Homepage/Here's your perfect/
04
"Bakit hindi pa rin niya binabasa message ko?" mahinang tanong ko sa sarili habang nakatingin sa cellphone ko, akala ko ba gusto niyang makipagkita, bakit hindi siya nag-re-reply.
"Ano'ng tinitignan mo diyan?" tanong ni Lyka sa akin, kahit kailan ang marites e. Nilapag nito ang tray bago umupo sa tabi ko, kumuha ako ng fries saka kinain ito.
"Hindi pa siya nag-re-reply." nakangusong sabi ko sa kanya, nilapag ko ang cellphone ko at muling kumain.
"Asa ka naman?" sinamaan ko ng tingin si Lyka, kaming dalawa lang ngayon dahil may klase si Marie.
"Tanga, tinanong niya kasi ako kung kailan ko daw gusto, e hindi naman binabasa messages ko."
"Bakit, friends na ba kayo sa fb?" bigla akong napaisip sa tanong niya, oo nga ano! Hindi niya pa rin ako I-na-accept.
"Oo nga no, hindi pa rin e." sambit ko, muli kong tinignan ang cellphone ko, umaasang mababasa niya ang message ko pero wala pa rin.
"Kunin ko kaya number niya?" wala sa sariling tanong ko sa kanya.
"Paano? E, hindi mo nga alam kung nasaan siya."
Ngumisi ako sa kanya saka nginuso ang grupo ni Andres na naglalakad papasok sa café, kinawayan nila kami ng makita ang pwesto namin. Dahil malaki ang pwesto namin ni Lyka at kaming dalawa lang ay dito sila umupo.
" Advantage,"mahinang sabi ko sa kanya saka umayos ng upo.
" Ano'ng mukha 'yan, Charlotte?" tanong ni Taitus sa akin.
Ngumiwi ako sa kanya," Mukha ng maganda,"sambit ko, umakto itong parang nasusuka kaya binato ko sa kanya ang tissue na hawak ko, pinangpunas ko pa 'yon sa pwet ko kanina.
" Iww, amoy tae a!"arteng sabi nito, inirapan ko na lang siya. Hindi ko alam kung bakit natatagalan ni Tricia kasama ang ganyang tao, ang patient niya a.
" Tash,"tawag ko kay Tasha, agad naman itong lumingon sa akin," Yes?"nakangiting tanong nito, lagi na lang siyang nakangiti, parang walang problema e.
" May number ka ni Abo?"tanong ko sa kanya, medyo nagulat ito dahil sa tanong ko, hindi niya inaasahan.
" Grabe, walang pagbabago a, Hudson pa din?" natatawang tanong ni Aivan sa akin, hindi ko siya pinansin, nanatili ang tingin ko kay Tasha, alam ko naman na ibibigay niya sa akin.
"Yeah, pero hindi ko dala ang phone ko e, ask mo si Andres." bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya, tinignan ko si Andres, nakaangat na agad ang kilay nito. Napakasungit a, buti pa si Abo medyo lang.
Dahan dahan kong inabot ang cellphone ko sa kanya, tinignan niya lang ito. Slow ba siya? Bakit hindi niya maintindihan?
"Meron ka?" tanong ko sa kanya.
"Yeah," simpleng sagot nito, lumaki ang ngiti ko saka binuksan ang cellphone ko at binigay sa kanya.
"Type mo dito," sambit ko habang nakangiti ng malaki sa kanya.
"Tsh," he said. Binuksan nito ang phone niya saka nag scroll doon, kinuha nito ang phone ko saka nag type doon, mas lumawak ang ngiti ko. Atleast hindi na ako mahihirapan gumawa ng palusot kung sakaling gusto kong kunin ang number niya.
,
"Here," aniya sabay abot ng phone ko, nakangiting kinuha ko ito at sinave ang number ni Abo.
"Napakabuti mong kaibigan," sabi ko sa kanya, umiling lang ito sa akin.
"Siguraduhin mo lang na tama itong binigay mo sa akin," sabi ko sa kanya.
"Call him," nanghahamon na sabi nito sa akin, buti na lang at lagi akong may load. Umayos ako ng upo saka mahinang tumikhim, pinindot ko ang number niya. Nanlaki ang mata ko ng nag ring ito.
"Hello?" mabilis kong pinatay ang tawag ng marinig ang boses ni Abo, malaking ngiti ang binigay ko kay Andres na inirapan lang ako.
"Napakabait mong kaibigan," nakangiting sabi ko sa kanya, narinig ko naman ang tawanan ng mga kasama namin.
"Hindi mo pa rin ba naiisip ang deal natin, Charlotte?" tanong ni Aivan sa akin, kumuha ako ng fries niya dahil ubos na ang akin saka umiling sa kanya.
"Hindi mo ako mapipilit, Aivan." sabi ko sa kanya.
"Marami ka namang babae a, bakit hindi ka doon?" sabi ni Markus sa kanya, aksidenteng tumama ang tingin ko kay Andres at masama na ang tingin nito kay Aivan, wala sa oras na napangisi ako.
"Kalma dude, hindi nga pumayag 'di ba?" sabi ni Aivan sa kanya.
"Tanga ka," sabi ni Taitus sa kanya.
Dahil may klase na kami ni Lyka ay nagpaalam na kami sa kanila, ngumiti at kumaway na lang ako sa kanila. Kaklase namin si Marie kaya bago pumunta sa room ay binilhan namin ito ng pagkain niya.
"Ano'ng deal ang sinasabi ni Aivan?" chismosang tanong ni Lyka sa akin, inayos ko ang pagkakasuot ng bag ko.
"Pretend gf daw, gago ba siya? Edi nasira ang plano ko kay Abo kung sakaling papayag ako." sabi ko sa kanya.
"Sabihin mo available ako," agad na sabi nito, "Bobo ka talaga? Edi sana tatanungin ka na non, mukang hindi maniniwala ang pagseselosan non kung ikaw, bobo mo! Alam nilang maharot ka kaya baka isipin ay wala lang 'yong gagawin nyo," sabi ko sa kanya.
"Haba ng paliwanag," walang kwentang sabi nito sa akin. " Sabagay, baka mawalan din ako kapag tinanong niya ako," kibit balikat na sabi nito.
Pagpasok sa room ay nakita agad namin si Marie, agad nitong tinuro ang bakanteng upuan na nasa tabi niya. Si Lyka ang nasa gitna namin, binigay ko ang pagkain na binili namin sa kaniya.
" Wow, nag abala pa kayo a."
"Ayaw lang namin masumbatan," sabi ni Lyka, mahinang pinalo siya ni Marie.
Umayos kami ng upo biglang dumating ang prof namin, nagbigay ito ng instruction bago ipagawa ang activity. Kailangan namin mag drawing ng mga pattern! Bakit nga ba ito ang kinuha kong course? In fairness ang hirap a.
"Hindi naman ako fashion designer a, bakit may ganito?" tanong ni Lyka sa amin, nagkibit balikat ako sa kanya.
"Baka naman guide lang 'yan, engineering ka' di ba?" sabi naman ni Marie sa kanya.
"Oo,"
Hindi ko na sila pinansin at ginawa na ang pinapagawa. Nakadikit sa white board ang gagayahin namin, nilabas ko ang mga kakailanganing gamit ko. Ruler, compass, bond paper at lapis.
"Gawa mo ako," sabi ni Lyka sa akin.
"Bahala ka diyan, mag-e-engineer ka ta's hindi ka marunong mag drawing, simpleng guhit lang 'yan," irap matang sabi ko sa kanya.
"Damot mo," aniya.
Nag focus na lang ako sa ginagawa ko. Kailangan ay tama ang sukat na gagawin namin, masobrahan lang ng isang inch ay malalaman niya na. Masyadong matalas ang mata ni prof.
"Sa mga hindi makakapagpasa ngayon ay may deduction na bukas. Kailangan nyong masanay na on time lagi magpasa. Time management is very important." sabi ng prof sa amin, hawak nito ang mga bond paper na ginawa namin. Nakapagpasa naman kaming tatlo. Marami kasi ang hindi nakapagpasa.
"May sukat sa'yo?" tanong ko kay Lyka.
"Malamang!" agad na sabi nito.
Nagpaalam na ang prof sa amin, masyado pang maaga para sa dismissal niya. Last subject na namin itong tatlo pero nanatili muna kami sa room habang nag-iisip kung saan kami pupunta.
Nilabas ko ang cellphone ko ng may maalala ako, agad lumaki ang ngiti ko ng makita ang number ni Abo, mahina akong tumikhim bago i-dial ang number niya. Tatlong ring lang ay sinagot niya na ang tawag.
"Who's this?" seryosong tanong nito, masarap pakinggan kapag sa call pero mas masarap pakinggan kapag personal.
"Your future." nakangising sagot ko, agad naman tumingin ang dalawa sa akin. Agad akong nag shh sign sa kanila, nakita ko naman ang pag iling ni Lyka sa akin.
Ngumuso ako ng binaba niya ang tawag, pinakita ko ito sa dalawa. Mahinang natawa si Marie.
" Tanga kasi e," sabi ni Lyka sa akin, inismiran ko lang siya at di-ni-al ulit ang number ni Abo, muli akong napangiti ng sagutin niya ang tawag.
"I'm busy, what do you want?" seryosong tanong nito, mukang alam niya na kung sino ako.
"Ayy, are you busy? Sorry," sambit ko, pero hindi naman talaga totoo 'yon.
"What do you want?" he asked again.
"Wala na---
Pabagsak kong nilapag ang cellphone ko ng babaan niya na naman ako ng tawag. Nakakailan na siya a! Kinuha ko ang cellphone ko ng tumunog ito, nanlaki ang mata ko ng makatanggap ako ng text galing sa kanya.
Abo:
What?
Ngumisi ako saka umayos ng upo bago nagtipa ng reply sa kanya.
Ako:
Kailan kita ulit makikita?
Baka sabihin niya ay uhaw akong makita siya, iyon naman ang totoo.
Abo:
When do you want?
Mahina akong tumili ng mabasa ang reply niya. Pakipot pa siya e! Gusto niya rin naman makipagkita sa akin.
Ako:
Kapag hindi ka na busy.
Abo:
I'm always busy. Give me the date.
Busy pero ang bilis mag reply. Ano ito, issaprank?
Nag-isip naman ako ng date, ano kayang magandang araw na makipagkita sa kalandian mo?
Abo:
Ok, let's meet on friday.
Muli akong tumili dahil sa reply niya, wala naman ng tao dito sa room. Kaming tatlo na lang, busy ang dalawa sa cellphone nila.
Ako:
This friday or next?
Sana ay ngayon na lang!
Abo:
Every friday.
Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa reply niya. Sana araw-araw ay friday.
Ako:
Alright. See you.
Nakangiting tinago ko ang cellphone ko saka ginulo ang dalawa.
"Ano ba 'yon?" inis na tanong ni Lyka sa akin, naririndi na siya sa kakalabit ko sa kanya.
"Makikipagkita si Abo sa akin, every friday pa," kinikilig na sabi ko sa kanila.
"Baka naman pinilit mo?" tanong ni Lyka sa akin agad naman akong ngumiwi sa kanya. Wala ba siyang tiwala sa alindog ng kaibigan niya?
"Tsh, siya mismo nagsabi."
"Good luck na lang," sabi nito sa akin, nginusuan ko na lang sila.
Dahil maaga ang uwi namin ay nag decide kaming pumunta sa UP town dahil malapit lang naman iyon dito. Si Lyka ang may dala sa aming sasakyan dahil si Marie ay hatid sundo ni Cali na nag-aaral sa Lasalle.
"Marunong ka magmaneho 'di ba?"tanong ni Lyka sa akin.
" Oo, pero wala pa akong license, "sabi ko sa kanya.
" Ano ba' yan, "ismid na sabi nito saka binuksan ang sasakyan niya, ngumisi ako bago sumakay. Nasa likod si Marie habang ako ang nakaupo sa front seat.
" Naghahanap na si papa ng tutuluyan ko, sa bgc." sabi ko sa kanila, inumpisahan na ni Lyka na paandarin ang sasakyan niya.
"Mas malapit pa nga ang bahay nyo sa school e," natatawang sabi ni Lyka sa akin.
"Oo pero ganoon kasi 'yong ginawa ni ate e. Tsaka, mas goods iyon no." ismid kong sabi sa kanila.
"Edi tira na lang tayo sa iisang unit, hanap kamo ng tatlong room." sabi ni Marie sa akin, magandang idea 'yon ah.
"Sige, sasabihan ko si papa."
Wala pang isang oras ng makarating kami sa UP town, napangiti ako ng ihinto ni Lyka ang sasakyan niya. Ngayon na lang ulit ako nakapunta dito.
"Nakakamiss din dito a," sabi ni Marie ng makababa. Maraming estudyante kaming nakita, mga taga ateneo din meron ding mga taga UP.
"Maraming gwapo sa UP 'di ba?" tanong ko sa kanila, pumasok na kami sa loob. Naghahanap ng pwedeng kainan.
"Oo daw," sagot ni Lyka.
"Daw? Wala ka pang nakakaano na taga UP? Grabe a, loyal mo naman sa taga ateneo." natatawang sabi ko sa kanya, sinamaan ako ng tingin ni Lyka.
"Bobo mo, mas malapit iyon e. Ano, babyahe pa ako papunta sa UP para maghanap? Bobo e, sayang sa gas." sabi ni Lyka sa akin, natawa ako ng mahina.
"Tanga, ang lapit lang ng ateneo sa UP." sabi ko sa kanya.
"Kahit na." aniya.
Pumasok kami sa isang italian restaurant, nakakain naman na ako ng pagkain ng mga italiano, pero medyo hindi ko lang bet ang lasa. Ewan ko ba dito kay Marie at laging dito ang aya niya.
"Pag ako hindi nakahanap ng italiano a," sabi ni Lyka ng makaupo, apatan na upuan ang kinuha namin. Ako ang walang katabi samantalang ang dalawa ay nasa harapan ko.
"Aba, foreigner na ang hanap a." nakangising sabi ko sa kanya, may lumapit na waiter sa amin at agad binigay ang tatlong menu.
"Malaki daw e," kibit balikat na sabi nito, hinampas siya ni Marie dahil sa sinabi niya. Pasimple ko naman tinignan ang waiter na nag-aantay sa amin. Gwapo siya a, matangkad pa. Pero di ko bet.
"Iyang bunganga mo," sabi ni Marie sa kanya.
Si Lyka ang nagsabi ng order namin, dahil maitsura ang waiter na nag-aantay ay nagsimula na itong magpapansin. Hindi na kami magugulat na magkikita na ito sa susunod na araw. Maliban na lang kung may jowa ito.
" So, taken or single?" tanong ni Lyka sa kanila, kanina pa ako nagpipigil ng tawa dito, mukang inosente ang waiter na ito!
"Single ma'am." sagot dito, inulit nito ang order namin bago nagpaalam na aasikasuhin na ang order namin.
"Mukang hindi ka bet," sabi ko kay Lyka habang natatawa.
"Ayoko din e, mahinhin amp." aniya, natawa kami ni Marie. Gusto niya kasi mga wild e.
Ilang minuto lang ay dumating na ang order namin. Iba ang naghatid ng order namin, nasaan na 'yong isa? Nakulitan ata kay Lyka.
"Nasaan na 'yong isa kuya?" tanong ni Lyka sa waiter habang nilalapag ang pagkain sa mesa namin.
"May ibang ginawa po," nahihiyang sabi nito, patago akong ngumisi at nagsimula ng kumain.
"Can I get his name? Please?" muntikan ko ng madura sa pagmumukha ni Lyka ang pasta na kinain ko dahil sa sinabi niya, kadiri! Hindi bagay sa kanya!
"Sure," sabi nito, naglabas ito ng papel saka nagsulat doon.
"Include your name please," nakangiting sabi ko sa kanya, muli akong napangisi ng makita ang panginginig na kamay nito.
"Here."aniya sabay abot sa akin, hindi siya makatingin ng diretso sa akin! "Thanks," matamis na ngiting sabi ko sa kanya.
"Enjoy your food." aniya bago nagmadaling umalis, nagpakawala kami ng mahinang tawa.
"Bet ka nong huli." sabi sa akin ni Marie, I flip my hair to them saka nagmamayabang na tumingin. "Wala pa akong ginagawa niyan a," nakangising sabi ko sa kanila.
Binato ni Lyka ang tissue na ginamit niya, sinamaan ko siya ng tingin ng malagay ito sa pasta na kinakain ko. Kinuha nito ang papel na hawak ko, nalukot na tuloy.
"Oops, sarreh. Precious naman ang laway ko," pang-asar na sabi nito sa akin, nakangiwing tinanggal ko ang tissue sa pasta ko.
"Hindi na ako magugulat kung magkakasakit ako mamaya," malakas na hinampas niya ang braso ko kaya napangiwi ako doon, ang sakit a!
"May bakal ba 'yang kamay mo? Ang sakit mong manghampas," irap matang sabi ko sa kanya habang nakahawak sa braso ko kung saan niya hinampas.
"Malambot ka lang talaga," aniya.
"Kumain na nga kayo,"
Nagsimula na kaming kumain, pero syempre hindi naman ako umaasa na tatahimik lang si Lyka.
"Hoy, bakit masyado mong pinupush si Abo?" tanong ni Lyka sa akin, kumunot ang noo ko saka umiling sa kanya. "Hindi a!" sabi ko, pinupush ko ba? Parang hindi naman.
"Sus, hindi daw. Pero makikipagkita," inirapan ko si Marie ng sabihin niya iyon.
"Malamang, alangan naman na lumandi ako ng hindi nakikipagkita, paglalandi ba tawag doon?" tanong ko sa kanya, ngumisi ang dalawa sa akin.
"Lelz baka mamaya ay iba na 'yong nararamdaman mo sa kanya." sabi ni Lyka sa akin, agad naman akong umiling.
"Hindi mangyayari iyon," ayoko na munang masaktan ulit, nakakatrauma kaya. Kaya mas magandang fling lang muna.
"Lakas ng impact ni Bentley ano?" natatawang tanong ni Marie sa akin, sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang sila. Nakakainit ng dugo kapag naririnig ko ang pangalan niya.
"Napakabantot ng pangalan,"
Pagkatapos naming kumain ay hindi na namin nakita 'yong dalawang waiter. Di bale, meron naman kaming name nila, kahit number ay nilagay din. Kumpleto si kuya.
"Punta tayo sa bench, hahanap lang ako damit." aya ni Lyka sa amin, naglakad kami papunta sa bench. Imbis na si Lyka lang ang bumili ay napabili rin kami ni Marie, mas marami nga lang 'yong kay Marie.
"Ano ba' yan, nag iipon nga ako e," nakangusong sabi nito sa amin ng makalabas kami ng bench.
"E, bakit bumili ka?" natatawang tanong ko sa kanya.
"Nag-aya kayo e," natawa na lang kami sa sinabi niya.
Nag ikot-ikot lang kami sa loob, may ilan kaming nakakasalubong na mga kakilala, ang iba ay ka fling ni Lyka at gusto ulit makipag ano sa kanya.
"Hindi ka na magpapahatid?" tanong ni Lyka kay Marie, madilim na ang kalangitan ng makalabas kami.
"Hindi na, pupu—andyan na pala si Cali." aniya, nilingon namin ang sasakyan na paparating, huminto ito sa tabi ng sasakyan ni Lyka, may dalawang lalaki ang bumaba, si Cali pati ang pinsan nito
"Op," pagpaparinig ko sa dalawa.
"Paano ba 'yan, Charlotte. Uuwi kang mag-isa," nakangising sabi ni Lyka sa akin, naglakad papunta sa pwesto namin ang pinsan ni Cali, sana pala ay sinabihan nila ako para hindi na ako sumama sa dalawa. Paano ako uuwi nito? Ayokong mag commute!
"Tsh,"
"Mauna na kami, may dadaanan pa kami e," sabi ni Marie sa amin, tumango ako sa kanila bago kumaway. Pinanood ko lang ang sasakyan ni Cali hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.
"Excuse," marahang tinulak ako ni Lyka, nakaharang kasi sa ako sa front seat, inismiran ko lang siya saka umurong.
"Sarreh," aniya.
Napapadyak na lang ako sa inis ng makita ang lumalayong sasakyan ni Lyka, tinignan ko ang mga bitbit ko. Masyadong marami ito at mahirap mag commute! Kung tatawagan ko si ate ay hindi naman iyon papayag, napabuga na lang ako sa hangin saka naglakad na.
Huminto ako sa paglalakad ng makita si Abo, ano'ng ginagawa niya rito? Agad akong ngumisi at patakbong lumapit sa kanya.
"Hi," sabi ko, lumingon ito sa akin, hindi ko napansin na may kausap pala siya sa phone.
"Ok, send me the details." huling sabi nito bago ibaba ang tawag, nilagay niya sa kanyang bulsa ang phone niya saka umayos ng tayo.
"It's not yet friday," aniya habang nakakunot ang noo, mahina naman akong natawa dahil sa sinabi niya.
"Ah, no. I mean, galing kami sa loob," sabi ko sa kanya sabay taas ng mga pinamili ko.
"O, you're with someone?" tanong nito, pinindot nito ang car key, agad tumunog ang itim na sasakyan na nasa tabi namin. Himala at nakasasakyan siya.
"Yeah, pero iniwan nila ako." sambit ko, sumimangot pa ako. Baka mag-aya siyang ihatid ako.
"Iniwan?"takang tanong nito, tumango ako sa kanya." Yep, "
" Then go home," bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi niya, wala siyang balak na ihatid ako!
" A, haha. Sabi ko nga, pero alam mo bang mahirap bumyahe ngayon ta's mag-isa lang ako, tapos ma----
" Tsh, get in. "putol nito sa sasabihin ko sabay bukas ng pinto sa front seat, ngumiti ako ng malaki sabay sakay sa loob, nilagay ko sa likod ang mga pinamili ko.
" Seat belt, "aniya, ngumuso ako saka umiling sa kanya.
" Hindi ko alam kung pa----
Nanlaki ang mata ko ng bigla na lang itong lumapit sa akin, halos maduling na ako dahil sa sobrang lapit ng kanyang mukha. Ang kinis talaga ng kanyang mukha! Kapansin pansin ang nunal niya sa tungki ng kanyang ilong.
" There..."namamaos na sabi nito, napahinga ako ng maluwag ng lumayo ito sa akin, sinara nito ang pinto saka umikot para makapasok sa driver seat.
What the? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?! Hindi pwedeeee!! I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (67)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
wala pong pov si hudson?????????
16/02/2024
0thank you akala ko walang ending ehh heheheh .. ganda ng story
05/02/2024
0nakakabitin nmn ung story kelan po NXT chapter????nakakalungkot nmn😔
12/01/2024
0Tingnan Lahat