Homepage/The Four Vampires and ME/

The Four Vampires and ME
Sovereignnnnn
First meeting
#TFVAM01
_____________
[ MOONE XHIN PARK ]
________________________
bakit ang unfair ng mundo? bakit kung sino pa yung mabait yon pa talaga ang kailangan maghirap?
*sigh.*
pagod at gutom akong naglalakad sa kalsada, habang palinga linga sa bawat commercial building, naghahanap ng trabaho.
*sigh.*
naiiyak akong naupo sa bench sa gilid ng kalsada. ilang oras na ba ako palakad lakad pero wala pa rin.
kung buhay lang si Daddy ay hindi ko na kailangan magwork, pero wala na siya eh. at kung hindi ako makakahanap ng trabaho saan naman ako kukuha ng kakainin ko?
paano ang pag aaral ko next sem ?
isang taon nalang sana makakagraduate nako as HRM student eh, kaso yung pera na para sana sa pag aaral ko ay naubos sa pampaopera ni Dad, pero binawian pa rin sya. iniwan niya pa rin ako. ang unfair talaga.
kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang paghangin ng malakas at paghampas ng papel sa muka ko,
napasimangot ako at dinaklot ang papel,
panira ng moment.
kunot noo ko itong tinignan.
' WANTED MAID STAY IN
50K Monthly with benefits
Must be 19 years old and above
Call : 099********
Unti unting nanlaki ang mga mata ko
50K?
50K?
WHAAAAAAAT?
agad kong di-nial ang number at ilang ring lang ay may sumagot na,
" Hello ! im interested to be your maid " walang paligoy ligoy na pagsasalita. I'm desperate.
" Hmmm " Anlaki ng boses nya.
" I'll text you the Address " saka nya pinatay ang tawag.
eh?
tanggap na ba ako?
ANG WEIRD!!!
*Beeep* *Beeep*
099*******
Please Go ! here is the address
B6 L6 P6 Villa Forest, Bayan ng Pula
teka! malapit lang to sa amin ah.
okay naman siguro to, atleast di ko na kailangan mangupahan.
Gabi na ng makarating ako sa address na itinext sa akin.
ang liblib naman kasi ng lugar nila eh.
muntik na nga ako maligaw eh. puro lang kasi puno ang nakikita ko. yun pala pinaka dulo sila.
nagdoorbell ako sa maliit na gate. dalawa kasi ang gate nila. isa for Car.
bumukas iyon at bumungad sa akin ang apat na adan.
nanlaki ang mga mata ko dahil wala silang damit pang itaas., mariin kong kinagat ang labi upang maiwasan ang mapanganga.
Ang una sa right side ay nakangiti, singkit ang mala pusa niyang mga mata,
ang pangalawa naman ay dark brown na parang pula ang mga mata. ay ewan ko!
yung pangatlo ay masama ang tingin sa akin, yung mga mata niyang itim na itim ay tila gusto akong kainin. pero ang ganda ng mata niya. parang gusto ko nalang titigan iyon. but...
tinignan ko yung panghuli sa left side ay may kulay Asul na mga mata. omygosh! foreigner ba sila?
" Ikaw ba ang Maid? " tanong ng dilaw ang mata.
" K-kayo ang amo ko ? " nauutal kong tanong, sure na ba?
tumango sya..
" Pasok kana "
naglakad na sila papasok kaya sumunod naman ako..
hirap kong binuhat ang dalawang maletang dala ko. napansin ata ng asul ang mata kaya tinulungan ako nito. bait naman.
" Dalhin ko na ito sa magiging silid mo "
tumango ako at ngumiti. ayoko nalang magsalita.
huminto ang lalaking may matang itim,
sumenyas ito na umalis muna ang tatlo na ginawa naman nila.
napabuga ako ng hangin lalo na ng humarap na ang binata sa akin, naniningkit ang mga mata niyang itim. natulala ako sa itsura niya, siya iyong pedeng bida sa isang korean drama na snob, masungit sa bidang babae pero ang totoo ay may lihim na pagtingin pala. His Small defined nose and his thin red lips makes me gulp.
tumikhim ito at dahan dahang naglakad papalapit sa akin.
hanggang isang dangkal nalang ang lapit namin sa isat isa.
" Magmula ngayon ay hindi ka na maaaring lumabas ng bahay na ito, ang dayoff mo ay sa katapusan ng buwan, isang beses lamang iyon, Alas-otso ng gabi ay dapat nasa silid mo na ikaw, sa oras na yun hanggang ala sais ng umaga ay hindi ka maaaring lumabas kahit may marinig kang ingay, Bawal magtanong, Bawal gumamit ng telepono, naiintindihan mo? "
tumango tango ako, nakakatakot naman to.
" Question " taas kamay kong tanong.
pero tinignan nya lang ako ng masama..
" hehe! not personal question, ahmmm anong magiging work ko? "
" nakadepende iyon sa aming iuutos "
tumango ako, ngii ang weird naman nun.
akala ko ba maid?
eh bat parang P.A naman ang hanap nila.
PERSONAL ASSISTANT pala?
pero OKAY! no choice naman ako..
" Anong pangalan mo? " tinignan nya ako sa paraang bored sya...
" Moone Park po, 24 years old "
tumango sya at naglakad patungo sa kusina..
" Juilliard, Sabihin mo sa kanya lahat ng patakaran sa kusina, patakaran sa buong bahay, iikot mo na rin "
agad na ngumiti sa akin yung palangiti na Juilliard daw ang name,
" Tara miss "
lumapit ako sa kanya at tumayo sa harap nya. mas lalo ko tuloy napagmasdan ang dilaw niyang mga mata. nailang ako kaya naman nilingon ko ang paligid, kaming dalawa lang ang nandito.
" Wala ka naman masyadong gagawin, i think the Laundry is easy kasi paglabas nun sa machine ay tuyo na isasampay mo nalang, magluluto ka pero puro chicken and Pork lang, pero ikaw pede ka magluto ng pagkaen na gusto mo, Bawal magsindi ng mga ilaw " napansin ko nga na madilim ang paligid tanging kandila lang sa bawat pader ang nakasindi.. i mean parang sinaunang bahay, may lagayan ng kandila sa pader.
tumango at ngumiti ako para ipaalam na naiintidihan ko.
ako pa naman yung tao na madaling kausap.
may chandelier naman sa Dinning Area,
kaya hindi madilim dun kapag kumakain. siguro nagtitipid sila ng kuryente? ah! wag na nga lang mag isip.
" Pede mo buksan ang ilaw sa Kusina kapag nagluluto, pede mo buksan ang ilaw sa iyong banyo, bawal ka lumabas ng 8pm to 5am, papahintulutan kita gumamit ng phone pero no CALLS. please!.. No visitors at higit sa lahat... Bawal pumasok sa mga rooms namin, gets? "
tumango ako at ngumiti.
" Good, I'm Juilliard, Ard for short "
nagkamayan kami.
i think sya ang pinaka friendly sa lahat.
" By the way! you can ask to me, wag lang dun sa tatlo kasi ayaw nila ng tinatanong ng kung ano ano "
" sige po, salamat "
" ihahatid na kita sa room "
lumabas kami ng kusina, saka umakyat sa grand staircase, grabe ang ganda kaso dim ang paligid. naglakad kami sa mga hallway, sa left side na room ay library. then my room. and then puro guestroom na. then sa right side naman Ard's room. the second is kay Lord Zhe. The third is the guy with dark brown eyes. and fourth is Drake's room the guy with blue eyes. the last is meeting room.
sa bahay na ito may batas
bawal pumasok.. kung walang pahintulot nila.
dahil 7:30 na ng gabi ay hindi na ako pinayagan lumabas, dadalhan na lamang daw ako ni Ard ng pagkaen.
inayos ko ang maleta na dala ko, kaya ginabi ako papunta dito ay dahil umuwi pa ako sa bahay ng kaibigan ko at nag impake. don ako pansamantalang naninirahan dahil pati ang bahay namin ay naibenta. nakiusap ako sa kaibigan ko na mangupahan muna sa bahay niya at dahil mabait siya ay pumayag naman kahit wag na raw ako magbayad pero nakakahiya.
kala ko nga ay uuwi pa ako pero naisip ko na itinext na sa akin ang address so, baka tanggap na ako...
inilagay ko sa Closet na narito ang mga damit ko,
modern na modern ang mga gamit.
kaso madilim naman ang paligid.
humiga ako sa kama na king size bed..
hayst ansarap sa feeling na muling makahiga sa malambot na kama..
*KNOCK KNOCK KNOCK*
tatlong katok ang nagpatayo sa akin sa kama,
lumapit sa ako sa pinto saka iyon binuksan.
" Ay Lord Zhejiang ikaw po pala " pero hindi sya nagsalita.
binuksan ko ng malaki ang pinto dahil may dala syang tray ng pagkaen.
inilapag nya iyon sa side table. nakagat ko ang ibabang labi ng marealize ang ginawa ko. dapat kinuha ko yung tray sa kanya.
" Kumain kana, huwag kang lalabas kahit anong ingay ang marinig mo, bubuksan mo lang ang pinto mo kapag tatlong katok ang narinig mo, bukas 6pm palang dapat nakapag dinner kana " sunod sunod na sabi niya.
" Sige po Lord Zhejiang "
hindi na sya nagsalita pero nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi nya na agad din nawala..
naglakad na sya papunta sa kwarto niya, hinawakan ang doorknob, pero muntik nako mapatalon sa kinatatayuan ng marahan syang lumingon sa akin.
" Have a good night " saka pumasok ng silid, kita ko pa ang marahang paglapat ng pinto. isinara ko ang pinto ko.
napangiti ako saka lumapit sa pagkaen na dinala nya.
fried chicken, my soup at rice rin. saka Apple juice na favorite ko at water din..
nagsimula akong kumain pagtapos ay binanlawan ko sa lababo sa banyo ko. may ilaw nga doon kasi dim lang din. inilapag ko muli sa side table ang malinis na pinagkainan ko.
naligo ako saka nag scroll sa FB para magpalipas ng oras.
bakit kaya bawal ako lumabas?
wala rin naman ako naririnig sa labas ng kwarto ko eh, i mean sobrang tahimik ng bahay na ito. wala naman bintana dito sa silid ko.
ang weird naman kasi...
pero okay na basta may bahay ako sa ngayon at may trabaho.
napahinto ako sa kakascroll ng makita ang post ng isang friend ko,
' NANINIWALA KA BA SA BAMPIRA ? '
' PAANO KUNG MAKASALAMUHA MO SILA ? '
' TATAKBO KABA O MANANATILI SA TABI NILA ? '
tinawanan ko yung post nya, ang korni eh.
anong year na ngayon tas naniniwala pa din sa bampira.
kagatin ko kaya sila HAHAHAHA.
nakakaloka..
chineck ko ang oras,at Halaaaa 12:53 na.
humiga na ako sa kama, saka dahan dahang ipinikit ang mga mata ko. mabilis din naman kinain ng antok ang aking sistema.
~•~•~•~
Naramdaman ko ang marahang paghaplos sa pisngi ko, saka ito baba sa aking leeg, paulit ulit iyon pero ng magmulat ako ng aking mata ay wala naman akong nakita sa tabi ko,
inilibot ko pa ang mata ko sa silid pero walang tao..
nanaginip lang siguro ako...
tama panaginip lang iyon...
inaantok pa ako pero nakita ko ang oras sa wall clock sa itaas ng pinto.
6:56 Am.
tumayo ako at nag ayos ng sarili.
suot ang pantulog ay bumaba ako patungo sa kusina para magluto pero naabutan ko doon si sir Drake.
" Sir Drake " lumingon ito sa akin at tumango.
nagluluto sya?
ano nalang ang gagawin ko?
" maghanda ka nalang ng pinggan sa mesa "
tumango ako, ang weird...
its like parang narinig niya yung tanong sa isip ko.
naghahanda ako ng mga plato, baso at kutsara sa lamesa ng pumasok sa dining si Lord Zhejiang,
" Goodmorning po " tumango lang sya saka naupo..
doon sa Head seat, kasunod nito si George,
at si Juilliard na binati ako ng
" Goodmorning beautiful "
napangiti ako sa kanya.
" Miss Park " tawag sa akin ni Sir Drake mula sa kusina..
" Po? " ng makalapit ako sa kanya.
" magdala ka ng Water sa lamesa, saka ng kanin "
tumango ako saka nagtungo sa ref, kinuha ko doon ang pitcher na may water. naglagay din ako sa big bowl ng kanin galing sa rice cooker. at dinala iyon sa dinning kasunod ko si Sir Drake na dala ang adobong ulam na niluto nya.
" Oh bakit apat lang ang pinggan ? " tanong ni sir Drake.
" sumabay kana sa amin " aya ni Ard,
umiling ako at ngumiti..
" Kumuha ka ng pinggan at sumabay sa amin, iyon ang palaging routine sa pagkaen." si Lord Zhejiang iyon na ang aga aga nakasimangot.
" sige po " nagtungo ako sa kitchen saka kumuha ng pinggan, baso at kutsara. umupo ako sa space sa tabi ni Sir Ard, na malapit kay Lord Zhejiang, yun lang kasi ang space eh.
nakakahiya.. feeling ko tuloy namumula na pisngi ko.
" Lets eat " nagsimula silang kumain pero tinignan ko lang sila.
antahimik nila. tanging kutsara at tinidor lang ang maririnig
napatingin ako kay Lord Zhe, ng lagyan nya ng pagkaen ang pinggan ko,
" EAT "
bumalik ako sa kwarto matapos magligpit ng lamesa, naghugas na rin ako. saka iyon pinunasan at itinaob sa lagayan.
naligo muna ako habang naghihintay ng tawag mula sa kanila, sabi nila kakatokin nalang daw nila ako kapag may ipapagawa eh. pero sabi nila magluto na daw ako mamayang 11:30 para sabay sabay kaming maglalunch.
Siguro ay si Lord Zhejiang ang panganay sa kanila. kasi sabi ni Sir Ard ay sya daw ang magpapasahod sa akin, at ayaw nya magpatawag ng Sir or Master, gusto nya ng Lord.
aba gusto ata ng sinasamba sya.
nakakatakot pa yung aura nya pero in fairness gwapo sya. mas nakaka attract sya kesa dun sa tatlo, si Sir George kasi ay tahimik sobrang tahimik na never ko pang narinig magsalita, si Sir Drake Casual lang makipag usap, si Sir Ard ang palangiti at halatang makulit. mahilig din sya magpalipad hangin yun bang feeling ko may gusto sya sa akin pero di ko nalang pinapansin kasi baka maging assuming lang ako. HAHAHAHA.
o baka feeling ko lang talaga yon.
assuming!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (154)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
i love this story 💞 . thank you for writing this story ms.writer labyaa more power to you and ur stories 😘☺
22/12/2021
1Wow I love the story, hindi ko masasabing bitin kasi maayos naman Yong story niya, and I love it. Unlike sa ibang story na nabibitin ako sa ending.
19/12/2021
0excited
04/02/2025
0Tingnan Lahat