logo text

Chapter 53

"Godbless us all. Thank you for attending the seminar"
Inayos ko lahat ng gamit ko at nagmamadaling lumabas. Kaka tapos lang ng seminar namin at kanina pa naghihintay si charles saakin. Malamang ay naiinip na iyon.
"Hey, sorry natagalan"
Kinuha nya agad ang hawak kong mga papel, ipinasok sa sasakyan at hindi ako tinapunan ng tingin.
He open the door "Pasok na"
So I did.
Its been six months since we decided to get back together and a lot of things happend. Charles passed the Pharmacy Board Exam. Yes, he did and Im so proud.
Papunta kami sa hospital ngayon for his check up. I always help him. Sabi kasi ni tita sahara, nakakalimutan minsan ni charles ang check up nya.
"Where do you want to eat?"
"Kahit saan"
Sandali lang naman ang naging check up ni charles dahil lagi itong una kaya may natira pang oras para maka kain kami.
"Charles"
"Yes?" Sagot nito pero naka tingin sa kanyang cellphone.
"Do you want me to drive? You look tired" This past few days sobrang busy nya at hindi ko alam kung bakit.
Tatawag lang ito kapag gabi na para sabihin na nasa bahay na sya. I tried asking him lagi nyang sagot sa company lang
"I can manage" he answered and didn't even look at me.
I just shrugged my shoulder.
Kanina pa sya tingin ng tingin sya phone nya kahit nag da-drive ito.
"May babae kaba?"
Natigilan ito saaking tanong at hindi maka paniwalang tumingin saakin.
Kahit ako ay hindi maka paniwala saaking tinatanong 🥴 Ngayon lang ako nagsabi ng ganito. Ano na kasi ang tinitignan nya sa phone nya.
"Are you crazy?"
I rolled my eyes. "Ayoko ng kumain. Ihatid mo nalang ako sa bahay"
He stop the car infront of a mall, he look at me but I look away. Im so pissed off.
"Hey, look at me"
"I-uwi mo na ako"
He grab my hand. "Wala akong babae okay?"
Hindi ko sya pinakinggan. I open the window and look outside. Nakakainis kasi, andalang na nga lang namin mag kita, yung phone nya pa lagi inaatupag nya.
"Hindi kaba naniniwala?
Bahala ka sa buhay mo.
"Kendra"
"I-uwi mo na ako"
"Wala ka nga akong babae okay?" This time medyo lumalakas na ng boses nya at halatang naiinis na.
Kunot noo akong humarap sakanya.
"Sinisigawan mo ba ako?"
Napa hawak ito sa kanyang sentido.
"Let's stop okay?"
"Open the door"
"What? Stop it kendra. Stop being childish" I didn't wait for him to open the door. Kusa na akong lumabas.
"Kendra!" I heard him calling my name but I didn't look back.
Manigas ka. Childish pala ah.
"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni angela. I called her and ask her to meet me and thank God dahil wala itong ginagawa.
"Pakiramdam ko may babae si charles"
"Baliw kaba?!"
"Lagi syang busy, lagi nyang hawak yung phone nya. Kapag kinakausap ko sya hindi nya ako tinitignan, naka tingin lang sya sa phone nya"
I may sound childish at this age, pero bakit ba. This is what I feel. My feelings are valid.
"Wag kang praning"
Angela tap my shoulder "I assure you walang babae si charles"
Nginusuan ko lang sya "Sge na, umalis kana. Kanina pa nag ri-ring yung phone mo"
Lahat nalang sila ay sobrang busy.
"Im sorry, may biglaan lakad lang."
I open my phone at puro messages at missed call ni Charles ang tumambad saakin.
"Bahala ka dyan. Manigas ka"
Pag uwi ko sa bahay nasa loob si charles. Nakakainis sabi ko sakanya ay umuwi na sya.
"Anong ginagawa mo dito?" Naiinis na tanong sakanya.
"Anak" tawag saakin ni mommy
"Akyat na po ako" hindi ko talaga sya kakausapin. Mag usap silang dalawa kung sino man ang kausap nya kanina sa phone nya.
"Kendra" mommy keep knocking on my door but I didn't open it.
"Hinihintay ka sa baba ni charles, anak"
Edi maghintay sya. Hindi ko naman sinabi na pumunta sya sa bahay.
"Hindi kaba lalabas?"
"Hindi po"
I heard a foot step, umalis na siguro ni mommy at binabaan si charles.
I receive a message from charles.
Hindi kaba talaga bababa? Im waiting. Stop thinking na may babae ako dahil wala naman.
I rolled my eyes.
Let's talk
Talk my ass.
Kendra
I heard another knock.
"Paalis nyo na po mommy. Tell him na hindi po ako bababa hanggat nandyan sya. Umuwi na po kamo sya"
Walang sumagot, laking gulat ko nalang dahil biglang bumukas yung pinto.
"Ano ba!" Sigaw ko dahil kinuha pala ni charles yung susi ng kwarto ko kay mommy.
He locked the door "Let's talk"
Binato ko sya ng unan. "Umuwi kana nga sabi diba"
"Im not going home unless you talk to me"
Hindi ako sumagot. Tinalikuran ko sya. I hate feeling this way.
Natatakot ako.
Na baka nagsawa na sya saakin.
"Wala akong babae"
Whatever you say.
I felt this hand wrap around my waist.
"I love you, I'm sorry okay? Hindi na mauulit"
Humarap ako sakanya.
"Ang dalang nalang natin magkita charles, tapos yung phone pa talaga inaasikaso mo. Anong meron ba dyan at titig na titig ka? Nakakairita kana" mangiyak ngiyak na ako sa inis.
"Nothing"
"Get out"
He pull me closer and hug me. "I promise babawi ako. Im just so busy dahil sobrang daming pinapagawa ni dad sa company"
Im not going to believe him. Iba talaga ang pinagkakaabalahan nya.
"You're lying"
"Im not"
I push him "Yes you are!"
I can see na malapit na itong mainis ngunit pinipigilan nya lang.
He take a deep breath. "Baby, please. Let's stop this okay? I assure you, Im not doing anything that might cause you any harm. Just trust me okay?"
"Ewan ko sayo"
Lalabas sana ako ng room nagulat ako dahil bigla nalang iniabot saakin ni charles yung phone nya.
"See it yourself"
"Im not texting another girl. Im planning to propose to you. But damn. Nagagalit ka. Hindi ko alam kung paano kita aamuhin."
My jaw literally drop.
"Surprise dapat to"
I found myself crying.
"For the past six months yan ang pinag kaka abalahan ko. Im also planning our wedding para hindi kana maka takas. But you're impatient. Pinag isipan mo pa ako na may ibang babae"
"Charles!" I hug him. Bigla akong na guilty.
"Will you marry me? Sa susunod na yung singsing. Nagmamadali ka kasi"

Komento sa Aklat (65)

  • avatar
    Sheryl Ibañez

    nice

    29/08/2025

      1
  • avatar
    Melba Palin Polintan

    beautiful ❤️❤️❤️

    27/08/2025

      0
  • avatar
    Krizza C Arcas

    wow subrang ganda ng story sna laht ng gnun huhu..

    20/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata