68

Chapter 68
"What? Me? No way, papa." Agad na sagot ko nang marinig ang sasabihin niya. He want me to do what? No, ayoko talaga.
"What's the problem with that?" Seryosong tanong ni papa sa akin, pinakita ko talaga sa kanya ang magiging reaction ko. Talagang ayoko, akala ko pa naman kapag nagawa ko na ang gusto nila ay hindi na mauulit pa.
"Papa, seriously? Nagawa ko na ang part ko, iyon na 'yun."
Tumingin si papa sa akin ng seryoso, agad akong nag iwas ng tingin sa kanya. Hindi ko kayang makipagtitigan kay papa, masyadong seryoso ang kanyang mga tingin.
"Wala namang mahirap sa pinapagawa ng papa mo, Charlotte. Sasama ka lang sa batangas para sa proyekto na gagawin doon," ani mama sa akin, napahawak ako sa sentido ko. Wala ngang mahirap, pero ayoko nang kasama ko!
"Besides, Andres is there, e diba kaibigan mo 'yun?" Dugtong pa ni mama.
"Ma, wala namang problema kay Andres, kay Hudson lang po." Sagot ko, hindi ko na kailangan na magsinungaling. Siya talaga ang dahilan kung bakit ayoko, pagkatapos ng nangyari nakaraan ay ayoko nang humarap sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay napahiya lang ako sa harapan niya.
Basta, naiinis ako sa kanya.
"May nangyari ba?" Tanong ni papa, agad akong umiling.
"Wala pa, ayoko lang po."
"Too late anak, ikaw ang alam nilang sasama para sa proyekto na 'yun."
"Papa naman, magagawan pa naman ng paraan 'yan." Sabi ko, bakit ba ayaw nila akong pagbigyan? Kahit ngayon lang.
"Alright. I will talk to them."
Lumaki ang ngiti ko kay papa ng sabihin niya 'yun.
"Thank you papa."
Tinapos ko na ang pagkain, pagkatapos ay tumayo na ako at pumasok na sa kwarto ko. Nandito ako ngayon sa bahay dahil pinapunta ako ni papa, dahil nga doon. Naupo ako sa harap ng vanity mirror ko, tinignan ko ang sarili ko.
Kaiangan ko na bang mag umpisang umusad? Kailangan ko na bang mag umpisa na kalimutan siya?
Malungkot akong ngumiti, i guess i need to stay away from him, kailangan ko nang umiwas para sa ikabubuti ng puso ko. Marahan kong pinunasan ang pisngi ko nang may maramdaman akong tumulo doon.
Why am I crying again?
Nasasaktan ako, sobra akong nasasaktan ngayon kahit alam ko naman na ako ang may kasalanan. Ayaw niya na ba? Ayaw niya na ba sa akin? Galit ba siya sa akin?
Ang dami kong katanungan na malabong masagot.
Tumayo ako at lumabas, madilim na ang sala ng makalabas ako, dahan dahan akong umakyat para pumunta sa kwarto ni ate. Hindi ko na kailangan na kumatok dahil nakabukas ang pintuan ng kwarto niya. Bahagyang kumunot ang noo ko nang makarinig ako ng mahinang salita mula doon.
"Kailan pa?"
Nilapit ko ang sarili ko ng marinig ang boses ni papa, alam na kaya nila?
"Tatlong buwan na po, papa." Umiiyak na sabi ni ate.
Nanlumo ako, alam na nila. Paano? Kung sabagay, halata na ang tiyan ni ate. Ang mood swings niya ay lumalala kada araw.
"Anak naman, bakit hindi mo man lang sinasabi sa amin? Kailan mo itatago sa amin 'yan, hah?" Mangiyak ngiyak na tanong ni mama sa kanya, tanging paghikbi lang ni ate ang naririnig ko.
"I'm sorry ma, ayoko lang naman po na madissapoint kayo kasi wala akong ama na ipapakilala sa inyo,"
Sinilip ko sila, niyakap ni mama si ate. Si papa naman ay nakatingin lang sa kanila, tipid akong ngumiti. Kung magagalit si papa, doon 'yun sa part na hindi sinabi ni ate sa kanila ang katotohanan.
"Sino ang nakakaalam?" Tanong ni mama.
"Si Charlotte ma, pero huwag po kayong magagalit sa kaniya dahil ako po mismo ang nagsabi na huwag sabihin sa inyo."
Nakangiti akong umalis at bumalik sa kwarto, bukas ko na lang kakausapins si ate. Alam kong marami silang pag uusapan ni mama, ayoko na munang makisali. I checkep my phone kung may new messages ako, kaso ang bumungad sa akin ay ang story ni Hudson sa IG.
"Thanks for this night." Mahinang basa ko sa caption niya.
It's a three seconds video of Ivana na nakaupo sa harapan niya, kumakain sila.
"Wow, payag ba siyang maging kabet?" Mahinang tanong ko sa sarili ko, hindi ko maiwasan ang matawa, lalo na ang masaktan.
"Move on na, Charlotte. Tatlong taon na ang nakalipas, wala na siyang nararamdaman sa'yo."
Hinanap ko ang gc namin, nagtipa ako ng message doon.
Charlotte:
Tara guys, nomnom tayo.
Agad naman silang nag seen. Kapag sa inuman talaga ang bibilis.
Lyka:
Hoy taraaa, sakto sarap mag inom ngayon.
Marie:
Wait, paalam ako kay Cali.
Zev:
Can I bring my bebe?
Bakit nakalimutan kong in a relationship pala silang tatlo? Malamang na isasama nila.
Ako:
No boys please...
Agad naman nag haha si Lyka sa reply ko. Bigla akong nainis.
Ako:
May nakakatawa ba? Seryoso ako.
Lyka:
Knows ko why u ganyan, i'm with them actually. Not totally with them, kita ko lang hehe.
Bahagyang kumunot ang noo ko.
Ako:
Ha?
Lyka:
Where ba?
Napaisip ako kung saan. Nakakasawa naman na sa condo, lagi na lang sa condo.
Marie:
Huwag na sa condo guys a, nakakapagod ang magligpit.
Lyka:
Ayy, parang ikaw nagliligpit a.
Ako:
Xylo us. Otw na me, see you!
Wala na akong sinayang na oras, nagpalit ako ng damit. I wanna drunk tonight, gusto kong magsaya, gusto kong makalimot kahit na papaano. Mabilis akong nag ayos ng sarili ko, kinuha ko ang susi ng sasakyan ko, nagdala na lang din ako ng maliit na bag saka lumabas na. Hindi na ako nagpaalam sa kanila, itetext ko na lang mamaya sila kapag nakarating na ako doon.
Wala pang thirty minutes ang byahe ko, maayos kong inihinto ang sasakyan ko sa gilid. Nag check muna ako sa phone bago bumaba.
Lyka:
I'm here na guys, kasama ko Aivan. May seats na tayo, thanks to me.
Napailing na lang ako. Tinignan ko ang entrance, marami ang pumapasok doon. Sabado nga pala kayo, expected na maraming tao ngayon. Mas masaya.
Nag retouch lang ako saglit saka bumaba na nang sasakyan, nag chat ako kay Lyka na sunduin ako sa entrance dahil mahihirapan akong hanapin sila kapag nakapasok ako na mag isa lang.
"Ay kabog, ang ganda today a." Aniya ng makita ako, ngumisi ako sa kanya.
"Ako lang to, sis." Sabi ko sabay flip ng hair sa harapan niya, mahinang sinabunutan niya ako kaya sumimangot ako sa kanya. Wala akong ginawang ayos sa buhok ko, nakalugay lang ito.
"Mukang manghahatak ka nang mga lalaki a,"
"Syempre, kaya nga nag ayos ako e. Kuhaan mo 'ko ng vid a," sabi ko, inabot ko sa kanya ng cellphone ko.
Isang malakas na tugtog ang sumalubong sa amin ng makapasok kami. Sexy akong naglakad dahil alam kong kinukuhaan ako ni Lyka ng vid.
"Go, girl!"
Humarap ako sa kanya, i raised my middle finger to her. Malakas na tumawa 'to.
"Akin na, siguraduhin mong maganda ang pagkakakuha mo a." Sabi ko, inabot naman niya sa akin ang cellphone ko. Agad kong pinanood ang vid, ngumisi ako.
"Dzuh, huwag mo 'kong minamaliit." Aniya.
Agad kong inistory ito sa IG ko.
"Night owl." Not bad for a caption.
Hindi naman nagtagal ay nagsipagdatingan na sila. As I expected, marami ang nakaupo sa couch namin, maraming kakilala si Aivan at Lyka kaya naman ay kasama namin sila.
"Akala ko ba ay kasama mo si Bentley?" Tanong ko kay Zev, magkatabi kaming nakaupo sa couch habang ang dalawa ay nasa dance floor na at nakikisaya.
"Susunod daw siya," sagot niya. Tumango na lang ako.
Inubos ko ang iniinom ko saka tumayo, nagtataka namang tumingin sa akin si Zev.
"Tara sundan natin sila," sabi ko.
"Akala ko ba ay ayaw mong sumayaw?"
"Nagbago isip ko,"
Hindi ko na siya inantay na makapagsalita at hinila ko na siya patayo. Naglakad kami papunta sa kanila, hindi naman kami nahirapan na hanapin sila. Sobrang lakas ng tugtog, nag umpisa na akong makisali sa mga sumasayaw, ayaw sumayaw ni Zev pero pinipilit siya ng dalawa.
"Don't worry, Zev, walang lalaking lalapit sa'yo." Sabi ni Lyka sa kanya. "Kay Charlotte lang," dugtong nito sabay tingin sa akin, ngumisi naman ako.
"Akala ko ba may papakilala ka?" Tanong ko sa kanya.
"Wai—o, nandiyan na pala siya!"
Agad kong nilingon ang tinuro niya, muli akong tumingin kay Lyka, nakangisi na siya sa akin.
"Huy, ang gwapo!" Bulong ko sa kanya, ewan ko kung rinig niya ba ako kasi sobrang ingay.
"Nakilatis ko na 'yan, Char. Goods na goods."
Pakiramdam ko ay bumalik ang dating Charlotte, 'yung Charlotte na magaling makipag flirt.
"Kapag hindi nyo 'ko nakita mamaya, huwag niyo na akong hanapin." Sabi ko, hindi ko na inantay na makapagsalita siya at sinalubong na ang lalaking sinasabi ni Lyka.
"Hi, Charlotte right?" Pagpapakilala niya, agad akong tumango.
"Hey, i'm Charlotte." Nakangiting sabi ko.
"I'm Stevan, nice to meet you."
"Nice to meet you, too."
Nag usap lang kami ni Stevan, kasama namin sila Lyka pero hindi nila kami pinakeelaman. Fresh graduate din siya, katulad ko.
"So, where did you graduate again?" Tanong niya.
Nakaupo kami sa area namin, wala naman tao. Nakaramdam na din kasi ako ng pagod kakasayaw kaya naman ay inaya ko siya na makaupo na muna. Para makapag usap din kami ng maayos.
"New york," sagot ko.
"Wow, rich girl ha," aniya, mahina akong natawa.
"Na, kailangan ko lang talaga na mag aral doon. How about you? Ateneo? Lasalle?"
"UP," sagot niya, napa woah naman ako.
"You planning to work?" Tanong ko, umiling siya sa akin. "No, ako na maghahandle ng business nila mom." Sagot nito.
"Really? Wow, good luck to you, ha." Sabi ko.
"Medyo kinakabahan,"
Wala kaming ginawa kundi ang magkwentuhan lang. Bumalik kami sa dance floor para makisama ulit sa mga nagsasaya, ramdam ko na ang hilo ko pero patuloy pa din ako sa pagsasayaw at pag iinom.
"You drunk?" Tanong ni Stevan, umiling ako sa kanya. Nakahawak siya sa bewang ko, inaalalayan ako.
"Hindi, pero segway na lakad mo." Aniya sabay tawa ng mahina.
"O, really?" Tanong ko.
Tumango siya.
Ngumuso ako, sinabit ko ang dalawang braso sa balikat niya, ngayon ko lang nakita ng malapitan ang mukha niya. Medyo madilim kasi, dito sa pwesto namin ngayon ay kitang kita.
"Tangos ng ilong mo," sabi ko.
Wala na, lasing na ako!
"Sa'yo rin naman," aniya sabay ngisi.
"Ang gwapo mong ngumiti!" Nakasimangot kong sabi sa kanya, tumawa naman siya. Mas lalo akong sumimangot.
"Why?" Natatawang tanong niya.
"Ang ganda ng tawa mo,"
Ngumisi ako dahil kita ko ang pamumula niya.
"Nasabi ko na ba sa'yong ang ganda mo?" Tanong nito, nilapit niya ang bibig sa tenga ko. Ramdam kong nagtaasan ang balahibo ko doon.
I wanna kiss him!
"Hindi pa, nakakapagtampo ka nga e." Sabi ko.
Muli siyang ngumisi sa akin, literal na gwapo talaga siya. Ang tangkad at bango niya pa.
"Ow, i'm sorry. You look hot today and beautiful."
"Just today?" Nakangusong tanong ko, muli na naman siyang tumawa. Ano ba 'yan, ang ganda ng boses niya kapag tumawa siya!
"No..."
Umayos siya ng tayo, nagkatinginan kami. Kita ko ang pamumungay ng mata niya, bahagyang nakaawang ang labi niya kaya naman ay amoy ko ang pinaghalong alak at mint sa kanya.
"I want to kiss you, can I?" Marahan na tanong niya na kinabigla ko, bakit nagtatanong pa siya? Dapat ay sunggaban niya agad, natawa ako sa naisip.
Ngumiti ako saka tumango.
Dahan dahan nang lumalapit ang kanyang mukha ng may bigla na lang may humila sa akin palayo at dire diretso na akong hinila palabas ng xylo.
Tangina, ano 'yun?
Napahawak ako sa ulo ko nang magising ako, hindi ko pa maimulat ng maayos ang mga mata ko dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.
"Fuck alcohol," mahinang sabi ko.
Muli kong dinilat ang mga mata ko, inikot ko ang paningin ko kung nasaan ako, agad akong napabalikwas ng upo ng makitang hindi ako pamilyar sa lugar.
"Tangina, nasaan ako?"
Agad kong nakita ang cellphone ko, kahit na masakit ang ulo ko ay pinilit ko na tumayo para kunin ito. Nagtaka ako kung bakit wala man lang missed calls galing sa kanila? Nasaan ba ako? Nasa hotel ba kami? Sila ba ang kasama ko?
Wala akong maalala!
Tumayo ako, ngayon ko lang napansin na iba na ang suot ko. Naka malaking t shirt na lang ako at may boxer din akong suot. Hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman lalo na at may pamilyar na amoy akong naaamoy.
Hindi naman siguro.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto, bumungad sa akin ang walang tao na sala. Nasaan ba ako? Bakit wala man lang katao tao dito.
"You awake,"
Napatalon ako sa gulat ng may nagsalita sa gilid ko, agad kong nilingon ito. Ganon na lang nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ito.
"A—nong ginagawa mo diyan?" Nauutal na tanong ko sa kanya habang nakaturo.
"Nakatayo?" Alanganin pa na sagot niya.
What?
"I mean, bakit nandito ka?"
"Because this is my condo."
"Your what?" Agad na tanong ko.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid.
"Pa—
"Are you hungry? What do you want to eat?" Putol niya sa sasabihin ko, sinundan ko siya ng tingin papunta sa kusina.
Naguguluhan ako!
"Paanong napunta ako dito?" Tanong ko, hindi niya ako tinignan. Nanatili siyang nakatalikod sa akin habang may ginagawa.
Ang gwapo niya sa suot niya!
Topless at grey pants.
Lord, ang aga naman po ata nito. Teka, anong oras na ba?
"Ako ang nagdala sa'yo." Aniya.
Ngumuso ako.
"Bakit?"
Hindi naman namin siya kasama kagabi, isa pa. Paano niyang nalaman na nandoon ako? At bakit naman niya ako dadalhin dito sa condo niya.
Gusto ko nang kasagutan! Wala akong maalala.
"What do you want to eat?" Muli na naman tanong niya.
"I'm not hungry, gusto ko nang kasagutan." Sabi ko.
Humarap siya sa akin, nag iwas ako ng tingin sa kanya, masyadong nakabalandra ang kanyang mga pandesal.
"What do you want to know?"seryosong tanong niya. Bigla ay nangapa ako ng itatanong, ano ba 'yan!
"Paanong napunta ako dito?"
"Wala kang maalala?" Bakit ba hindi niya na lang sagutin ang tanong ko? Bakit kapag magtatanong ako ay magtatanong din siya? Nakakainis a.
"Magtatanong ba ako kung meron?" Pagsusungit ko.
"Don't drink again. Kung ganyan na wala kang maalala." Aniya, pinapagalitan niya ba ako?
Inis akong naglakad papunta sa kwarto niya ng bumalik siya sa ginagawa niya paano ba kasing napunta ako dito? Sakto pagkuha ko ng cellphone at tumunog ito, agad ko naman sinagot ang tawag.
"Hoy, sis ano na!" Agad na sabi ni Lyka sa akin.
"Teka nga, paanong napunta ako sa condo ni Hudson?" Tanong ko sa kanya.
"Wala ka bang maalala?" Natatawang tanong nito, isa pa siya!
"Kanina pa ako naiinis, Lyka."
Tumawa naman ito ng malakas.
"Kwento ko mamaya, enjoy ka diyan with your hot papa ex." Aniya, magsasalita pa sana ako pero binaba niya na ang tawag.
Inis!
Nakita ko ang damit ko sa gilid, maayos na nakatupi ito. Bigla akong napaisip, siya ba ang nagpalit? Bakit naman? Hindi na ako nag aksaya ng oras at nagpalit na nang damit. Ngayon ko lang din napansin na wala akong suot na make up, siya rin ba ang nagtanggal?
Hindi ko alam kung bakit ngumiti ako, ang sarap niya talagang mag alaga.
Kinuha ko na lahat ng gamit ko, kahit ang sapatos ko ay kinuha ko na din. Maayos kong tinupi ang damit niya sa ibabaw ng kama at lumabas na nang kwarto, naabutan ko siyang nag aayos sa mesa.
"I'll go ahead," sabi ko, tinignan niya ako, marahan siyang tumango at hindi nagsalita. Nakita kong may nakahandang dalawang plato sa mesa, para sa akin ba 'yan? Kung para sa akin 'yan ay malamang na pipigilan niya ako na umalis. O baka naman ay may inaasahan siyang pupunta dito.
"Ahm, pasensya na sa istorbo. Salamat."
Hindi ko na siya inantay na mag salita at nagmadali ng lumabas ng unit niya. Dahil nga magkapitbahay lang kami ay agad na akong pumasok sa unit namin. Naabutan ko ang dalawa na nagkakape, ngumisi sila sa akin ng makita ako.
"Spill it, Lyka. Anong nangyari? Paanong napunta ako sa kaniya?"
"Teka nga, kita mong nag aalmusal 'yung tao e. Kumain ka na ba? Hindi ka man lang ba inaya ni Hudson na kumain?"
"Inaya, pero umalis na ako. Sabihin mo na bago ko ibuhos 'yung kapeng hawak mo sa'yo," Natawa si Marie, sumimangot naman si Lyka.
"Nabigla na lang kami na nasa xylo na si Hudson, halatang hinahanap ka. No'ng makita kami ay nagtanong agad siya and alam mo ba kung anong mas exciting part?"
"Ano?" Agad na tanong ko.
"Nakita niya kayo ni Stevan sa ganoong posisyon, nagmadali siyang maglakad papunta sa inyo tapos hinila ka na. Maya maya non nakatanggap na lang kami ng message kay Hudson na siya na ang bahala sa'yo, so pinaubaya ka na namin."
Bigla akong nakaramdam ng hiya. Tanginaaa!

Komento sa Aklat (67)

  • avatar
    Avatar

    wala pong pov si hudson?????????

    16/02/2024

      0
  • avatar
    Aneza Villasquez Tamor

    thank you akala ko walang ending ehh heheheh .. ganda ng story

    05/02/2024

      0
  • avatar
    Ma Christina Cawas

    nakakabitin nmn ung story kelan po NXT chapter????nakakalungkot nmn😔

    12/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata