69

Chapter 69 
   Inunat ko ang parehas na kamay, kinuha ko ang remote saka pinatay ang tv. Tinignan ko ang dalawa, parehas ng nakapikit ang  kanilang mga mata. Natawa ako, ang panget kasi ng pwesto nila. Kinuha ko ang cellphone ko saka kinuhanan sila ng litrato, bahagyang nakanganga pa si Lyka. Sinend ko ito sa gc naming tatlo, malamang sa malamang na makakatikim ako ng mura sa kanila
Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya naman ay nagpalit ako ng damit at naisipan na maghanap ng makakain sa labas, may mga stocks naman dito sa condo. Gusto ko lang ng kakaiba. 
Paglabas ko ay sakto naman ang pagbukas ng pinto sa kabila, hindi na ako nagtaka ng makitang si Ivana ang lumabas doon, para siguro sa kanya ang isang pinggan na inihahanda ni Hudson kanina. 
"O, hi," nakangiting sabi ni Ivana, ngumiti din ako sa kanya. Tinignan ko si Hudson, nakatingin din ito sa akin kaya naman ay nag iwas ako ng tingin sa kanya. 
"Hi." Sabi ko, hindi ko alam kung maganda ba 'yung ngiti na binigay ko. 
"May lakad ka?" Tanong ni Ivana, makapagtanong siya ay akala mo close kami. 
Napanguso ako, bakit ba ang sungit ko? Malamang na nagseselos ako! 
"Ah, may dadaanan lang sa baba." Sabi ko. 
"O, really? Sabay ka na sa amin," aya niya. 
Umiling naman ako, hindi naman ako tanga para sumabay sa kanila. Muli kong binuksan ang pintuan ng unit namin, "Mauna na kayo, may naiwan pala ako." Sabi ko, hindi ko na sila inantay na makapag salita at pumasok na sa loob. Dali dali ko silang sinilip sa peep hole, nauunang maglakad si Hudson sa kanya. 
"Madapa sana kayo," bulong ko sa isipan ko. 
Nagpalipas ako ng sampung minuto bago lumabas ulit. Siguro naman ay hindi ko na sila makakasabay, ayokong makita ang pagmumukha nilang dalawa. Bigla akong natawa sa naisip. 
Tinignan ko muna ang hallway, nang masiguro kong wala na ay sinara ko na ang pinto. Hindi ko alam kung bakit pinag iisipan ko kung saan ako dadaan, sa stairway ba o sa elevator. Namalayan ko na lang ang sarili ko na bumababa sa hagdan. 
"Tangina, asa 12th floor pala kami. Ba't 'di ko naisip 'yun?" 
Napanguso ako nang makitang nasa 9th floor pa lang ako pero hinihingal na ako. Kailan ba ang last na work out ko? Sa new york pa 'yun e. Hindi ko na kaya, kaya naman ay nag elevator na ako. 
"Ano bang pumasok sa isipan mo, Charlotte at naghagdan ka?" Mahinang tanong ko sa sarili ko. 
"Syempre katangahan," 
Paglabas ko ay ramdam ko pa rin ang pagod, napailing na lang ako at pumunta na sa dapat puntahan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko alam kung anong kakainin ko. Kailangan ay may uwi akong pagkain para sa dalawa. 
Hindi naman ako nagtagal sa baba at agad din na bumalik sa unit, pagdating ko ay gising na ang dalawa. Nanonood na naman sila ng TV. 
"Wala ba kayong ganap? Himala at nakakulong kayo dito sa unit," sabi ko sa kanila. Agad naman nila akong nilingon, nilapag ko ang pagkain na dala ko sa mesa. 
"Ano 'yang dala mo?" Si Marie ang nagtanong. 
"Pizza, tara." 
Hindi ako kumain nag isa kaya naman at tinake out ko na lang.
"Nakabalik na pala ang kambal dito sa pinas?" Si Lyka ang nagtanong sa akin, agad naman akong tumango. "Oo, no'ng fashion show ni Tasha." Sabi ko. 
"E ikaw, 'di ba balak mo rin sa ganyan? Bakit 'di ka kumikilos?" Aniya, ngumuso ako. "Oo balak ko, pero hindi pa sa ngayon." Sagot ko. 
"Bagal ng usad mo a," nakakalokong sabi niya, inirapan ko siya. 
"Kapag nagpagawa na ako ng bahay, hindi talaga kita kukunin." Sabi ko, agad nanlaki ang mata nito, pinipigilan ko ang tumawa. 
"La, biro lang oy." 
Buong araw ay nasa unit lang kami, walang ginawa kundi ang manood at mag asaran. 
"Tara inom," aya ko. 
"Inom na naman? Kakainom lang kahapon e," tanggi ni Lyka. 
"Aba, ikaw ba 'yan? Marunong ka nang tumanggi a," nakangising sabi ko sa kanya.
"Ulol, walang ibang ibig sabihin." 
"Ulol ka din, wala naman akong sinasabi." Sabi ko habang natatawa. 
Hindi niya na ako pinansin. Napansin kong umilaw ang cellphone ko kaya naman ay kinuha ko ito. Kumunot ang noo ko nang makitang may number lang na tumatawag. 
"Hello?" Sagot ko saka tumayo. 
"Hi, is this Ms. Charlotte?" Boses babae, sino 'to? 
"Ahm yes, who's this?" 
"Hi hello, Ms. Charlotte. I'm Aki, secretary of your dad. I just wanna asked if pwede po sanang ikaw muna pansamantala ang pumunta sa batangas? Si Mr. Atayde po kasi ay may sudden emergency."
Batangas? 
Ah, about sa project? E tinanggihan ko na 'to a. 
"Find someone. Nakausap ko na si papa about diyan." 
"Ahm, actually papa niyo po ang nagsabi kaya tinawagan ko po kayo. Mr. Hudson and Mr. Andres is already there na po. They're waiting to you na lang." 
"Ano bang gagawin doon at bakit kailangan pa akong sumama?" Wala akong nakikitang dahilan kung bakit ako ang kailangan pumunta, wala naman akong kinalaman sa project na pinapagawa nila, hindi ko nga alam kung ano. 
"For checking sa deliveries ma'am." Sagot niya. 
Napahawak ako sa sentido ko. "Can i talk to papa for a sec?" Tanong ko. 
"He's in business meeting ma'am." 
"Damn." Mahinang sabi ko. 
"May maghahatid po sa inyo papunta doon, may magsusundo po sa inyo diyan sa condo niyo around 7pm po. Thank you and have a safe travel, Miss." 
Hindi na ako nakapagsalita at binaba na ang tawag. Napahilamos ako sa mukha. Ano ba 'yan, iniiwasan ko nga siyang makita e! Anong mukha ang ihaharap ko sa kanya? Hanggang ngayon ay nakakaramdam ako ng hiya dahil sa nangyari, e ano naman pala? We already broke up, wala naman na sa kanya kung makita niya akong may kasamang iba, isa pa, siya nga sa may asawa pa. 
Nakakainis! 
Bumalik ako sa dalawa na nakabusangot ang mukha, gusto kong tawagan si papa pero alam kong wala na akong magagawa, pakiramdam ko ay sinasadaya niya 'to e, mga palusot na lang ang sinabi ng secretary niya sa akin kanina. 
"O, ba't nakabusangot ka diyan?" Tanong ni Marie. 
"Pupunta akong batangas mamaya," nakasimangot kong sagot. Tinignan ko ang oras, alas singko na nang hapon, may dalawang oras pa ako para mag asikaso. 
"E? Sama kami," 
Tinignan ko si Marie. "Hindi naman gala ang pupuntahan ko doon, ako ang pinapasama ni papa doon sa project na gagawin nila Andres. Ano bang malay ko doon? Ni hindi ko nga alam kung anong project ang gagawin nila doon." 
Nagtawanan sila kaya lalo akong sumimangot. "Hindi ako nakikipagbiruan," ismid na sabi ko sa kanya. 
"Nandoon si Hudson 'di ba? Muling uusbong ang pagmamahalan niyong dalawa doon," ani Marie. 
"Gago, walang ganon." Sabi ko. 
Unti unti ko nang tinatanggap na wala nang pag asa sa aming dalawa. 
"Nakakainis." 
Namalayan ko na lang ang sarili ko na nag aayos, isang saktong laki lang ng maleta ang dadalhin ko. Hindi ko naman alam kung ilang araw ako doon, hindi ko rin natanong! Pero magdadala ako nang good for one week, balak ko rin na medyo mag stay doon dahil alam kong maraming pasyalan doon. 
"Sundo mo nandiyan na," sabi ni Lyka sa akin. 
"Sabihin niyong wala ako," sabi ko habang nakanguso. Nagtawanan sila. 
"Face your fear, Charlotte." Ani Marie, sumimangot lang ako. 
"Ingat ka," 
Paglabas ko ay may lalaking nakatayo, agad siyang umayos ng makita ako. Kasama niya si Aki, 'yung secretary ni papa. 
"Good evening ma'am, are you ready?" Tanong nito sa akin, malaki ang pagkakangiti. 
"Yes..." walang ganang sagot ko. 
"Mag eenjoy ka doon, ma'am." Aniya, pero hindi naman non nabago ang mood ko.
Kinuha ng lalaki ang maleta ko, nag umpisa na kaming maglakad. 
"Ilang araw akong mag stay doon?" Tanong ko. 
"One month or mas matagal pa ma'am." 
Kumunot ang noo ko. "One month? Bakit ang tagal?" Kunot noong tanong ko. 
"Cafè shop po ang gagawin ma'am, sa resort." 
"Sa resort mismo? Lakas ng tama ng owner a." Sabi ko. 
"Kilala niyo po ang owner kaya rin po kayo ang pinapapunta ng papa niyo." 
"Sino naman?" Agad na tanong ko.
"Si Ms. Amarine Jade Gonzales po." 
What? Si AJ? 
Sumakay na kami sa sasakyan, parehas silang nasa harap at ako ang nasa likod. Inumpisahan ng paandarin ang sasakyan. 
"Anytime ba ay pwede akong bumalik dito?" Tanong ko. 
"Yes ma'am, may day off naman po kayo." Tumango ako
"Ok, salamat."
Apat na oras ang byahe papuntang batangas, so I guess madaling araw na kaming makakarating doon. Umayos ako ng upo at sinandala ang ulo sa bintana. Nakakaramdam ako ng gutom pero ayoko naman na huminto muna, mas matatagalan kapag kumain muna kami. 
Nagising na lang ako dahil sa mahinang tapik, dinilat ko ang mata ko. Napansin ko na nakahinto ang sasakyan. 
"Where are we?" Tanong ko. 
"Were here na ma'am." 
Agad akong umayos, mula dito ay rinig na rinig ko ang hampas ng mga alon. Hindi ko alam pero napangiti ako, gumagaan na agad ang pakiramdam ko kahit na hindi ko pa nakikita ang karagatan. 
Binuksan ng driver ang pintuan kaya naman ay bumaba na ako, malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Buti na lang at naka jacket ako, anong oras na ba? 
"Wow, ang ganda." Manghang sabi ko. 
"One of the tourist spot here in batangas ma'am." Sabi ni Aki. 
Kinuha ko ang cellphone ko at kumuha ng litrato, agad kong sinend sa gc namin. Anong oras pa lang, malamang na gising pa ang mga 'yun. 
"Good morning po, for Ms. Charlotte?" Sabi ng babaeng sumalubong sa amin. 
"Ahm yes," Si Aki ang sumagot. 
"I'm Samantha, the secretary." Pagpapakilala nito. Inabot nito kay Aki ang susi, iyon siguro ang tutuluyan ko. 
"Wala sila Mr. Hudson at Mr. Andres, kinailangan na bumalik sa maynila. Pero mamaya din naman ang balik nila," sabi nito. 
"Where's Aj?" Tanong ko. 
"Ma'am Amarine is now sleeping ma'am, pero alam naman po niyang darating kayo." Aniya habang nakangiti. 
"O, ok." 
"If you need anything just call us, ma'am. May food na din pong nakahanda sa room niyo. Thank you and have a nice day." 
"Thank you." 
Iniwan na kami ni Sam, nauna ang dalawa sa akin kaya naman ay sumunod na ako sa kanila. Natutuwa ako dahil ang ganda dito, mabuti na lang at pumunta ako! 
"Iiwan na po namin kayo dito ma'am, babalik po kami mamayang ala una." Sabi ni aki sa akin, nakatabi na sa gilid ang maleta ko. Napansin ko ang pagkain na nakahanda sa mesa. 
"Kumain muna kayo bago umalis," aya ko sa kanila, parehas naman silang umiling. 
"Hindi na ho, kayo na lang ma'am." 
Hindi ko na sila pinilit, mahirap pilitin ang ayaw. Nagpaalam na sila sa akin kaga hinatid ko sila sa may pintuan. 
"Don't worry ma'am, wala naman po kayong ibang gagawin kun'di ang i check ang mga deliveries, hindi naman po kayo ma istress talaga." Sabi ni Aki sa akin, mahina naman akong natawa. 
"Ok Aki, sige na. Bumalik kayo a, mag ingat sa byahe." 
"Yes ma'am." 
Sinara ko ang pinto ng hindi ko na sila matanaw. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na malibot ang paningin ko sa kwarto tinutuluyan ko, masyadong malaki para sa isang tao ang kwarto na 'to. Malaki ang kama, may maliit na sala, may sariling kusina. Naglakad ako papunta sa cr, maaliwalas ang cr. 
Ang ganda naman dito, kay aJ talaga 'to?  
Naupo ako sa sofa, alam kong hindi ko mauubos ang mga pagkain na nandito. May ref naman dito, pwede kong itabi doon. Nang matapos akong kumain ay niligpit ko ang pinagkainan ko, ang mga tirang pagkain ay nilagay ko sa ref, binuksan ko ang maleta ko at nilagay ang mga damit sa maliit na cabinet. Nag half bath ako pagkatapos, nang masiguro kong tapos na ang lahat ng gagawin ko ay saka ako nahiga sa kama. 
"Ang lambot ng kama, ang sarap humiga." Mahinang sabi ko. 
Kinuha ko ang cellphone ko, ngumisi ako nang makita ang mga reply nila sa sinend kong picture. 
Ako:
  Send ako marami mamaya. Para mas lalo kayong mainggit. 
Lyka:
 Malunod ka sana. 
Umismid ako sa reply ni Lyka. Anong oras na at gising pa siya. 
Lyka:
  Sa pagmamahal niya. 
Napailing na lang ako. 
Ako:
 O, edi wow. 
Nagtake ako ng selfie, siniguro kong maganda ako sa picture saka minyday ito, dahil naka follow na kami sa isa't isa, malamang na makikita niya 'to. Syempre, tinag ko rin ang lugar kung nasaan ako. 
"Bahala na sa mangyayari mamaya." 
Kinabukasan ay late na ako nagising, tinignan ko ang oras. Alas onse na nang tanghali. Ngumuso ako saka bumangon, wala sa oras na napangiti ako dahil naririnig ko ang hampas ng alon mula sa karagatan. Ang ganda naman ng umaga ko. 
Dumiretso ako sa cr para makapaghilamos at makapag ayos, kinuha ko ang jacket ko saka lumabas ng kwartong tinutuluyan ko. Mainit na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin, marami na akong nakikitang mga naglalakad lakad, ang iba ay naliligo. 
Naglakad ako papunta malapit sa karagatan. I'm not wearing my slippers, buhangin na kasi ang dadaanan mo. Mabuti na lang talaga at nakapagdala ako ng swimsuit, ilan nga ba ang nadala ko? Mamaya ay maliligo ako, kapag hindi na tirik ang araw. 
"Charlotte," agad kong nilingon ang nagsalita, nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ito. Mabilis akong lumapit sa kanya sama yumakap, narinig ko naman ang mahinang tawa niya. 
"Andres! Long time no see!" Sabi ko. 
Totoong namiss ko si Andres, lalo na ang kasungitan niya. 
"Kamusta?" He asked. 
"Ayos lang, kararating mo lang?" Tanong ko sa kanya, tumango naman siya. Napatingin ako sa likuran niya, naglalakad si Hudson palapit sa pwesto namin, hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang paningin ko. Masyado siyang gwapo sa suot niya! 
"Kalma, Char." Sabi ni Andres sa akin, umayos ako ng tayo. Malamang na alam niya kung anong nangyari sa amin. 
"Hey," sabi ni Hudson sa pinsan, para bang hindi niya ako nakita dito. Patago akong umismid. 
"Hey," sabi naman ni Andres. 
Ano bang ginagawa ko dito? Bakit hindi pa ako umalis? 
Tumingin sa akin si Andres, inangatan niya ako ng kilay. 
"Alam mo ba kung bakit ako nandito?" Tanong ko sa kanya, inirapan ko siya ng makita ang ngisi niya. Nasaan ba si AJ? Bakit hindi ko pa siya nakikita, dapat siya ang kinakausap ko. 
"No... how about you bro? Alam mo ba kung bakit siya nandito?" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya, walangya! 
"Hindi..." seryosong sabi ni Hudson habang ang paningin ay nasa akin, agad akong nag iwas ng tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya, gusto ko na lang siyang sunggaban ng mahigpit na yakap at halik. 
"Mauna na ako," paalam ko sa kanila. 
Hindi ko na sila inantay na makapag salita at nauna nang maglakad sa kanila, hindi ko namalayan ang tulong tumulo sa aking pisngi, natatawa ko itong pinunasan. 
Tanginang 'yan.

Komento sa Aklat (67)

  • avatar
    Avatar

    wala pong pov si hudson?????????

    16/02/2024

      0
  • avatar
    Aneza Villasquez Tamor

    thank you akala ko walang ending ehh heheheh .. ganda ng story

    05/02/2024

      0
  • avatar
    Ma Christina Cawas

    nakakabitin nmn ung story kelan po NXT chapter????nakakalungkot nmn😔

    12/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata