Homepage/Tales Of The Hearts/
Chapter 25: This event cannot be start without me
~THIS EVENT CANNOT BE START WITHOUT ME~
December 16, 2019 (Mr. and Mrs. Christmas Star)
|JAZREL POV|
Isang magandang umaga parin ang bumungad sa 'kin. Nakasakay ako ngayon sa Toyota RAV4 ko at papunta lang naman ako sa bahay nila Ellah.
Ilang minuto ang tinagal sa pagbi-byahe ko. Malayo-layo rin kasi ang bahay nila sa village namin. Nasa isang kalahating oras din siguro ang masasayang pero hindi ako magsasawa. Basta makita ko lang ang mala-anghel niyang mukha, okay na 'ko.
Hindi ko namalayan ang paglipas nang oras. Nandito na pala ako sa gate nila Ellah at pinagbuksan naman ako ni Estella, ang personal maid nila.
I park my car in front of their house. Malaki ang bahay nila kaysa sa 'min, palipat-lipat kasi kami ng bahay noon kaya bini-benta nalang agad nila Dad ang bahay namin. Kinuha ko ang jacket na kulay itim bago lumabas. Nakapamulsa akong naglakad papasok sa bahay nila at sa hindi kalayuan ay natanaw ko si Tita Ericka.
Naglilinis sila. Ang ibang kasambahay ay nagluluto at si Tita Ericka naman ay mina-mandaran ang ibang maids kung saan maglilinis. Natigilan lang sa ginagawa si Tita Ericka nang maramdaman nito ang presensya ko.
"Oh, hijo? Ikaw pala?" Bungad sa 'kin ni Tita.
Tumango lang ako sa kanya at simpleng ngumiti. Lumapit ako at nagmano. "Si Ellah po?"
"Oh..." Tumingin siya sa kuwarto ni Ellah na nasa itaas. "Siguro natutulog pa 'yon... Alam mo naman ang batang iyon," natatawang sambit ni Tita. "Teka, umupo ka muna riyan... Sasabihin ko muna sa kanya na nandito ka."
"Tita?" I stopped her. Ibinaling ni Tita Ericka ang tingin niya sa 'kin. Nagdikit ang labi nito na tila hinihintay ang sasabihin ko. "Wala po bang binanggit si Ellah sa inyo?"
Kumunot ang noo niya. "Huh? Wala naman, hijo? Bakit?"
Tumango-tango ako dahil sa narinig. Bakit hindi niya sinabi kay Tita ang tungkol ngayon? "Ngayon ang Christmas Party ng BHU, tita... And luckily, kami ang partner ni Ell para sa Mr. and Ms. Christmas Star." I explained.
"Jusmeyo! Ba't ngayon niyo pa sinabi? Oh siya, umupo ka muna d'yan hijo. Gigisingin ko lang ang anak ko..."
Nagmadali namang pumunta si Tita Ericka sa itaas. Umupo nalang ako sa sofa na naroon ngunit ilang minuto ay wala paring Tita Ericka na bumaba. Dahil sa kuryosidad ay umakyat ako sa hagdan para sumilip. Nakita ko doon si Tita Ericka na paulit-ulit ang pagkatok sa kuwarto ni Ellah.
Nang makita ako ni Tita ay saka niya ako sinenyasan na lumapit sa gawi niya. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kinalalagyan niya at kumatok narin.
"Ellah?"
Sandaling natahimik ang paligid. Pinapakiramdaman namin kung anong isasagot ni Ellah.
"Si Jazrel 'to... Hindi ba ngayon ang araw ng—"
"Hindi ako pupunta. Ikaw nalang." Seryosong sagot ni Ellah dahilan para magulat ako.
"We're partner diba? I though—"
"Sinabi ko na sa'yo, diba? Ikaw nalang... Alis na!"
Nagtama ang tingin naming dalawa ni Tita Ericka na hindi makapaniwala sa inasal ni Ellah. Hindi siya ganito noon. Bakit bigla nalang nagbago ang inasal niya?
"Anak... Please, open the door," sambit ni Tita Ericka na ngayon ay pinipilit si Ellah na buksan ang pinto ng kuwarto. Paulit-ulit na niyang tinawag ang pangalan ni Ell ngunit hindi na ito sumagot.
Wala na kaming ibang nagawa kundi bumaba nalang. Nagbabakasakali akong pupunta si Ellah sa BHU pero parang malabo na 'yung mangyari. Nakakatawang isipin na ako ang magiging loner sa gabing ito.
Wala akong ibang nagawa kundi magpa-alam kay Tita Ericka at pumunta nalang sa BHU. Wala rin naman akong mapapala kung magtatambay lang ako sa bahay nila Ellah at pilitin siyang pumunta sa Christmas Party. Hindi ko 'yon mapipilit, hindi talaga 'yon madadala.
Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras dahil pasabay-sabay lang ako sa kanta. Sabi nga nila na mas madali ang takbo ng oras kapag ini-enjoy mo ang bawat pagtakbo nito.
Pinark ko ang kotse ko sa parking lot at napagpasiyahang bumaba. Pagkababa ko ay sinalubong ako ng maririnding ingay. Namalayan ko nalang na tumatakbo na si Mika at ang kaibigan niya sa kinaroroonan ko.
Hingal na hingal pa silang huminto sa harapan ko. Nagtagpo ang kilay ko na tinignan sila. "Ahmmm... Hi babe," sambit ng babae na may mahabang buhok at may suot pang headband.
Simple akong ngumiti bilang sagot ko sa kanya. Tumili naman ito at hinampas-hampas pa ang braso ni Vy na pinsan ni Mika.
"Jazrel... Ahm, pupunta ba si Ellah ngayon?" Seryosong tanong ni Mika. Naging tahimik din sila Vy at headband girl.
"Hindi yata." Diretsong sagot ko.
"Bakit daw?"
"Ewan ko..." Nagkibit balikat ako. "Baka dahil sa inyo." Sambit ko at tinignan si Markuz na nakatingin din sa 'kin. "Wag niyong itanong sa 'kin kung bakit... Wala akong ideya sa ginawa nimyo."
Hindi ko na sila pinansin pa dahil nilagpasan ko na sila. Pumasok na ako sa BHU. Kakaiba ang sumalubong sa 'kin pagkapasok ko. Maraming estudyante at karamihan sa kanila ay nakasuot ng formal attire. Ang iilan din ay nakatakip ang mukha gamit ang maskara.
Tinignan ko ang relos ko at namalayang 5:30 na pala ng hapon. Halata din naman dahil dumidilim na ang paligid. Nag-iingay na ang speaker at ilang minuto nalang ay magsisimula na ang event. Nakasuot ako ngayon ng kulay puti na pants at puting tuxedo.
Naka-upo lang ako sa isang silya sa backstage habang inaayusan. Wala namang silbi para sa 'kin ang gabing 'to dahil wala naman akong kapares na rarampa sa stage. Iniisip ko palang, parang pagtatawanan na ako ng mga audience.
|JIA'S POV|
Oh mo go! Kalorkeyyy! Pinansin ako ni Jazrel! Sheeeyytttt! I can't believe this!
"Huy kanina kapa nakatunganga d'yan?" Natatawang sambit ni Baklang Vy habang tinitignan ako. Nasa backstage na kasi sila Markuz at Mika dahil ilang minuto nalang ay magsisimula na ang Mr. and Mrs. Christmas Star.
"Ba't kaba nangugulat bakla!?" Galit kong usal.
"Aba, sinong bakla?" Reklamo niya. Chosss! Denial pa 'tong isang 'to.
"Alangan namang ako? Siyempre, ikaw."
"Sus, gusto mo lang mahalikan eh..." Tawa-tawang ani ni Vy. Pinandilatan ko siya ng mata. Magsasalita palang ako ng magsalita na ang host dahil magsisimula na ang event.
"Ladies and gentlemen! Good evening!" Natahimik naman ang lahat maging kami ni Vy dahil sa paninimula ng host na ni Ms. Grace and Mr. Paulo. Nakasuot ng red dress si Ms. Grace at isang suit naman kay Mr. Paulo. Inalalayan pa ni Mr. Paulo si Ms. Grace na umakyat sa stage dahilan para mahhiyawan ang nakakarami.
"Good evening everyone! Good evening partner..." Bati ni Ms. Grace kay Mr. Paulo.
"Good evening too partner. You're look so beautiful tonight..." Napuno ng hiyawan ng mga estudyante dahil sa kanilang dalawa. Omo! My beautiful eardrums! ಥ‿ಥ
"Thank you partner. You're look so handsome too..." Nakangiting bati ni Ms. Grace pabalik.
"Thank you rin partner, pero ngayong gabi partner ay masasaksihan na natin ang pasiklaban ng mga level ng ating highschool and colleges representative!!!" Sigaw niya para maghiyawan ang lahat ng kanya-kanyang boto.
"WOOOOHHHHHHH!"
"YEEEEESSSSSSS!"
"SENIOR! SENIOR!"
"SOPHOMORE! YEAHHH!"
"COLLEGE!!!! WAHHHHH!!!"
"Grabe partner, full effort talaga ang mga by level ng higschool and college dahil sa mga representative nila." Masayang sabi ni Ms. Grace.
"Yes partner dahil ngayong gabi ay matutunghayan natin ang makakakuha ng korona bilang Mr. and Mrs. Christmas Star."
Malakas na palakpakan ang namumuo dahil sa mga hindi makapaghintay na mga estudyante. Nakakarindi din sa ears. "But before that, I would like everyone to all rise for our prayer..." Napatayo naman ang mga estudyante at nagsimula ngang kumanta ng choir ng school para kantahin ang The Prayer ni Celine Delion. Yumuko ang lahat at pinikit ang mga mata para kantahin ang kantang iyon.
Pagkatapos ng prayer. "Please remain standing for national anthem..." Pumunta naman sa harap ang mga girls scout at boys scout sa campus para dalhin roon ang isang mahabang flag pole na gawa sa stainless. At nang magsimulang kumanta ay sinimulan na nilang itaas ito para mapunta sa pinakadulo t'saka humarap dito sa harapan ng mga estudyante.
Pagkatapos naman ng kantang 'yon ay nagbigay hudyat na si Ms. Grace na umupo na kami. "Before we will start the event, we would like to call our Dean for opening remarks."
"Let's all welcome... Our Dean Brooklyn!"
Nagpalakpakan ang lahat nang tumayo ang Lolo ni Ellah. Speaking of Ellah, nasan na kaya ang gagang 'yon? Nakita ko nalang na inalalayan ni Mr. Paulo si Dean para maka-akyat sa stage. Binigay naman ni Ms. Grace ang mic kay Dean. "Good Evening everyone." Alas-sais na kasi. "This is the last day of our event on this year. I'm thankful dahil naging successful ang lahat ng event dahil sa cooperation niyo, students. Just enjoy this night. I would also give thanks to all faculty teachers to do their responsibilities para sa lahat. To our host for this night, Ms. Grace and Mr. Paulo, thank you..." Lahat ay pinasalamatan ni Dean. "Students, this night is your night."
Bumaba na si Dean at umupo sa upuan niya. "Thank you also Dean for everything, dahil kung wala kayo ay hindi magaganap ang event na 'to, right partner?"
"Yea partner! Kaya partner, 'wag na nating pabitinin pa ang lahat..." Nagtanguan naman silang dalawa. Ang iba naman ay kinikilig at nagsisigawan.
"Let's all welcome our three judges... Mr. Kit Saet Artizon!" Pagtawag nang first judge. Mula kung saan ay tumayo ang lalaki na may mataas na buhok na tinatakpan ang kanyang mga mata. "He's one of the councilor here in Laguna, and also have an experience to be one of the candidate during his time in BHU."
"Your second judge Ms. Annalisa Samatiya, she's an Accountancy Teacher in BHU that also have an experience to be a judge in such competition. Your second judge, Ms. Annalisa." Tumayo ang magandang babae at itinaas pa ang kanang kamay.
"And now, your last judge, Ms. Jonalyn Pida, that also beauty queen during her time in BHU, a mass communication student now in college." Ngayon ay tumayo na naman ang babae na may mataas na buhok at simpleng ngumiti sa 'min.
"Partner! Huwag na tayong magpatumpek-tumpek pa!!!"
"ARE YOU READYYYY!!???" Sigaw nila para magsaya ang iba at lumabas ang kapana-panabik sa lahat ng estudyante at mga guro para saksihan ang pangyayaring ito.
*wuttshhhhboooogshhhhh*
Isang fireworks ang pinalabas para mapalundag ang lahat at mapamangha. 'Di naman mapigilan ng iba ang sumigaw pa dahil sa galak at saya na kanilang nararamdaman.
"Let's all welcome! Our candidates for this night!!!" Si Ms. Grace.
"First candidate!!!" Dugtong naman ni Mr. Paulo.
Lumabas mula sa backstage ang babae at lalaki na magkahawak ang kamay, parang true lovers lang ang peg.
"I am Gericka Velmonte."
"And I am Vanjo De Jesus."
"REPRESENTING! JUNIOR!" Sabay nilang sabi. Aba'y mga bata pa pala naglalandian na.
"Our second candidate!!!"
Lumabas ang babae na nakalugay ang buhok kasabay niya pa ang lalaking naka-suit na kulay maroon.
"I am Vicacia De Lion."
"I am Eric Aquino."
"REPRESENTING! JUNIOR HIGH!"
"GO JUNIOR HIGH!"
"Ipanalo niyo guysss!"
"Shit, can't wait!!!"
"Third Candidate!!!" Natahimik ang paligid.
Mula kung saan ay lumabas na naman ang classmate kong mukhang ingrone. Kasabay niya pa ang kaklase kong lalaki na mukhang inihaw na letchon dahil sa balat niyang kulay dark brown.
"I am Brittany Vesco!"
"And I am Tray Inzoine."
"REPRESENTING SENIOR!"
"Briiiii!"
"Wahhhh! Bri galingan mo!!"
Oh my god, ang tenga ko! Grabe naman 'to makasigaw ang mga kaklase ko! Oh my godness!
"The Fourth Candidate!!!"
"Demianna Sancho."
"Ezekiel Elliott."
"REPRESENTING COLLEGE!"
"Fifth Candidate!!!"
"Clarissa Santos,"
"Clyde Okihro"
"REPRESENTING COLLEGE!"
"Kaya 'yan Clareee!"
"Our Sixth Candidate!!"
"Iyanna Faith Damus."
"Luiz Montenegro."
"REPRESENTING! COLLEGE!"
"Go! Yaña!"
"Luiz! Kaya 'yannnnn!!"
Ito na! Ito na!
"Seventh candidate!!"
This time, si Mika at Markuz naman ang lumabas mula sa backstage. Ang lakas nang hiyawan sa paligid kaya nakikipaghiyawan nalang rin ako.
"Wahhhh! Mikaaaaa!!!" Sigaw ko for cheering. Tumayo pa ako para with effort.
"Pinsannnn! Kaya mo 'yan!" Sigaw naman ni Vy. At sa bandang tenga ko pa talaga! My beautiful eardrums! ಥ‿ಥ
"I am Mikaela Weston."

"And I am Markuz Brix."

"WE REPRESENT! SENIOR HIGH!!"
Shitty! Ang aking magandang tenga! Huhuhu!
Naglakad na sila Mika at Markuz kung saan ang puwesto nila.
"And the last candidate!!!"
Nakita ko ang loner na si Jazrel na naglakad sa stage na may hawak na mic. Naalala ko, wala pala si Ellah. Hayss! Kung puwede lang na ako maging partner niya gagawin ko na. Choss! Ang landi mo talaga Jia!
"I am Jazrel Iugeño..."

"Where's your partner?" Tanong ni Ms. Grace dahilan para matigilan ang bebe ko.
Nagkibit-balikat si Jazrel my labs. "Hindi siya makakapunta... She's traumatized because—"
Natigilan si Jazrel sa pagsasalita ng biglang dumilim ang buong paligid. Oh my godness! Brownout ba? Hays! Sabi ko na nga ba! Sana nagdala nalang ako ng flaslight!
Pero natigilan kami ng makita ang naka-ilaw na spotlight at nakatutok pa ito sa babaeng nasa entrance ng court. Halos matigilan kami Vy at na-estatwa sa aming kinatatayuan ng masilayan ng aming dalawang mata ang babaeng naglalakad patungo sa kinaroroonan namin.
Mula sa kulay itim niyang gown na kumikinang—maging ang ganda niya. Lahat ng estudyante ay natigilan. Tila sa kanya lang nakatutok ang mga mata ng nakakarami.
"That's my girl." Narinig kong sambit ni Tita Ericka na nasa harapan ko lang pala.
Walang sinuman ang may kakayahang umagaw ng atensyon. Sa kanya lang nakatutok ang spotlight. Siya lang ang may kumikinang na gown sa gabing ito. At siya lang ang natatanging bukod-tangi ngayong gabi. My gorgeous bestie, Ellah Fritzy Brooklyn.
~~~~~~~~~~I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (42)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
your story is beautiful so that's how I ended your story and it's not boring to read.
27/12/2021
1so sad
24/08/2024
0ang ganda basahin
17/04/2024
0Tingnan Lahat