10

Patalbog akong umupo sa sofa, pinunasan ko ang noo ko ng maramdaman na may pawis doon. Tinignan ko ang tatlo na nakaupo na rin sa sofa at mga pawisan na din.
"Bukas na lang 'yong iba." sabi ni Marie sa amin.
"Oo, anong oras na rin at baka mahirapan tayong bumyahe pauwi." pag sang ayon naman ni Lyka, tumango na lang ako sa kanila.
"Kain muna tayo?" aya ko mabilis naman silang sumang ayon sa sinabi ko.
Hindi na kami lumayo pa at kumain na sa malapit na restaurant. Nagugutom na rin kasi talaga kami. Medyo madami dami ang inayos namin kanina, ang bibigat pa ng ibang gamit.
"Ikaw naman magbayad," sabi ko kay Lyka. Agad umangat ang kilay nito dahil sa sabi ko, katatapos lang naming kumain, nagpahinga na muna kami dito.
"Bakit ako?" aniya sabay turo sa sarili niya.
"Alangan naman ako, ikaw kaya ang may pinakamaraming i-n-order diyan." sabi ko sa kanya.
"My treat." biglang sabi ni Cali sa amin, tinignan ko si Cali pati si Marie na nakaismid na sa amin, pasimple kong tinignan si Lyka, kumindat naman ito sa akin.
"Hindi na, nakakahiya." kunyaring sabi ko sa kanya. Papakipot lang ako.
"Tsh, hindi na. My treat." aniya sabay tayo, mabilis na hinampas kami ni Marie ng makaalis si Cali, nakanguso na ito sa amin ngayon.
"Nakakainis kayo a." irap matang sabi nito sa amin.
"Ano'ng silbi niya kung hindi siya manlilibre?" angat kilay na sabi ni Lyka sa kanya.
"Siya na ang nanlibre sa inyo kanina a, inuubos nyo ang pera niya."
"Oa mo naman, hindi naman namin inuubos. Mababa lang ang babayaran niya." sabi ko sa kanya, kinuha ko ang tissue saka pinunas sa bibig ko.
"Kahit na ba!"
Pag balik ni Cali ay nag-aya na silang umuwi. Si Lyka ulit ang kasabay ko, nauna na ang dalawa sa amin. Kinaway ko na lang ang kamay ko saka pumasok sa sasakyan ni Lyka.
"Ang baho!" reklamo nito ng makasakay sa driver seat.
"Hininga mo lang naaamoy mo." sabi ko sa kanya, kinabit ko ang seat belt sa katawan ko.
"Amoy lansa, hindi ka pa ba nagpapalit?" tanong nito sa akin, natigilan naman ako sa tanong niya.
"Oo nga pala, nakalimutan ko!" kunyaring gulat na sabi ko, ngumiwi ito sa akin.
"Kapag tinagusan ka diyan ay ihahagis talaga kita palabas. Uuwi kang mag-isa makikita mo." irap matang sabi nito sa akin, mahina akong natawa.
"Nagpalit ako kanina 'wag kang mag-alala. Ikaw lang naman ang dugyot sa atin."
"Gago!"
Muli akong natawa dahil sa sinabi niya, inumpisahan na nitong paandarin ang sasakyan.
Napatingin ako sa bracelet na suot ko, wala sa oras na napangiti ako. Hindi ko alam ang dahilan niya kung bakit niya ako binigyan ng ganito. Maganda ang taste niya a, bagay sa akin ang bracelet. Lahat naman at bagay sa akin.
"Nakakatakot na 'yang mga ngiti na' yan."
"Huwag mo akong pansinin, Lyka. Kapag nakikipaglandian ka ng harapan ay hindi kita pinapakeelaman." sabi ko sa kanya.
"Sus, tell me. Attractive ka na kay Hudson?" bigla kong tinikom ang tanong nito sa akin, tinignan ko siya. May ngisi na sa kanyang labi.
"Hindi." sagot ko, pakiramdam ko ay isang kasinungalingan ang sinabi ko sa kanya. Teka, bakit naman? Naguguluhan ako!
"Tsh, ayaw pang aminin. Wala namang mawawala kung aamin ka." aniya.
Umayos ako ng upo saka binaling ang tingin sa labas. Siguro ay attractive na ako sa kanya pero hindi ibig sabihin non ay aabutin ko ang sitwasyon na 'yon. Ayoko, hindi pwedeng mangyari. Kapag nangyari 'yon ay mauulit na naman ang nangyayari, ayoko na. Masyadong nakaka trauma ang nangyari.
"Manahimik ka na nga lang."
Isang oras ang byahe ng ihatid niya 'ko sa bahay. Kinuha ko ang gamit ko saka nagpaalam na sa kanya.
"May red stain akong nakita sa front seat."
Umismid ako sa kanya. "Mama mo stain. Mag-ingat ka pauwi."
"Bye bitch."
"Bye."
Inantay ko na munang makaalis siya bago ako pumasok sa bahay. Nagulat pa ako ng makita si papa na nanonood sa sala. Agad akong lumapit sa kanya saka nagmano.
"Maaga ka pa," sabi ko sa kanya. Lumabas si mama mula sa kusina, may dala itong plato na may lamang mga hiniwang prutas.
"Maaga akong umuwi." aniya, tumango na lang ako. Nginitian ako ni mama, itatanong ko pa sana sa kanya kung nasaan ang dalawa pero tinikom ko ang bibig ko. Baka nasa kwarto nila at nagpapahinga o baka may ibang pinagkakaabalahan.
"Galing ka sa condo?" tanong ni papa sa akin.
"Opo, sa sabado ay lilipat na po ako doon." sagot ko, iyon naman ang gusto nyo. Gusto ko sanang idugtong pero tinikom ko ang bibig ko. Baka mamaya ay bawiin niya pa sa akin, sayang ang pera niya sa mga binili kong gamit doon.
"Sige, magpahinga ka na." aniya.
Ngumiti ako ng tipid sa kanila bago nagpaalam para pumasok sa kwarto. Nilapag ko sa sahig ang bag ko at patalbog na humiga sa kama. Biglang na relax ang katawan ko dahil sa lambot ng kama ko. Mas ngayon ko naramdaman ang pagod ko dahil sa ginawa kanina.
Kinapa ko ang cellphone sa bulsa, nag punta ako sa IG, agad kong pinindot ang profile ni Abo ng makitang may story na naman ito. Hindi ko alam na ganito siya ka-active a.
"Nasa kainan na naman siya." mahinang sabi ko.
Picture kasi ito ng pagkain, pagkain lang. Wala man lang nakasulat. Umupo ako ng maayos saka nagtipa ng reply sa story niya.
Ako:
Ang sarap naman, pwede bang pahingi.
Napangiti ako ng ma seen niya agad ang message ko. Tingin ko ay inaabangan niya talaga ang message ko.
@HudsonGS
No. Bawal sa bata.
Humaglpak ako ng tawa dahil sa sinabi niya. Did he call me a baby? I'm not a baby anymore! In fact, i can make a baby with him, if he wants.
Ako:
Am I your baby na?
@HudsonGS:
Child not a baby.
Ngumisi ako.
Ako:
Parehas naman 'yon, anyway, kailan ko ulit makikita ang gwapo mong mukha?
Ano bang pwedeng palusot para makita ko siya? Wala akong maisip.
@HudsonGS:
I don't know. I'm busy.
Ngumuso ako sa reply niya. Saan naman siya busy?
Ako:
Busy saan? Sa pakikipaglandian sa secretary mo? Paano na ang mga anak mo Hudson Grey Sawyer!!
Kinagat ko ang ibabang labi ko, nagpipigil ng tawa. Baka marinig na ako nila mama sa labas, hindi pa naman sound proof ang kwarto ko.
@HudsonGS
Tsh. I work hard for our children babe. Don't think too much.
Nalasahan ko na ang dugo sa ibabang labi ko dahil sa pagkakadiin ng kagat ko. Gusto kong tumili ng napakalakas dahil sa reply niya. Omaygash! Biglang uminit ang pakiramdam, hindi ko inaasahan ang reply niya!
Nanginginig ang kamay ko habang nagtitipa ng reply sa kanya. Hindi ko alam kung paanong isasalba ang kalandian ko dahil pinatulan niya. Ilan bang gusto niyang anak? Kaya ko naman siguro ang lima?
@HudsonGS:
Gotta go babe, see you later.
Ako:
Ok, take care!
Nakangisi kong tinignan ang cellphone ko. Para akong tangang humiga sa kama at nagpagulong gulong dito. Hindi ko talaga inaasahan na papatulan niya ang sinabi ko sa kanya. Para bang hindi si Abo ang kausap ko kanina!
Tumayo ako para makapagbihis na, habang nagpapalit ng damit ay hindi mawala wala ang ngiti ko sa labi. Panay din ang sulyap ko sa cellphone ko, mukang busy talaga siya dahil hindi pa umiilaw ang cellphone ko.
Marami akong assignment pero nakatuon ang atensyon ko sa cellphone ko. Mahinang tinapik ko ang pisngi ko at iniling ang ulo ko.
"You should be focus, Charlotte! Focus!"
Kinuha ko ang bag ko para simulan ang pag gawa ng mga assignment ko. Mabuti na lang at hapon pa ang pasok ko bukas, ang masama lang ay hanggang alas syete ako ng gabi. Commute ako pag-uwi dahil ang dalawa ay maaga matatapos ang klase bukas.
I'm starting to hate tuesday na, pati 'yong puson ko ay hate ko na! Hindi na natapos sa sakit. Napahinto ako sa ginagawa ng bigla akong may naalala, 'yong white pants na suot ko ay naiwan sa opisina niya. Hindi na kasi ako nakabalik doon para kunin 'yong paper bag. Hindi niya rin naman sinabi sa akin, nakalimutan ko rin!
Wala sa sariling ngumisi ako, may dahilan na ako para makita siya! Mas lalong lumaki ang ngisi ko. Bukas ko kukunin sa kanya kaya pupuntahan ko siya sa trabaho niya. Sana lang ay hindi mag hanap ng appointment sa kanya dahil kung hahanapan ako ay baka hindi ko matuloy ang plano ko.
Isipin pa lang na makikita siya bukas ay may kung ano nang kumikiliti sa tiyan ko. Hindi ko alam kung ano'ng tawag dito pero isa lang ang alam ko. Nasa panganib na ako at alam kong dapat ay iniiwasan ko na ito pero bakit hindi pa ako gumagawa ng dahilan para iwasan siya? Ako pa ang gumagawa ng dahilan para makita siya!
This is wrong, Charlotte!
Napanguso na lang ako sa harap ng laptop ko. Hindi naman siguro aabot sa ganoon, i mean...masaya kasi ako kapag napipikon ko siya, na naaasar ko siya. Kapag na kumpirma ko na ang nararamdaman ko at tama ang hinala ko ay titigilan ko na.
Hindi pa ako handa na muling masaktan o umiyak dahil sa mga katulad nila.Iniling iling ko ang ulo ko, kailangan ko ng umpisahan ang mga kailangan kong gawin.
Kinabukasan ay maaga akong nagising, agad akong kumilos para maligo at asikasuhin ang sarili ko. Maaga pa para pumasok sa school pero hindi naman nila alam ang schedule ko kaya hindi sila magtatanong kapag nagpakita ako sa kanila ngayon.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Lyka, alam ko ay maaga ang pasok niya ngayon. Papasundo na lang ako sa kanya, may kailangan din akong hanapin sa library para sa project ko.
"Bakit?" agad na tanong nito.
"Nakaalis ka na?" tanong ko sa kanya.
"Paalis pa lang, why? Sasabay ka? Mamaya pa pasok mo 'di ba?" aniya.
"Oo sasabay ako, may kailangan kasi akong hanapin sa library."
"Hanapin sa library, baka naman may iba kang pagkakaabalahan." may laman na sabi nito, meron nga pero syempre hindi ko muna sasabihin sa kanila. Baka mamaya ay maulot pa.
"Sige, isipin mo gusto mong isipin. Isa akong masipag na mag-aaral hindi katulad mo."
"Ewan ko sa'yo, sige na. Sunduin na lang kita diyan."
"Alright, see you!"
Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto. Naabutan ko sila mama sa dining, wala si papa at ate. Silang dalawa lang ni Ingrid. Tumabi ako ng upo kay mama.
"Maaga pasok mo ngayon?" tanong ko kay Ingrid, naghanda na ako ng pagkain ko.
"Yep." aniya. Tinignan ko ito, inangatan niya ako ng kilay ng magtama ang paningin namin.
"Na ano ka?" tanong ko sa kanya.
"Na ano ka?" he mocked me, ngumiwi na lang ako sa kanya. Hindi pa ata fully function ang kanyang katawan ngayong umaga.
"Mag-isa kang ba byahe?" tanong ni mama sa akin, umiling naman ako sa kanya. "Hindi po, susunduin ako ni Lyka dito." sagot ko.
"Edi bilisan mo na, baka mamaya ay nan---
Hindi natuloy ni mama ang sasabihin niya ng biglang pumasok si Lyka sa bahay. Hindi man lang marunong kumatok!
" Nandito na ako tita." bungad na sabi nito, tinignan ko ang suot nito. Fitted jeans at sleeve crop top na kulay pula. Kitang kita ang pusod nito. School ba ang pupuntahan nito? Para may gala e.
"Sa school ka ba pupunta?" tanong ko sa kanya, umupo ito sa tabi ni Ingrid.
"Malamang!" agad na sabi nito.
"Diretso gala ka ata ate e." sabi ni Ingrid sa kanya, ngumiti naman si Lyka sa kanya. "Part of my life." sagot nito, napailing na lang ako sa kanya.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kami kila mama, agad pinatunog ni Lyka ang sasakyan niyang nakapark sa tapat ng bahay namin. Sumakay na ako sa front seat, umikot naman ito papunta sa driver seat.
"Si Marie?" tanong nito sa akin.
"Nasa bulsa ko ata." sarcastic na sagot ko, mahinang hinampas ako nito. "Kung pababain kaya kita?"
"Kung tawagan mo kaya?" balik tanong ko sa kanya.
"Putol ang linya ko." aniya, mahina akong natawa.
"Puro harot kasi e," natatawang sabi ko sa kanya.
"Babalik din 'yon mamaya." sabi nito sa akin.
Tinawagan ko si Marie at nalaman naming nasa klase na ito. Pinagbantaan niya pa kami dahil muntik ma siyang mahuli.
"Dapat ay ti-next mo na lang."sabi ni Lyka sa akin. Inumpisahan niya ng paandarin ang sasakyan.
" Mabagal mag reply 'yon kaya magandang tawagan na lang."sabi ko sa kanya. Wala na akong narinig na salita mula sa kanya.
Nagpababa ako sa isang coffe shop. Hindi naman niya ako tinanong, mukang may ideya na siya kung anong gagawin ko.
" Good luck sa maagang paghaharot. "sabi nito sa akin.
" Hindi ako maghaharot." sabi ko sa kanya.
" Lul." may diin na sabi nito sa akin, humalakhak ako ng tawa bago isara ang pinto. Hinayaan ko na munang makalayo ang sasakyan niya bago ako sumakay ng isang jeep.
It's already 10 in the morning. Mahaba habang oras pa para sa klase ko.
Wala pang sampung minuto ng bumaba ako. Nililipad ng hangin ang aking buhok kaya tinalian ko ito. Tinignan ko ang isang matayog na building habang nakasulat ang 'Sawyer Company' sa itaas. Nandito na kaya siya? He's the CEO, kaya kailangan ay maaga siyang pumapasok.
Inayos ko ang sarili ko bago pumasok sa loob. Tinanggal ko ang id ko para hindi sila magtanong. Ang kaso ay hinarang ako ng makalapit ako sa front desk.
"Good morning ma'am. How can I help you?" tanong ng babae sa akin, ang genuine ng ngiti niya. Ilang taon na kaya siya?
"Ahm hi, nandito na ba si Abo?" tanong ko sa kanya, kumunot ang noo nito sa akin. Nagtataka. "Sinong abo po?" takang tanong nito, gusto kong tampalin ang bibig ko dahil sa katangahan ko. Malamang, hindi nila alam kung sino 'yon. Ang tanga mo, Charlotte!
"I mean si Hudson." bawi ko.
"Ah, si sir Hudson po. Yes po, he's already here. May appointment po ba kayo sa kanya?" tanong nito sa akin.
"Appointment? Asawa niya ako bakit kailangan may appointment?" mahinang sabi ko.
"Ahm, yes ma'am?" tanong nito sa akin.
"Ah wala e, pero kilala niya naman ako."
"I'm sorry ma'am. Mahigit po kasing pinagbabawalan ang makapasok dito kung wala naman pong appointment." aniya. Ang strikto naman ng company na ito.
"Kung gusto niyo po ay tatawagan ko si Sir."
Agad akong umiling sa kanya. "No, hindi na. Ako na lang ang tatawag sa kanya." sabi ko, mauudlot ang plano ko!
"Oh ok po ma'am. I'm sorry again." ngumiti na lang ako ng tipid sa kanya.
Nakakahiya naman kung tatawagan ko siya ngayong umaga. Baka kung ano'ng isipin niya.
Lalabas na sana ako ng may makita akong pamilyar na mukha. Bahagyang nanlaki ang mata ni Tasha ng makita ako. Bigla akong nabuhayan ng makita s'ya.
"Charlotte? What are you do---- Ah, I get it!" sabi nito sa akin, ngumiti naman ako ng malaki sa kanya.
"Hindi ako makapasok." sabi ko sa kanya.
"Hindi ka talaga makakapasok unless may appointment ka. Tara sumabay ka na sa akin." sabi nito sa akin, tumango ako sa kanya.
Binati siya ng ilang empleyado ng makita siya. Pati ang babaeng kumausap sa akin sa front desk ay binati siya. Ngumiti na lang ito sa akin, hindi ako pinigilan.
" Ang aga mo namang dalawin si Hudson. "sabi nito sa akin. Kaming dalawa lang ang nasa loob ng elevator.
" May kukunin lang ako." palusot ko sa kanya, may kukunin naman talaga ako!
" Sige, kunyari ay naniniwala ako. "nakangisi na sabi niya sa akin. Ngumuso na lang ako sa kanya. May kukunin naman talaga 'ko, bakit ayaw niyang maniwala?

Komento sa Aklat (67)

  • avatar
    Avatar

    wala pong pov si hudson?????????

    16/02/2024

      0
  • avatar
    Aneza Villasquez Tamor

    thank you akala ko walang ending ehh heheheh .. ganda ng story

    05/02/2024

      0
  • avatar
    Ma Christina Cawas

    nakakabitin nmn ung story kelan po NXT chapter????nakakalungkot nmn😔

    12/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata