Homepage/Here's your perfect/
67
Chapter 67
"This is my daughter, Charlotte." Sabi ni papa sa lalaking kausap niya. Ngumiti naman ako ng matamis sa kanya saka inabot ang kamay niya.
"Good afternoon ho," sabi ko.
"You have a beautiful daughter, huh." Sabi nito kay papa, mahinhin naman akong tumawa. Kailangan ay magmukha akong mahinhin sa harapan nila. Ayoko naman na mapahiya sila.
"Siya ba ang mamamahala?" Tanong ng lalaki, kunot noo naman akong tumingin kay papa, nagtama ang paningin namin pero nag iwas siya ng tingin sa akin. Anong ibig niyang sabihin?
"So, let's start?" Nakangiting sabi ni papa sa kanya, nag alangan ang tingin ng lalaki pero agad din naman itong nakabawi.
Ano bang nangyayari?
Umayos ako ng upo, nasa tabi ko si papa. Isang mahabang table ang nasa harapan namin. Narito kami ngayon sa opisina ni papa, ang business kasi ni papa ay mga tiles. Wala akong alam sa ganitong business niya kasi ni minsan ay hindi naman niya kami tinuruan sa business niya.
"Is that your panganay?" Tanong naman ng isang lalaki kay papa, nilingon ako ni papa saka umiling. "Hindi, attorney. Pangalawa ko. Ang ganda, ano?"
Hindi ko napigilan ang pag ngiti ko, hindi ako sanay na ganon ang sinasabi ni papa. Eto ang unang beses, kaya naman ay hindi ko alam kung anong irereact ko.
"Papa naman," mahinang sabi ko sa kanya, nahihiya na ako. Ngumiti lang si papa sa akin.
Nag umpisa na silang mag usap, umayos ako ng upo at pinilit na makinig kahit na wala naman akong naiintindihan. Gusto ko na lang na matulog dito.
"How about the Sawyer Company? Nakipag deal na ba sila?"
Biglang nagising ang diwa ko nang marinig ko ang apelyido ni Abo, Sawyer? Tama naman ang pagkakadinig ko 'di ba?
"Were still working on that sir, hanggang ngayon ay hindi pa rin po namin nakakausap si Mr. Sawyer." Ani ng babae na tingin ko ay isang secretary.
"What? Why? Ang tagal tagal na niyan a, bakit hindi pa rin nagagawan ng paraan?" Medyo galit na sabi ng katabi ni papa. Tinignan ko si papa, seryoso itong nakatingin sa papel na nasa harapan niya.
Ano bang nangyayari?
"Pasensya na sir, lagi pong puno ang sched ni Mr. Sawyer kapag magpapa appointment po kami." Paghingi ng pasensya ng babae.
Nilingon ako ni papa na ikinabigla ko, kumunot ang noo ko sa kanya.
"Bakit papa?" Takang tanong ko sa kanya pero mahina lang ang tono.
"Are you two still talking?" Tanong nya na dahilan kung bakit nagsipagtinginan sila sa akin. Wala sa oras na napaturo ako sa sarili ko.
"No." Agad na sagot ko, iyon naman ang totoo.
"Why, Mr. Santos?" Tanong ng babaeng nasa harapan ko, agad akong ginapangan ng kaba. Nagkakaroon ako ng idea kung bakit ako ang isinama ni papa dito.
No papa, huwag na huwag mong ipapagawa sa akin.
"A, she's my daughter's friend. That's why she's here." Ani papa, talagang pinakita ko na sa kanila ang pagkakunot ng noo ko.
"Papa," agad na sabi ko.
"Why? You're friends with him right? A, not just a friend." Halata ang panunukso sa tono niya, nakarinig naman ako ng mahinang tawa sa paligid. Napahawak na lang ako sa sentido ko.
"Ayoko pa, hindi na kami nag uusap."
"Kasama niya si Ingrid kagabi, si Ingrid sana ang sasabihan ko pero masyado pang bata ang kapatid mo. Magpatulong ka kay Ingrid." Seryoso na sabi ni papa, naikagat ko ang ibabang labi ko. Kapag ganitong seryoso si papa, kailangan ay sundin ko na at hindi na ako magsasalita.
"Aki, give the papers to her. Siya na ang bahala." Ani papa.
Kakausapin ko talaga si papa mamaya!
Inabot naman ng babae sa akin ang mga papel, hindi ko nga alam kung anong nilalaman ng mga 'to. Bakit sa akin nila ipinapagawa?
"Ano 'to?" Nakasimangot na tanong ko sa kanila, wala na akong pake kung makita nila reaction ko.
"Papirmahan kay Hudson, i already talked to him. Confirmation and signs na lang niya ang kulang. Sa linggo ay dapat tapos na 'yan."
Para akong lantang gulay na naglalakad papasok sa hotel. Hindi na ako pumunta sa bahay, hindi ko rin naman makakausap si papa dahil umalis sila ni mama. Tinignan ko ang hawak kong envelope, nandito lahat ng ipapapirma ko kay abo, hindi ko alam kung paano siya hahagilapin o kakausapin.
Friday na ngayon, tapos sa linggo dapat ay tapos na. Paano ko naman gagawin 'yun? Ayoko na nga munang magtagpo ang landas namin dahil sa nangyari kanina.
"O, akala ko ba doon ka matutulog?" Nakakunot noong tanong ni Lyka sa akin ng makapasok ako sa loob. Pabagsak akong umupo sa sofa, nilapag ko sng envelope sa gilid ko.
"Ayoko na," tanging nasagot ko.
Kinuha niya ang envelope saka tinignan, hiniyaan ko naman siya. Kita ko ang panlalaki ng mata niya, lumapit ito sa akin saka tumabi ng upo.
"Omaygii, totoo ba 'to?" Hindi makapaniwalang tanong niya, inirapan ko siya. Hawak niya na nga ang papel tapos itatanong niya pa.
"Malamang, hawak mo na nga 'di ba," irap matang sagot ko sa kanya.
"Ang sungit mo a, nagtatanong lang." Irap din na sabi niya, iniwas ko ang paningin ko sa kanya.
"So, ano plano mo?"
Nagkibit balikat ako. "Ewan ko, ni hindi nga nagtatagpo landas namin. Bahala si papa diyan." Ismid na sabi ko, wala pa rin kasi akong balak na pagtagpuin ang landas namin though biglaan 'yung nangyari kanina.
"Nakita ko si Hudson kanina a, nakasabay ko sa elevator." Singit ni Marie sa usapan, hindi ko siya nilingon o tinignan man lang para hindi nila mahalata na interesado ako.
"May kasama?" Tanong ni Lyka.
"Wala, mag isa lang. Kunot nga ang noo e,"
Bumuntong hininga na lang ako, tumayo ako at pumasok ng kwarto. Agad akong nagpalit ng damit at patalon na sumampa sa kama, kinuha ko ang envelope saka tinignan, nakausap naman na pala siya ni papa, bakit hindi pa pinapirma? Bakit kailangan pang idamay ako dito? Ano bang alam ko dito?
"Think about it, Charlotte. Kung hindi ka magtatrabaho ay hindi ka makakapagtayo ng business na gusto mo,"
Inis kong ginulo ang buhok ko at tinabi na ang envelope. Bahala na nga. Nahiga na ako saka kinuha ang cellphone ko, nagbukas ako ng IG account ako, ganon na lang ang pagkakunot ng noo ko nang makitang naka follow si Abo sa akin, totoo ba 'to? Dali dali kong pinindot ang pangalan niya, ganon na lang ako napatili ng makitang siya nga.
Pero bakit? Bakit nagkusa siya?
Wala akong nagawa kundi ang i follow back siya, ilang segundo lang ang nakalipas ay inaccept niya ang follow request ko. Sobrang bilis ng pintig ng dibdib ko. Hindi ako makapaniwala!
Anong nangyayari?
Hindi ako umalis sa feed niya, wala naman siyang bagong post, wala rin naman siyang new story. Hindi ko alam kung bakit siya ang nagkusa, anong meron? May alam kaya siya?
"Ewan, bahala na lang talaga."
Tinabi ko na ang cellphone ko at natulog na.
Kinabukasan ay tanghali na akong nagising, wala naman akong naka sched na gagawin ngayon kaya hindi na muna ako bumangon. Kinuha ko ang cellphone ko para i check kung may notif or message ba ako. Ganon na lang nanlaki ang mata ko nang makitang may message sa IG si abo, kagabi pa 'to!
Hudson:
Hey, kailan mo papapirmahan ang mga papeles?
Omaygiii, may alam nga siya! Bakit parang may kakaiba akong nararamdaman dito?
Nagtipa ako ng irereply sa kanya.
Ako:
Hey, slr. Nakatulog kagabi. Kelan ba free?
Parang ang panget naman ng reply ko. Masyadong formal, parang wala kaming pinagsamahan. Natawa ako sa naisip.
Hudson:
I'm free today.
Today? As in today?
Ako:
Oh sure, when and where?
Hudson:
Around 1 pm, here at my office.
Napanguso ako, bakit ang lamig naman ng reply niya? At bakit sa opisina niya pa, 'di ba pwedeng sa unit niya na lang? Tutal ay magkapitbahay lang kami.
Ako:
Do i need an appointment? Para makapasok sa office mo.
Ngumuso ako, kilala pa kaya nila ako? Kapag nakikita nila ako ay hindi na nila ako tinatanong kung may appointment ba ako sa kanya. Noon 'yun, Charlotte, 'di na ngayon!
Hudson:
No...
Hindi na ako nag reply. Hindi naman pala kailangan e. Tumayo na ako, malapit na mag 1 kaya naman ay kumilos na ako. Hindi ako pwedeng ma late o ano, ako ang may kailangan sa kanya ngayon.
Natapos na akong maligo pero hindi ko pa rin alam kung ano ang susuotin ko, dapat ba formal lang dahil magpapapirma lang naman ako sa kanya, ano ba dapat ang suotin? Hindi ko naman kailangan ang magpaganda dahil maganda naman na ako. Kalokohan, Charlotte!
Sa huli ay nagsuot na lang ako black squarepants at white top, nag white rubber shoes na lang ako. Inilugay ko ang buhok ko since maiksi lang naman ito, naglagay lang ako ng light make up. Kinuha ko ang envelope saka lumabas na nang kwarto.
"Ayy, aga a, saan ang gala?" Tanong ni Lyka sa akin, magkatabi sila ni Marie na nanonood sa sala.
"Papapirmahan ko lang 'to," sabi ko sabay angat ng envelope. Gaya ng inaasahan ko ay ngumisi ang dalawa sa akin, inirapan ko na lang sila.
"Magtigil nga kayo,"
"Sus, kunyari ka pa e. Kilig pempem ka na naman diyan," ani Lyka, binato ko sa kanya ang unan na nasa tabi ko. Malakas na tumawa silang dalawa.
"Ano oras meet up nyo?" Si Marie ang nagtanong.
"1pm, may dadaanan pa kasi ako." Sabi ko.
11:30 pa lang kasi, pero totoo na may dadaanan muna ako bago pumunta sa opisina ni abo.
"Dadaanan, excited ka lang na makita siya e."
"Ang aga aga Lyka a, intayin mong makabawi ako sa'yo," irap matang sabi ko sa kanya.
"Arte mo na ngayon a,"
Hindi ko na siya pinansin, nagpaalam na ako sa kanila. Tahimik akong naglakad papunta sa elevator, bumaba ako sa parking dahil ayokong mag commute ngayon, sayang naman ang porma ko kung mag commute ako.
Pagsakay ko ay agad ko nang pinaandar ang sasakyan, balak kong ipa carwash ngayon pero baka matagalan kaya mamaya na lang pagtapos. Dumaan ako sa malapit na café shop para bumili ng makakakain, hindi pala ako nakapag almusal kaya naman ay nararamdaman ko na ang gutom.
Nag dine in ako, nagpapalipas lang ng oras. Malapit na lang naman ito sa opisina ni abo. Hindi pa rin ako handa na magkita ulit kami, hinahanda ko pa ang sarili ko ngayon.
"Bahala na nga,"
Wala pang thirty minutes ng ihinto ko ang sasakyan sa parking ng building. Kinuha ko ang kape ko pati ang envelope saka lumabas ng sasakyan. Inayos ko ang sarili ko at huminga ng malalim.
"Wala ka namang ibang gagawin, Charlotte kun'di ang ipapirma lang, iyon lang." Bulong ko sa sarili ko.
Isang buntong hininga ang ginawa ko saka naglakad na.
"Good afternoon, ma'am." Nakangiting bati sa akin ng babae sa front desk, hindi siya pamilyar sa akin. Bago ba siya?
"Hi, good afternoon. Ahm, wala naman akong appointment kay Mr. Sawyer, pero may ipapapirma ako sa kanya." Sabi ko.
"Ah opo, kayo po ba si Ms. Charlotte?" Tanong nito, agad naman akong tumango.
"Ok na po ma'am. Pasok na po kayo." Nakangiting sabi niya.
Ngumiti din ako sa kanya. "Thank you."
Naglakad na ako papunta sa elevator. Hindi na pamilyar sa akin ang mga empleyado ni abo, mga bago na siguro.
"Good afternoon ma'am, sino po sila?" Tanong sa akin ng babae ng makalabas ako ng elevator.
"I'm Charlotte." Sagot ko.
Bahagyang nanlaki ang mata nito, hindi ko na pinansin. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti din ako.
"This way ma'am."
Sinundan ko siya, huminto siya sa isang puting pinto. Kumatok ito saka tumingin sa akin.
"Pasok na po kayo ma'am."
"Thank you."
Iniwanan niya na ako, huminga ako ng malalim bago buksan ang pinto.
"Oh, long time no see, Charlotte." Nakangiting sabi ni Rupert sa akin, siya kasi ang bumungad sa akin.
"Uy, kamusta ka na?" Nakangiti din na tanong ko, kelan ba ang huli naming kita? Ang laki na nang pinagbago niya! Lalo siyang gumwapo.
"Eto, gwapo pa din," aniya, nagmamayabang.
Ang pagkakaalaam ko din ay mas lalo siyang naging sikat ngayon. Magsasalita pa sana ako ng makarinig kami ng mahinang tikhim, nilingon ko si abo na nakaupo sa swivel chair, ngumuso ako. Narinig ko naman ang pagtawa ni Rupert pero hindi na ako nag abala na lingunin siya, hindi ko magawang maiwas ang paningin ko kay abo.
Ang gwapo!
"Ahm, good afternoon. Dala ko ang mga papeles na pipirmahan mo," sabi ko, pinagpasalamat na hindi ako nautal.
Naglakad ako papunta sa harap niya, umupo ako saka nilapag ang envelope na hawak ko sa harapan niya. Hindi siya tumingin pero kinuha nito ang envelope, muli akong ngumuso. Bakit ayaw niya akong tignan?
"Ipapadala ko na lang 'to sa opisina ng papa mo," malamig na sabi niya.
"Kelan?" Agad na tanong ko, bukas dapat ay hawak na ni papa ang mga 'yan.
"Later..."
Tumango ako, inaantay ko siya na magsalita pero wala na siyang sinabi. I guess i need to leave now? Tatayo na sana ako ng magsalita si Rupert.
"Nag lunch ka na?" Tanong nito sa akin.
Umiling ako. Pinakita ko sa kanya ang kapeng hawak ko. "Hindi pa, kakaalmusal ko lang." Sagot ko.
"Eh? Breakfast pa lang 'yan? Anong oras na a," aniya sabay lingon kay abo pero busy pa rin ito sa pagbabasa. Naiinis na ako a!
"Yeah," sabi ko, nakakawala ng mood.
Tumayo na ako.
"I'll go ahead. Sasabihin ko na lang kay papa." Sabi ko.
Inaasahan ko na titignan niya ako pero hindi nangyari 'yun, galit ba siya? May kasalanan ba ako sa kanya, ha!? Oo malaki, Charlotte!!
"Ok..." aniya, gusto kong ihagis sa kanya 'yung kapeng hawak ko.
Nakakainis!
"Ingat ka," ani Rupert sa akin, pinipigilan nito na tumawa. Inirapan ko siya.
Umalis ako ng walang salita. Naiinis talaga ako!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (67)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
wala pong pov si hudson?????????
16/02/2024
0thank you akala ko walang ending ehh heheheh .. ganda ng story
05/02/2024
0nakakabitin nmn ung story kelan po NXT chapter????nakakalungkot nmn😔
12/01/2024
0Tingnan Lahat