Homepage/Here's your perfect/
15
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Dahil sabado ay wala akong pasok. Hindi ko pa naaayos ang mga gamit ko kagabi dahil maaga akong nakatulog, dahil na rin siguro sa pagod. Ako pa lang ang mag-isa dito. Mamaya pa darating si Lyka.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may message ang dalawa sa gc namin.
Lyka:
Sana gising ka na, Charlotte.
Marie:
Nananaginip pa 'yan, masyadong maganda ang nangyari sa kanya.
Napabuga na lang ako sa hangin. Umupo ako at nag tipa ng reply sa kanila.
Ako:
Walang foods, anong oras ka pupunta, Lyka? Pakidalhan ako ng pagkain. Lagyan mo na rin ng konting bilis.
Lyka:
Medyo makapal ang mukha mo a, mamaya pa. Nag iimpake pa ako.
Ako:
Ano ba 'yan, apakatagal.
Lyka:
Apakaarte mo. Magluto ka!
Tinawanan ko na lang ang reply niya. Tinabi ko ang cellphone ko. Inunat ko ang dalawang kamay at tumayo na. Pumasok ako sa cr na wala pang laman, lumabas ako para kunin ang mga gamit ko para sa cr. Pagtapos maghilamos ay lumabas ako ng kwarto, wala talagang laman ang kusina, wala man lang mga groceries!
Nakanguso kong sinara ang mga cabinet, nagugutom na ako. May 7 11 sa baba pero tinatamad akong bumaba. Pero nagugutom na ako! Pagdating ni Lyka ay saka na lang kami mamimili ng grocery. Para naman may ambag siya.
Nag-ayos ako ng sarili bago naisipan na lumabas ng unit. Dala ko ang pera at cellphone ko, hindi ko alam kung anong kakainin ko. Diretso tanghalian na kaya? Para hindi na ako bumaba mamaya.
Pumasok ako sa elevator, may dalawang babae akong kasabay. Nakasuot ito ng pang opisina. Agad kong napansin ang logo sa gilid ng polo nila at may Sawyer Company sa baba nito. Empleyado sila ni Abo.
Bumukas ang elevator sa 12th floor, bahagyang nanlaki ang mata ko ng makita si abo na pumasok sa loob. Agad siyang binati ng dalawang babae. Tinignan ko ang suot nito, blue botton down shirt at kulay itim ang suot nitong coat at pants.
Tumango ito sa dalawa, malalim na mga tingin ang binigay niya sa akin. Napatingin ako sa suot ko, simpleng jogging pants at t shirt lang ang suot ko.
"Morning." sabi nito sa akin, tumabi ito sa gilid ko. Pasimple kong tinignan ang dalawang babae, biglang nag-iba ang reaksyon ng mga mukha nila.
"Good morning." mahinang sabi ko.
Nawawala ang kapal ng mukha ko dahil sa suot ko. Nakakainis naman, hindi ako aware na dito siya nakatira. Kung sabagay, malapit lang naman sa trabaho niya.
"Saan ka pupunta?" tanong nito sa akin.
Ngumuso ako. "Mag-aalmusal." sagot ko. Tinignan nito relong suot, napatingin din ako sa itim niyang relo. Nakadagdag ng hotness niya.
"Ok."sagot nito. Hindi na ako nag salita.
Pagdating sa 8th floor ay medyo dumami ang pumasok sa loob ng elevator, nanlaki ang mata ko ng makita si Bentley. Agad nagtama ang paningin namin. Ngumiti ito sa akin, nanigas ang katawan ko ng maramdaman ang kamay ni Abo sa bewang ko.
"Good morning," sabi ni Bentley sa akin. Tipid akong ngumiti at tumango sa kanya. Jusko! Bakit nasa iisang condo kami nakatira?
Tinignan ko si abo, agad akong nag-iwas ng tingin ng makitang nakatingin din siya sa akin. Hindi ako bagay sa kanya ngayon, masyadong expensive ang suot niya para sa akin. Ano ba 'yan, sana pala ay naligo na muna ako.
"Bakit?" mahinang tanong ko sa kanya.
"You done fixing your things?" tanong nito, hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa kamay niyang nasa bewang ko. Kahit na may harang na damit ay ramdam ko ang kanyang mainit na kamay
Umiling ako. "Hindi pa." sagot ko.
"Don't you have class?" he asked.
"Wala akong pasok kapag weekends."sagot ko sa kanya.
" Ok, " aniya.
Nang bumukas ang elevator ay nanatili ang kanyang kamay sa aking bewang hanggang. Tumingin ako sa kanya, naramdaman niya ata ang pagtingin ko kaya sumulyap siya sa akin.
" Bentley is not here. "sabi ko sa kanya, tinignan naman nito kung wala na si Bentley." I know. "aniya, hindi ako nakapag salita ng dalhin niya ako sa kalapit na restaurant.
" Anong ginagawa mo?"tanong ko sa kanya.
" Were going to eat breakfast. "simpleng sabi nito.
" Bibi---
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng tignan niya ako. Napalunok ako ng mariin. Inalalayan niya akong umupo sa pangdalawahan na upuan. Umupo siya sa harapan ko. Sinenyasan niya ang waiter at agad naman itong lumapit sa amin. Inabot nito ang dalawang menu.
Pasimple kong tinignan ang mga ilang . Ayos lang naman ang suot ko, ang iba ay mga nakapantulog lang din.
" What's your order?" tanong ni abo sa akin.
Tumuon ang atensyon ko sa menu, nang makapili ay agad kong sinabi sa kanya ang napili ko. Siya naman ang magbabayad ng kakainin namin. Lagi niya naman akong nililibre.
Inulit ng waiter ang order namin bago ito umalis at asikasuhin ang order namin. Bigla akong nakaramdam ng ilang, nararamdaman ko pa rin ang kanyang kamay sa aking bewang. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang ngiting gustong kumawala.
Tinignan ko siya, hindi ko iniwas ang tingin ko ng makitang nakatingin siya sa'kin. Ang mga mata niya ay kulay brown, halos lahat naman silang magpipinsan. Mas maganda nga lang ang kay Tasha.
"Ang ganda ng mata mo, ta's ang tangos ng ilong mo. Dapat ay magmana sa'yo 'yong mga anak natin." pagbibiro ko sa kanya. Inangat nito ang kanyang kilay, mahina akong natawa saka umiling sa kanya.
"Tsh." he said, muli akong natawa.
Di naman nagtagal ay dumating na 'yong inorder namin. May kung anong kiliti akong naramdaman sa aking tiyan ng hiwain niya ang steak at ibigay sa'kin.
"Salamatiya." pigil kilig na sabi ko sa kanya.
"Let's eat."aniya, marahan akong tumango sa kanya.
Gaya ng lagi kong ginagawa, pasimple ko siyang pinapanood habang kumakain. Nakakaadik siyang panoorin habang kumakain, nakakaganang kumain habang kumakain.
" What? "he asked.
" Ang gwapo mong kumain. "walanghiyang sabi ko sa kanya.
"I know that." walang pagmamayabang na sabi niya sa akin. Ngumisi ako.
Hindi naman kami nagtagal at lumabas na kami ng restaurant. Huminto kami sa bungad ng trion. Umayos ako ng tayo ng humarap siya sa akin.
"I need to go." paalam niya, kinagat ko ang gilid ng pisngi ko. Pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko dahil sa kilig na nararamdaman ko.
"A--h, sige. Mag-iingat ka." sabi ko sa kanya.
Nanigas ang buo kong katawan ng ilagay nito ang kanyang kamay sa aking ulo. Tipid itong ngumiti sa akin bago ako talikuran. Hindi agad ako nakapagreact hanggang sa hindi ko na siya matanaw.
Nakangiting pumasok ako sa loob. Mahinang pinukpok ko ang ulo ko ng maalalang hindi pala ako bumili ng pananghalian ko. Mamaya ay bababa na lang ulit ako, sana ay nandito na si Lyka. Para makapamili na rin kami ng grocery.
Pagdating ko sa unit ay agad ko ng inayos ang mga gamit ko. Hindi ko alam kung kailan lilipat si Marie dito, ang alam ko lang kasi ay hindi pa siya nakakapagpaalam. Pero pakiramdam ko naman ay papayagan siya nila tito at tita na tumira dito kasama kami.
Saktong alas dose ng matapos akong mag-ayos ng gamit ko. Marami pang kulang para sa dekorasyon ng kwarto ko, hindi pa kasi dumadating ang mga inorder ko sa shoppee.
Kinuha ko ang cellphone ko para tignan kung may message sila sa GC namin.
Lyka:
Otw na ako.
Ako:
Ingat, tanga ka pa naman.
Lyka:
Tanga, baka mamaya may lalaki ka na diyan a.
Mahina akong natawa sa reply niya. Kung kanina ay meron, lalaking masarap.
Ako:
May chika ako.
Marie:
Ano'ng chika mo? Bilis habang break ko pa.
Lyka:
Huwag mong ikwento, Charlotte. Hayaan mo siya diyan.
Ako:
Pag dumating na lang kayo dito.
Parehas silang naka angry react sa reply ko. Tumawa na lang ako at chinarge na ito. Ilang percent na lang kasi. Tumayo ako at kinuha ang sweater na ginagawa ko, wala pa ako sa kalahati. Medyo matagal tagal ang pag gawa nito dahil makapal ito. Magugustuhan niya kaya iyo? Kailan kaya ang birthday niya para maiabot ko ito sa kanya.
Lumabas ako at pumunta sa sala habang dala ang mga yarn, binuksan ko ang TV at nanood habang ginagawa ang sweater ni babe. Napatigil ako ng biglang may maalala, hindi naman siguro lalalim ang nararamdaman ko sa kanya. Oo hindi, alam kong wala lang itong ginagawa ko...ginagawa namin. Bayad lang itong gagawin kong sweater.
Pero bakit hindi ako kumbinsado sa sinasabi ko? Iniling ko na lang ang ulo ko at pinagpatuloy ang ginagawa.
Napatingin ako sa oras ng marinig ko ang pagtunog ng doorbell. It's already 12:30, medyo nakakaramdam na ako ng gutom. Tumayo ako at tinabi ang ginagawa ko, pinuntahan ko kung sino ang nasa labas.
"May lalaki ka ba sa loob at ang bagal mong buksan ang pinto?" nakaangat na kilay na tanong ni Lyka sa akin, kumunot ang noo ko sa tanong niya.
"May key card ka na, alam mo ang passcode. Bakit nag doorbell ka pa?"
"Wala lang," nakangising sabi nito sa akin. Inirapan ko siya, nilakihan ko ang pagkakabukas ng pinto at hindi nag abalang tulungan siyang ipasok ang mga bagahe niya.
"Ang laki ng tulong mo," sabi ni Lyka sa akin.
Sumandal ako sa counter, pinagkrus ko ang dalawang braso sa dibdib habang pinapanood ko siyang nahihirapan na ipasok ang mga maleta niya. Ang dami naman niyang dala! Buong bahay niya ata dala niya e.
"Salamat talaga," sarcastic na sabi nito sa akin.
"Welcome." sabi ko sa kanya, inambahan ako nito kaya mahina akong natawa.
Pinasok niya ang mga gamit niya sa kwartong tutuluyan niya, bumalik ako sa sofa at pinagpatuloy ang ginagawa. Hindi naman nag tagal si Lyka sa kwarto niya, lumabas na rin ito at nakapagpalit na rin ng damit.
"Gaga, may pasok ako mamayang 1."sabi nito sa akin, sinamaan ko siya ng tingin ng bigla na lang itong tumabi sa akin. Labag sa kalooban tuloy akong umurong.
" Huwag kang pumasok. "sabi ko sa kanya.
" Hindi pwede, may naka schedule ngayon."aniya, nginiwian ko na lang siya.
" Para kanino 'yan? "tanong nito habang nakatingin sa ginagawa ko, bigla tuloy akong napaisip kung sasabihin ko ang totoo sa kanya.
" Sa akin. "pagsisinungaling ko, alam ko naman na hindi siya maniniwala.
" Lelz. Hindi kita nakitang nagsusuot ng ganyan, laging luwa ang dibdib mo kapag nagsusuot ka ng mga damit. "
" Malapit na ang taglamig,"
" Ulol, 'wag ako. "sabi nito sa akin, hindi ko siya pinansin.
Dahil anong oras na ay hindi na nakapasok si Lyka. Ireresched na lang daw niya ang naka sched ngayon. Nagsimula na siyang mag-ayos ng kwarto niya. Aantayin ko na lang siyang matapos para sabay na kaming bumaba para mamili ng kakainin namin.
"Nandito rin ang unit ni abo a," sabi ni Lyka sa akin. Nagtutupi ito ng mga damit nya na ipapasok sa closet niya.
"Oo, kakakita ko lang sa kanya kanina." sabi ko sa kanya, agad gumuhit ang ngisi nito sa labi.
"Ito ba ang chika na sinasabi mo?" tanong nito habang nakangisi sa akin. Tumango ako sa kanya, umayos ako ng pagkakasandal sa pintuan niya habang nakatingin sa kanya.
"Oo kaya bilisan mo diyan at ikwekwento ko sa'yo." sabi ko sa kanya, hindi ko na siya inantay na makapagsalita at tinalikuran na siya.
Dumiretso ako sa kwarto para maligo na, pakiramdam ko ay bigla na lang susulpot si abi sa harapan ko kaya kailangan ay lagi akong nakaayos. Ang panget ng suot ko kanina a, halatang hindi bagay sa kanya I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (67)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
wala pong pov si hudson?????????
16/02/2024
0thank you akala ko walang ending ehh heheheh .. ganda ng story
05/02/2024
0nakakabitin nmn ung story kelan po NXT chapter????nakakalungkot nmn😔
12/01/2024
0Tingnan Lahat