Homepage/Here's your perfect/
61
Chapter 61
Eto ang araw na ayokong dumating. Ngayon ang alis ni abo, tapos na ang isang linggo niyang pananatili dito. Gustuhin man naming parehas na mag tagal pa siya ay hindi na pwede. Kailangan na siya sa pilipinas, kailangan na siya sa kompanya niya.
"Don't be sad." Sabi ni abo sa akin, kahit may pasok ako ngayon ay mas pinili kong ihatid siya sa airport. Pwede pa naman ako humabol mamaya. Late nga lang.
"I can't. Ngayon pa lang ay namimiss na kita." Nakasimangot kong sabi sa kanya, naiiyak ako pero ayokong ipakita sa kanya.
Hinila niya ako para mayakap niya. Nagsimula nang tumulo ang luha ko, hindi ko alam kung kelan ko ulit siya makakasama. Nalulungkot na naman ang puso ko.
"I love you."
Mas lalo akong naging emosyonal dahil sa sinabi niya, mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Kung pwede lang pahintuin ang oras ay ginawa ko na, kulang na kulang ang isang linggong pananatili niya sa tabi ko, lalo na at nagsimula na ang klase ko.
"You make me cry." Umiiyak na sabi ko, i heard him chuckled. Nainis tuloy ako bigla.
"Nakakainis ka," sabi ko.
"I'm sorry,"
Humiwalay ako ng yakap sa kanya, tinulungan niya akong punasan ang pisngi ko. Ngumiti siya ng matamis sa akin pero hindi ko magawang gantihan ang ngiti niya.
"Smile ka na. Aalis na ako o, nakasimangot ka pa din."
"Huwag ka na lang umalis, hmm?" Sabi ko, inayos niya ang buhok ko. Nasa gilid namin si Caleb, si Clarissa ay naghahanap ng trabaho ngayon kaya naman ay hindi nakasama. Pero si Caleb ay maiiwan dito, siya na rin ang maghahatid sa akin sa school.
"Kung pwede lang babe, sa ngayon ay hindi pa pwede." Sumimangot ako.
"I understand."
Tinawag na ang flight niya. Kinuha niya kay Caleb ang dalawang maleta niya. May suot pa siyang back pack, namili kasi siya ng ilang mga pasalubong na ibibigay kela mama.
"Take care. I love you so much!"
Hinalikan niya ako, halik na kahit ilang segundo lang ay damang dama ko ang pagmamahal niya, ramdam na ramdam ko ang sinseridad niya.
"I'm sorry." Sabi niya sa akin, ngumiti ako, totoong ngiti.
"Naiintindihan ko mahal, nag enjoy naman akong kasama ka."
Hinalikan niya ang noo ko. "Mag iingat ka dito. I love you!"
"I love you so much."
Nagsimula na siyang maglakad palayo sa akin, alam kong hindi na siya lilingon. Nakangiti kong pinagmamasdan ang papalayong abo, pinunasan ko ang pisngi ko.
"See you soon, mahal ko."
"Let's go ma'am. Para makahabol kayo."
Ngumiti ako kay Caleb saka tumango sa kanya. Sumakay na kami sa sasakyan ni abo, kahit papaano ay naging close ko na si Caleb, pero hindi talaga kami nag uusap dahil buong atensyon ko ay kay Abo.
"Matagal ka nang secretary niya?" Tanong ko sa kanya.
Kapag nagsasalita siya ng tagalog ay may accent, pero kapag english naman ay napaka fluent.
"I'm his secretary for 10rs."
Bahagyang nanlaki ang mata ko dahil sa sagot niya.
"Really? Bata ka palang when you started to work?"
Tumango siya. "Sir Hudson help me." Aniya, napangiti naman ako.
"Ang galing."
Wala pang trenta minutos ng makarating ako sa papasukan ko. Isang linggo na ang lumipas simula ng magsimula ang klase, naging maayos naman ang umpisa ko. Kahit papaano ay may nakilala na akong mga pinoy na katulad ko.
"Good morning, Charlotte." Nakangiting bati sa akin ni Bea, isa siyang pinay pero hindi siya ganoon karunong na magtagalog.
"Hi, good morning." Nakangiti rin na bati ko.
"You're late huh," aniya.
Ngumiti ako ng tipid. "I just woke up, so yeah." Sagot ko.
Tumango na lang siya.
Nilabas ko ang notebook ko, nagsisimula nang maging mahirap ang bawat subject sa akin. Nag aadjust din kasi ako sa mga kaklase ko, lalo na at nasa ibang bansa ako.
"Good morning class, i just wanna introduce to you that you have a new classmates." Ani prof ng makapasok siya, may dalawang babae ang nakasunod sa kanya. Ngumiti ako kay Zev ng magtama ang paningin namin.
"Ladies, kindly introduce yourself."
Naunang naglakad sa gitna si Zev, malaki ang pagkakangiti nito habang nagsasalita. Pagkatapos nilang magpakilala ay pinaupo na sila, mabuti na lang at bakante ang upuan na nasa tabi ko, agad kong tinuro iyon kay Zev.
"Namiss kita girl," agad na sabi ko sa kanya. Yumakap pa ako, nagtataka siguro mga kaklase namin ngayon.
"Gaga ka, namiss din kita kahit na lagi tayong mag ka call." Aniya, pareho kaming natawa.
Naisip ni Zev na dito na lang din mag aral, may bahay ang tita niya dito. Kaya laking tuwa ko talaga ng sabihin niya 'yun sa akin, kasi may makakasama ako na talagang kilala ko.
"May tissue ka bang dala?" Mahinang tanong niya sa akin.
Kumunot ang noo ko, nagtataka sa tanong niya.
"Bakit?" Tanong ko habang nakakunot ang noo ko.
"Kanina pa dinudugo ilong ko," seryoso niyang sabi, hindi ko mapigilan ang matawa.
"Gaga ka." Sabi ko.
Tatlong oras ang klase namin sa subject na 'to, kaya nang matapos ang klase ay dumiretso kami sa cafeteria. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako sa mga pagkain na narito, pero kahit papaano naman ay nagugustuhan ko na.
"So, kailan ulit ang balik niya?" Naikwento ko kasi sa kanya na kakaalis lang ni abo, sayang nga at hindi sila nagkita.
"I don't know," sabi ko sabay kibit balikat.
Kinuha ko ang phone ko. Wala pa akong natatanggap na message mula kay abo, malamang na nasa eroplano pa siya ngayon.
"Let's take a selfie, ipapakita ko lang kay mama." Aniya, agad naman akong umayos, agad naman niyang pinindot ang camera.
"Iyong maganda ang isend mo!" Paalala ko sa kanya.
"Oo, 'wag kang ano diyan." Aniya.
Isang oras na lang ang susunod na subject namin, kahit tinatamad ako ay pinilit ko ang sarili na makinig sa klase. Ibang iba talaga ang style ng pagtuturo nila dito kumpara sa pilipinas.
Isang oras ang nakalipas, sabay kaming naglalakad palabas ni Zev. Sa hotel siya pansamantalang tumutuloy ngayon, pero sa susunod na linggo ay doon na siya sa tita niya.
"Gusto mo bang sa mansyon ka muna?" Tanong ko sa kanya, agad naman siyang umiling sa akin.
"Hindi na," tanggi niya habang nakangiti.
"Sige ikaw bahala."
Dumating na ang sundo niya, gusto ko pa sana siyang ayain na gumala muna bago umuwi pero pagod siya dahil galing pa siyang byahe, talagang dumiretso lang siya sa school kanina.
Wala na akong nagawa kundi ang umuwi na din, si Caleb ang nagsundo sa akin. Tahimik lang ako habang nakasakay, tamang pagmumuni lang sa labas.
"How's school?" Napatingin ako kay Caleb ng sabihin niya 'yun, nabigla ako sa tanong niya. Ngumisi siya sa akin.
"Sinabi ni sir Hudson na sa tanungin kita about your school." Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.
"I'm ok, sabihin mo sa kanya."
Maayos niyang pinarada ang sasakyan sa tapat ng mansyon. Bababa pa sana siya pero nauna na akong bumaba sa kanya, binuksan niya ang bintana. Ngumiti ako sa kanya.
"Salamata a," sabi ko habang nakangiti.
"My pleasure. Just call me if you need me." Tumango ako saka ngumiti.
Inantay ko na muna na makaalis ang sasakyan niya bago ako pumasok sa loob, kasambahay ang sumalubong sa akin. Wala pa si Clarissa, mukang mamaya pa ang dating.
"Kakain na po ba kayo, ma'am?" Umiling ako kay ate ng magtanong siya.
"Hindi muna te, antayin ko si Clarissa." Sagot ko.
"Sige po ma'am, tawagin nyo na lang po ako kung kakain na kayo."
"Sige po salamat,"
Umakyat na ako sa taas para makapagpahinga. Nagpalit na muna ako ng damit saka nahiga sa kama, wala namang kailangan na gawin na school works ngayon, puro discussion pa lang naman kasi ang ginagawa.
Kinuha ko ang cellphone ko, hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na message mula sa kanya, malamang na nasa eroplano pa rin ito.
"Hays, miss na agad kita mahal ko."
Umayos ako ng higa, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Mabilis na lumipas ang oras, tatlong buwan na nang magsimula ang klase. Sa loob ng tatlong buwan ay naging maayos naman pag aaral ko. Hindi ko lang talaga maiwasan ang mangulila kay abo lalo na at hindi kami nakakapag usap ng maayos ngayon, hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan niya ngayon.
"O, ano? Wala pa din?"
Nakaupo kami ni Zev sa damuhan, masyadong malawak ang field ng school na 'to, mabuti na lang at hindi mainit. Masarap ang tumambay dito.
"Busy pa din," sabi ko.
Napatingin ako sa grupo ng mga babae na maglalakad sa harapan namin, nagtatawanan ang mga ito, masayang nagtatawanan.
"Hindi manlang tayo makabuo ng grupo." Sabi ni Zev sa akin, mahina naman akong natawa.
"Hindi pa ba ako sapat?" Nakasimangot kong tanong sa kanya.
Mahina siyang natawa. "Hoy hindi 'yun ang ibig kong sabihin, i mean, syempre, 'di ka ba nagsasawa? Lagi na lang ng lagi tayo ang nagkikita."
"Hindi." Iling na sabi ko sa kanya.
Umakbay siya sa akin, "love mo talaga ako, ano?" Natatawang sabi niya.
Tumango ako. "Syempre, sinundan mo 'ko dito e."
Napatingin ako sa cellphone ko nang umilaw ito. Agad kong tinignan kung sino, baka kasi mamaya ay si abo. Kumunot ang noo ko nang may anonymous na nag message request sa akin sa IG.
"O, ba't nakakunot 'yang noo mo?" Tanong ni Zev sa akin.
Hindi ko siya pinansin, hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong nararamdaman ngayon. Iniling ko ang ulo ko, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.
"Bakit nga?"
Nanginginig ang kamay ko ng pinindot ko ang message, ganon na lang nanlaki ang mata ko ng makita ko ang picture. Tila huminto ang mundo ko dahil sa nakita.
"Ano ba ka—omaygad! Si abo ba 'yan?" Gulat na tanong ni Zev, nabitawan ko ang cellphone ko, agad naman itong kinuha ni Zev.
"Sino nag send sa'yo?" Nagtatakang tanong ni Zev sa akin.
Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko, agad naman akong inalo ni Zev.
"Tangina." Nasabi ko na lang.
"Kausapin mo muna siya, Charlotte. Bago ka maniwala sa picture na sinend sa'yo, what if may sumisira lang sa relasyon nyo?"
Hindi ako makahinga ng maayos, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ako mapalagay, gusto kong kausapin si abo pero natatakot ako, natatakot akong sabihin niya ang totoo sa akin.
"Call him," ani Zev, sabay bigay ng cellphone sa akin.
Umiling ako, kinuha niya ang kamay ko saka inabot ang cellphone ko.
"Sige na,"
Nanginginig ang kamay ko, hindi ko alam kung pipindutin ko ba o hindi, pero sa huli ay pinindot ko ang call. Kinakabahan ako, nag riringg lang pero hindi niya sinasagot.
"Hindi niya sinasagot." Umiiyak na sabi ko, marahan niya akong hinila saka niyakap.
"Kailangan mo siyang makausap bago ka mag desisyon." Aniya.
"Hindi ko alam, Zev."
Pinunasan ko ang pisngi ko, gusto kong burahin ang picture ni abo na kasama si Ivana sa higaan, they both naked dahil tanging kumot lang ang nakabalot sa katawan nila. Parehas silang nakapikit at nakayakap sa isa't isa.
"Please, Charlotte? Don't decide first, ok?"
Hindi na ako nagsalita, nanatili lang siyang nakayakap sa akin.
Why, abo? Why?
Kaya ba hindi ka na nagpaparamdam kasi may iba na? Akala ko ba ay wala na siyang nararamdaman sa kanya? Ayokong pangunahan ang sitwasyon pero hindi ko maiwasan ang mag isip.
Ayoko ng ganitong nararamdaman, tangina!
"You want to go home first?" Tanong ni Zev sa akin.
Umiling ako. May usapan kaming lakad ngayon. "Hindi, itutuloy natin 'yung lakad natin, nakaplano 'yun ngayon, Zev."
Hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko. "It's ok, Charlotte. Magkasama tayong gragraduate kaya maraming pagkakataon pa. Ang importante ay makapagpahinga ka para may lakas ka para makipag usap sa kanya."
"Salamat, Zev a. Mabuti na lang at narito ka." Nakangiti kong sabi.
"I'm your soulmate, Charlotte."
Pagkatapos ng klase ay umuwi ako agad, hinatid ako ni Zev sa mansyon ni lola. Nagpasalamat na lang ako sa kanya at walang ganang naglakad papasok sa loob ng mansyon. Wala si Clarissa ngayon dahil may trabaho na siya, tuwing gabi ang uwi niya kaya minsan ko na lang siya makasama sa mansyon.
Pag akyat ko sa kwarto ay hindi na ako nagpalit ng damit at basta na lang nahiga, nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. Kahit hindi ko pa alam ang totoo ay ang sakit na nang nararamdaman ko, ang dami nang what if's ang pumapasok sa isipan ko.
Fuck!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (67)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
wala pong pov si hudson?????????
16/02/2024
0thank you akala ko walang ending ehh heheheh .. ganda ng story
05/02/2024
0nakakabitin nmn ung story kelan po NXT chapter????nakakalungkot nmn😔
12/01/2024
0Tingnan Lahat