Homepage/Here's your perfect/
70
Chapter 70
"Ma'am, naiintindihan niyo po ba?" Tanong ni Aki sa akin, kanina pa sila nakabalik dito. Maling mali talaga na pumayag akong pumunta dito!
"Ha?" Lutang na tanong ko sa kanya.
"Kumain na po ba kayo?" Tanong niya na nakangiti. Patago akong ngumuso, ano ba kasing sinasabi niya?
"Hindi pa,"
Tinignan ko ang oras, alas quatro na nang hapon. Breakfast lang ang kinain ko, hindi pa ako nag lunch kasi nagkulong ako sa kwarto dahil sa nangyari kanina. Inaantay daw ako ng dalawa, pero nagpanggap akong natutulog.
Gusto ko nang umuwi!
"Pwede na bang umuwi?" Maya maya ay tanong ko, naglalakad kami ngayon papunta sa restaurant ng resort.
"P—po?"
Umiling na lang ako.
Agad akong nag iwas ng tingin ng makita ang dalawa na kumakain. Liliko na sana ako para hindi nila ako makita pero tinawag ni Aki ang pangalan ko dahilan para lingunin ako ng dalawa, patago akong umismid, Aki naman! Sana marunong kang makiramdam.
"Bakit?" Walang emosyon na sabi ko, pinilit kong 'wag kabahan o mautal man lang.
"Dito po, sasabay po kayo sa kanila." Aniya sabay tingin sa dalawa na nakatingin sa amin. Paano ko ba tatanggihan?
"Ay—
"Be professional, Charlotte. Were going to talk about work." Sabi ni Andres sa akin, inirapan ko siya. Sinadya ko talaga siyang irapan, ngumisi siya sa akin. Nasaan ba si AJ? Bakit hindi ko pa siya nakikita.
Padabog akong umupo sa tabi ni Andres, gusto ko siyang saktan ng marinig ko ang mahina niyang tawa. Sumunod naman si Aki sa akin, umupo siya sa tabi ko, bale si Hudson lang ang nakaupo sa harap namin.
Eto na naman 'yung kakaibang nararamdaman ko, 'yung pagiging abnormal ng tibok ng puso ko.
"Order what you want, si Hudson na ang may sagot." Ani Andres, gusto ko sanang sabihin na may pambayad ako pero 'di na ako nagsalita. Hinayaan ko na si Aki na mag decide.
"Mag rice ba kayo ma'am? Hindi pa kayo nag lunch 'di ba?"
Wala sa oras na napatingin ako kay Hudson, inangatan niya ako ng kilay. Mabilis akong nag iwas ng tingin.
"Oo sige," sagot ko. Mamaya nga ay kakausapin ko si Aki, para alam niya kung kailan siya gagalaw at magsasalita. Napapahiya ako ng wala sa oras e, ilang beses na!
"Late na, bakit hindi ka pa kumakain?" Tanong ni Andres sa akin.
"Nakatulog ako," pagsisinungaling ko. Uubra naman 'yun, kasi hindi naman nila ako nakitang lumabas.
"Nakatulog o nagtago?" Tanong ni Andres, kumunot ang noo ko sa kanya. Isa pa siya!
Si Aki lang ang nakakausap nila, wala naman kasi akong alam sa pinag uusapan nila. Nakikinig lang ako, minsan ay tumatama ang paningin ko kay Abo, pero ni minsan ay hindi siya tumingin sa akin. Nakatingin lang ito kay Aki o kay Andres, pero mas madalas sa laptop na kaharap niya.
Aware naman siyang narito ako 'di ba? Bakit hindi man lang niya ako tapunan ng tingin?
"How about you, Charlotte? Do you have any suggestion?" Tanong ni Andres sa akin dahilan para mag angat ako ng tingin sa kanya.
Ano bang trip niya? Alam ko naman na alam niyang hindi ako nakikinig.
"Wala," pabalang na sagot ko, inirapan ko siya ng makitang ngumisi siya sa akin.
"That's all Aki, thanks." Ani Hudson.
Pinanood ko siya kung paanong umpisahan niyang ligpitin ang gamit niya. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa magpaalam ito na mauuna na, nakanguso na lang akong nasunod ng tingin sa kanya.
"Hindi pa kayo nag uusap?" Tanong ni Andres sa akin, nagpaalam na rin si Aki na may gagawin, kaya naman ay kaming dalawa na lang ni Andres ang narito.
"Para saan?" Kunot noong tanong ko sa kanya.
Nagkibit balikat siya.
"Later, dinner. Sumabay ka." Aniya, hindi pa ako nagsasalita ng tumayo ito at naglakad na palayo sa akin, sumimangot na lang ako. Bakit ba ang hilig nila akong iwan dito?
Tumayo na rin ako, nagsisimula nang magdilim ang kalangitan. Naisipan ko na maligo na lang sa dagat, pumunta muna ako sa kwartong tinutuluyan ko para makapagpalit ng panligo.
"Maglalaway ka talaga sa akin Hudson, kapag nakita mo ako." Sabi ko sa sarili ko, natawa na lang ako.
Bitbit ko ang cellphone ko at twalya na nakapatong sa balikat ko. Taas noo akong naglalakad papunta sa dagat, mas marami na ang naliligo ngayon dahil hindi na mainit.
Gusto kong kumuha ng magandang litrato pero wala namang kukuha sa akin. Ngumuso na lang ako saka umupo sa isa sa mga bakanteng pwedeng maupuan. Nag take ako ng ilang selfies, tumingin ako ng pinakasexy at pinakamaganda na selfie. Mas maganda kung buong katawan ko ang kita.
Nasaan ba si AJ? Bakit hindi ko siya nakikita?
Saglit lang akong umupo at naglakad na papunta sa dagat. Mahina akong napatili ng maramdaman ang lamig sa aking katawan, hanggang bewang ko na ang tubig. Nag umpisa na akong lumangoy, agad kong naramdaman ang gaan ng pakiramdam ko.
"Mabuti na lang at pumunta ako dito," mahinang bulong ko sa sarili ko.
Wala akong ginawa kundi ang lumangoy lang ng lumangoy, mabuti na lang talaga at marunong ako.
"Hi, miss."
Agad kong nilingon ang nagsalita, nginitian ko ang lalaking kumakausap sa akin.
"Hey," sambit ko.
"Alone?" He asked.
Lumingon naman ako sa paligid ko, tatanungin ko sana siya kung may nakikita ba siyang kasama ko. Alam naman niyang mag isa ako magtatanong pa siya.
"Ah yeah," sagot ko.
Napatalon ako sa gulat ng may kamay na pumulupot sa bewang ko, agad kong nilingon kung sino ito. Ganon na lang nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ito.
"Hud—son..." nabibigla kong sabi, inangatan niya ako ng kilay.
"Hudson?" Sa tonong nandidiring sabi niya. E bakit ba? Iyon naman ang pangalan niya.
"I thought you're alone?" Nilingon ko naman ang lalaking kausap ko kanina, nakakunot na ang noo nito. Oo kanina!
"Hindi na ngayon so back off," si abo ang sumagot. Nabigla ako sa pagsagot niya, ay bakit?
Nilingon ko si abo, lumayo ako sa kanya. Agad ko naman nakita ang pagbabago ng itsura niya.
"What are you doing, huh?" Tanong ko sa kanya.
"He's flirting." Aniya. Hindi ko pinahalata ang reaction ko sa kanya pero gusto kong ngumiti ngayon na!
"E ano naman sa'yo?" Taas kilay kong tanong sa kanya, nakita ko ang pag igting ng panga nito. Ang gwapo! Idagdag mo pa 'yung itsura niya ngayon.
"Let's go, it's getting cold." Aniya, hinawakan niya ang kamay ko, hindi na ako nakapalag ng hilahin niya na ako pabalik. Nakangisi ako habang nagpapahila sa kanya, pero hindi tayo magiging marupok for todays.
"Hindi pa ako nag eenjoy," sabi ko ng bitawan niya ang kamay ko, kinuha niya ang twalya na dala ko at pinatong sa balikat ko.
"Magpahinga ka na,"
Hindi ako nakapagsalita ng maglakad na ito palayo sa akin, napailing na lang ako habang sinusundan siya ng tingin. Anong gusto niyang palabasin? Naguguluhan ako sa'yo, abo.
Naglakad na ako papunta sa kwartong tinutuluyan ko, nakaramdam na din ako ng pagod. Gusto kong magpahinga na muna. Pagdating ko ay agad akong nag shower at nagbihis pantulog, wala na akong balak na lumabas tutal ay busog pa naman ako. Kailangan ko din i maintain ang katawan ko dahil hindi na ako nakakapag work out.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako ng dire diretso, nagising na lang ako sa tumutunog kong cellphone. Unti unti kong dinilat ang mata ko saka kinuha ang cellphone ko.
"Hello," inaantok kong sagot.
"Good morning ma'am, nakaready na po ba kayo?" Kumunot ang noo ko, ready saan?
"Ha? Saan?" Takang tanong ko.
"Ayy, hindi ko na pala kayo nasabihan kagabi kasi masarap na po ang tulog niyo. Bale, may pupuntahan pong lakad sila sir Hudson ngayon, expected po na isasama kayo."
Naupo ako para makausap ko siya ng maayos.
"Saan naman?" Tanong ko.
"Sa may cavite ma'am."
Napahilot ako sa sentido ko. Bakit kailangan kasama pa ako? Wala naman akong naitutulong sa kanila, dapat ay si Aki ang isinasama nila.
"Bakit ako? Hindi ba pwedeng ikaw na lang?"
"Sasama po ako ma'am, pero mas magandang kasama ka po." Sabi niya.
Aga aga, sumasakit ang ulo ko!
"What time?"
"Mamayang 1pm po."
Pagkababa ng tawag ay kumilos na ako, alas onse na nang tanghali. Masyado namang mahaba ang tulog ko, anong oras ba ako nakatulog kagabi? Ang alam ko ay maaga pa 'yun. Napahawak ako sa tiyan ko nang maramdaman ko ang gutom.
Binilisan ko ang kilos ko para makakain pa ako, hindi naman siguro sila exact 1pm na aalis, filipino time ba.
"Magandang tanghali po," bati sa akin ni Sam ng makita ako, ngumiti naman ako sa kanya.
"Nasa restaurant si sir Hudson, inaantay ka." Aniya.
"Ako?" Nagtatakang tanong ko sabay turo sa sarili ko.
"Yes ma'am,"
Bakit ako ang inaantay niya, baka naman nagkakamali lang si Sam.
"Are you sure, Sam? Ako ba talaga ang inaantay niya?" Nagtataka naman si Sam sa inaasta ko, patago akong ngumuso. Gusto ko lang na manigurado.
"Opo ma'am, kanina pa po siya doon actually."
"Sige," na sabi ko na lang.
Mahina akong tumikhim saka naglakad na papunta sa restaurant. Pero bago ako pumasok ay inayos ko na muna ang sarili ko, nginitian ko ang guard nang pagbuksan niya ako ng pinto.
"Salamat," sabi ko.
Agad kong nakita si Hudson, wala itong kasama pero may mga pagkain na sa mesa niya. Nag angat ito ng tingin at saktong nagtama ang paningin namin, wala akong emosyon na makita sa mga mata niya. Napamaang ako nang mag iwas siya ng tingin at kinuha ang cellphone niya, aalis na sana ako ng maramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko, isang message ang natanggap ko mula kay Hudson.
Hudson:
Come here. Let's eat.
Tumingin ako sa kanya, nakatingin ito sa akin. Nagiging jelly na naman ang mga tuhod ko. Iniwas ko ang paningin ko sa kanya at naglakad ng diretso papunta sa kanya, pinilit kong pakalmahin ang sarili ko kahit na parang lalabas na ang puso ko dahil sa kabang nararamdaman ko.
"Hey," nakangiting sabi ko nang makalapit ako sa kanya, itinuro niya ang upuan kaya naman ay umupo ako doon.
"May inaantay pa ba?" Tanong ko, masyadong marami ang pagkain sa mesa para sa dalawang tao.
"Wala na," aniya na kinakunot ng noo ko.
So para sa aming dalawa lang talaga 'to? Ang dami naman!
"Let's eat." Aniya.
Nabigla ako nang lagyan niya ng pagkain ang pinggan na nasa harapan ko, nag angat ako ng tingin sa kanya pero busy ito sa paglalagay ng pagkain sa pinggan ko.
"Tama na," awat ko sa kanya, masyadong marami ang nilalagay niya.
"It's getting late, kumain ka ng marami." Aniya.
Hindi na ako nagsalita, nag umpisa na kaming kumain. Walang nagsasalita sa amin, masyadong nakakabingi ang katahimikan.
"How's life?" Maya maya ay tanong niya, anong parte ng buhay ko ang gusto niyang malaman?
"So far so good," tipid na sagot ko.
"Hmm..."
Natapos kaming kumain na iyon lang ang napag usapan. Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero mas pinili kong maging tikom ang bibig ko.
Parehas kaming nakaupo sa harap ng karagatan, walang nagsasalita. Tanging ingay lang ng hampas ng alon at ng mga taong dumadaan. Akala ko ba ay may pupuntahan? Bakit narito pa din kami? Naiilang na ako sa sitwasyon namin ngayon.
Hindi ako 'to!
Paglingon ko ay nakita ko ang magkahawak kamay habang naglalakad na sila AJ, tumayo ako at agad na sinalubong sila. Sa ilang araw kong pananatili dito ay ngayon ko lang nakita si AJ, saan ba siya nagsusuot?
"Hi, AJ!" Nakangiti kong sabi sa kanya, bumitaw siya kay Andres at niyakap ako, mahina akong natawa.
"Long time no see," sabi ko.
Humiwalay siya sa akin. "Yeah," aniya.
"I heard you own this resort." Sabi ko sa kanya.
Nakangiti naman siyang umiling sa akin, sus, ang humble a.
"No, this is not mine. It's my dad's." Aniya.
"Ganoon na rin naman 'yun," sabi ko sa kanya.
Nagpaalam ang dalawa na may pupuntahan kaya naiwan kaming dalawa ni AJ, naupo kami kung saan kami nakaupo ni Hudson kanina. Hindi naman nila ako sinama, sayang naman ang outfit ko. Napansin kaya ni Hudson?
" How's your heart?" Tanong ko sa kanya kahit na alam kong masayang masaya ang puso niya ngayon.
" It's fully healed. "nakangiting sagot niya, hindi ko maiwasan ang makaramdam ng inggit. Ang bilis ng tables turn ha, no'ng nakaraan lang ay kaming dalawa ni Hudson ang ok, samantalang sila ay walang communication.
" Naks, congrats." Sabi ko habang nakangiti.
Tinignan niya ako. " How about yours?"tanong niya sa akin.
Nagkibit balikat ako, hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya." I'm starting again." May halong lungkot na sagot ko, hindi ko alam kung may patutunguhan ba 'to, o talagang hanggang dito na lang ang sa aming dalawa.
" Hindi ka pinapansin? "tanong niya, umiling ako. Kakausapin niya lang naman ako kapag tungkol sa trabaho na, pero ano 'yung pinapakita niya kanina? Anong ibig sabihin ng mga kilos niya kanina?
" Sayang lang ang pagpunta ko rito." Though hindi naman talaga siya ang dahilan kung bakit ako nagpunta dito, pero siya na ang dahilan kung bakit gusto ko na mag stay dito.
"Give him a time," aniya, ngumisi ako.
"Nakakapangsisi lang," nagsisi na sabi ko sa kanya.
Mabuti pa ang karagatan, walang pinopoblema.
"Lahat naman tayo ay nagsisisi sa desisyon na ginawa natin, pero alam naman natin na may dahilan ang lahat kung bakit natin kailangan saktan ang isang tao."
"Buti hindi ka sumuko?" Tanong ko sa kanya, alam kong mas mahirap ang pinagdaanan nila.
Ngumiti siya ng malungkot sa akin. "Muntikan na, pero si Andres kasi 'yung nagparamdam sa akin na, kung hindi siya, 'wag na lang."
"Masaya ako para sa'yo," sabi ko.
"Magiging maayos ang sa inyo, naniniwala ako na kayo hanggang dulo." Nakangiting sabi niya sa akin, sana nga... sana.
Nanatili kami ng ilang oras ni Aj sa labas, maya maya din ay dumating na ang dalawa. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta. Hindi rin naman nila sinabi.
"Let's eat, sumabay na kayo sa amin." Sabi ni AJ.
It's already 7pm, ang bilis ng oras. Pero hindi kami naubusan ni AJ ng pag uusapan.
"Ahm hindi na, magpapahatid na lang ako sa kwartong tinutuluyan ko." Tanggi ko, hindi ko kayang makasama ulit si Abo sa hapag sa ganitong sitwasyon.
"Hindi na, sumabay ka na." Ani Andres, wala na akong nagawa kundi ang pumayag.
Nauuna ang dalawa sa paglalakad, nakasabit naman ang kamay ni AJ sa braso ko.
Magkatabi kami ni abo samantalang nasa harapan naman namin ang dalawa. Sila na ang hinayaan ko na mag order ng pagkain, ang totoo ay wala talaga akong gana na kumain. Medyo madami din kasi akong nakain kanina, maraming pinakain si abo sa akin.
Ang awkward!
Nag usap usap sila, minsan nakikisali ako pero madalas na mag usap sila abo at Andres.
"Salamat sa pag sabay," sabi ni AJ sa akin.
"Malakas ka sa akin e," sabi ko sa kanya.
Nauna na ako sa kanila, nagmadali akong maglakad papunta sa kwartong tinutuluyan ko.
Naguguluhan ako! I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (67)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
wala pong pov si hudson?????????
16/02/2024
0thank you akala ko walang ending ehh heheheh .. ganda ng story
05/02/2024
0nakakabitin nmn ung story kelan po NXT chapter????nakakalungkot nmn😔
12/01/2024
0Tingnan Lahat