logo text

Chapter 23 (Girls)

Keid's POV:
"Wala ba muna kayong cheer?"
"Meron kami, sir!" sagot ng boys kaya agad akong napatingin sa kanila.
Pinangunahan naman ni Tyrone at Axel ang cheer nila at nagbilang ng tatlo bago nagsimula. "Boom, give way, poging team is on the way! Boom, give way, ang papangit niyo, boom!"
Aba! Aba! Aba! Excuse me, sinong pangit?!
Ara scoffed, rolling her eyes. "Ang kapal!"
"Kayo lang 'yung pangit!" Lea exclaimed.
"Maganda na sana pero mas maganda 'yung sa amin!" sabat ko naman at binulungan sila isa-isa. Sinenyasan ko naman si Ara na magbilang.
And one, two... one, two, three, go!
"Just off the shores of Never Land A hideaway at sea," sabay-sabay na kanta namin. Humarap naman ako sa mga ka-team ko at saka sumigaw. "Yo Ho!"
"Yo Ho!" they shouted back.
"Let's Go!" sigaw ko sa mas malakas na tono.
"Let's Go!"
"A pirate band outwits the plans of Captain Hook and Smee!" kanta pa namin na sila namang ikinatawa ng boys. Kayo kaya si Captain Hook at Smee!
"Yo Ho!"
"Yo Ho!"
"Let's Go!"
"Let's Go!"
"The merry crew of Never Land Pirates. Through & Through - they're jolly buccaneers. Join with Jake and the Neverland Pirates. Come Along - We need some volunteers."
Ara! - Ahoy!
Zadie! - Ahoy!
Keid! - Ahoy!
Aenna! - Ahoy!
Janica! - Ahoy!
"Yo ho, lets go! Hahahahaha!" pahabol ko pa na mas lalo nilang ikinatawa.
"Napakaganda at nakakatawang cheer, siguro naman ay handa na kayong lahat?" saad ni Sir Yuan habang natatawa parin ito.
Ang ganda kaya ng cheer namin!
"Sir, yes sir!"
"On your mark... get set, Go!"
Nang marinig namin ang 'Go' ay mabilis kaming nagsitakbuhan oara kuhanin ang flag namin sa mga puno.
"Guys, sa atin 'yon, oh!" sigaw ni Janica habang nakaturo sa taas ng puno. Mahina naman akong napamura, wala pa nga kami sa station 1, pahirapan agad sa pagkuha palang ng flag?!
"Sino ang aakyat?" tanong sa amin ni Ara habang nakatingin sa mga boys na naghahanap parin ng flag nila.
"Ampvta! Hindi ko aakyatin 'yan!" sagot ko rito nang tingnan ako nito. Sunod niyang tiningnan ang mga kasama ko.
Zadie raised her hand. "Ako nalang—"
"Hoy, Zadie! Anong ikaw?!" gulat na tanong ko rito ngunit ningitian lang ako nito at hinubad ang tsinelas niyang ubod ng mahal. Ubod ng mahal tapos dudumihin lang niya, tsk! "Zadie! Malaglag ka, e!"
"Ingat ka, Zad!" saad naman sa kaniya ni Janica nang magsimula itong umakyat sa puno ng narra. Kapag talaga may napilayan sa amin, babalian ko ng buto si Sir Chan at Sir Yuan!
"Nakuha ko na!" sambit ni Zadie kaya agad naming siyang inalalayan sa pagbaba.
"Dalian na natin!" sigaw ko at mabilis na tumakbo papunta sa station 1. Si Zemie ang nagbabantay roon at si Nathan. Talagang pinaghiwalay-hiwalay nila ang mga team namin para walang dayaan.
"Sunod-sunod na, ah, wala nang aarte. Alalahanin niyo na may oras 'to!" Ara reminded us. Mabilis niyang isinuot ang mga paa niya sa mga gulong. Basic naman 'to! Pagkatapos ng mga gulong ay may net na gagapangan, at nang makatapos si Ara ay agad na sumunod si Zadie. Sampung gulong lang naman at medyo may kahabaang net tapos may naghihintay na mahabang kahoy na hawak ni Zemie at Nathan.
"Go, team Ara!" Zemie cheered which made me smile at her. Hinihintay namin si Janica na malapit nang matapos.
"Next is limbo, may three stage 'to, pababa nang pababa!" sambit ni Nathan nang makatapos kami. Sinimulan naman namin iyon, balikat kaagad nila ang baba ng mahabang kahoy.
"Next, bewang!" saad naman ni Zemie kaya agad kong ini-stretch ang likod ko habang nakatingin kay Ara. Napakadali lang sa kaniya nito, flexible ang katawan niyan, e.
"Go, Zadie!" cheer namin dito at nang makalagpas ito ay agad akong sumunod. Luckily, nalagpasan ko siya. Ang sakit sa likod, mga bruha!
Nang matapos si Aenna at Janica ay muli nilang ibinaba ang kahoy sa ilalim ng mga puwet nila.
"Napakababa naman!" reklamo ko at napatingin sa mga kasama ko na mukhang hindi rin nila kakayanin.
"Hindi ko na kaya 'yan, guys."
"Ako rin."
"Kapag hindi niyo nalampasan, pwedeng tulungan ng isa sa inyo. Kapag lahat kayo ay hindi nakalagpas, dalawang flag lang ang ibibigay namin!" masungit na ani Nathan na ikinangiwi ko. Sayang naman 'yung tatlong flag kapag hindi namin 'to nagawa. Limang flag kasi kapag natapos namin.
"Try ko lang!" saad ni Ara ngunit hindi pa nangangalahati ang katawan nito ay sumayad na ang dibdib niya.
"Dalawang flag nalang—"
"Zadie, try mo!" tawag ko rito. Maliit lang kasi ang katawan ni Zadie pati na ang height niya. Panigurado hindi rin sasayad ang dibdib niya kung kakayanin kasi wala naman siya no'n.
I laughed to myself, biting my lips. Sorry, Zad. Just stating the facts.
"Go, Zadie!" cheer namin nang sinimulan nitong lagpasan ang kahoy. Napahiyaw naman kami ni Ara nang magawa niya.
"Apat pa!"
"Tatlo pa!"
"Wait lang, ang sakit sa likod!" reklamo niya. Napatingin naman ako sa timer na binigay sa amin ni Sir Yuan. Five minutes and twenty-three seconds.
"Dalawa nalang, Zadie!" pagchi-cheer ko rito nang muli siyang makalagpas doon. Paano nalang kaya kapag boys ang gumawa nito?
Pft! Baka mabali 'yung mga likod ng mga 'yon!
"Isa nalang!"
"Go, Zadie!"
"Malapit na, Zadie!"
At nang makalagpas siya sa limang pagkakataon ay agad namin itong niyakap.
"Station 2 na girls!" tawag ni Ara matapos nitong ilista ang time ended namin sa Station 1. Mabilis kong hinila si Zadie na nag-uunat pa ng katawan niya at sumunod sa kanila.
Nang mahanap namin ang Station 2 ay nakakita ko ang mga boys na nasa Station 3, saan kaya sila unang nagpunta? Si Coal at Lea ang bantay roon at may hawak silang timer at limang flag.
Ang nakahanda namang gagawin namin ay monkey bar, mga gulong, at manilis na bakal.
"Monkey bar, balik sa una kapag nalaglag kayo," sambit nito habang nakaturo sa monkey bar. "Sa gulong tapos tatawid kayo rito sa manipis na bakal, balik sa dulo kapag nalaglag. Kapag nagawa niyo 'yan within 8 minutes, limang flag ang makukuha niyo. Time start, now!"
Si Ara muli ang nauna sa amin, nagpahuli naman si Zadie dahil hanggang ngayon ay tinitiis nito ang sakit ng likod niya.
Sorry, Zad, first round palang dami mo nang struggles!
Mabilis na nakalampas sa monkey bar at mga gulong si Ara, ngunit dalawang beses itong umulit sa manipis na bakal bago sumunod si Janica.
"Sobrang nipis naman kasi!" reklamo ko habang pinapanood si Janica na nahihirapang tumawid doon. Kapag talaga hindi ka sanay mag-balance ay malalaglag ka.
Nang matapos ito ay agad akong naglambitin sa monkey bar, hindi naman siya masama dahil para lang siyang monkey bar sa mga park. Mataas nga lang 'to, mabuti nalang at may malambot na kutson sa baba kung sakali mang may malaglag sa amin. Sunod kong nilusutan ng mga paa ko ang mga gulong at mabilis na tumawid sa manipis na bakal, pero wala pa ako sa kalahati ay nawalan na kaagad akong balance.
"Keid, bilisan mo ang tawid para hindi ka mawalan ng balance!" sigaw sa 'kin ni Aenna kaya agad akong bumalik sa dulo at sinunod ang sinabi nito.
"Yes! G,o Aenna!" sigaw ko habang nagtatatalon. Napabitaw naman si Aenna nang malapit na siya sa dulo ng monkey bar kaya umulit ulit siya. "Okay lang 'yan, Aenna!"
Nang makatapos sa monkey bar ay sa gulong agad ang takbo niya. Mabilis siyang nakarating sa manipis na bakal at walang kahirap-hirap na tinawid iyon na ikinamangha namin. Nakipag-apir naman kaagad ako rito nang matapos siya.
"Go, Zadie!"
"Kaya mo 'yan, Zad!"
"Ilang minutes na?" tanong ko kay Coal. Ipinakita naman nito ang timer niya. Walong minuto na, hindi na kami nakaabot sa limang flag.
"Ilang flags nalang?" tanong naman ni Janica.
"Tatlo kapag natapos kayo within 10 minutes, pero pwede kayong makakuha ng isa pang flag kapag nasagot niyo ang tanong na inihanda namin," sagot nito kaya nang makalagpas si Zadie sa manipis na bakal ay agad naming hiningi ang tanong.
"May dalawang chance lang kayo para sagutin ng tama ang tanong na 'yan," sambit nito at inabot ang maliit na envelope. Mabilis na binuksan iyon ni Ara at malakas na binasa.
"Kung ang light ay ilaw, ano naman ang lightning?"
Nagkatinginan naman kaming lima. Niliglig ko naman si Aenna nang hindi ito makapagsalita.
"Teka, huwag niyo akong i-pressure. Na-m-mental block ako!" saad nito kaya agad kong itinigil ang panliliglig sa kaniya. "Kidlat?"
"Correct!" sambit ni Coal at binigyan kami ng apat na flag. Mabilis ko iyong kinuha at inilagay sa bag na dala ko habang sinusulat naman ni Ara ang time ended namin.
"Mamaya na kayo magyakapan, station 3 na tayo!" saad pa niya, kaya nagsipagtakbuhan na kami papunta sa station 3. Natigil pa kami nang makita namin sa Station 3 ang team ni Vince.
"Pft! Ampvta! May sayaw pa pala!" tumatawang sabi ko nang makita kong sumasayaw ang team nila Vince habang puro putik ang suot nila.
We all burst into a laugh. Hindi sila sabay-sabay!
"Tara sa station 5!" sigaw sa amin ni Ara nang makita nito sa tabi ng ilog ang station 5 kaya nagsipuntahan na kami roon.
"Hahahaha! Ang pangit sumayaw ni Axel!" tumatawang saad ko kaya agad akong pinanlisikan ng mata ni Ara.
"Kapag ikaw ang sumayaw mamaya at pinagtawanan din nila tayo, huwag kang magagalit, ah?"
Napanguso naman ako at itinigil ang pagtawa. Sabi ko nga, hindi na tatawa.
Napatingin ako kay Jamie at Manuel na silang nagbabantay sa Station five.
"Hanapin ang tatlong flag ng inyong team at pagkatapos ay maglagay ng tubig sa timba na ayon sa nakalagay na marka rito gamit ang mga tatlong butas-butas na tabo at dalawang pang tabo na walang sira. Mula sa starting line ay doon kayo kukuha ng tubig sa timbang may lamang tubig at lulusong papunta sa timbang nakatayo sa gitna ng ilog. May limang minuto kayo para punuin ang timba."
Nang mabasa ni Ara ang envelope na ibinigay ni Jaimie ay agad naming hinanap sa tabi ng ilog ang mga flag namin. Sinilip ko naman ang mga puno ngunit ni isang flag ay wala akong nakita. Pero nang hawiin ko ang matatas na damo ay nakita ko ang isang flag.
"Ay, tae, hindi naman namin 'to flag!" sambit ko nang kuhanin ko 'yon. Muli ko iyong binagsak nang makaisip muli ako ng kalokohan. Mabilis akong naghukay ng mga lupa at tinapunan ang flag nila.
Tingnan ko lang kung hindi mamuti ang mga mata niyo sa kakahanap!
"Nahanap ko na 'yung isa!" sigaw ni Janica kaya mabilis kong pinuntahan ito at kinuha sa kaniya ang flag. Inilagay ko iyon sa bag na pinadala sa 'kin ni Ara kasama ng listahan at ng iba pang mga flag na nakuha namin.
"Nahanap ko narin 'yung isa!"
"Ako rin!"
Mabilis kaming lumusong sa ilog at kumuha ng tabo, dalawang metro ang layo sa amin ng timba at medyo malakas din ang agos ng tubig.
"Kapag minamalas ka nga naman, oo!" inis na bulong ko nang mapunta sa 'kin ang butas-butas na tabo. "Ang layo-layo e, 'di wala nang laman 'to kapag nakarating kami sa timba!"
"Pwede mo namang takpan Keid," sagot ni Manuel kaya napairap nalang ako. Nang makarating ako sa timba ay agad kong sinilip iyon.
"Napakalalim naman nito! Mapupuno ba namin 'to in 5 minutes?!" muling reklamo ko na ikinatawa lang ng dalawa. Napadaing pa ako ng makatanggap ako ng batok kay Ara.
"Bilisan mo nalang kaysa panay ang reklamo mo!" saad pa niya at muling kumuha ng tubig sa timba.
"Butas din 'yung sa amin ni Zadie, Keid," ani Janica na ikinatawa ko. Para kasing timang si Zadie, ulo niya ang ginamit pangharang sa butas kaya ang ending, naligo siya nang hindi oras! Hahahaha!
"Zadie, sana ayos ka lang!" sigaw ko rito at nagsalin nang natirang tubig sa tabo ko. Tinawanan lang ako nito at sinalin din ang lamang ng tabo niya.
"Ang hirap naman kasi!" reklamo pa niya, palihim na nilagyan ng tubig galing sa umaagos na tubig-ilog sa timbang pinagsasalinan namin. Hindi ko tuloy napigilan ang ngisi ko.
"Tatlong minuto nalang!" sigaw sa amin ni Manuel kaya mas binilisan namin ang pagsasalin ng tubig sa timba. Wala pa sa kalahati ang nasasalin namin lintek naman!
"Nakakapagod 'to, seryoso!" reklamo ko pa at sinalin ang tubig na nasa tabong hawak ko.
"Jaimie, Manuel, pwede bang magpahinga?" tanong ni Janica kaya napatingin dito ang dalawa. Kinuha naman namin ang chance at nilagyan ng tubig ang timba kahit pa hindi kami kumukuha sa timbang nasa starting line.
"Kung magpapahinga kayo, hindi niyo matatapos 'yan!" sagot sa kaniya ni Manuel. Mabilis naman akong bumalik sa starting line at kumuha ng tubig sa timba at dinala iyon sa timbang sinasalinan namin.
"Ah! Nakakapagod!"
"Ang sakit na ng paa ko sa mga bato."
"Kaya natin 'to, guys!" Ara cheered, though it was obvious from her face that she's tired already. Napahawak ako sa braso ni Zadie habang sinasalinan namin ng tubig ang timba.
"Bakit kasi may butas pa 'to?" reklamo ko pa. Pabalik na sana ako nang hawakan din ako ni Zadie sa braso ko.
"Daldalin mo ulit sila Manuel at Jaimie, ibababa ko naman 'yung marker, isang minuto nalang, e!" she whispered.
"Baka makita ka!" bulong ko pabalik sa kaniya. Napatingin naman siya sa dalawang bantay na nakamasid sa nilalagyan naming timba.
"Haharangan mo naman ako, e—"
"Hoy, kilos! Pupukpukin ko kayo ng tabo, e!" sita sa amin ni Ara kaya mabilis kaming kumuha ng tubig sa timba at dinala iyon sa sasalinan namin. Nagngisian naman kami ni Zadie saka namin ginawa ang plano. Sakto namang nagpaalam si Manuel na iihi lang daw.
"Jaimie! Pakikuha naman 'yung bag namin, may kukuhanin lang ako!" pakiusap ko rito kaya agad siyang tumayo. "Zadie, bilisan mo!"
"Oh, ano bang kukunin mo—Ano 'yan Zad?"
Uh-oh! Nahuli ba kami?! I gulped as I looked at Zadie, then back at Jaimie. I can hear my heart beating so loud.
Zadie bit her lips. "A-Ah, wala, sinusukat ko lang kung gaano pa karami!" pagdadahilan nito at matamis na ngumiti kay Jaimie na ikinatawa ko. Best actress!
"Okay na pala, Jaimie!" sambit ko rito at bumalik na sa starting line namin at kumuha ng tubig.
"Time is up!"
Napahinto kaming lahat dahil sa sinabi ni Manuel. Nakita ko naman ang panguso ng tatlo habang nakangisi naman si Zadie.
"Nagawa ba nila?" tanong ni Jaimie at sinilip din iyon. "Congrats! Nagawa niyo, medyo lagpas pa nga!"
"Talaga?"
"Totoo ba?"
Nagkatinginan naman kami ni Zadie nang sabay kaming nagsalita. Kami 'yung mga mandarayang hindi guilty. And the best actress award goes to... Ms. Chrysler and Ms. Frenniere!
"Dahil d'yan bibigyan namin kayo ng tatlo pang flag!" saad naman ni Manuel na ikinatuwa namin. Mabilis kaming nagsi-ahon at tinanggap ang flag habang sinusulat naman ulit ni Ara ng time ended namin.
Huli kaming umahon ni Zadie dahil palihim pa naming ibinalik sa dati ang marker sa timba. Kapag kasi hindi namin ibinalik iyon ay mananalo rin ang boys which we will not let us happen!
"Station 4 muna tayo! Mamaya na tayo sumayaw!" suggest ni Janica na sinang-ayunan naming lahat. Tumakbo naman kami papunta sa Station 4. Naabutan naman namin doon si Joanah, Jessica at Gunner.
"Kailangan niyong gumapang sa putik, then ibubuhol niyo ang mga paa niyo sa garter at pababa roon papunta kay Gunner," saad ni Joanah. Kunot noong napatingin naman ako sa bababaan namin, madulas iyon at puro putik. "Pagkatapos niyan ay may mga gulong doon, at may tatlong tanong na nakahanda si Jessica sa inyo."
Nagsimula kami kay Janica na naunang gumapang sa putikan, may net iyon na pababa ng pababa kaya hindi ka talaga makakatayo. Nagsunod-sunod na kami sa paggapang, huling gumapang si Ara dahil nag-alinlangan pa ito sa suot niyang puting maong.
"Kung hindi ka ba naman kasi kalahating tanga!" sagot ko, ginaya ang linya niya parati bago nagsimulang gumapang nang makalayo-layo si Aenna.
Mahina akong napamura nang kinailangan ko nang gamitin pati ang mga braso ko sa paggapang. Sa sobrang baba ba naman ng nakaharang sa ulunan namin. Nakaramdam na ako ng pananakit ng mga siko't palad ko lalo na ang mga tuhod ko.
"Ampvta! Namula mga tuhod ko, ah!" reklamo ko habang binubuhol ko sa paa ko ang garter. Hinintay namin si Ara at nang makatapos ito ay pigil na pigil ang tawa ko.
"Hirap labhan niyan—"
"Itikom mo 'yang bibig mo," mataray na putol niya kaya agad kong itinikom ang bibig. Nang mabuhol niya ang garter sa dalawang paa niya ay nagsimula na kami sa pagbaba. May hawakan naman pero kailangan paring magdahan-dahan dahil kung hindi ay gugulong kaming lima pababa.
"Wait!" pigil sa amin ni Ara nang mapaupo kami dahil sa naiipit na ang mga binti namin. Sali-saliwa kasi kami kung humakbang. Langya! Hindi na natuto ng kaliwa kanan kaliwa!
"Kaliwa! Kanan! Kaliwa! Kanan!"
At sa wakas ay nakarating kami kay Gunner. Binigyan kami nito nang dalawang flag kaya nang matanggap namin iyon ay mabilis naming tinanggal ang garter sa mga paa namin at dumiretso kay Jessica.
"First question, ang mga hindu ay galing sa anong bansa? May five seconds kayo to answer kapag hindi kayo nakasagot next question tayo. One correct answer is equivalent to one team flag," sambit nito at saka pinindot ang timer. Nagtaas naman kaagad ng kamay si Zadie.
"Ah, paano kapag hindi nagsagot?" tanong nito na ikinangisi ko. Balak niyang patagalin para makapag-isip pa si Aenna. Good job, Zadie!
"E, 'di wala, again timer start now!"
"India!"
"Next, Anong S ang tawag sa doktor na nag-oopera?"
"Surgeon!" sagot ko naman. Aba, alam na alam ko 'yan. Nanonood kaya ako ng Romantic Doctor 2!
"Last question, *blank is the best policy—"
"Honesty!" sabay-sabay na sagot namin. Binigyan naman kami nito nang tatlong flag kaya mabilis kaming umakyat para isulat ang time namin.
"Basic naman!" sambit ko habang papunta kami sa Station 3 kung saan nagbabantay si Yna at Sarah.
"Last niyo na 'to?" tanong sa amin ni Sarah kaya tumango-tango naman kami.
"Last two ang boys sa station two and five. Ito gagawin niyo, gagapang ulit kayo sa putik pero gamit lang ang siko at tuhod niyo. Kapag may gumamit ng kamay babawasan namin ng isa ang 10 flag niyo."
We all nodded understandingly. "Okay."
"Pagkatapos, punta kaagad kayo kay Sarah at may quiz kayo sasagutan kailangan masagot niyo kahit 8 out of 10 para makakuha ng tatlong flag at last sasayaw kayo. Si Mentor Lianne ang magtuturo, depende sa kaniya kung ilang flag ang ibibigay niya. Mahigpit 'yon, guys, kaya galingan niyo."
"Kayang-kaya!"
"Time starts now!"
Agad kaming nagsigapang sa putikan nang hindi ginagamit ang kamay at mga paa namin dahil mahigpit na nakabantay si Yna.
"Minus 2! Keid at Ara ginamit niyo ang kamay niyo!"
"Ampvta, kaya mo 'to, Keid!" bulong ko at napapapikit nalang kada ginagapang ko ang putikan. "Pwe! Langya nakain ko na 'yung putik!"
"Go, Keid! Bilisan niyo!" pagchi-cheer sa amin ni Janica nang makatapos silang tatlo ni Aenna at Zadie.
"Tulungan niyo kong tumayo! Langya! Namamaga na mga siko't tuhod ko!" reklamo ko. Tinulungan naman ako ni Zadie at Janica.
Nang makatapos si Ara ay agad naming kinuha ang walong flag kay Yna at nagpunta kay Sarah. May ipinakita naman itong mga words na paulit-ulit naming pinagbabasa.
"Long quote?" Ara read, getting more confused.
"Long quote—Lungkot!" Janica clapped her hands as she guessed the answer.
Natawa namam kami sa kanila. Langya! Mukha silang mga kinder na nag-aaral bumasa! Hahahah!
"She kiss!"
"She kiss—"
"She kiss a girl and he likes it!" kanta ko na ikinatigil nila. Nag-act naman ako na sini-zipper ang bibig ko at tumahimik. Sabi ko nga mali-mali 'yung lyrics ko. "Ano ba kasi 'yung she kiss? Kalaban ng pizza hut?"
"Shakeys!" sabay-sabay nilang sagot at tumawa.
Pft! Okay, kalaban ng pizza hut ay she kiss!
"Survey test"
"Survey test"
"Anong survey—"
"Guys, tagalog ng ice cream!" putol ko sa kanila nang paulit-ulit lang naman nilang binabasa ang nakasulat sa flash card.
"Surbetes! Ang galing mo, Keid!" sagot ni Ara kaya napailing nalang ako. Aish! Kailan ba 'to matatapos? Ang sakit na talaga ng katawan ko!
"Last, ilang stars ang mayroon sa American flag?" Sarah asked, raising the American flag.
"Pwede bang bilangin namin?" tanong ni Janica na ikinatawa naming lahat. Five seconds to answer nga lang, bibilangin pa?
"Anong sagot niyo?"
"Marami!"
"Hahahaha! Tang*na Ara, patawa ka!" sambit ko rito at muling tumawa ng malakas. Halos mahiga kami ni Zadie sa kakatawa. "Hahahaha! Ilan ang stars sa American Flag? Marami!"
"Last chance, anong sagot niyo? Alam ko namang marami pero kailangan namin ng exact number."
"52?"
"Punta na kayo kay Mentor Lianne, ito ang tatlong flag! Go, girls!" sambit ni Sarah nang masagot ni Aenna ang huling niyang tanong.
Nagpunta naman kami sa field kung saan nandoon ang hinahanap namin. Matangkad na babae ito at maganda. Nakasuot pa siya ng pansayaw na damit.
"Are you ready, girls?" tanong nito kaya agad kaming nagsisagutan. Dito nagtagal ang team nila Vince kaya kailangan ay seryosohin namin 'to nang mabilis kaming matapos.
"Gagawin natin ang Left and Right Dance Challenge ng kpop boy group na Seventeen. So, let's go!"
Naglayo-layo naman kami lima ayon sa pwesto na iniayos sa amin ni Mentor Lianne. Katabi ko sa kanan si Janica habang katabi naman ni Ara sa kaliwa niya si Aenna at nasa gitna namin si Zadie.
"Ipapakita ko muna sa inyo kung paano! Tingnan niyong mabuti!" muling sabi samin nito kasabay nang pag-play ng music.
(Left and right
Left and right
Left and right
Rip it, rip it
Left and right
Left and right
Left and right
Rip it, rip it
Gibun joeul ttae geokjeong eopsi
Deo deo hwaksilhage follow me
Yeah it goes like
Left and right
Left and right
Left and right
Rip it, rip it)
"Okay, so first step ay gagamitin natin ang left hand natin, tapos para kayong naglalagay ng asin sa niluluto niyo tapos pababa ang katawan niyo! Left and right, kabilang kamay naman, left and right!" turo nito na seryoso naman naming pinag-aaralan.
Ang galing niyang sumayaw, grabe! Maganda rin sana kaming tingnan na sumasayaw kung walang putik sa katawan at mga damit namin!
"Tapos rip it rip it naman ay ikaway niyo lang ang left hand niyo, 'yan then rip it rip it."
"Repeat, repeat!" pangagaya ko rito habang kinakaway ng tatlong beses ang left hand ko katulad ng ginawa niya.
"Rip it rip it 'yon, hija, hindi repeat repeat," sagot naman nito sa 'kin dahilan para magtawanan sila Ara.
"Ay, rip it po ba? Sorry po!" sagot ko at muling ginaya ang ginagawa niya. Repeat, repeat kasi pagkakarinig ko, e!
"Next naman ay may kasama ng paa, 'yung right foot niyo ibent niyo tapos papunta sa kaliwa, left and right tapos kaliwa naman. Para lang kayong nag-eexercise!" turo muli nito ng sumunod na steps samin. "Isama niyo naman ngayon ang kamay, taas ang kaliwa baba naman ang kanan, left and right nakataas ang kaliwang binti, and left and right kabila naman."
"Next step na ba o ulit tayo sa simula?" she asked later on.
"Next step na po!" sagot ni Ara kaya pilit kong tinatandaan ang mga naunang step. Madali lang naman pala 'tong Left and Right Challenge, e!
"Next is ikaw, hija," turo nito kay Zadie at tinabihan siya. "Ituturo mo ang kaliwa mo, kayo tapos 'yung kanan mo naman, left and right."
"E, anong po ang sa 'min?" tanong ko nang magawa ni Zadie 'yung steps. Ituturo lang naman niya kami habang kumekembot ang balakang niya.
"Kayo naman ay mag-iisip ng action niyo kapag itinuro kayo ni Zadie. Kayong bahala, pwedeng kembot o anong gusto niyo," she answered.
"Pwede po ba mag-pose nalang kami?" tanong ni Ara na ikinangisi ko. Pumayag naman ang Mentor kaya napatalon kami sa tuwa.
Ngayon lang kayo makakakita ng mga magaganda at sexy na taong putik! I smirked.
"Next na tayo, taas ang kamay lagay sa balikat sa dibdib tapos ipaikot, then taas! Nakuha niyo ba mga hija?"
"Opo!" sabay-sabay naming sagot at sinimulan sa una bago kami muling turuan ng panibagong steps nito.
"Next, ipaikot ang dalawang kamay sa ulo, ilagay ang kaliwang kamay sa tapat ng tainga, 'yung right hand niyo naman sa push kasabay ng dibdib! Then, iatras niyo ng dalawang beses ang left hand, parang nanginginig!" turo nito sa amin medyo nakuha naman namin, pero ang sunod nitong ginawa ay wala nang nakasunod.
"Kung sana nag-bininini nalang tayo," bulong ko kay Janica at sinayaw ang steps non nang tumalikod ang mentor namin. "Ikaw ang binibini na ninanais ko—"
"Deo deo hwaksilhage, ipaikot niyo lang 'yung right hand niyo kasabay ng right foot. Sundan niyo ng left hand niyo at left foot. Follow me, para kayong nagbo-boom tarattarat! Alam niyo ba 'yon?"
Sinundan naman namin ang ginawa nito hanggang sa last step na kami.
"Pagkatapos niyan, sideward then equal sign!"
"Plus! Minus! Times! Divide! Equal!" sayaw ko dahilan para muli silang tumawa maliban kay Ara na pinanlisikan lang ako ng mata.
"Left and right, para lang kayong nagsasagwan gamit ang braso niyo, tapos right hand naman habang sumusunod din ang left foot niyo and then parang wave!"
"Waveeee~" sambit ni Zadie at ginaya ang ginagawa ng mentor namin kaya hindi na namin napigilan pa ang mga tawa namin.
"Hahahahha! Ang cute mo, Zad!"
"Okay, simulan natin sa una tapos kayo nalang, saka ko kayo bibigyan ng grade," sambit nito kaya agad kaming nag-practice. "Okay, kayo nang bahala, music start!"
(Left and right
Left and right
Left and right
Rip it, rip it
Left and right
Left and right
Left and right
Rip it, rip it
Gibun joeul ttae geokjeong eopsi
Deo deo hwaksilhage follow me
Yeah it goes like
Left and right
Left and right
Left and right
Rip it, rip it)
And there you have it! We're finally done!
***
Lie Again
by: thesweetest_thing
The next chapter will be Team Pwedeng Lumabas POV!

Komento sa Aklat (63)

  • avatar
    DayupayAlexis

    I really loved the story, hoping for a Season 2 soon. I wonder if we could be great friends somehow, someday Author! Thank you for sharing a wonderful story!! <33

    26/01/2022

      1
  • avatar
    Wilson Mendoza

    wow

    09/07/2024

      0
  • avatar
    Noella Fajardo

    una palang nakaka excite na

    20/08/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata