabi.
Pero bakit naman dito ako natulog? Ano na lang ang iisipin sa akin ng mga tao? Ng pamilya ko? Pati na mga kaibigan ko?
Nakaamoy ako ng pagkain na niluluto. Sigurado akong galing sa kusina ni Ynigo ang mabangong amoy na iyon.
"Gising ka na pala," aniya saka agad na ngumiti sa akin. "Good morning."
Napatakip ako ng aking mata nang makitang wala siyang damit. Tanging boxer lang ang mayroon siya! Hindi ba uso sa kaniya o sadyang gusto niya lang talaga akong asarin?
Bumangon ako sa sofa, and swear, ang sakit talaga ng katawan ko. Hindi ako sanay na matulog sa sofa.
"Bagay sa iyo ang jersey ko ah," puna niya saka inilapag ang mga niluto niyang pagkain sa wooden table.
"Marunong ka magluto?" tanong ko, hindi makapaniwala na kaya niyang magluto.
"Hindi," sagot niya. "Pero gugustuhin ko na lang magluto ng totoong pagkain kaysa naman ikaw ang kainin ko."
Binato ko siya ng unan at muntik pang matapon ang dala-dala niyang pagkain.
Umupo ako sa wooden chair kung saan naroon din ang wooden dining table ni Ynigo. Lahat ng gamit niya, wooden. May antiques pang mga gamit.
"Paanong jersey mo ang suot ko? Nasaan ang damit ko?"
"I ripped it." He smiled, teasing me.
"Tangina mo ba?" I cussed.
Nakakataas ng dugo ang isang ito. He ripped it? At bakit naman?
"I ripped it so you have the chance to wear my jersey. May apelyido ko pa iyan para naman maranasan mo na maisuot ang apelyido ko."
Tinutukan ko siya ng tinidor bilang pagbabanta. Kapag hindi pa siya sasagot ng maayos sa mga tanong ko, itatarak ko na talaga ito sa lalamunan niya.
Ano ba iyan?! Para akong psychopath sa mga pinagsasabi ko.
"Sinong nagpalit sa akin?" nahihiyang tanong ko. Nakatingin lang ako sa pagkain na nasa harap ko ngayon.
"May iba pa bang tao rito sa condo ko?"
Oo nga naman, self! Common sense naman!
"So sino nga?" tanong ko pa. "Malay mo, nakalimutan ko lang na ako pala nagbihis sa sarili ko."
He tsked. "Of course, ako. Sino pa ba?"
Bumilog ang aking kamao dahil sa inis, lalo na sa hiya.
"Quits lang tayo, Denice. Nakita mo rin naman iyong akin!" pang-aasar niya.
"That's not my intention! Naiinitan ka kagabi kaya ko iyon ginawa!"
Okay, I'm being too defensive here!
"May nunal ka pala sa dibdib?"
Umakyat lahat ng dugo ko sa katawan dahil sa tanong niyang iyon!
"Alalay na perv!" bulyaw ko.
"You're attractive."
Uh, I can't handle this!
"Uuwi na ako," paalam ko sa kaniya.
"Ng walang bra?"
Automatiko akong napahinto dahil sa naging puna niya sa akin.
Nilakihan ko siya ng aking mata at kaagad nagsalubong ang kilay ko nang ngitian niya ako! What's with that smile, Ynigo?! You're so creepy.
Ibig sabihin, nakita niya nga talaga ang bagay na iyon sa akin?
Palabas na sana ako ng condo niya nang may bigla namang pumasok.
"Gising ka na pala."
Nanliit ang mata ko sa babaeng pumasok. Diyosa ba siya? Diwata? Reyna ng kagandahan? She's so damn gorgeous!
"Pinagsamantalahan ka ba ng kapatid ko habang wala ako?"
Kapatid? Sinong kapatid?
"Ate Frey naman eh! Baka kung anong isipin ni Denice tungkol sa akin!"
Hindi mawala ang titig ko sa babae. Bakit ang ganda ganda ganda niya talaga? She looks like a living Goddess that is deserving to be praised for a lifetime.
"Pasensya ka na ah. Jersey ni Louie ang ipinasuot ko sa iyo."
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Siya pala ang nagbihis sa akin. Thank, God! Anghel siya kaya wala akong dapat problemahin.
"Kumain ka na ba?" usisa niya sa akin habang naglalagay sa fridge ng mga pinamili niya.
"Hindi na po," tanggi ko. Nakakahiya. O-kay? Am I being too respectful?
"Here, I brought you a dress."
Inabot niya sa akin ang isang puting bestida. I hate simple and I hate white pero dahil sa babaeng kaharap ko ngayon, parang nagbago bigla ang pananaw ko.
"Sorry again. My younger brother ripped your shirt last night. Hindi niya alam kung paano ka papalitan so he called me. Inaapoy ka kasi sa lagnat," paliwanag niya. "I'm glad, bumaba agad ang body temperature mo."
Paulit-ulit lang akong tumango. I don't know how to respond. Na-speechless ata ako sa sobrang ganda ng nakatatandang kapatid ni Ynigo.
"Hoy, Miss Broken! Baka ipagpalit mo ako riyan sa Ate ko ah!" puna ng magaling kong alalay.
"Pakialam mo naman kung ipapagpapalit talaga kita?" masungit kong tanong sa kaniya.
Mala-anghel na tinatawanan lang kami ni Ate Frey. I can't believe na may nabubuhay na kasing ganda niya. Gwapo si Ynigo, I can't deny that.
Pero ang Ate niya, iba ang level ng ganda. Blue pa ang mata niya. May lahi ata. Bakit brown ang kay Ynigo?
"I heard, nakita mo si Monique at si Papa kahapon?"
Simpleng tumango lang si Ynigo.
"And you're with a good friend yesterday."
Muntik na akong mabilaukan sa sinabi ni Ate Frey. Good friend.
"I can't believe na magseselos si Monique sa good friend lang," komento ni Ate Frey.
Napaubo-ubo ako.
"Ayos ka lang ba, Denice? Nagseselos ka rin ba sa good friend nitong si Ynigo?" tanong ni Ate. "Don't worry, hindi ka ipagpapalit ni Ynigo sa isang good friend lang."
Hindi ba niya alam na ako ang tinutukoy na good friend? And who am I to have the rights of being jealous? Ano ko ba ang kapatid niya?
"I guess you misunderst---"
"Hindi ko ipagpapalit si Denice sa good friend lang, Ate," sabat ni Ynigo. Parang na-convince niya si Ate Frey sa sinabi niya.
Binibigyan niya ng malisya ang bagay na wala lang dapat!
"I'm glad, nilinaw mo na ang lahat kay Monique. Si Papa at ako ang nililigawan no'n eh, to make you come back to her. Sabi niya tulungan ko raw siya but of course, I can't dictate you. And I guess, nasa tamang tao ka na ngayon."
At tuluyan na nga akong nabilaukan.
"Ayos ka lang ba, Denice?" Hinimas-himas ni Ate Frey ang likod ko saka ako inabutan ng isang basong tubig.
"Ayos lang po ako," sagot ko sa kaniya nang matapos akong uminom ng tubig. Loko itong si Ynigo, hindi man lang tinanggi ang mga assumptions ng Ate niya tungkol sa relasyon naming dalawa.
I want to cut the crap but I think that's disrespectful for Ate Frey. Umaasa talaga siya na kami na ng kapatid niya. Nakita niya na raw kaagad ang pagbabago ni Ynigo.
Hello? Sabi kaya ng guard, hindi niya na mabilang sa daliri niya kung ilan na ang nadadala ni Ynigo rito sa condo niya.
Paano ko malalaman kung ako ba talaga ang dahilan ng naging pagbabago ng mokong na ito?
"Puwedeng makiligo?" tanong ko, obviously, iniiba lang ang usapan at umiiwas sa maaari pang maungkat.
"Of course." Si Ate Frey na ang sumagot. "This is your boyfriend's condo. You can do everything you want. Ako na ang magbibigay ng permission sa iyo."
Sa sobrang bait ng Ate ni Ynigo, hindi ko na alam kung paano ie-explain sa kaniya ang totoo. Si Ynigo na ang bahala! Sasakmalin ko siya kapag hindi niya in-explain ang bagay na ito sa Ate niya.
Binilisan ko lang ang pagligo. Nakasampay pa naman ang mga undergarments ni Ynigo rito sa banyo. Baka kapag tumagal ako, kung ano pa ang isipin ng lalaking iyon.
"Oh, you work at N.J Group?" puna ni Ate Frey nang makalabas ako ng banyo at makita ang I.D na suot ko.
"Opo," tugon ko. "Head Journalist."
"Isa ka sa mga Juaneza?" usisa ni Ate Frey. "Youngest or eldest daughter?"
"Young and youngest," biro ko.
"OMG Louie!" hiyaw ng Ate ni Ynigo. "So siya ang papakas---"
Tinakpan ni Ynigo ang bunganga ng Ate niya. Ang weird naman nilang magkapatid.
Joycelyn calling...
"Sorry, I need to take this call po," pagpapaalam ko, sa pinakamagalang na paraang alam ko.
They both nodded. I had the urge to answer Joycelyn.
"Napatawag ka, Joyce? Nasa company ka na ngayon?"
"Oo," sagot ng babae sa kabilang linya. "At nagwawala na si Roxie. Please lang, pumunta ka na rito bago pa masira ang mga gamit dito sa department natin!"
Napapikit ako ng mariin dahil sa narinig. Kapag may nasirang kahit ano sa department ko, ipapakain ko ng buo sa malditang babaeng iyon.
Kung hindi lang kasalanan ang pananakit, baka natanggal ko na ang kung ano-ano kay Roxie. Baka hindi na siya humihinga ngayon.
"Sige, on the way."
Binaba ko na kaagad ang tawag at bumalik sa may sala para makapagpaalam na kay Ate Frey. Nasa banyo raw si Ynigo at naliligo.
"Pakisabi po, papasok na ako sa trabaho," bilin ko. "Ingat ka po."
Para akong anghel din kapag kausap ang Ate ni Ynigo. Nakakahawa ang pagiging mabait niya. Nakakahawa ang pagiging maganda niya.
"Of course, future hipag. Ingat ka rin!"
Natawa ako ng bahagya sa sinabi ni ate. Future hipag? Gandang pakinggan. Paniwalang-paniwala talaga siya na may relasyon kami ng nakababata niyang kapatid.
Pumunta ako sa Parking lot para kuhanin ang kotse ko. Ang guwardiya kagabi ang nag-park ng kotse ko at buti na lang, medyo malapit lang ang pinag-parking-an niya.
Nagmamadali na talaga ako.
Message from: Mr. Juaneza, papa
Bilisan mo na. Naghihintay si Ms. Valeria at kailangan din nating mag-usap.
Hindi ko na lang masyadong pinansin ang message ni Papa. Ready na naman ako sa mga mangyayari mamaya. Ni-ready ko na ang sarili ko dahil ayaw ko namang mabigla.
Luluhod ako sa harap ni Roxie at hihingi ng tawad? Angas nito. Puwedeng gawing article. Maaaring pagpiyestahan ng netizens.
Isang sikat na head journalist, lumuhod sa harap ng isang photo journalist upang hindi matanggal ang kaibigan niya sa trabaho.
Kailangan na talagang umuwi ni Ate Dorine. Hindi ko na ma-handle lahat dito. Siya lang ang may kakayahang i-manage ang lahat.
Sana bilisan na nila ang paglalampungan ni Kuya Raymond sa Cebu. Wala akong pakialam kung busy pa sila, basta kailangan na nilang umuwi rito.
"I miss you, Marie!" bati ni Joycelyn.
Pakiramdam ko bumalik na sa ayos ang lahat nang batiin ako ni Joyce. Mas nauna na naman siya sa mga guwardiya. Ibang klase talaga ang radar niya.
Grabe talaga ang nagagawa kapag may lahing aso eh.
"Sure ka bang gagawin mo ito? Iwanan na lang natin ang journalism department," suhestyon niya. Napitik ko tuloy ang noo niya.
"3 months from now, papalitan mo na ako bilang head journalist. Hindi pa tayo puwedeng sumuko, sa ngayon."
She sighed. Na-realize niya siguro na siya na nga pala ang magiging head journalist dahil ako na ang CEO ng N.J Group sa mga oras na iyon. Iyon ay kung hahayaan ni Papa na sa akin na talaga mapunta ang kumpanya ng pamilya namin.
"Ayaw kong makita kang luluhod kay Roxie eh," ani Joycelyn.
"Pumikit ka," suhestyon ko.
Ngiting-aso agad si Roxie nang makita ako. Dumayo pa talaga siya sa department na hawak ko para lang mang-inis? Tarakan ko kaya ng gunting ang bibig ng isang ito?
Ang ganda niya sana eh, ang kaso, inggitera. Hindi marunong makuntento sa kung anong mayroon siya.
Baka nga gusto niyang siya ang pamanahan nitong kumpanya. Kung gano'n ang gusto niya, e'di goodluck. Hindi ibig sabihin na nagpatalo ako sa unang beses ay magpapatalo pa rin ako sa mga susunod pang laban.
"Ready ka na bang lumuhod at magmakaawa?" bulong ni Roxie sa tainga ko saka kunwari akong yayakapin.
Plastikada.
Napatunayan ko na ngayon. Hindi lahat ng plastik, lumulutang sa tubig. Iyong iba, naglalakad tapos may pangalang Roxie Valeria.
Hindi ko na lang siya pinansin. Hinila ko rin si Joycelyn papasok ng opisina ko. Para kasi siyang makikipagsabong sa babaeng iyon.
Once na lumuhod ako kay Roxie, that will be the last. Katulad ng sinabi ni Joyce, I'm a woman of dignity and principles. Lulunukin ko muna ng pride ko, pansamantala.
Pagtapos nito, kapag nagkaroon ulit kami ng alitan at siya muli ang kakampihan ng mga magulang ko, ako na mismo ang aalis sa kumpanyang ito nang walang paalam.
"Huwag kang lalabas dito sa opisina ko," utos ko kay Joyce. "Ako na lang ang haharap sa kanila. Huwag kang ma-stress baka mapaaga ang pagpapalayas sa atin dito."
"Kaya mo ba?" tanong niya na naman.
"Hindi na sana ako papasok kung hindi ko kayang panindigan itong desisyon ko, 'di ba? At saka, hindi ko ito ginagawa para sa sarili ko o para sa iyo lang. Ginagawa ko ito dahil may labingdalawang empleyado pa ang umaasa sa akin."
Sabay naming kinalma ni Joyce ang mga sarili namin.
Lumabas na ako ng opisina at naabutan kong hinihintay ako ni Roxie sa tapat ng opisina ni Mr. Juaneza.
Sobrang lapad ng ngiti ng demonyita.
Lumabas na rin si Papa mula sa opisina niya. Luluhod na sana ako pero----
"Sabi ko hintayin mo ako, 'di ba?"
Napaangat ako ng tingin. Ano namang ginagawa ng isang ito rito?
Natulala si Roxie, si Papa, maging ang iba pang mga empleyado. Tss, mga natutulala sa gwapo.
"May sinabi ka ba?" tanong ko, pabulong lang.
"S-Sino ka?" nauutal na tanong ni Roxie. Wow, sa dalawampu't tatlong pamumuhay niya rito sa mundo, ngayon lang siya nakitang mabulol nang dahil sa lalaki.
"I'm Ynigo Romualdez. I guess, you're Ms. Valeria."
Sige, mag-usap at magpakilala muna kayo sa isa't isa. Marami pa namang oras. Gusto niyo magligawan na rin kayo at ikwento ang talambuhay ng isa't isa.
"K-Kilala mo ako?" Roxie stuttered again.
"Oo," sagot ni Ynigo. "Sino ba namang hindi makakakilala sa taong nagpapahirap sa taong gusto ko?"
Napapikit ako sa narinig ko mula kay Ynigo. Sinong tinutukoy niya? Kaharap namin si Papa!
"Ikaw iyong lalaki sa Cebu, 'di ba ijo?" tanong ni Papa. For Pete's sake, pinagtitinginan na kami ng mga empleyado!
"Yes sir," pagkumpirma ni Ynigo. "I'm glad we meet again."
"You're familiar. Parang kilalang-kilala kita. Hindi ko lang masyadong matandaan," puna ng tatay ko.
"Baka nga po," nahihiyang sagot ni Ynigo. "Manliligaw po sana ako sa anak niyo."
Malakas kong siniko si Romualdez. Ano bang sinasabi ng isang ito? Hindi niya pinansin ang pagsiko ko sa kaniya.
"Sana po huwag niyong pahirapan si Denice sa trabaho. Ayaw ko siyang makitang nahihirapan dahil lang sa immature niyang katrabaho."
Nakita ko kung paanong mag-usok ang ilong ni Roxie sa mga sinabi ng lalaking katabi ko.
"I hate you, Denice!" sigaw niya bago mag-walk-out.
Bakit ako na naman ang hate niya eh itong si Ynigo naman ang nangbara sa kaniya?
"Sorry po sa abala, Sir," paghingi ng paumanhin ni Ynigo sa Ttay kong malapad ang ngiti ngayon.
"Ayos lang, basta ikaw, Romualdez. Pasensya ka na sa nakita mo kanina."
"Ayos lang din po, basta para sa anak niyo," sagot ng alalay ko.
"Buti naman, nakilala ko na ang mamanugangin ko."
WTF?
Mamanugangin?

Komento sa Aklat (31)

  • avatar
    ZeusettePeachy

    I am now a fan of u Madam. I've read the first 7 chaps and it's good though there are some grammatical errors. but it's okay the construction of scenes is really good and I really like the characters namely Ynigo, Denice and the 2 antagonist.

    25/12/2021

      2
  • avatar
    Melvin Navarroza

    goods

    21/09/2024

      0
  • avatar
    Jazper Belardo Tulisana

    NICE BRO

    22/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata