Homepage/Tales Of The Hearts/
Chapter 26: My Golden Scenery
~MY GOLDEN SCENERY~
|JIA'S POV|
Halos limang minuto kaming nakatunganga doon. Pinapanood ang paglakad ni Ellah patungo sa harapan namin. Hindi ko alam pero parang bumagal ang oras. Lahat ay gulat. Lahat ay hindi maipinta ang mukha.
"L-Let's all welcome... Our 8th candidate of this night, Ms. Ellah Fritzy Brooklyn." Natulalang saad ni Ms. Grace. Naagaw niya ang lahat ng atensyon at kasabay noon ay ang pagliparan ng mga makukulay na papel sa itaas.
Hindi pa natapos ang eksenang 'yon. Nang tuluyang makatungtong si Ellah sa stage ay 'tsaka siya lumapit kay Jazrel at hinawakan nito ang kanang-kamay ng babylabs ko! Aba, kahit kaibigan kita Ellah... Hindi kita uurungan!!! ತ_ತ
"This is our eight candidate for this night," sambit ni Ms. Grace.
"And now, let's give this eight candidates a round of applause!" Dugtong naman ni Mr. Paulo.
Nagpalakpakan kami at todo suporta pa 'yung iba. Hirap na hirap ako ngayon and the same time nalilito kung sino ang pipiliin ko.
"Hoy, bakla," tinapik ko si Vy na umiinom ng lemonade.
"Ouh?"
"Sino ba boto mo sa candidates?"
"Malamang, pinsan ko." Sagot niya at inirapan ako.
"Aba, bakit? Ayaw mo kay Ellah?" Naguguluhan kong tanong. Kung alam ko lang na hindi siya kay Ellah, sana hindi nalang 'to in-invite sa debuth ni bestie.
"May sinabi ba akong ganon?"
"'E ano nga?"
"Depende kung sino mananalo..." Huminga siya ng malalim. "Pero kapag sasali sa doon. Ikaw ang pipiliin ko. " Dagdag pa niya sabay kindat sa 'kin. Jusmeyo! Inirapan ko lang siya at hindi na pinansin.
Nakakadiring bakla!
"And now, let's give our candidates time for their talent portion..." Saad nilang dalawa. Ilang segundo ay bumalik na sa backstage ang mga candidates para paghandaan ang kanilang gagawing talento. Puwede namang sumayaw, kumanta, tumula, at... Maghubad. (Pero bet ko kung si Jazrel). ʘ‿ʘ
|MIKA'S POV|
Nasa backstage kami, nagbibihis. Natanaw ko si Ellah na busy sa pakikipag-usap kay Jazrel. Seryusong-seryoso ang pinag-uusapan nila. Inilipat ko ang tingin kay Markuz na nagbibihis din.
"Bilisan niyo na! Tatawagin na kayo ilang minuto..." Sambit ni Ateshi kasama pa niya ang boyfriend niya.
"Maghanda kana daw," bulong ni Markuz sa tenga ko at natawa. Hinampas ko siya sa braso dahil sobra akong nagulat.
"Potik ka! Huwag ka ngang ganyan!" I exclaimed.
"Sorry, hehe," paghihingi niya ng depensa. Lumapit siya sa 'kin. "Sino ba ang tinitignan mo d'yan?"
Hindi ako nakasagot agad ngunit huli na dahil tinatawag na ang mga pangalan ng kasama namin.
"Candidate number one!"
Tumingin ako kay Markuz at nakatingin naman siya ngayon kay Ellah na nakikipag-usap parin kay Jazrel.
"Candidate number two!"
Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin kay Ellah. Wala akong plano na makipag-usap sa kanya. Nahihiya ako—Nahihiya ako dahil tinraydor ko na naman siya sa pangalawang pagkakataon.
"Candidate number three!"
"Stop overthinking," sambit ni Markuz. Napatulala ako ng magtagpo ang tingin naming dalawa. Ngumiti pa siya. Ganito pala talaga ang Markuz Brix na boyfriend ni Ellah. Akala ko talaga na seryoso lang siya all the time. Hindi pala.
Natawa si Markuz habang tinitignan ako. "'Yung make-up mo..."
"Bakit?"
Hindi siya sumagot at hinawakan nalang bigla ang mukha ko. I wasn't prepared for it. Hindi ko inaasahan na gagawin niya 'yon. Tila may kakaibang kuryente namang dumaloy sa katawan ko dahil sa ginawa ni Markuz.
"Ayan. You're look gorgeous." He said. Bahagya akong natawa dahil doon. Palabiro talaga siya.
"Candidate number six!"
Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Tanging ako, si Markuz, si Ellah at Jazrel nalang ang narito sa backstage.
Si Jazrel ay nandoon sa gilid at pinapakinggan ang announce ni Mr. Grace at Mr. Paulo. Si Ellah naman ay busy sa pagtitipa ng cell phone niya.
"Matanong nga kita... Takot ka ba sa ahas?" Biglang tanong ni Markuz na hindi ko pinaghandaan. At ano na namang trip nito?
Bahagya akong napakunot nang noo. "Alangan namang hindi? But I am not totaly scared na 100% talaga... I like snake lalo na kung—" natigilan ako ng biglang sumingit si Ellah na nasa likod ko na pala.
"Lalo na kung kagaya mo?" She calmy said na tumingin ng diretso sa akin. Nagulat ako sa presensya niya kaya wala akong ibang nagawa kundi harapin siya. Siguro ngayon na ang tamang oras na mag-sorry sa kanya.
"You know what, Mika, I trust you for the second time but you waste it. Akala ko ba magkaibigan tayo?" Giit niya. "Why are you afraid of snake kung ikaw naman ang ahas? Ang ganda mo na sana eh... pero plastik ka."
Ramdam ko ang libong karayom na tumusok sa puso ko dahil sa binitawan niyang salita. Gusto ko siyang tawagin na 'bestie' pero parang nawawalan ako ng lakas nang loob para sabihin 'yon. "Alam mo Mika, may dalawa lang namang uri ng ahas na dapat mong magustuhan eh... 'Yung isa, nasa gubat nakikita. Ang isa naman, nasa harap ko..." Pinandilatan niya ako ng mata at mataray na naglakad patungo sa kinalalagyan ni Jazrel.
Ilang sandali ay naramdaman ko ang paghagod ni Markuz sa likod ko. "Don't mind her,"
"Candidate number seven!" Pagtatawag sa 'min ni Mr. Paulo. Sabay kaming lumabas ni Markuz dahilan para umugong ang nakakabinging palakpakan.
|THIRD PERSON POV|
Isang magandang tugtog ang lumabas sa speaker. Marahil ito ang musikang sasayawin ng dalawang kapares ngayong gabi.
You and I
We're like fireworks and symphonies exploding in the sky
With you, I'm alive
Like all the missing pieces of my heart, they finally collide
So stop time right here in the moonlight
'Cause I don't ever wanna close my eyes
Unti-unting lumapit si Mika kay Markuz habang ang binata naman ay unti-unting papalayo sa dalawa. Ayaw siguro nito ang dalaga kaya niya ito nilalayuan.
Sa unang akto palang nilang iyon ay naghiyawan na ang mga manonood. Maganda rin tignan ang kanilang performance dahil nakikita maging ang anino nila. Nakapatay ang ilaw sa paligid at isang ilaw lang ang nakatutok sa entablado. Sila lang ang nakaka-agaw ng atensyon ng mga estudyante sa BHU.
Without you, I feel broke
Like I'm half of a whole
Without you, I've got no hand to hold
Without you, I feel torn
Like a sail in a storm
Without you, I'm just a sad song
I'm just a sad song
Nadapa si Mika at umaktong na iiyak. Umupo ito sa sahig habang nakatakip ang mga mata gamit ang braso. Walang pag-alinlangang lumapit ang binata sa kanya at inabutan ito ng panyo.
Umugong ang malakas na hiyawan ng itaas ni Mika ang kanyang noo para tanggapin ang panyong iniabot ni Markuz sa kanya.
With you, I fall
It's like I'm leaving all my past and silhouettes up on the wall
With you, I'm a beautiful mess
It's like we're standing hand and hand with all our fears up on the edge
So stop time right here in the moonlight
'Cause I don't ever wanna close my eyes
Inalalayan ng binata ang dalaga para makatayo ito. Sa eksenang iyon ay umilaw ang buong paligid at ang lahat ng nakakita ay namangha.
Without you, I feel broke
Like I'm half of a whole
Without you, I've got no hand to hold
Without you, I feel torn
Like a sail in a storm
Without you, I'm just a sad song
Niyakap ni Mika si Markuz habang humihikbi parin ang dalaga. Lahat ay hindi makapaniwala. Lahat ay naguguluhan at ang iba ay nagandahan.
Natapos ang pangayayaring 'yon at binigyan sila ng malakas na palakpak galing sa manonood.
"Thank you for that wonderful performance, candidate seven!" Maligayang sambit ni Ms. Grace habang natutuwa parin dahil sa ginawa ng kanyang dalawang estudyante.
"And now! Let us all watch the perfromance of our lovingly candidate eight... Ladies and gentleman, Ms. Brooklyn and Mr. Iugeño!"
Malakas na palakpak ang iginawad sa kanila. Ang dalawang kandidato ay may hawak na mic dahil pagkanta ang pinili nila ngayong gabi. Isang pamilyar na tugtog ang namuo sa paligid. Ang iba ay nakisabay dahil narin sa ganda ng tugtuging iyon.
Sinimulang ini-strum ni Jazrel ang dala niyang gitara. Nagkatingin si Jazrel at Ellah ng umpisahan ni Jazrel ang tugtog.
Napapaisip sa gitna ng kaguluhan
Litong-lito sa pulso ng nararamdaman
Di mawari kung ito’y isang panaginip
Tila ang puso ko’y naglalaro sa kalawakan
Halos mapanganga ang lahat ng manonood dahil sa unang lyrikang binitawan ni Ellah. Ang iba ay nagpapalakpakan at ang iba ay 'di makapaniwala.
"YOHOOO! ANAK KO YANNN!" Sigaw ni Ericka bilang suporta sa kanyang anak.
"ELLAH! BESTIEEEE!" Dugtong naman ni Jia.
Napangiti lang si Jazrel habang tinitignan ang pagkanta ng kanyang iniirog na dalaga. Mala-anghel talaga ang postura ng mukha ni Ellah dahil lahat ng lalaki sa BHU ay nahuhumaling sa kanyang natural na ganda.
Sa liwanag ng araw, ika'y nariyan, Magkatabi't sinisilayan ka
'Di na alam, naguguluhan tuwing kasama kita sa
Ginintuang tanawin, sa ilalim ng langit, ika'y kapiling ko
Sa pag-ihip ng hangin, kasabay ng awitin, ramdam ang palad mo
Lahat ay 'di makapagsalita. Iniisip ng karamihan na si Ellah na talaga ang mananalo ngayong gabi. Nakapikit lang ang dalaga habang kinakanta at binibitawan ang mga lyrika ng kanta. Abala naman sa pagtugtog ng gitara ang kanyang kapares ngunit kahit gano'n ay nakikinig parin ito sa boses niya.
Sana'y dinggin ang dalangin, ang aking hangaring mahalin mo rin ako
Kulay kahel na langit, nakitang gumuhit sa ganda ng mata mo
Sumisilip ang tinatagong kagustuhan
Makasama ka't manatili sana sa 'yong tabi
Umaawit sa kislap ng 'yong mga ngiti
Hihiling na lang na sana'y ako man lang ay 'yong tignan
Sa liwanag ng araw, ika'y nariyan, magkatabi't sinisilayan ka
'Di na alam, naguguluhan tuwing kasama kita sa
Sabay kinanta ni Jazrel at Ellah ang kantang 'yon. Umugong na naman ang hiyawan sa paligid dahil nakakagaan sa pakiramdam ang awitin. Pagod, Sakit, Depresyon, o kahit ano pa 'yang nararamdaman mong masama. Kayang pagalingin sa pamamagitan ng awitin nilang dalawa.
Ginintuang tanawin, sa ilalim ng langit, ika’y kapiling ko
Sa pag-ihip ng hangin, kasabay ng awitin, ramdam ang palad mo
Sana’y dinggin ang dalangin, ang aking hangaring mahalin mo rin ako
Nagtagpo ang tingin ni Jazrel at Ellah at sa sandaling iyon ay pareho silang na aakit sa isa't-isa. Hindi nila namalayan ang pagtakbo ng oras hanggang sa hindi mapakali si Ellah sa huling lyrikang bibitawan
Kulay kahel na langit, nakitang gumuhit, sa ganda ng mata mo.
Hanggang ngayon, pinapa-alala parin sa kanya ng kantang 'yon ang unang pagkita nila ng lalaking lubos niyang minahal. Walang iba kundi ang nag-iisang Markuz Brix.
~~~~~~~~~~I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (42)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
your story is beautiful so that's how I ended your story and it's not boring to read.
27/12/2021
1so sad
24/08/2024
0ang ganda basahin
17/04/2024
0Tingnan Lahat