Homepage/1914, The Beginning/
Chapter 26
“Binibini?”
Nagising ako dahil sa paraan ng pagyugyog sa balikat ko. Ayoko pang imulat ang mga mata ngunit wala akong nagawa dahil sa patuloy na pagyugyog na ginagawa ng kung sino.
“Binibini, bakit dito ka sa daan natulog? Naglayas ka ba?”
Daan? Dagli akong bumangon. Anong pinagsasabi nitong matandang ito?
“Hija. Ayos ka lang ba? Naglayas ka ba sa inyo?” tanong sa akin no’ng matanda na kasama nitong isang binata na may dalang kaing.
Ako naglayas? Ang ganda ko namang maglayas dahil napunta pa talaga ako sa taong may world war. Mabuti naman at walang digmaan na nagaganap ngayon. Anong buwan na ba?
“Anong buwan na po ba?” wala sa sariling tanong ko sa kanila.
Agad naman silang nagtaka sa tanong ko at nagtinginan sila.
Ano ba naman iyan, Jemimah. Para kang tanga. Mapagkakamalan ka lang nilang baliw eh.
“Nako, apo. Mukhang nalipasan yata itong magandang binibini na ‘to.” Tiningnan niya ang binata. “Alam mo, anak. Malapit lang ang bahay namin, baka gusto mong tumuloy.”
“May pagkain po kayo, roon?” masigla kong tanong na mas ikinagulat nila.
“Nako, Lolo. Hindi lang yata ito nasiraan ng bait,” bulong ng binata at nauna nang maglakad.
“I’m not crazy, duh!”
“Ano iyon, anak?”
Ngumiti ako sa matandang lalaki at umiling.
Kapag talaga ako nakabalik sa 2021, ang binatang iyon ang una kong papatayin sa story ko! Panigurado, papatok iyon sa madla.
Supladong lalaki na mula sa 1914. Napatango-tango ako, maganda. Magandang-maganda.
PANGITI-NGITI naman si Lolo Timong habang hinahanda ang hapag-kainan. Nakahinga ako nang maluwag dahil natapos na rin sa wakas ang question and answer potion ni Lolo.
Mga tanong na hindi ko alam ang isasagot ko.
Gaya ng kung saan ako nakatira? Kailan ang kaarawan ko? Sino ang mga magulang ko? At kung ano-ano pa.
Paano ko sasagutin ang lahat ng iyon na hindi magsisinungaling? Kung sana buhay pa si Sarita, sigurado akong matutulungan niya ako.
Paano rin niya pala ako matutulungan? Ni hindi nga rin niya ako kilala kapag nasa 1914 ako?
Lalaban pa ba, Jemimah?
“Alam mo, anak. Nakakamangha ang pangalan mo, parang salitang ingles. May lahi bang amerikano ang iyong mga magulang?” tanong na naman ni Lolo Timong.
Ayan na naman siya, akala ko tapos na. Paano ko ba siya sasagutin?
Natural, english word ang pangalan ko. Natatawa pa nga ako sa kuwento ni Mama sa’kin no’n kung paano raw nabuo ang pangalan ko. Gumawa raw sila ng mga listahan ng pangalan at ginupit-gupit iyon. Pagkatapos, nilagay nila sa garapon at nagbunot.
At iyon nga, Jemimah ang nabunot ng Lola ko. Kaya ayon, Jemimah na ang pangalan ko.
Kung sa kabaliwan, kay Mama siguro ako nagmana.
“Lolo, gutom na po ako. Kagabi pa kasi ako hindi kumakain eh.”
Isa sa tip ni Patrick sa akin noon. Upang hindi ka raw makapagsinungaling, huwag mo na lang sagutin.
“Ay nako, kawawa naman itong anak ko. Halika, handa na ang pagkain mo.”
Effective! Ang galing mo talaga, Patrick!
“ANG ganda naman po pala ni Lola.”
Isang oras ang lumipas bago ako dinala ni Lolo sa kaniyang sala. Marami siyang mga larawan ng kaniyang namayapang asawa.
Palagay ko ay dito nagmana ang supladong binata na iyon.
Ngayon ko lang naisip, nakikita pala nila ako. Maraming nakakakita sa akin, pero bakit si Margarita kagabi, hindi niya ko nakita?
Ano na kayang nangyari kay Sarita? Nasaan kaya si Margarita?
“Antonyo! Halika. Kanina pa kita hinihintay. Bakit ang tagal mong bumaba?”
Tumingin din ako kung saan nakatingin si Lolo Timong. Pababa na pala ng hagdan ang supladong binata. Hindi man lang marunong ngumiti. Siguro, wala itong kasintahan.
Sinulo ba naman kasi lahat ni Simeon. Siguro no’ng nag-ulan ng nobya, naliligo si Simeon no’ng mga panahon na ‘yon.
Kawawang binata, nasa menopausal stage na yata.
“Akala ko umuwi na siya, Lolo. Balik na lang po ako sa ita—”
Naputol ang pag-iinarte ni Antonyo nang biglang nagmura si Lolo. Napahinto siya sa paghakbang at nilingon ang matanda.
“Babalik din ako agad, Lolo. May kukunin lang ako sa aking silid.”
Napailing na lang ako. Ayaw siguro ng binata na ‘yon na may makitang magandang dilag.
Magandang dilag, puso ko’y ‘yong nabihag.
Biro lang, ‘di pala ako maganda.
“Hayaan mo na si Antonyo, gano’n talaga ang ugali no’ng batang ‘yon.”
Lumingon ako nang biglang nagsalita si Lolo at naglagay na ng ulam sa mesa. Pagkatapos ay umupo ito sa isang bakante na silya malapit sa inuukupa ko.
“Nasasaktan pa rin kasi ang batang iyon hanggang ngayon,” dagdag nito.
Nagsalubong ang aking mga kilay nang tingnan ko ang matanda. Nasasaktan? Nasasaktan saan?
“Dahil kamukhang-kamukha mo ang namayapa niyang kasintahan.”
“DUMITO ka muna hanggang may kapal pa iyang mukha mo.”
Umismid ako at tinalikuran si Antonyo. Ang sama talaga ng ugali.
“Ganito mo ba ituring ang iyong mga bisita?” hirit ko sa kaniya habang nakaharap na sa pinto ng silid na tinutukoy ng binata.
“Bisita ka pala? Akala ko—”
“Akala mo nobya mo?” Lumingon pa ako sa kaniya pagkatapos sabihin iyon. Gusto kong makita kung ano ang magiging reaksiyon niya.
Walang kahit anong emosiyon akong nakita sa guwapong mukha ni Antonyo. Napakaguwapo niya, maganda ang hugis ng kaniyang mukha.
Kung mahaba ang aking mga pilikmata ay mas mahaba ang mga pilikmata ni Antonyo. Makapal ang mga kilay nito na nagsalubong dahil sa pagtitig ko sa kaniya.
Kahit pa nagbago ang emosiyon niya dahil ginawa kong pagtitig ay hindi ako nagbaba ng tingin. Gusto kong gawing masama ang gabi niya ngayon. Kanina pa kasi niya sinisira ang araw ko.
Ano bang kasalanan ko kung kamukha ako no’ng nobya niyang namayapa na? Hindi ko nga iyon kilala, bakit dinadamay pa ako?
“Pumasok ka na. At sana kinabukasan ay hindi na kita muling makita pa,” malamig niyang wika at nagsimula nang humakbang.
“Paano kung hindi ako umalis, anong gagawin mo?”
Ilang segundong yumakap ang katahimikan. Kahit gusto ko pang asarin ang binata ay nagpasiya na lang akong tumahimik na.
Baka nga nasasaktan pa siya at hindi pa niya kayang kalimutan ang babae na iyon.
Muli akong tumalikod at akmang bubuksan ang pinto nang may biglang nagsalita at nagtanong kay Antonyo.
Boses pa lang ay kilala ko na kung sino.
“Kuya,” tawag ni Antonyo sa bagong dating.
Dahan-dahan akong lumingon at tiningnan ang tinawag niyang Kuya.
Nanlaki ang aking mga mata at nagulat sa aking nakita. Bumilis ang pagpintig ng aking puso nang masilayan ko muli siya.
Siya ang lalaking nakita ko sa tren. Siya ang lalaking nagbigay ng mga katanungan na nahihirapan akong sagutin.
Ano ba talaga ang ginagawa niya rito? Paano siya nakarating sa taong ito?
Tama kaya ang mga hinala ko? Pero paano naman kung mali?
Hindi ko magawang magbaba ng tingin, tanging salubungin lamang ang titig niya ang nagawa ko.
“Magandang gabi sa’yo. Kumusta ang araw mo?” tanong niya sa akin at nakangiting hinarap si Antonyo. “Bakit kamukha niya si Maria? Sino siya?”
“Patrick? Ikaw ba iyan?” tanong ko na ikinagulat nilang dalawa.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (46)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Ang Ganda nang kantang ito
02/09
0I love you so much and I appreciate you
15/10/2025
0I love the novel it's so entertaining, everyone should read this
27/09/2024
1Tingnan Lahat