Homepage/Here's your perfect/
05
Nakahinto na ang sasakyan sa tapat ng gate, madilim na sa loob. Maaga pa a, bakit nakapatay na ang ilaw?
Kinalas ko ang seat belt saka binuksan ang pinto, simula ng nangyari iyon ay nawalan ako ng kapal ng mukha para harutin siya, bigla akong nanahimik!
"Salamat sa paghahatid, pasensya na kung naistorbo kita." sambit ko sa kanya, hindi ito nagsalita, binuksan nito ang pintuan saka bumaba. Napabuga na lang ako sa hangin saka bumaba na, kinuha nito ang mga pinamili ko saka inabot sa akin.
"Tuloy tayo sa friday?" tanong ko sa kanya ng maiabot ko na ang mga pinamili ko.
"You don't want?" agad akong umiling sa kanya, "No, nagtatanong lang naman ako." sabi ko.
"Yeah, see you in friday." sinara nito ang pinto saka naglakad papunta sa driver seat.
"Thank you, again." nakangiting sabi ko sa kanya, tanging tango at kaway lang ang natanggap kong sagot mula sa kanya. Umayos ako ng tayo at sinundan ng tingin ang sasakyan niya, pumasok lang ako sa loob ng hindi ko na matanaw ang sasakyan niya.
"Gastos na naman," bungad na sabi ni ate ng makapasok ako, nilapag ko sa gilid ang mga binili ko. Tinignan ko ang mesa na punong puno ng bago niyang make-up, ang iba ay hindi pa nabubuksan.
"Wow, make-up na naman?" balik tanong ko sa kanya, inurong nito ang make-up niya palapit sa kanya, akala mo naman ay kukunin ko. Wala akong balak, no. Aanhin ko 'yan?
"Saksak mo sa baga mo' yan," nakangiwing sabi ko sa kanya.
Umupo ako sa tabi niya, agad niya akong sinamaan ng tingin ng matamaan ko ang mga bago niyang make-up, maliban sa jowa niyang kano ay isa rin ang make-up sa kinakaadikan niya.
"Nandiyan sila mama?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa sila umuuwi, kasama si Ingrid."
"Ay weh? Sa'n daw pumunta?" tanong ko sa kanya, kinuha ko ang remote saka nilipat ang channel, balita naman pinapanood niya.
Nagkibit balikat siya sa akin, "Hindi ko alam, baka maya-maya ay nandiyan na. Nag text si mama sa akin na huwag na daw bumili ng ulam at magdadala sila."aniya.
"A, ok."tanging nasabi ko na lang, tumayo ako saka kinuha ang mga pinamili ko. Pumasok ako sa kwarto at nilagay lang kung saan ang mga binili ko at pabatong hiniga ang sarili sa kama.
Nanakit ang paa ko dahil medyo mahaba habang oras ang paglalakad namin kanina, ilang oras din kaming nakatayo habang namimili ng mga damit. Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa, agad nag pop-up ang gc naming tatlo.
Lyka:
Nakauwi ka ba ng safe, Charlotte? Sana ay hindi.
Marie:
Ang sama mo naman, Lyka. Pagkatapos mong iwanan diyan.
Silang dalawa kaya ang nang iwan.
Ako:
Kakauwi ko lang. Safe and sound.
Lyka:
Ang aga a, hindi trapik?
Ako:
Sinalba ako ng prince charming ko.
Ngumisi ako ng mag sent iyon. Ano kayang magiging reaksyon nila? Haha.
Marie:
The who? Bumalik ka sa kinainan natin kanina at inantay mo 'yong waiter doon?
Kumunot ang noo ko sa reply ni Marie, aanhin ko 'yong waiter na iyon? Medyo tanga siya a.
Ako:
Tanga, hindi. Bakit pa ako babalik doon, tsaka, ako maghihintay? Hindi ako mahilig magsayang ng oras.
Lyka:
Pero every friday ay mag sasayang ka ng oras.
Ouch, a.
Ako:
Tanga, iba 'yon.
Marie:
Sige na iba na 'yon, sino 'yong prince charming na sinasabi mo?
Bigla akong kinilig ng maalala ko ang nangyari kanina. Nakita ko siya unexpectedly, nakatadhana talaga kaming magkita ngayong araw. Masyadong matagal ang friday kaya siguro pinagtagpo kami ngayon.
Ako:
Abo.
Agad silang nag wow react sa reply ko. Ngumisi ako saka nagtipa ulit ng message sa kanila.
Ako:
Totoo iyon, hindi ako gumagawa ng kwento. Masyado nga siyang hot sa suot niyang business attire.
Lyka:
Hanep, nakahanap ng sugar dadeh.
Ngumuso ako sa sinabi ni Lyka, sugar dadeh?
Ako:
Tanga! May pera ako ko, daddy pwede pa.
Marie:
May nararamdaman akong luluha na naman.
Ngumiwi ako sa reply ni Marie, ano na naman pinapalabas niya?
Lyka:
Naramdaman ko rin 'yon.
Ako:
Ha ha ha.
Tinabi ko na ang cellphone ko sa gilid ng kama, pinilit ko ang sarili ko na tumayo para asikasuhin ang sarili ko. Dahil mainit ang panahon ay naligo na lang ako, hindi pa naman kami kumakain kaya matutuyo pa ang buhok ko.
Pagkatapos kong maligo ay inasikaso ko naman ang mga pinamili ko, mabuti na lang at wala sila papa dito, paniguradong manenermon na naman sila pero hindi naman nila tinitigilan ang pagbibigay ng pera sa akin, dinagdagan pa nga nila.
Tinaas ko ang isang red halter dress, ngumuso ako habang nakatingin dito. Maganda kaya itong suotin sa friday? Hindi ba masyadong overdressed ako? Kailangan ko pang pumasok sa school though wala naman kamig uniform but still.
Sinunod ko namang itaas ang red off shoulder dress, too short for the school. The rest ng binili ko ay puros tops and jeans or skirts, ano'ng susuotin ko sa friday? Ayoko namang mag jeans. Ngumuso ako at patapon na nilagay ito sa sahig, pinadyak padyak ko ang paa ko habang nakatingin sa mga damit na nakakalat.
"Ang laki ng ginastos ko ngayon pero hindi ko naman alam kung ano'ng bibilhin ko," mahinang sabi ko habang nakatingin sa mga damit na nakakalat.
Tinignan ko ang pintuan ng bigla na lang ito bumukas, sinimangutan ko si ate habang nakahawak sa door knob. Hindi talaga siya marunong kumatok.
" Don't you know how to knock?"tanong ko sa kanya, hindi ako nito pinansin, tinignan nito ang mga damit na nakakalat sa sahig.
" Damit na naman? " nakaangat kilay na tanong nito sa akin.
" Pinapakeelaman ba kita kapag bibili ka ng mga make-up mo? "medyo inis na tanong ko sa kanya, kanina pa ako naiinis a, huwag na sana niyang dagdagan.
Mahina itong natawa saka umupo sa sahig, tinignan nito isa-isa ang mga damit na nakakalat. Pati ang mga nasa lagayan pa ay pinakeelaman na din.
" Bakit, may date ka?" tanong nito sabay tingin sa akin, nag-iwas ako ng tingin sa kanya saka kunyaring inayos ang mga damit.
"Mukha ba akong makikipag date?" tanong ko sa kanya, hindi naman date 'yong gagawin namin ni Abo sa friday, magkikita lang. Iyon lang.
"Oo, namimili ka lang naman ng mga dress kapag may lalaki ka na naman," nginiwian ko siya ng sabihin niya iyon.
"Lumabas ka na nga," inis kong sabi sa kanya, muli siyang natawa ng mahina.
" Naiinis ka?" nang aasar na sabi niya, inirapan ko na lang siya.
"Hindi magandang mag dress kapag makikioag date ka. " aniya.
"Hindi nga ako makikipagdate." sabi ko sa kanya, medyo makulit siya a.
"Edi hindi, makikipagharutan lang." irap matang sabi nito.
"May dress ako, hindi ko na sinusuot kaya ibibigay ko na lang sa'yo."
"Akala ko ba panget mag dress kapag makikipagdate?" nakakunot noong tanong ko sa kanya.
"Akala ko ba ay hindi ka makikipag date?" nakangising tanong nito sa akin, langya, nahuli ako doon a! Hindi naman talaga ako makikipagdate.
"Hindi nga," casual na sabi ko, hindi pa rin naaalis ang ngisi sa kanyang labi, gusto ko na lang tapalan ng packing tape ang kanyang bibig.
"Sige, naniniwala ako." naglalarong sabi nito, inirapan ko na lang siya at inayos na ang mga damit ko na nakakalat.
"I heard Abo is already here," she said. Tama ang narinig ko, gusto ko sanang sabihin sa kanya pero tinikom ko ang bibig ko. She knows na nagpapapansin ako kay Abo.
"Ay weh?" kunyaring gulat na tanong ko sa kanya.
"Tsh, stop pretending, Charlotte Amelia. Siya ang nag hatid sa'yo kanina. Akala mo ay hindi ko nakita?" napahinto ako sa pagliligpit saka humarap sa kanya. "Edi tama ang narinig mo," sambit ko, mahinang tumawa ito bago tumayo. Naglakad ito papunta sa pintuan.
"It's just...ayoko lang na umiiyak ka ulit dahil sa lalaki. You're already 20, you're still young, Charlotte. Hinahayaan kita sa gusto mo, sa paglalaro mo sa pag-ibig dahil nasaktan ka. Pero... Huwag mo sanang sobrahan, just know your limits. Right man will come." tipid ngiting sabi nito sa akin. " Be ready, pauwi na sila mama. " dugtong nito bago isara ang pinto.
Muli akong napaupo sa sahig saka bumuntong hininga. Ang ayoko talaga kay ate ay nagseseryoso siya, ginagamitan niya ako ng mga advices niya. If she thinks that I will cry because of Abo, no... Hindi mangyayari iyon. Kapag alam kong iyon na ang nararamdaman ko, ako na mismo ang pipigil sa sarili ko.
Kinabukasan ay maaga akong nagising, mag kasabay ulit kami ni ate na pumasok. Kapag nakagraduate na siya ay hindi niya na ako maihahatid, ibibigay niya na ang motor niya kay Ingrid kasi bibilhan na siya ni papa ng sasakyan, ako kaya? Kailan ako magmamaneho ng sasakyan? Marunong naman ako, sadyang wala lang akong sasakyan.
"Good morning my baby," agad akong lumayo kay Aivan ng akmang aakbay ito, ngumisi ito sa akin saka umayos ng tayo.
"Allergic ka sa gwapo?" tanong nito sa akin, nginiwian ko lang siya saka hindi pinansin.
Magkakaklase kaming tatlo nila Andres sa isang subject, ako ang nasa gitna ng dalawa kaya naman ang mga tinginan ng mga babae ay kakaiba. Ngumuso na lang ako, wala sa kanila ang bet ko.
"Bakit ba tumatabi kayo sa akin?" tanong ko sa kanila.
"Bakit, masama ba?" tanong ni Aivan sa akin, tinignan ko si Andres na nakapoker face lang. Sungit talaga.
"Makikipagkita sa akin 'yong pinsan mo sa friday," nakangiting sabi ko sa kanya, agad dumungaw si Aivan sa amin, ang chismoso talaga nito.
"Really?" Hindi interesadong sabi niya, mahinang hinampas ko siya.
"May sense ka talaga kausap," irap matang sabi ko sa kanya, tinapik ko si Aivan para umayos ng upo.
"Ako na lang ang kausapin mo, Charlotte. Pagbig----
Tinakpan ko ang dalawang tenga ko habang nagsasalita si Aivan, maririnig ko na naman kasi ang sasabihin niya. Paulit-ulit na lang, hindi na nabago.
" Ah, ganyanan pala a..."aniya, umayos na lang ako ng upo.
Nanahimik na si Aivan ng dumating ang prof, parang gusto ko na lang matulog ng mag-umpisa itong mag discuss.
" Group yourself into three, just three members. " sabi ni prof, hindi ako naghanap ng grupo dahil alam ko namang itong dalawa ang makakasama ko.
"Then, copy this for your format. Due is tomorrow, kapag late nagpasa ay malaki ang mababawas. Class dismissed."
Nilabas ni Aivan ang cellphone niya saka kinuhanan ng litrato ang nasa white board. Hindi naman mahirap ang gagawin, sakto lang.
"Ako na mag-aayos. Just send me your answer." sabi ko sa kanila, inumpisahan ko ng ayusin ang gamit ko.
"Noted madam."
Nauna ng lumabas ang dalawa sa akin, may next class pa kasi sila samantalang ako ay wala. Isang oras ang aantayin ko bago ang sunod na subject ko, ang dalawa naman ay may klase pa. Saan ako tatambay nito?
Tumayo na ako at binitbit ang bag, dumaan ako sa cafeteria para bumili ng pagkain. Dito na lang kaya ako magpalipas ng oras? Manonood na lang ako habang kumakain.
"Salamat po," nakangiting sabi ko sa nagbabantay, bitbit ang isang tray ay dumiretso ako sa bakanteng upuan. Pang dalawahan lang ang pwesto na ito, nilapag ko ang tray sa mesa at ang bag sa bakanteng upuan.
"That's why I hate thursday, lagi na lang akong mag-isa." mahinang sabi ko sa sarili ko.
Nilabas ko ang cellphone ko, umaasang walang prof ang dalawa pero wala akong natanggap na message mula sa kanila. Napabuga na lang ako ng hangin saka nag-umpisa ng kumain.
Tinignan ko ang cellphone ko ng biglang tumunog ito, nanlaki ang mata ko ng makitang si Abo ang tumatawag. Sasagutin ko na sana ito ng biglang namatay ang tawag, ayy, ano 'yon?
Nagtipa ako ng text sa kanya.
Ako:
Miss me?
Medyo makapal ang mukha ko pero wala akong nakikitang dahilan para tumawag siya unless he already miss me, magkikita naman kami bukas!
Abo:
No, what's your schedule for tomorrow?
Ako:
Morning and afternoon class lang, why?
Para siyang jowa ko na inaalam ang schedule ng pasok ko para alam niya kung anong oras siya haharot sa akin, pero dahil si Abo siya ay hindi niya gagawin iyon.
Abo:
Uwi mo?
Tamad na tamad mag reply?
Magtitipa na sana ako ng reply sa kanya ng bigla siyang tumawag. Nakangiting sinagot ko ang tawag.
"Ayan a, miss na ako." nang-aasar na bungad ko.
"Asa," seryosong sabi nito, mahina akong natawa.
"So, love? Bakit ka napatawag?" gusto kong tumawa ng malakas dahil sa pagtawag ko sa kanya, tingin ko ay naiinis na naman ito.
"Ano'ng oras ang uwi mo?" tanong niya, hindi pinansin ang sinabi ko.
"Three in the afternoon, why? Kanina ka pa nagtatanong a!"
"Ok," aniya, hindi niya na ako inantay na makapagsalita at binaba niya na ang tawag. Pabagsak kong nilapag ang cellphone ko, bakit niya naman tinatanong?
"Charlotte!"
Agad akong nag-angat ng tingin ng may narinig akong tumawag ng pangalan ko, tinignan ko ang dalawa na naglalakad palapit sa akin. Kumuha ng isang upuan si Lyka, tinanggal naman ni Marie ang bag ko sa bakanteng upuan.
"Tapos na klase nyo?" tanong ko sa kanila.
"Ako nag cut," diretso sabi ni Lyka, hindi naman na ako magtataka. Pero hindi ko alam kung bakit nakakapasa pa siya.
"Early dismissal." sagot naman ni Marie, nginiwian ko ng inuman niya ang inumin ko.
"Arte mo a," aniya, inirapan ko na lang siya.
Hindi umorder ng pagkain ang dalawa. Pagkatapos naming kumain ay agad kaming pumunta sa quad para makapaglakad lakad. Makulimlim ang kalangitan, pero sana ay hindi umulan.
"Gusto ko ng umuwi," inaantok na sabi ni Lyka, naupo kami sa bench. Pinagmasdan ang mga dumadaan.
"Mag-aral ka naman ng mabuti, Lyka. Ang mahal ng binabayad mo dito," sabi ko sa kanya, sinandal nito ang kanyang balikat sa aking ulo.
"Mabuting mag-aaral ako, Charlotte." agad na sabi nito.
"Tamad nga lang," singit naman ni Marie, nagtawanan kami dahil sa sinabi niya.
"Ang sarap pagmasdan ng mga gwapong dumadaan," tinikom ko ang bibig ko ng sabihin iyon ni Lyka. Lately, napapansin ko na nawawalan na ako ng ganang maghanap ng gwapo, hindi pwede 'yon!
"Na sa'yo pa 'yong papel?" tanong ko sa kanya, umayos ito ng upo. Nilabas nito mula sa kanyang bag ang papel na tinutukoy ko. Napangiti ako ng maintindihan niya iyon.
"Nahanap mo na name?" tanong ko, umiling naman ito sa amin. "Hindi pa, walang time." aniya, hinablot ko ang papel na hawak niya. Nilabas ko ang cellphone ko at sinearch ang unang pangalan na nakasulat doon.
"Maverick Aladin."
"Oy, gagi. Nasa FR ko!" sabi ko sa kanila, agad naman hinablot ni Lyka ang cellphone ko sa akin.
"Hala, oo nga!" sabi naman ni Marie.
Nilabas ni Lyka ang cellphone niya at sinearch ang pangalan nito pati si Marie, pati sila ay inadd.
"Confirm mo bobo," sabi ni Lyka sa kanya, tinanggal kasi ni Marie 'yong FR sa kanya. Masyadong loyal a.
"Hindi na, alam ko naman na hindi nyo seseryosohin' yang mga 'yan." sabi nito, nginiwian lang namin siya ni Lyka.
Pati 'yong pangalan ng isa ay tinignan din namin. Ngumisi ako ng makitang naka FR din ito. How did they know our names? Hindi naman kami nagsusulat sa tissue ng pangalan at iiwan sa mesa.
" Tinaggap ko ang kanilang FR," sabi ni Lyka sa akin, ganoon din ang ginawa ko.
"Gwapo nga," sabi ko ng i-i-stalk ko si Maverick, matangkad siya, topless siya sa kanyang profile kaya naman bumabalandra ang kanyang 6 pack abs.
"Yummy,"
Tinignan ko pa ang ilang pictures nito, marami siyang likes sa bawat post niya ng pictures. Kahit na shared post lang.
"Nagchat!" sabi ko sa kanila ng mag-pop up ang message nito.
Maverick:
Hi.
Hi? As always.
Ako:
Hey, how did you know our name?
"Wala man lang pa humps? Kailangan ideretso?" natatawang tanong ni Marie sa akin.
"Malamang, baka mamaya ay pinapasundan na tayo." dahil sa sinabi ko ay nakatikim ako ng batok mula kay Lyka, agad kong hinawakan ang ulo ko at sinamaan siya ng tingin.
"Bobo mo," aniya, inirapan ko na lang siya at hindi pinansin.
Maverick:
Our boss knows you.
Boss? Sinong boss?
"Sa boss niya daw nalaman, sino kaya?" tanong ko sa kanila, sabay silang nagkibit balikat sa akin. Mga walang kwenta.
Tumagal ang chat namin hanggang sa hindi ko namalayan ang oras. Agad akong tumayo at hindi na nagawang magpaalam sa dalawa, ilang minuto na lang at time na, medyo malayo pa naman ang room ko.
Habang nagmamadaling maglakad ay nagtipa ako ng reply sa kanya. Na seen ko ang message niya kaya naman kailangan kong mag reply.
Ako:
Thanks for the time. I have class na, later again.
Mabilis kong tinago ang cellphone ko sa bulsa at tumakbo na papunta sa room.
Patay na! I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (67)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
wala pong pov si hudson?????????
16/02/2024
0thank you akala ko walang ending ehh heheheh .. ganda ng story
05/02/2024
0nakakabitin nmn ung story kelan po NXT chapter????nakakalungkot nmn😔
12/01/2024
0Tingnan Lahat