Homepage/Here's your perfect/
72
Chapter 72
Sobrang saya ng nararamdaman ko sa dalawang buwan kong pananatili sa batangas. Ngayon ay pabalik na ako sa maynila dahil tapos na ang café ni Aj, naging maganda din ang opening niya ng café kahit nasa beach ito.
"Piling ko, nagbakasyon lang ako." Sabi ko kay abo, siya ang nagmamaneho pabalik sa manila.
"Hmm?" Aniya.
Ngumuso ako, kanina pa siya wala sa mood, ewan ko ba.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya, nilingon niya ako pero 'di siya nagsalita.
"Huy," sabi ko, kinalabit ko na siya.
"Ha? What did you say?" Mahinang tanong niya, napa make face na lang ako. Umiling ako sa kanya at humilig na lang sa bintana. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa labas, maulan kaya mabagal lang ang usad ng sasakyan.
"May problema ba? Kanina ka pa tahimik," hindi ko mapigilan ang sarili ko na tumahimik.
"Wala naman, i'm just tired." Sagot niya.
"Change seats, para makapagpahinga ka." Sabi ko.
Tinignan ko siya, nilingon niya ako pero umiling ito.
"I can manage."
Tumango na lang ako at umayos ng upo. Tanging music lang ang maingay sa amin, hindi ko na siya kinulit. Mukang pagod na talaga siya. Nilabas ko ang cellphone ko, sunod sunod ang pag pop up ng messenger ko, malamang na alam nilang pauwi na ako.
Lyka:
Hoy, ano na balita sa'yo, Charlotte?
Natawa ako ng mahina. Nagtipa ako ng irereply sa kanya.
Ako:
I'm omw, huwag mo naman akong masyadong mamiss.
Lyka:
Ulol, gusto ko lang ng chika. Naisuko mo ba?
Ako:
Maria clara ako, Lyka. Hindi katulad mo.
Mahina akong natawa ng ma isend ko ang reply ko. Pasimple kong tinignan si abo, pero diretso lang ang tingin niya sa daan. Ano ba kasing problema niya?
Lyka:
Ulol!
Tinabi ko na ang cellphone ko, umayos ako ng upo at sumandal sa bintana. Ipinikit ko ang parehas na mata.
Isang tapik ang nagpadilat sa aking mga mata, nakahinto na ang sasakyan sa parking. Nandito na kami? Nilingon ko si abo na nag aayos na.
"Kakarating lang ba natin?" Tanong ko sa kanya.
Umiling siya. "Hindi."
Ano ba 'yan, bakit ba ang iksi niyang sumagot?
Hindi na ako nagsalita, lumabas na siya ng sasakyan kaya binuksan ko na ang pintuan ng hindi siya inaantay. Sinadya kong lakasan ang pagkakasara, napansin ko naman ang paglingon niya pero hindi pa rin siya nagsalita. Bahala siya diyan, hindi ko rin siya kakausapin!
Kinuha ko ang maleta ko, nauna akong maglakad sa kanya. Hindi naman ako nakarinig ng salita mula sa kanya, pinagdadasal ko na sana ay magsara agad ang pintuan ng elevator para hindi ko siya makasabay.
"What's your problem, abo?" Tanong ko sa kanya ng makasakay siya sa loob. Kaming dalawa lang naman ang narito.
"Wala," mahinang sagot niya.
Ano ba talaga problema niya? Napipikon na ako sa kanya, ganyan na siya simula kanina pag alis namin ng batangas. Hindi na ako umimik, pinigilan ko na ang sarili na magsalita.
Hanggang sa makarating kami sa floor ay wala pa ding nagsasalita, nagmadali akong lumabas ng elevator at nauna nang maglakad sa kanya. Hindi ko na siya nilingon hanggang sa makapasok na ako sa loob ng unit.
"Welcome back, Charlotte!!"
Nawala ang inis na nararamdaman ko kanina nang makita ko sila, natatawa akong lumapit at yumakap sa kanila. Dalawang buwan lang naman ang tinagal ko sa batangas.
"Hindi ako nag abroad a," natatawang sabi ko sa kanila.
"Tara shot na agad mamaya," sabi ni Lyka sa akin, kumunot ang noo ko sa kanya. Mahinang hinampas naman siya ni Marie.
"Ang aga pa," saway nito.
"Anyare diyan?" Tanong ko.
Nilagay ko na muna sa gilid ang maleta ko, naupo ako sa sofa sa tabi ni Lyka. Nakasimangot ito, magkakrus ang dalawang braso.
"Bakit broken ang beshy ko," natatawang sabi ni Zev, umangat ang kilay ko sa narinig. Hindi makapaniwala sa sinabi ni Zev.
"Broken? Sino? Ikaw?" Sunod sunod na tanong ko, itinuro ko pa ang daliri sa kanya, binaba niya naman ang daliri ko.
"Hindi ako broken, pakeelam ko sa kanya kung dalawa pala kaming gusto niya."
"What the fuck?" Hindi ko napigilan ang sarili ko.
"Magkasama sila lagi ni Aivan, pero ang gago may iba palang pinopormahan." Si Cali ang nagsalita.
Tinignan ko si Lyka, i never seen her like this. Ibang Lyka ang nakikita ko ngayon, mahahalata mo sa kanyang mga mata ang sakit at lungkot.
"Gago pala 'yun e," mahinang sabi ko, tinignan ko si Marie, umiling lang ito sa akin.
"We don't know the truth, hayaan mo na." Ani Lyka, tumayo ito at nagpaalam na papasok na muna sa kwarto.
"How did she know? I mean, paano?"
Nagkibit balikat si Marie sa akin, tumabi siya ng upo."Nakita niya mismo, ayun, inamin ng isa."
"E anong sinasabi niya na hindi alam ang totoo?" Agad na tanong ko.
Nagkibit balikat si Marie sa akin."Hayaan na muna natin si Lyka, you know her, magsasabi din 'yan. Antayin na lang natin."
Hindi na muna namin ginulo si Lyka, nagpaalam na muna akong papasok sa kwarto para makapag palit ng damit. Ngayon ko lang naramdaman 'yung pagod sa byahe. Tinabi ko na muna sa gilid ang maleta ko, mamaya ko na lang aayusin. Gusto ko na lang muna na makapagpahinga.
Nahiga ako sa kama, alas tres pa lang ng hapon. Kinuha ko ang cellphone ko, pero walang message man lang galing kay abo. Ano ba talaga problema niya? Hindi ko talaga siya maintindihan, hindi ko mahanap ang dahilan kung bakit bigla na lang siyang nagkaganon. Ayos naman kami bago matulog, pag gising namin ay ayos pa naman din.
Ginawa na naman niya akong manghuhula.
Hinayaan ko na lang din muna siya, basta sinisiguro kong hindi matatapos ang araw na 'to na hindi kami magkakaayos.
Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko, pikit isang mata kong kinuha ito at sinagot ang tawag kung sino man ang tumatawag.
"Hello," inaantok na sagot ko.
"Ow, did i wake you up?"
"Bentley?" Nagtatakang tanong ko, tinignan ko kung sino ang caller. Si Bentley nga.
"Ahm yeah,"
"Why? Bakit ka napatawag?"
"Wala lang, namiss lang kita." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, naupo ako.
"Gago ka ba?" May inis na sabi ko.
Narinig ko ang tawa niya, pati tawa ni Zev sa tabi niya. Ano bang trip ng dalawang 'to?
"Ano ba? Trip niyo ko?"
"Joke lang, sis. Ang HB mo naman." Si Zev na ang nagsalita.
Umirap ako sa hangin kahit na hindi nila kita.
"Ano ba 'yun?"
Madilim na ang kalangitan, anong oras na ba? Napahaba ata ang tulog ko.
"Bihis ka, xylo tayo."
"Iinom?" Agad na tanong ko.
"Ano ba ginagawa doon? Malamang, bilisan mo na!"
Hindi niya na ako inantay na makapagsalita at agad ng binaba ang tawag. Tinignan ko naman agad ang oras, alas nueve na? Napahawak ako sa tiyan ko, nagugutom na ako. Saglit pa akong tumunganga bago naisipan na maligo at kumilos na, pagkatapos ay hindi na muna ako umalis. Walang tao sa sala, ako lang ang mag isa ngayon sa unit. Malamang na kasama sila, dumiretso ako sa kusina at naghanap ng pwedeng makain.
Susubo pa lang sana ako ng mag ring ang cellphone ko, kinuha ko ito at agad na sinagot ang tawag.
"Ano na? Ang tagal mo naman," ani Lyka sa akin.
"Teka lang, kumakain ako. Bakit ba biglaan kayo?" Naiinis kong tanong sa kanya.
"Mas magandang biglaan, tsaka, plano na 'to pagbalik mo a. Huwag ka ngang mag inarte diyan, kilos na!"
Muli akong napairap sa hangin, bakit ba atat siya?
"Oo na, papunta na ako."
Tinapos ko na ang pagkain ko, saglit pa akong nag ayos at umalis na. Nagdala ako ng sasakyan dahil ayokong mag commute, masyadong maganda ang suot ko para mag commute. Dahil medyo malapit lang naman ang xylo ay mabilis akong nakarating doon, mahaba ang pila pero nakita kong kumakaway si Lyka sa akin, talaga atang sasalubungin niya ako.
"Bakit ba nagmamadali ka?" Tanong ko sa kanya, nakasabit ang kamay niya sa braso ko. Hinihila niya na ako papasok sa loob, ingay na agad ng music ang sumalubong sa amin.
"Ang tagal mo kasi," sabi niya.
Hindi na ako nagsalita, hinayaan ko na lang siya na hilahin ako. Nakita ko na agad sila, nagtaka pa ako ng makita si abo doon. Anong ginagawa niya dito?
"Hi, Charlotte, welcome back!" Salubong ni Tasha sa akin, malakas na tumawa ako. Mukang kanina pa sila umiinom dahil may tama na siya, lumapit ako sa kanya para yakapin siya.
"I miss you, Tasha!" Sabi ko, humigpit ang yakap niya sa akin, para akong nasasakal. Tumayo si Abo at nilayo ang pinsan sa akin. May kasalanan pa siya sa akin a, hindi niya ako pinapansin.
"Naku, ok na kayo?" Usisa ni Trixie sa akin, tinignan ko ang tiyan niya, malaki na ito.
Tinignan ko si abo, nakaupo na ito at nakikipag usap na.
Tumango ako kay Trixie, lumaki naman ang ngiti niya. "Iba talaga ang karisma mo," aniya, natawa na lang ako.
"Kelan 'yan lalabas?" Tanong ko.
'"Next month na," sabi niya, hinawakan ko ang tiyan niya.
"Bakit pumupunta ka pa din dito? Pinapayagan mo 'yan?" Tanong ko kay Taitus.
Sumimangot ito sa akin, "Hindi, ayoko sanang pumunta dito. Pero ang kulit e," nakasimangot niyang sagot, natawa naman ako.
Naglambing si Trixie sa kanya. "Ngayon na lang naman e, sinusulit ko na kasi kapag lumabas na si little girl, bihira na lang natin magagawa 'to."
Ngumiti na lang ako sa kanila habang naglalambingan sila, umupo ako sa tabi ni abo, hindi niya pa ako nililingon pero nilagay niya na ang kanyang kamay sa hita ko. Wala sa oras na napangiti ako, pero dapat ay galit galitan ako sa kanya.
"Nag commute ka?" Nabigla ako sa tanong ni abo, aba, kinakausap niya ako. Ni hindi nga siya nagpaalam na pupunta dito.
"Hindi, dala ko 'yung sasakyan ko," sabi ko.
Nakisabay na rin ako sa pag inom sa kanila. Hindi ako kinakausap ni Abo kaya hindi ko rin siya kinakausap, bahala siya diyan. Tinotopak na naman siya, kapag ako ang tinopak ewan ko na lang.
"Magka away ba kayo?" Tanong ni Marie sa akin, nagkibit balikat ako sa kanya.
"Malay ko, ok naman kami kagabi. Pero kanina pag alis namin ng batangas, ganyan na siya." Nakangusong sagot ko.
"Kulang lang 'yan sa lambing, babaan mo pride mo. Bumawi ka naman." Mas lalong humaba ang nguso ko dahil sa sinabi ni Marie sa akin.
"E wala naman akong kasalanan,"
"Nagpapalambing lang 'yan," singit ni Cali sa usapan namin. Tinignan ko naman siya. "Talaga ba?" Tanong ko, tumango siya.
"Palibhasa ay gawain mo," irap matang sabi ni Marie sa kanya, natawa naman si Cali.
Nagpatuloy ang inuman, kanina pa nila ako inaaya na sumayaw pero wala ako sa mood. Pakiramdam ko ay pagod ako kahit nakatulog naman ako, nararamdaman ko na ang tama ng alak, medyo nahihilo na ako. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni abo, naramdaman ko ang paglingon niya.
"Drunk?" He asked.
Umiling ako.
"Are you mad at me, Hudson?" Tanong ko habang nakapikit ang mga mata.
"No, why would i mad at you?" Balik tanong niya. Dinilat ko ang mga mata ko, agad nagtama ang paningin namin. Hindi ko kayang tagalan ang mga titig niya pero, hindi ko maiwas ngayon, masyadong nakakalunod ang kanyang mga tingin.
"I love you."
Gumapang ang kamay nito sa bewang ko, mas idinikit pa ako sa kanya.
"I'm sorry for being cold, may iniisip lang." Seryosong sabi niya, sinabit ko ang kamay ko sa braso niya.
"Don't do that again, ok? Just tell me if you have a problem, ayoko ng ganito abo, ayokong maging manghuhula."
Hinawakan niya 'yung kamay ko, hinigpitan niya ang pagkakahawak niya.
"I'm sorry, I love you."
Inaya ko si abo na sumayaw sa dance floor, hindi naman siya makatanggi kasi hinila ko na siya patayo. Ramdam ko na ang hilo pero hindi ko pinapahalata sa kanya.
"Nahihilo ka na ba?" Tanong ni abo sa akin, umiling ako sa kanya.
Sinabit ko ang kamay ko sa balikat niya, ramdam ko ang pamumungay ng mga mata ko. Napapikit ako ng mga mata ng maramdaman ang halik niya sa noo ko.
"I love you so much, Charlotte. I can't see myself marrying another girl."
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi ako nagsasalita, hinayaan ko lang siya. Dahan dahan niyang tinanggal ang kamay ko na nakasabit sa balikat niya.
"I can't imagine myself na hindi ikaw ang kasama ko, na hindi ikaw ang babaeng nasa tabi ko. Words can't describe how much I love you, Charlotte. Now, i'm ready to settle my life with you, will you marry me, babe?"
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya, lalo na nang lumuhod ito sa harapan ko, naglabas ito ng maliit na kahon at binuksan sa harapan ko. Rinig ko ang tiliian ng mga kasama namin, nasa likuran sila ni abo, tinignan ko ang mga kaibigan ko, naluluha na ang mga ito.
"Nangangalay na ako babe, papakasalan mo ba ako o papakasalan mo ako?" Masungit na tanong nito sa akin.
Natawa ako sa kanya, tumango ako.
"Say it in words, Charlotte." Nagsusungit na naman niyang sabi sa akin.
"I will marry you, Hudson."
Ngumiti siya ng matamis sa akin, sinuot niya ang singsing sa akin at tumayo siya at niyakap ako.
"Thank you for allowing me to enter your life, Charlotte." Bulong nito sa akin.
"Thank you din," sabi ko.
Narinig ko ang palakpakan at tiliian ng mga kasamahan namin, humiwalay ng yakap sa akin si abo. Nagsilapitan naman ang mga kaibigan ko sa akin.
"Congrats, Charlotte." Sabay sabay nilang sabi, niyakap ko naman sila.
Hindi ko na napigilan ang luha ko at tuloy tuloy na ito sa pagtulo.
"Ikaw pala ang unang matatali sa ating tatlo," naiiyak na sabi ni Marie sa akin, bigla kong naalala 'yung usapan namin about sa kasalan.
"I'm happy for you, Charlotte." Naiiyak na sabi ni Lyka, hinalikan pa nito ang pisngi ko.
"Thank you,"
"Omaygaaad, matatanda na talaga kayo." Ani ni Tasha sabay yakap sa akin. "I know you're the one for him, Char. Thank you for making my cousin happy, alagaan mo 'yang masungit na 'yan a. Ako na bahala kapag sinaktan ka niya."
"Thank you, Tasha."
"No'ng una si Andres ang nag propose, sino naman kaya sunod sa mga pinsan ko?" Natatawang tanong niya.
"Ayaw mo ikaw?" Tanong ko, sumimangot naman ito sa akin.
"Na a, hindi mo na ngayon."
Nagpatuloy kami sa pag inom, hindi na umalis sa tabi ko si Abo, he told me everything, 'yung hindi niya pagpansin sa akin kanina, pati itong biglaang plano sa xylo.
Today, i made the best decision for myself.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (67)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
wala pong pov si hudson?????????
16/02/2024
0thank you akala ko walang ending ehh heheheh .. ganda ng story
05/02/2024
0nakakabitin nmn ung story kelan po NXT chapter????nakakalungkot nmn😔
12/01/2024
0Tingnan Lahat