09

Sinamaan ko ng tingin si Lyka ng mahina niya akong batukan. Ngumisi ito sa akin pero inirapan ko lang siya.
"Tigilan nyo 'ko." sabi ko sa kanila, dumadagdag sila sa sakit ng puson ko.
"Sabi na e," makahulugang sabi ni Marie sa akin, inangatan ko siya ng kilay. Ibubuka ko na sana ang bibig ko pero tinikom ko na lang. Inirapan ko rin siya saka tinignan ang bracelet na ngayon ay suot ko.
"Maganda a, mukang mamahalin."
"Iyo na," sabi ko sa kanya sabay angat ng kamay ko, bumungisngis silang dalawa.
"Bakit bad mood?" nakangising tanong ni Marie sa akin.
"Red days," nakasimangot na sabi ko sabay yuko sa mesa, nandito kami ngayon sa cafeteria dahil sabay sabay ang break namin. Isang klase na lang ang papasukin ko mamaya at makakapag pahinga na ako sa bahay.
"Hintayin mo kami, daan tayo sa BGC." sabi ni Marie sa akin, oo nga pala! Hindi ko napuntahan ang condo no'ng sabado dahil nakalimutan ko, nilamon kasi ako ng kaba ni Abo, nang iabot niya sa akin ang bracelet ay hindi na ako nakapag salita. Kaya hinatid niya na lang ako sa tapat ng bahay namin. Mabuti na lang at walang tao sa bahay, wala 'yong dalawa.
"Kailan tayo lilipat doon?" tanong ko sa kanila.
"Next week ako, kakausapin ko pa si mama." sagot ni Marie, siya kasi ang may pinaka strict na magulang sa amin.
"This week ako," sagot ko naman. Pinapaalis na ako ni papa sa bahay e, kaya mamaya pagdating ko ay mag-aayos na ako ng mga dadalhin ko.
"Wala ka kasing dulot," inismiran ko lang si Lyka ng sabihin niya iyon.
Naunang umalis ang dalawa sa akin, may isang oras pa akong bakante kaya tatambay na lang muna ako sa library. Inumpisahan ko ng ayusin ang gamit ko, tatayo na sana ako ng may biglang umakbay sa akin dahilan para mapaupo ulit ako.
Sinimangutan ko sila Aivan ng umupo sila sa inuupuan nila Marie kanina.
"Bakit mag-isa ka?" tanong ni Tricia sa akin.
"Kasi wala akong kasama," sarcastic na sagot ko. Inangatan niya ako ng kilay kaya mahina akong natawa.
"Nauna na 'yong dalawa." bawi ko, binigyan niya ako ng isang tango.
Wala ang kambal, mukang may pasok.
"Aware ka bang mabaho 'yong kamay mo?" tanong ko kay Aivan, agad itong lumingon sa akin, mabilis kong tinulak palayo ang kanyang mukha ng maramdaman na sobrang lapit ng mukha niya ng lumingon siya sa akin.
"Pati hininga mo," nagpipigil tawang dugtong ko. Nakasimangot nitong tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin. "Pasensya ka na a, eto lang kasi ako." kunyaring madramang sabi niya, nakatikim siya ng mahinang batok kay Markus.
"Kadiri ka pre," kunyaring nandidiring sabi nito, sabay sabay kaming natawa dahil sa reaksyon ni Aivan.
"Kahit kailan ay ang hilig nyo akong pag tulungan," nakasimangot na sabi nito, napailing na lang ako sa kanila.
Tumayo na ako saka nagpaalam sa kanila, mas gusto kong tumambay sa labas para maghanap ng gwapo. Wala kasing masyadong tao sa cafeteria, mahirap maghanap ng gwapo.
"See you!"sabi ko sa kanila sabay tango.
Naglakad ako papunta sa open field at umupo sa isa sa mga bakanteng bench. Marami rami rin ang nakatambay dito katulad ko. It's already 3 in the afternoon, matirik ang araw pero ang hangin ay hindi mainit. May malaking puno na nagsisilbing bubong ko habang nakaupo.
Nilabas ko ang cellphone ko ng maramdaman kong tumunog ito, kumunot ang noo ko ng makita ang pangalan ni Maverick, mahina akong tumikhim bago sagutin ang tawag niya.
"Hey," sagot ko.
"Hi, are you busy? Hindi ka nag-re-reply sa message ko." aniya, kinagat ko ang ibabang labi ko. Eto ang pinakaayaw ko sa lahat, 'yong paggiging clingy ng mga lalaki.
"Ahm yeah, busy." simpleng sagot ko.
"Aww, nakakaistorbo ba ako?" bigla akong na cringe sa sinabi niya, gusto ko na lang ibaba ang tawag.
"Ah medyo," sagot ko. Napangisi ako ng hindi agad ako nakarinig ng sagot mula sa kanya.
"Awts, anyway. Kailan ka free? Kita ulit tayo."
"ahm, hindi ko pa alam e. I'll text you na lang."
"Oh, ok. Text me then. Bye!"
Hindi na ako nag salita at binaba ang tawag. Naramdaman niya naman siguro 'di ba? He's a playboy after all, mararamdaman niya 'yon.
Huminga ako ng malalim bago itago ang cellphone ko, natigilan ako ng may maalala ako. Muli kong kinuha ang cellphone ko at nag open ng IG, agad kong pinindot ang IG story ni Abo, nasa unahan kasi siya.
"Busy." mahinang basa ko sa caption niya, picture ito ng opisina niya na maraming nakakakalat na mga papel. Umayos ako ng upo saka nagtipa ng reply sa story niya.
Ako:
I can be your secretary if you want
Mahina akong bumungisngis ng makita kong sineen niya agad ang message ko.
@HudsonGS
Don't you have a class?
Bakit naririnig ko ang boses niya? 'Yong tonong galit, omaygi! Pagalitan mo pa ako, Abo!
Ako:
Vacant ko.
@HudsonGS:
Share?
Tumawa ako ng mabasa ang reply niya. Nagtatanong siya ta's ganyan 'yong reply niya. Medyo panget siya ka bonding a.
Ako:
So, can I apply as your sexytary?
@HudsonGS:
No thanks.
Ako:
Why? Mabilis akong kumilos, sir.
Sumimangot ako ng sineen niya na lang ang message ko. Ano ba 'yan!
Ako:
Seener si sir.
@HudsonGS:
I'm busy.
He send me a photo of his office.
Ako:
Send me a picture of yours, 'yong hot fafa.
Muli akong tumawa ng ma send ko ang reply ko sa kanya. Gaya kanina ay sineen niya na lang ulit ang message ko. Napailing na lang ako saka tinago ang cellphone ko. Biglang nawala ang sakit ng puson ko.
Tumayo na ako, gusto kong kumain ng matamis ngayon. Argh, craving ako sa sweet kapag meron ako. This is bad! Masisira ang diet ko. Hindi bale, di naman ako mabilis tumaba.
Kinuha ko na ang bag ko saka naglakad na pabalik sa room, maaga pa ng makapasok ako. Pero may ilang kaklase na akong nakitang nakaupo dito. Pumunta ako sa pinakataas, bet ko lang.
May umupong babae sa tabi ko, ngumiti ito sa akin kaya binigyan ko rin siya ng ngiti.
"Hi, I'm Zevaida," nakangiting pagpapakilala nito, tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad. "Charlotte." nakangiting sabi ko.
"Ikaw 'yong gf ni Aivan?" muntikan na akong mabulunan ng itanong niya iyon, paano niya nasabi?
"Ha? Hindi a." agad na sagot ko, hindi naman talaga!
"Really? Akala ko ay gf ka niya haha, anyway buti na lang."
"You like him?" tanong ko sa kanya, agad naman itong tumango sa akin. Hindi man lang niya tinanggi a!
"Yes. Ang gwapo niya kaya." kinikilig na sabi nito, patago akong ngumisi. Alam ko na kung paano ako makakabawi kay Aivan, sa lahat ng mga kalokohan niyang ginawa sa akin.
Umayos na kami ng upo ng dumating na si Prof. Nagbigay ito ng announcement bago nagpaalam na umalis. May project agad kami sa kanya, individually. Buti na lang, wala pa akong gaanong ka close sa mga kaklase ko maliban sa katabi ko na nag-uumpisa nang magkwento tungkol kay Aivan.
"Talaga? Pinansin ka naman?" tanong ko sa kanya.
Umiling ito sa akin, "Hindi nga e. Like, dzuh? Maganda na 'yong lumalapit sa kanya pero hindi man lang ako pinansin. Nakakainis a!" reklamo nito sa akin.
Umayos ako ng upo paharap sa kanya saka binigyan siya ng isang matamis na ngiti. Kumunot ang noo niya sa akin, nagtataka.
" Bakit?" takang tanong niya sa akin.
" I can help you if you want. He's my close friend." nakangiting sabi ko sa kanya, nanlaki ang mata nito dahil sa sinabi ko, napangiwi ako ng maramdaman ang parehas nitong kamay sa magkabilaang balikat ko at niyugyog ako.
"Really? Omaygash! Napakabait mo namang kaibigan," masayang sabi nito habang inaalog alog ako, pasimple kong tinanggal ang kamay niya. Masakit kaya!
"Yes, kung gusto mo lang naman."
"Of course! Napakaganda ng sinabi mo." aniya, mahina akong natawa saka napailing na lang sa kanya.
Kinopya ko na ang nakasulat sa board. Format kung paano namin gagawin ang individual projects namin. Pagkatapos kong magsulat ay niligpit ko na ang gamit ko, wala na akong klase ngayong araw.
"Wala ka ng klase?" tanong ni Zevaida sa akin, umiling ako sa kanya. "Wala na." sagot ko.
Ngumuso siya sa akin. "Ako meron pa, inis." aniya. Ngumisi na lang ako.
"Mauna na ako."paalam ko sa kanya.
" Sige, 'yong sinabi mo a! Huwag mong kalimutan. "
" Oo naman! " ngumiti ako sa kanya bago lumabas ng room. Nilabas ko ang cellphone ko, tatawagan ko na sana sila ng makitang tumatawag na si Lyka sa akin. Agad kong sinagot ang tawag.
"Where na you? Nandito na kami sa baba." nagmamadaling sabi nito.
"Pababa na," sagot ko. Masyado naman ata silang maaga.
"Ok."
Nagmadali na akong bumaba para puntahan sila. Nakita ko ang dalawa na nag-uusap, pati ang boyfriend ni Marie ay nandoon din.
"Hi," nakangiting sabi ni Cali sa akin ng makalapit ako.
"Hi, wala kang pasok?" tanong ko sa kanya.
"Wala." sagot nito, tinignan ko si Marie, nakanguso na ito sa akin.
"Pakiramdam ko ay may kainan na magaganap mamaya," mahinang sabi ni Lyka sa akin, mahina ko siyang siniko. "Pakiramdam ko rin," sabi ko, parehas kaming natawa.
"Hindi sana madumi ang naiisip nyo," sabay namin tinignan si Marie, sabay kaming nagkibit balikat sa kanya.
"Sige."irap matang sabi nito sa amin.
Dahil kasama si Cali ay sa kanya sumabay si Marie, kaming dalawa naman ni Lyka sa sasakyan niya.
" Hinahanap ka ni Aivan kanina."sabi ni Lyka sa akin ng makasakay siya sa driver seat.
" Bakit daw?"takang tanong ko sa kanya.
" Ewan ko," kibit balikat na sagot nito.
Naunang umalis ang sasakyan ni Cali kaya naman ay pinaandar na rin ni Lyka ang sasakyan niya. Pinindot ko ang music ng sasakyan niya, para naman magkaroon ng ingay.
" Laging nag-te-text si Maverick." sabi ko sa kanya.
Nilingon ako nito pero agad niyang binalik ang tingin sa daan. "Iwasan mo na 'yon, marami akong naririnig na balita tungkol doon. Sa ateneo din pala nag-aaral 'yon." sabi ni Lyka sa akin.
"Sabi nga ni Rupert." sabi ko sa kanya.
"Nag-aya si Cali na kakain daw muna bago pumunta sa unit."
"Sige, nagugutom na rin ako."
Hindi naman matagal ang byahe namin, kumain na muna kami sa isang restaurant. Sagot ni Cali ang kinain namin, saglit lang kaming tumambay bago pumunta sa condo. Sa trion kasi nakahanap si papa ng unit. Ang alam ko ay mahal dito, katabi lang ng unit ni ate.
Binuksan ko na ang unit na tutuluyan namin, isang maluwag na sala ang bumungad sa amin. Ang mga pinamili kong gamit ay narito na, mga nakabalot pa. Sakto at nandito si Cali, may kasama kaming mag-aayos.
Agad kong tinignan ang tatlong kwarto, kinuha ko ang malapit sa common bathroom. "Eto na akin!" sabi ko sa kanila, hindi ko na inantay ang sagot nila at binuksan na ang pinto.
Nilapag ko ang bag ko sa kama, maluwag ang kwarto at may sariling cr ito. May closet na at sariling study table, may vanity mirror na rin. Parang sa bahay lang namin. Binili na ba ito ni papa? Hindi na pala ako mahihirapan na magbitbit ng mga mabibigat na gamit.
"Ang laki ng kama mo a, madaya ka!" sabi ni Lyka sa akin. Hindi ko namalayan na pumasok siya a.
"Pwede mong palitan ang iyo." sabi ko sa kanya. "Kunin mo ang katre, ayoko ng masyadong mataas ang hinihigaan," sabi ko sa kanya.
"Sige, mamaya." aniya.
Sabay kaming lumabas ng kwarto, inuumpisahan na ng dalawa ang pagtatanggal ng mga balot na pinamili ko. Nag-unat ako ng kamay bago tumulong sa pag aayos, mahaba habang oras ang kailangan naming igugol dito at sana ay hindi ako masyadong mapagod, may gagawin pa akong mga assignments at project.

Komento sa Aklat (67)

  • avatar
    Avatar

    wala pong pov si hudson?????????

    16/02/2024

      0
  • avatar
    Aneza Villasquez Tamor

    thank you akala ko walang ending ehh heheheh .. ganda ng story

    05/02/2024

      0
  • avatar
    Ma Christina Cawas

    nakakabitin nmn ung story kelan po NXT chapter????nakakalungkot nmn😔

    12/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata