Homepage/Here's your perfect/
08
Paglabas ko ng cr ay naabutan ko siyang nasa harapan ng kanyang laptop. Nakaupo ito sa swivel chair, wala pa rin siyang coat na suot. Kumikinang ang dog tag na suot niya, mas bagay siguro sa akin 'yan. Ang kanyang isang kamay ay naglalaro sa kanyang labi, iniwas ko ang paningin ko ng maramdaman na lilingon siya. Mahina akong tumikhim bago ulit tumingin sa kanya. Umayos ito ng upo.
"Salamat." diretsong sabi ko sa kanya pero kanina pa nanginginig ang tuhod ko! Hawak ko ang paper bag na inabot niya sa akin kanina. Dito na nakalagay ang sobrang pads at ang pants na ginamit ko kanina. Ang kanyang coat naman ay nakasabit sa kamay ko, hindi ko muna ito ibabalik sa kanya. Lalabhan ko muna, nakakahiya naman kung ibabalik ko na sa kanya, baka amoy malansa ito at sobrang nakakahiya 'yon.
"You hungry?" tanong nito sa akin, bakit naman niya tinatanong? Is he concerned? Umiling ako sa kanya bilang sagot. Ang balak kong mag-isa ngayon ay mukang hindi mangyayari, sayang ang pagkakataon kung aalis na agad ako. Baka mamaya ay hindi na naman kami magkita sa Friday na sinasabi niya.
"You sure?" tanong nito, pasimple akong umatras ng tumayo ito at naglakad papunta sa akin. Napalunok ako ng mariin ng makitang nasa harapan ko na siya. Seryoso ang mga mata nito habang nakatingin sa akin, hindi ko magawang iiwas ang tingin ko sa kanya kahit na gusto ko. Masyadong nakaka attract ang kanyang nunal sa tungki ng kanyang ilong.
"Mauna na ako, kai---
" Ihahatid na kita. "putol nito sa sasabihin ko, nabigla ako. Hindi ba siya busy? Muka siyang busy.
" Hindi na, tingin ko ay naaabala na kita. Marami kang ginagawa 'di ba? "tanong ko sa kanya.
" Work can wait." aniya, napamaang ako sa sinabi niya. Naglakad ito pabalik sa mesa saka kinuha ang susi doon, kinuha nito ang paper bag na hawak ko saka nilapag sa sofa. Hindi na ako nakapag react ng hawakan nito ang kamay ko at marahanh hilahin palabas ng opisina niya. Hindi ko tuloy maiwasan ang ngumiti, ano'ng meron sa kanya ngayon? Mukang maganda ang mood niya.
"Good morning sir," bati sa kanya ng empleyado ng makalabas kami ng elevator. Hindi pa rin nito binibitawan ang pagkakahawak sa kamay ko, ang tinginan ng mga nakakasalubong namin ay halo-halo ang reaksyon. Ang iba ay nagtataka pero mas marami ang umiirap sa akin, iniirapan ko rin sila pabalik. Ano'ng karapatan nila para irapan ako? Tusukin ko mga mata nila diyan e.
Nasa gilid lang ang sasakyan niya. Agad niyang pinatunog ito. Binitawan niya lang ang kamay ko ng buksan niya ang pintuan ng front seat, walang salitang sumakay ako doon. Gusto ko ulit hawakan niya ang kamay ko! Ang lambot ng kamay niya a.
Umayos ako ng tayo ng makasakay siya sa driver seat, agad niyang kinabit ang seat belt sa kanya.
Inumpisahan niya ng paandarin ang sasakyan, nanatiling tikom ang bibig ko. Nawawalan ako ng sasabihin, iniwan ako ng kapal ng mukha ngayon! Kahihiyan ba naman ang nangyari sa'yo kanina ay talagang mawawalan ka ng kapal ng mukha.
Mabilis kaming nakabalik sa ayala, maayos niyang pinarada sa gilid ang sasakyan niya. May lalaking lumapit sa kanya, hinagis niya ang susi na agad naman nitong nasalo. Binigyan niya ito ng isang tango bago bumaling sa akin, kumunot ang noo nito ng makita ang coat niya na hawak ko. Nakalimutan kong ilapag kanina sa opisina niya!
"Akin na," aniya, nakalahad ang kamay niya sa harapan ko, agad kong iniwas ang coat sa kanya. "Hindi muna, lalabhan ko na muna." Hindi makatingin na sabi ko sa kanya. Nakaangat ang kilay nito ng magtama ang paningin namin, umawang ang bibig ko ng hablutin niya ang coat sa akin, aagawin ko na sana ito pero mabilis niyang sinuot sa kanya. Ngumiwi na lang ako sa kanya.
" Let's go," aniya, nauna itong maglakad sa akin. Umaasa pa naman akong hahawakan niya ang kamay ko. Ngumuso ako bago sumunod sa kanya, inamoy amoy ko ang likuran niya. Wala naman akong naamoy na malansa doon, amoy pabango niya.
Napahawak ako sa ilong ko ng biglang humarap ito sa akin. Ang sakit a!
"Ano ba? Ang sakit non a!" reklamo ko sa kanya habang nakahawak ang kamay sa aking ilong. Pinikit pikit ko ang mata ko ng makita ang pagbabago ng ekspresyon ng kanyang mukha. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya.
"I'm sorry." seryosong sabi nito sa akin, kinagat ko ang gilid ng pisngi ko.
"O--ok lang," nauutal na sambit ko. Hindi na ito nagsalita at naglakad na, nakangiting sinundan ko siya habang naglalakad. Nilabas ko ang cellphone ko at kinuhanan siya ng litrato, agad kong si-nend iyon sa GC namin.
Ako:
My boyfriend is here.
Mahina akong bumungisngis bago binalik ang cellphone sa sling bag na suot ko. Pumasok ako sa store na pinasukan ko kanina kung saan ko nakita si Abo, agad kaming nilapitan ng lalaki, siya 'yong kaninang nag-a-assist sa akin.
"Mamili ka na." sabi ni Abo sa ako, tumango ako sa kanya saka nagsimula ng mamili. Kaso ay hindi ako makapamili ng maayos, nakasunod kasi si Abo sa akin, ang akala ko ay iiwan niya na ako dito dahil nandito ulit 'yong sekretarya niya pero hindi, sumusunod siya sa akin habang namimili ako.
"Bakit mo ako sinusundan?" tanong ko sa kanya, naramdaman ko ang pagtingin ng lalaking nag-a-assist sa amin.
"Why? Masama ba?" nakaangat kilay na tanong nito sa akin, hindi man lang niyang tinanggi na sinusundan niya ako. Ano bang nangyayari sa kanya ngayon? Hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-si-sink in sa akin na kasama ko siya ngayon.
Umiling na lang ako saka nag patuloy sa pamimili, inabot ako ng ilang oras sa pamimili. Kailangan ay siguraduhin kong maayos ang mabibili ko dahil kapag hindi ay mayayari ako kay papa, siya pa naman ang gumastos nito.
Nilabas ko ang card ni papa saka inabot sa cashier. Pina-fill-up niya ako sa papel, pinasulat niya sa akin kung saan ihahatid ang mga pinamili ko. Mamayang gabi daw ay maihahatid na ito, aantayin ko na lang. Mag-aayos na lang muna ako sa unit kapag nakarating na ako doon.
"Thank you, ma'am." nakangiting sabi ng babaeng cashier sa akin, magsasalita sana ako pero ang atensyon nito ay na kay Abo na, ngumiwi na lang ako saka kinuha ang card ko.
Walang salitang lumabas kami ni Abo ng store, hinarap ko siya. "Ahm, salamat sa pagsama sa akin sa pamimili at sa—
"Let's go, I'm hungry." muling putol niya sa sasabihin ko, napamaang ako ng wala sa oras. What the heck? Kanina niya pa pinuputol ang sinasabi ko a! Handa ko na sana siyang sabihan pero nauna na itong maglakad sa akin, susundan ko ba siya? At bakit ko naman siya susundan? Napabuga na lang ako ng hangin sana sinundan siya. Sayang ang pagkakataon kaya hindi ko dapat ito sayangin.
Pumasok siya sa isang mamahaling restaurant. Pumasok din ako doon, tumigil ito ng may babaeng lumapit sa kanya.
"Reservation sir?" tanong nito sa kanya, tumagos ang tingin nito sa akin.
"Yes, Sawyer." sabi ni Abo sa kanya, hinanap ng babae ang apelyedo ni Abo sa iPad na hawak nito. Tumingin ang babae sa kanya saka ngumiti.
"This way ma'am and sir." hinatid niya kami kung nasaan ang reservation ni Abo, inalalayan ako ni Abo na umupo, pang dalawahan ang upuan kaya umupo siya sa harapan ko. May water na lumapit sa amin saka nag abot ng menu. Nakangiting inabot ko ang menu sa kanya, ngumisi ako ng maramdaman ang kamay nito sa kamay ko. He's flirting me, huh. Sorry siya, may nauna na.
"What do you like?" malamig na tanong ni Abo sa akin, kinagat ko ang ibabang labi ko habang nakatingin sa menu, pamilyar naman sa akin ang mga nakahain sa menu.
"Eto," sabi ko sabay turo sa menu, binanggit ni Abo ang order namin, kinuha niya ang menu sa akin at padabog na inabot ito sa waiter. Ano'ng problema nito?
"Libre mo?" tanong ko sa kanya ng makaalis ang waiter.
"Pay your food." malamig na sabi nito sa akin, ang bilis naman magbago ng mood niya, biglang nagsusungit e.
"Fine," nakangising sabi ko sa kanya.
Nilabas nito ang cellphone niya, hindi nakatakas sa akin kung ano ang tinitignan niya. Nasa IG siya, nilapit ko ang mukha ko sa cellphone niya saka nangeelam doon, agad naman niyang iniwas ang cellphone niya sa akin.
"What the?" gulat na tanong nito sa akin, umayos ako ng upo saka ngumuso sa kanya.
"Hindi mo pa i-na-accept ang FR ko sa fb pati sa IG mo pati rin pala sa twitter mo. Gumawa pa ako ng twitter dahil sa'yo ah!" panunumbat ko sa kanya, umangat ang isang kilay nito. Binalik nito ang atensyon niya sa kanyang cellphone kaya medyo nakaramdam ako ng inis, medyo makapal siya at hindi niya ako pinapansin!
Nilabas ko na lang ang cellphone ko, agad sumilay ang ngiti sa labi ko ng makitang i-na-accept niya ang FR ko sa fb pati sa twitter at IG niya, nag-angat ako ng tingin sa kanya. Mabilis naman itong nag-iwas. Hindi ko tuloy maiwasan ang ngumisi sa kanya.
"Salamat a." Sabi ko sa kanya, inirapan lang ako nito kaya mahina akong natawa.
Pasimple ko siyang kinuhanan ng litrato, nakatingin ito sa gilid habang nakakunot ang noo. Ngumisi ako, ang hot niyang tignan. Nilagyan ko ng caption ang picture niya saka mi-ny-day sa IG account ko, nakatag pa 'yon sa kanya.
"You look hot here, babe." ang nakasulat sa picture niya at nakalagay ang pangalan niya sa ibaba. Handa na akong ginasahin ng dalawa kapag nagkita kami.
Dumating na rin ang pagkain, kanina ay hindi ako nagugutom pero ngayon ay nakaramdam na ako ng gutom. Sa amoy pa lang ay mukang masarap na!
"Let's eat," sabi ni Abo.
Nilapag ko ang cellphone ko sa gilid at nag-umpisa ng kumain. Sinulyapan ko ang cellphone ko ng makitang tumutunog ito, nakita ko ang pangalan ni Maverick doon, oo nga pala. Hindi ko pa siya na-te-text!
Aabutin ko na sana ang cellphone ko ng unahan ako ni Abo, nanlaki ang mata ko ng patayin nito ang tawag saka tinabi sa cellphone niya. Ngumiwi na lang ako sa kanya, wala naman akong balak na sagutin 'yon, naunahan niya lang talaga ako.
Patingin tingin ako sa kanya habang kumakain, ang sexy niyang kumain a. Para siyang babae kung kumain, may pagkamabagal. Nag-angat ito ng tingin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Nakakahiya! Teka, kailan ka pa nahiya, Charlotte?
"After this, saan tayo pupunta?" muntikan na akong mabulunan ng itanong niya 'yon sa akin. Tayo? Kami? Talagang balak niya akong samahan?
"Aren't you busy?" tanong ko sa kanya, napatingin ako sa entrance, nakita ko ang secretary niya na nagmamadaling maglakad papunta sa amin.
Lumapit ito kay Abo at bumulong, kumunot ang noo ko. Bakit bawal kong marinig? Ang damot a. Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Abo, somethings wrong.
"Where's Andres?" tiim bagang na tanong nito.
"He's otw." sagot ng secretary niya.
Nagpatuloy ako sa pagkain, mukang kailangan niya nang umalis.
"You can go, abo." sabi ko sa kanya.
Nagdadalawang isip pa ito na pinagtaka ko, pati reaksyon ng kanyang secretary ay nagtataka.
"Uuwi ka na ba?" he asked.
Marahan akong umuling. "Hindi pa, may kailangan pa akong bilhin." sabi ko sa kanya.
Tinignan ko ito ng tumayo siya, inabot nito ang cellphone sa akin. "I'll be back." mahinang sabi nito bago maglakad palabas, inangatan ko ng kilay ang secretary niya dahil masama na ang tingin sa akin. Inirapan muna ako nito bago sundan ang boss niya, huh, ano bang ginagawa ko sa kanya?
Tsh.
Tinignan ko ang pagkain ni Abo, wala na rin naman. Mabagal siya panoorin pero mabilis maubos ang pagkain niya, normal lang ba 'yon? O talagang mabagal lang akong kumain?
Tinignan ko ang cellphone ko, isang message ang natanggap ko mula kay Maverick.
Maverick:
Can we meet again?
Bigla kong naalala 'yong sinabi ni Rupert, nasa ateneo din siya nag-aaral pero bakit hindi ko alam? Hindi ko rin kasi natanong sa kanya. Muka nga siyang playboy.
Ako:
I'll text you na lang.
Tinignan ko ang GC naming tatlo, nakangisi ako habang binabasa ang message niya.
Lyka:
Grabe ang harot a.
Marie:
I saw your IG story! Rich daddy!!
Ako:
Girls, calm down. Ako lang 'to ah.
Tumawa ako ng mahina dahil sa reply ko sa kanila.
Lyka:
Lumapit ka nga dito at ng mahambalos kita.
Hindi ko napigilan ang matawa ulit dahil sa reply ni Lyka.
Marie:
I smell something, Lyka.
Ako:
Ano na namang kabaliwan' yan?
Lyka:
Gagi, ako din.
Ako:
Lels.
Hindi ko na pinansin ang messages nila saka tinabi na ang cellphone. Pinagpatuloy ko ang pagkain ko, may lumapit na waiter sa akin kaya nagpunas ako ng bibig bago humarap sa kanya.
"Pinabibigay po ni sir Hudson sa inyo." sabi ng lalaking waiter, kunot noong kinuha ko ang paper bag.
"Are you sure na sa'kin?" takang tanong ko sa kanya, agad akong nagpalinga ng tingin. Wala naman siya, umalis siya 'di ba?
"Are you miss Charlotte? " wala sa sariling tumango ako sa kanya.
"Bayad na rin po." nakangiting sabi nito sa ako, bahagyang yumuko ito bago iwanan ako.
Tinagilid ko ang ulo ko, para saan ang paper bag na ito? Maliit lang siya at magaan. Tinignan ko ang lamam ng paper bag, isang box na maliit ang laman nito. Teka...para sa'kin ba talaga ito? Nagtataka man ay kinuha ko ang box na maliit, bahagyang nanlaki ang mata ko ng makitang bracelet ito, simpleng bracelet lang pero halatang mamahalin.
Bakit niya ako bibigyan ng ganito? Para saan?
Biglang naging abnormal ang pagtibok ng puso ko, mabilis kong binalik ang bracelet sa box saka nilagay sa paper bag. Kailangan kong ibalik ito sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit.
I should be happy, I mean...hindi ko alam!
"Kailangan ko lang sigurong mag-ikot."
Saglit akong nagpahinga bago lumabas ng restaurant. Hawak ko sa kanang kamay ang paper bag na galing sa kanya. Kailangan kong bumili ng iba pang gamit para sa kwartong tutuluyan ko, kailangan ko ng bagong damit.
Pumunta ako sa bench, sa penshoppe, forever 21 bumili rin ako ng ilang bagong sapatos. Tinignan ko ang mga pinamili ko, handa na akong masermunan ni papa dahil sa laki ng ginastos ko sa card niya.
Kakalabas ko lang ng adidas ng maramdaman kong tumunog ang cellphone ko, pumunta ako sa gilid para mailapag ang mga pinamili ko saka kinuha ang cellphone sa sling bag ko.
Abo? Bakit tumatawag siya?
"Hello?" sagot ko ng tawag niya.
"Where are you?" tanong nito sa akin.
"Nandito pa din," sabi ko sa kanya.
"Exact place." aniya, ang bossy a.
"Sa gilid ng adidas store."
Agad kong binaba ang cellphone ko ng ibaba niya ang tawag, ano 'yon? Ngumiwi na lang ako saka inayos ang mga pinamili ko, pinagsama sama ko na lang ang mga pinamili ko, 'yong iisang brand lang ba. Mga damit at hoodie lang naman ito, hindi na kasi ako magdadala galing sa bahay dahil ayokong magbitbit ng madami.
Maglalakad na sana ako ng makita si abo na naglalakad palapit sa akin. Kumunot ang noo ko saka tinuro siya.
"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko sa kanya, hindi niya ako sinagot. Tinignan nito ang mga pinamili ko saka inangatan ng kilay.
"Magastos," mahinang sabi nito, sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya. Ako, magastos? Totoo naman.
"So? Sabi ni papa e," nakangiwing sabi ko sa kanya.
Kinuha nito ang ilang paper bag na hawak ko, hindi naman na ako nagsalita. Bigla kong naalala 'yong paper bag na binigay niya.
"Here," sabay abot ko sa kanya, kumunot ang noo nito. Kinuha nito ang paper bag sa akin saka kinuha ang box na nakalagay sa loob, kinuha niya ang bracelet. Hindi ako nakapag react ng kunin niya ang kamay ko at isuot ito sa akin. Dapat ay ibabalik ko ito sa kanya e!
"Bagay sa'yo," seryosong sabi nito sa akin, nag-angat ako ng tingin sa kanya.
Seryoso ang mga tingin nito, sa mga oras na ito ay gusto ko na lang bumigay dahil sa kanya.
Am I in danger again? I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (67)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
wala pong pov si hudson?????????
16/02/2024
0thank you akala ko walang ending ehh heheheh .. ganda ng story
05/02/2024
0nakakabitin nmn ung story kelan po NXT chapter????nakakalungkot nmn😔
12/01/2024
0Tingnan Lahat