71

Chapter 71 
      "Ma'am, can we stay here? Ngayong gabi lang ma'am," sabi ni Aki sa akin, napatingin ako sa batang babae na buhat buhat niya. I didn't know na may anak na siya, ilang taon na ba siya? 
"Sure," nakangiting sabi ko.
"Maraming salamat ma'am, wala kasing magbabantay sa kanya ngayon kaya sinama ko na po." 
"Ok lang," 
Lumabas na muna ako ng kwarto at hinayaan ang mag ina doon. Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin, napayakap ako sa sarili ko. Gusto ko sanang kunin ang jacket ko pero tinatamad na akong bumalik. 
Naupo ako sa isa sa mga bench, kinuha ko ang cellphone ko. Nakangiti kong kinuhanan ng video ang karagatan, medyo na lang ang naliligo dahil siguro ay gabi na. 
"What a peaceful night." Caption ko sa video na kinuhanan ko saka minyday ito. 
Tumunog ang cellphone ko, agad kong sinagot ang tawag ng makitang si Zev ang tumatawag, mahina pa akong tumikhim. 
"Hoy girl, kamusta ka naman diyan?" Agad na tanong nito ng sagutin ko ang tawag, mahina pa akong natawa. Namimiss ko na ang babaeng ito. 
"Ayos lang naman, pakiramdam ko ay nagbabakasyon lang ako dito." Sabi ko, totoo naman. Wala naman talaga silang pina
pagawa sa akin, nagtatanong lang. 
"Kamusta naman kayo ng abo mo? Any progress?" 
Bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil sa tanong niya. 
"Wala, kinakausap niya lang ako kapag related sa work." Pero hindi ko maintindihan ang nangyari kaninang lunch, iyong kaming dalawa lang sa restaurant at sabay na kumakain. 
"Ayy, akala ko naman ay muling mamumunga ang pagmamahalan niyong dalawa."  Mahina pa akong natawa sa sinabi niya. 
"Hindi na ako umaasa, Zev." Sabi ko. 
Pero ang totoo, umaasa pa din ako. Ayoko lang ipaalam kung ano 'yung nararamdaman ko, ayoko lang na malaman nila ang katangahan ko. 
"Talaga ba?" Paninigurado niya. 
She really knows me. 
"Oo naman, nag sisimula na akong mag move on." 
"Lelz, don't me, Charlotte. Hindi ka makakapag move on lalo na kung magkasama kayo diyan." 
Nag usap pa kami ng kung ano ano, kahit papaano ay nabawasan ang pagkaboring ko. Tinabi ko ang cellphone ko at muling nag focus sa karagatan. Payapa lang ito sa paghampas, masarap ang simoy ng hangin na talaga namang nakakagaan ng pakiramdam. 
"Sana laging ganito, laging payapa." Mahinang bulong ko sa sarili ko. 
Napatalon ako sa bigla ng may biglang nagpatong sa balikat ko, agad kong nilingon kung sino ito. Ganon na lang nanlaki ang mata ko ng makita si abo, walang salitang tumabi ito sa akin. Nagsisimula na naman ang pagiging abnormal na tibok ng puso ko. 
"A—
"I miss you, Charlotte." 
Sinabi niya ang mga salitang iyon habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko, hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. 
"A—bo..."
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila para mayakap niya, ganon na lang ang sunod sunod na pagtulo ng luha ko hanggang sa humihikbi na ako. 
"Damn!" He said. 
"Hindi ko kayang hindi ka pansinin, akala ko kaya ko, pero hindi pala." Bulong niya sa akin, humigpit ang yakap niya sa akin kaya hinigpitan ko din ang pagkakayakap ko sa kanya. 
"I'm sorry," umiiyak na sabi ko sa kanya. 
"Shh..." aniya habang hinahaplos ng marahan ang buhok ko. 
"I'm sorry kung nasaktan kita, sorry kung naging mahina ako." Pagpapatuloy ko. "Hindi ko sinasadyang saktan ka, pero iyon lang ang nakikita kong paraan. I'm sorry." 
"Matagal na kitang napatawad, Charlotte. Matagal na, hindi ako nagalit sa'yo dahil naiintindihan kita. Alam kong sarado ang isipan mo nang mga panahon na 'yun para pakinggan ako at makagawa ng desisyon." 
Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. 
"I'm sorry..." umiiyak na sambit ko. 
"I think 3 years is enough." Aniya, humiwalay ako ng pagkakayakap sa kanya. Tinulungan niya akong punasan ang pisngi ko, inayos niya ang nakakalat kong buhok. 
"Sapat na siguro ang tatlong taon na palugit na binigay ko sa'yo," aniya, kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang gusto niya iparating. 
"Hindi ka na ulit makakawala, Charlotte. Hindi na ulit." 
Napapikit ako ng maramdaman ang malambot niyang labi sa labi ko, ngumiti ako. Isinabit ko ang parehas kong kamay sa kanyang batok at mas diniin pa siya sa akin, namiss ko 'to! Namiss ko ang lahat kay Abo. 
"I love you." 
Magkalapat ang mga noo namin, parehas na hinihingal. 
"Mahal kita, hindi nagbago 'yun." Sabi ko. 
Ngumiti siya ng matamis sa akin. Napakagwapo! 
Magkahawak kamay kaming naglalakad, inayos ko ang jacket na pinatong niya sa balikat ko. 
"I miss this, i miss us." Sabi ko sa kanya. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. 
"And I miss you more," dugtong ko habang nakatingin sa kanya. Ngumiti naman siya, ang gwapo niya talagang ngumiti! 
"Alam mo ba kung bakit narito ka?" Maya maya ay tanong niya, nagtataka naman akong tumingin sa kanya. 
"Oo, dahil sa trabaho." Sagot ko. 
Mahina siyang natawa. 
"Bakit?" Tanong ko. Umiling siya sa akin. 
Huminto kami sa paglalakad, nasa likuran ko siya habang nakayakap siya sa akin. Nakapatong ang kanyang baba sa aking balikat, ramdam ko ang paghinga niya. 
"I talked to your papa," aniya, hindi ako nagsalita, hinayaan ko siyang ituloy kung ano man ang sasabihin niya. 
"It's all plan, babe. Planado ang lahat kasi gusto ko na makasama kita dito." Napangiti ako dahil sa pag amin niya. 
"E bakit hindi mo 'ko pinapansin?" Nakangusong tanong ko. 
"I saw you with a man, Charlotte. I was jealous that's why." Diretso na sagot nito, hindi man lang nagpakipot. 
"I was trying to move on." Sabi ko sa kanya. 
"And why is that?" Agad na tanong niya sa akin, muli akong ngumuso. Alam naman niya ang sagot, bakit nagtatanong pa siya? 
"Tsh," 
Nagtagal pa kami ng isang oras bago napagpasyahan na maglakad pabalik sa kwartong tinutuluyan ko. Inihatid niya ako, bibitawan ko na sana ang kamay niya dahil narito na kami pero ayaw niyang bumitaw. 
"I want to sleep beside you," nakanguso na sabi nito sa akin, ngumisi ako. Isinabit ko ang parehas na braso sa balikat niya saka pinagdikit ang parehas na ilong namin. 
"Right now?" Tanong ko, agad naman siyang tumango. 
Gusto ko din! 
"Wait me here, magpapaalam lang ako kay Aki." Sabi ko, mabilis na dinampian ko ng halik ang kanyang labi. 
Pumasok na ako sa loob, madilim ang paligid ang bumungad sa akin. Tanging ilaw lang sa gilid ng kama ang nakabukas, parehas ng tulog ang mag ina. Mahimbing ang tulog nito at ayoko na silang istorbohin, hindi ko rin alam kung saan ako matutulog dahil sa pwesto nila. 
Paglabas ko ay naroon pa din si abo, nakatalikod ito kaya agad akong lumapit sa kanya. 
"Tulog na si Aki, katabi ang anak niya." Sabi ko. 
"Hindi mo ginising?" He asked, umiling ako. "Hindi na, masyadong mahimbing ang tulog nilang dalawa." 
"Alright, you can sleep in our room. Andres is in Jade's room right now." Sabi ni abo, tumango naman ako sa kanya. 
Mas maganda ang kwartong tinutuluyan nila ni Andres kesa sa kwartong tinutuluyan ko. Bakit ganoon? Ang daya a. Naupo ako sa malambot at malaking kama, bigla akong nahiya dahil masyadong malinis ang kwartong ito kahit na parehas silang lalaki. Sa akin kasi ay nakakalat ang ilang mga gamit ko. 
"You want to take a shower?" Tanong niya sa akin. 
"Wala akong damit," sabi ko. 
Sana pala ay kumuha na muna ako ng damit or nag shower na muna ako. 
"Wear my clothes." 
Ngumiti ako sa kanya saka tumango. 
Nauna siyang maligo kaya naman ay nagkaroon ako ng chance na libutin ang kwarto nila. Maayos ang kama nila na para bang hindi nila hinihigaan, may pumupunta kayang naglilinis dito? Napatingin ako sa cellphone niya na nasa kama, biglang umilaw ito. 
"Ako 'to a," sabi ko. 
Lockscreen niya ay picture ko na candid shot, alam kong ako 'yun dahil halata naman. 
Mabilis akong umayos ng upo at kunyaring inabala ang sarili sa cellphone ng marinig ang pagbukas ng pintuan ng cr. Tinignan ko siya, nakasuot ito ng sandong itim at grey pants. 
Ang gwapo! 
"Are you hungry? What do you want to eat?" He asked, dumiretso siya sa mini kusina at naghanap ng pwedeng lutuin doon. 
"Hindi ako nagugutom, pero ikaw, kung gusto mo na magluto." Sabi ko. 
Naghanap ako ng damit na pwedeng masuot sa cabinet nila, hinayaan niya naman ako. Nang makahanap ay agad akong pumasok sa cr, puro panlalaki ang gamit. Magiging ka amoy ko si abo nito paglabas. 
Paglabas ko ay nakatalikod si abo, busy sa kung anong ginagawa sa kusina. Marahan akong naglakad palapit sa kanya at niyakap siya mula sa likuran, ramdam ko naman ang gulat nito. 
"Ang bango, nakakagutom." Sabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko. 
"Malapit na 'to," 
Nag stay pa ako ng ilang minuto bago humiwalay ng yakap sa kanya. Tinulungan ko siya na mag set up ng gagamitin namin, eto na lang naman ang maiaambag ko. Kahit na hindi ako nagugutom ay gusto kong kumain. 
"Pwede ka na mag asawa," biro ko sa kanya, nilapag nito ang niluto sa mesa. Nilagyan ko na nang kanin ang dalawang pinggan. 
"Pwede ka na ba?" Balik nito sa akin, hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Pero gusto kong tumili ngayon na, as in ngayon na. I do na agad abo, kahit walang engrandeng proposal. 
"Ewan ko sa'yo," ismid na sabi ko sa kanya, ngumisi naman siya sa akin. 
Nagsimula na kaming kumain, hindi katulad no'ng mga nakaraan na naiilang akong kasama siya. 
"In three years, anong nangyari sa'yo?" Tanong ko sa kanya. 
Uminom muna siya ng tubig bago magsalita. 
"Changing myself to become better." 
Kumunot ang noo ko. 
"Ha? Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko. 
"I just promise to myself that, if we meet again, you will meet the best version of Hudson."
Nanlambot ako sa sinabi niya. Naiiyak ako! 
"Abo..." mahinang sambit ko, ngumiti lang siya ng matamis sa akin. 
"Kumain ka ng marami."
Pagkatapos namin ay hinayaan niya ako na hugasan ang pinag kainan namin, nakahiga na siya sa higaan. Bigla tuloy akong nag imagine, paano kapag mag asawa na kami? Iisang bubong na ang inuuwian namin, ang sarap siguro sa pakiramdam. 
Mangyayari 'yun, hindi ako nag aassume. 
Pagkatapos ko ay nag ayos ako ng sarili saka siniguro na malinis ang kusina bago ako lumapit sa kanya, agad naman siyang umayos ng higa para makapwesto ako. Nanonood kasi siya ng tv. 
"Hanggang kailan ka dito?" Tanong ko sa kanya. 
He started to comb my hair using his hand. Unti unti na akong dinadalaw ng antok. 
"Hanggang sa matapos ang café ni Jade." He answered. 
Tumango ako hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako. 
Pag gising ko kinabukasan ay may mabigat na braso ang nakadagan sa akin, unti unti kong dinilat ang mata ko. Agad na lumabas ang ngiti sa labi ko nang makita si abo na mahimbing na natutulog. Marahan akong umayos ng higa paharap sa kanya. 
Ngayon ko na lang ulit nakita ng ganito kalapit ang mukha ni abo, napakagwapo at napakakinis ng mukha. Maamo siya kapag nakapikit ang mga mata pero kapag gising ay mahahalata mo ang kasungitan sa bawat reaction na pinapakita niya. 
"Good morning." Husky na sabi nito ng idilat ang mga mata, hinigpitan nito ang pagkakayakap sa akin. 
"Hey, good morning." Nakangiti kong sabi, hindi naman amoy bad breath hininga ko. 
"Hungry?" He asked, umiling ako sa kanya. Siniksik ko ang sarili ko sa kanya, hindi naman siya nagsalita. 
"Do you have work today?" I asked. 
"Yes, aalis sila Andres ngayon. Ako ang maiiwan dito," ngumuso naman ako. 
"Saan sila pupunta?" Curious na tanong ko. 
"Manila, i guess." 
Umuwi na muna ako sa kwartong tinutuluyan ko, malinis na ang higaan ng makapasok ako. Wala na rin tao, napatingin ako sa cellphone ko. Sakto tumatawag si Aki. 
"Hey, goodmorning." Sabi ko ng sagutin ang tawag. 
"Hello po ma'am goodmorning, pasensya na ma'am at naagaw namin ang higaan mo kagabi." Aniya. 
Mahina akong natawa. "Hindi, ayoko lang na gisingin kayo kasi ang sarap ng tulog niyo." 
"Pasensya na po ulit ma'am, saan po kayo natulog kagabi?" 
"Kila AJ," pagsisinungaling ko. Alam naman niya na magkakilala kami, kesa naman sabihin ko na katabi ko si Hudson kagabi, mabibigla siya ng wala sa oras. 
"Ganon po ba."
"Where are you?" Tanong ko, ang ingay kasi ng paligid niya. 
"Ay, hindi po ako nakapag paalam sa inyo kasi hindi ko po kayo nakita kanina, ngayon lang din po kayo sumagot ng tawag. Nasa byahe po, ihahatid ko lang po anak ko." Aniya. 
"Ganon ba? Sige mag ingat kayo." 
Naligo na muna ako saka lumabas. Sakto paglabas ko ay nasa labas na si abo, lumaki ang ngiti ko sa kanya at agad naglakad palapit sa kanya. 
"Hey," sabi ko. 
"Good morning." He said, kanina pa siya bati ng bati. 
"Good morning,"
Magkahawak kamay kaming naglalakad ng makasalubong namin ang dalawa, agad akong napatingin sa tatlong aso na kasama nila. Ang cute! 
"O, may gala kayo?" Tanong ko sa kanila, ngumisi sa akin si Aj ng makita ang kamay namin na magkahawak, ngumuso naman ako sa kanya. 
"Uuwi lang kami manila," sabi ni Aj, bigla akong nakaramdam ng lungkot. Gusto ko din, miss ko na sila. 
"Wow, gusto ko din." Sabi ko. 
"It's my off today." Ani Andres. 
"Hindi kayo pareho?" Tanong ko sabay lingon kay abo na nakikinig lang. Umiling siya sa akin, kaya naman pala. 
"Iiwan sana namin muna sa inyo 'tong tatlo, ayos lang ba? May pagkain naman sa kwarto ko, o di kaya ay ipasuyo mo na lang kay Sam." 
"Sure, no problem." Sabi ko. 
Agad kong kinuha ang tali ng tatlo, malilit lang naman ito. Hindi mahirap na alagaan. Isa isang pinakilala ni Aj sa akin ang mga anak nila, madali lang naman silang tandaan. 
"Hindi naman kami magtatagal doon, mamaya ay uuwi din kami." Sabi ni AJ. 
"Sige, mag ingat kayo." 
Nauna na sila sa amin, tumingin ako kay abo nakatingin na ito sa akin. 
"May pupuntahan ka 'di ba?" Tanong ko sa kanya, marahan siyang tumango. 
"I want you to come with me." Aniya, napatingin ako sa tatlong aso. Bakit hindi niya sinabi kanina? 
"E, paano 'tong tatlo? Mabilis ka lang naman 'di ba? I'll wait you here na lang." Sabi ko sabay ngiti. 
"You sure?" Paninigurado niya, tumango ako. 
"Magdala ka na lang pasalubong," 
Ngumisi siya sa akin. Ginulo nito ang buhok ko at mabilis na hinalikan ang labi ko. 
"I'll update you later. I love you." 
"Ok, i love you more."
Sinundan ko lang siya ng tingin, nang hindi ko na siya matanaw ay naglakad lakad na kami ng mga aso. Ako lang pala ang maiiwan dito.

Komento sa Aklat (67)

  • avatar
    Avatar

    wala pong pov si hudson?????????

    16/02/2024

      0
  • avatar
    Aneza Villasquez Tamor

    thank you akala ko walang ending ehh heheheh .. ganda ng story

    05/02/2024

      0
  • avatar
    Ma Christina Cawas

    nakakabitin nmn ung story kelan po NXT chapter????nakakalungkot nmn😔

    12/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata