logo text

Chapter 24: Unexpected Betrayal

"In another life, I will be your girl. And we keep our promises beyonds against the world..."
"In another life, I will make you stay... So I don't have to say the word 'the one that got away' (the one that got away)."
~UNEXPECTED BETRAYAL~
|ELLAH'S POV|
Hindi ko alam kung ilang minuto ba akong nakatayo doon. Pinanuod ko lang ang pagtataksil na ginagawa nila sa 'kin. Pinanuod ko kung paano sila naghahalikan. Ang sakit—ang sakit panoorin.
"Ellah—" hindi ako lumingin at binigyang pansin si Jazrel na papunta na sa direksyon ko ngayon. Dahil sa boses ng pagdating niya ay natigilan sila Markuz at Mika sa paghahalikan. Mabilis na tumayo si Mika at lumapit sa kinaroroonan ko pero ewan ko ba... Parang may sariling pag-iisip ang kamay ko dahil sinalubong ko siya ng malutong na sampal.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Gusto kong ulitin dahil hindi nakakasawa ang pagsampal sa kanya. Hindi ako nakuntento doon. Kung puwede lang! Kung puwede lang pumatay, gagawin ko na!
"E-ellah... B-bes," na-uutal na tawag ni Mika sa pangalan ko. "Bes... I'm sorry," dagdag niya pa.
Hindi ko namalayan na umugong na pala ag tsismisan sa paligid. Pinagtitinginan kami ng mga bisita ko pero wala akong pakialam doon.
"What's happening here!?" napatingin ang karamihan sa pagdating ni Mommy. Lumapit si Mommy sa kinalalagyan ko at hinawakan ang isa kong kamay.
"Anak—" hindi pa niya natapos 'yon nang bigla niyang tignan si Markuz at Mika.
"The rats? Balak niyo pa talagang sirain ang party ng anak ko?" Bulyaw ni Momny sa kanila.
"Mom," pagtatawag ko. Tumingin si Mommy sa 'kin t'saka ko siya sinenyasan na ipaubaya na sa 'kin 'to.
"Hindi ko inaasahan na magagawa niyo ito sa 'kin..." 'Yon ang unang linyang binitawan ko.
"Bes... Makinig ka. H-hindi ko—"
"SINUNGALING!" I shouted. "M-Mika, nangako ka sa 'kin diba? N-Nangako ka na ikaw ang magbabantay kay Markuz kung s-sino ang babaeng mang-aahas sa kanya... P-pero tangina, Mika, hindi ko inaasahan na gagawin mo 'to sa 'kin. H-hindi ko inahasang ikaw ang magtataksil sa 'kin..."
"Babe..." Napatingin ako kay Markuz. "Hindi 'yon totoo. It's my—"
"TANGINA! Tama na Markuz! Tama na lahat! Oo! Alam kong tanga ako! Alam kong nabulag ako sa pagmamahal sa 'yo. But now, I wish na sana hindi na pala kita nakilala. Sana noon, hindi pinagtagpo ang landas nating d-dalawa!"
"Babe... I'm not betraying you..."
"HUH? YOU'RE NOT BETRAYING ME? 'E ano bang dapat kong  itawag doon sa nakita ko kanina, hah!? Your loving me? Tangina, Markuz! Tama na lahat 'yon! Kayong dalawa! Hindi ko inaasahan na kayo pala ang sisira sa kaarawan ko..."
"This is my 18th birthday. This is my debuth. This is the day of my legality. But damn! This is the day I received the most painful gift on my entire life! Ito ang araw na pinagtaksilan niyo 'ko. Ito ang araw na pinagmukha niyo sa 'kin na bubu, tanga, at bulag ako sa pag-ibig!"
"Babe... Let me fix this," sambit ni Markuz.
Peke akong natawa dahil sa sinabi niya. Unti-unti akong humakbang papunta sa kinaroroonan niya. Hindi ko pinansin ang mga tao na nakatingin sa 'min ngayon. Nang tuluyan akong makalapit sa kanya ay saka ko siya sinampal—napakalakas na sampal.
Hindi ko akakalain na magagawa ko 'yon. Diretsong napatingin si Markuz sa 'kin pero nanatiling gano'n ang ekspresyon niya. Walang nagbago—nanatiling blanko.
"No need to fix, markuz... I-I'm breaking up with you." Pagkasabi ko no'n at tila naging tahimik ang paligid. Hindi maipinta ang mga mukha ng manonood—maging si Markuz at Mika.
"Ellah..."
"What!? Magpapaka-awa ka naman? Kukumbinsihin mo na naman ako? Markuz, sawa na 'ko! Sawang-sawa na 'ko. Sa araw-araw ikaw 'yung taong iniisip ko. Simula pagbangon ko sa umaga hanggang sa pagtulog ko sa gabi—IKAW LANG! But damn, I'm loving you honestly! Walang halong biro, pero ano 'to? You loving me in a plastic way..."
"Baka nga totoo ang sabi ng iba, walang nagmamahal sa 'kin. That there's no way that I'll love honestly. Pero ano pa nga bang magagawa ko diba?" Bahagya akong huminto doon habang paulit-ulit na pumapatak ang mga luha na hindi ko mapigilan. Hinayaan kong umagos 'yon habang dinadamdam at sinusulit ang pagkakataon. "Sana masaya kana! Sana masaya ka na n'yan... At sana pala in the first place na tumibok 'yung puso ko sa'yo ay dapat pinigilan ko na agad. Kung alam kong masasaktan lang ako, sana hindi nalang kita minahal. Ang sakit! Sobrang sakit dahil ikaw pa talaga... Sirang-sira na 'ko—P-pagod na 'ko... Ang sakit mo palang magmahal M-Markuz."
"Babe... I wasn't prepared of—"
"D-Don't worry..." Pinunasan ko ang luha ko gamit ang aking kamay.  "Tatanggapin ko lahat. Kasalanan ko eh, nagmahal ako, naging tanga. Siguro kailangan ko ng bumalik sa dating ako, para 'di na ako masaktan pa. I trusted you my heart to take care with. Naniwala ako sa sinabi mo... Na ako lang—na walang kahati. Sa lahat ng bagay na pinakamahalaga sa akin ay ang puso ko, but you never did take care of it. You broke my heart just like my past relationship."
Gusto ko pang sumigaw. Gusto ko pa silang murahin, pagsalitaan ng masama pero kinaladkad na ako ni Jazrel sa kuwarto ko dahil narin sa utos ni Mommy. Sa huling pagkakataon ay nakita ko ang pagsulyap sa 'kin ni Markuz bago kami makapasok sa bahay. Kung sa dati ay nahuhumaling ako sa nga mata niya, ngayon, wala na.
Ilang oras din ang nakalipas. Hindi ko parin lubos mapaniwalaan ang nangyari. Hindi sinubukan ni Jazrel na kausapin ako hanggang sa pumasok si Mommy sa kuwarto. Napag-alaman ko rin kay Mommy na tapos na ang party. Nag-uwian na ang iilang bisita at ang ibang kaibigan ni Mommy at Lolo ay nandito parin.
"Anak?" Tumingin ako nang diretso kay Mommy ng sambitin niya ang pangalan ko. Hindi ako kumibo hanggang tumayo si Jazrel.
"Sa labas muna ako, tita," paalam ni Jazrel. Tumango lang si Mommy bilang tugon doon at sinarado ang pinto. Ilang segundo siyang tumingin sa 'kin bago niya napagpasiyahang umupo sa kama katabi ko.
"You lied," saad ni Mommy. "Nag-alala ako sa'yo, Ellah, tell me? Sino ba ang lalaking iyon? I-I though... Jazrel is your—"
Umiling ako na siyang naging dahilan sa paghinto ni Mommy. "M-Markuz... Siya ang gusto ko," nag-umpisa na namang umagos ang mga luha na pinipigilan kong kumawala sa 'king mapupungay na mata. "I-Im sorry, Mom. Iba ang gusto ko... Mahal ko si Markuz." Nauutal kong sambit.
Walang naging kibo si Mommy. Ilang minuto lang ay naramdaman ko ang paghawak niya sa ulo ko. "You don't deserve a man like him," Mom said and there's an anger on her tone. "A man like him i-is like your Dad."
Natigilan ako sa narinig at diretsong napatingin kay Mommy. Ngayon ay siya na naman ang umiiyak. Nagbago rin ang mukha ni Mommy at nasayang ang ilang kolerete dahil tuluyan ng nabasa ang mga 'yon.
"W-Why?" I asked immediately.
"Your dad betrayed me but in a good way, Ellah, not like Markuz... How many months na naging kayo?" Usisa ni Mommy na halatang ayaw buksan ang usapan kay Daddy.
Napayuko ako. "Two months,"
"TWO MONTHS!?" gulat na sabi ni Mommy at napahilot sa kanyang sentido.
"Mahal ko siya, Mom," naluluhang sambit ko. Sa pagkakataong iyon ay natigilan si Mommy at natawa ng sarkastiko. "Are you dumb, Ellah? Look what he have done to you! Anong tawag mo doon? Pagmamahal ba 'yon? Hindi Ellah, katangahan ang tawag don!"
"M-Mom..."
"Ano!? Magdadahilan ka na naman?"
Ilang sandali ay naramdaman kong umupo na naman si Mommy sa tabi ko. "Im just aware for your health, Ell. Sa edad mong 'yan ang palaging nakakaranas ng frustration and anxiety... Hindi ko hahayaang mangyari 'yon sa 'yo,"
"Simula ngayong araw na 'to, I will tell your Lolo Dean na ipa-transfer ka sa ibang paaralan."
"Mom!"
"What? You will disagree with that!? Ellah! Bakit ba ang tigas ng ulo mo!?"
"Kaya ko ang sarili ko," nagbago ang tono ko ng sabihin 'yon. "Hindi ko hahayaang talunin ako ng ibang tao. Hindi ko na ulit hahayaang masaktan ang sarili ko..."
Gulat na tumingin si Mommy sa 'kin. Hindi man niya 'yon sabihin ay nararamdaman ko. "Okay... Just take care of yourself." Huling habilin ni Mommy bago lumabas sa kuwarto. Napatingin ako sa cell phone ko at napagtantoang nasa alas-dose na ng gabi. Nakita ko ang sandamakmak na message mula sa mga kaibigan at classmate ko. Pero sa pagkakataong 'yon, kay Markuz na message ang binuksan ko. Napakuyom ako ng kamao sabay pagtulo nang butil ng luha sa pisngi ko.
From: Markuz
Im sorry.
Ellah, answer the call.
Ellah, Im so sorry.
Mag-uusap tayo bukas, babawi ako.
Ellah... Please, pakinggan mo 'ko.
Babe.
Babe... Aayusin ko 'to.
Wala akong ibang nagawa kundi patayin ang device. Paulit-ulit sa isip ko ang ginawa nila kanina. Nasaktan ako! Nasaktan ako ng sobra. Hindi ko inaasahan 'yon, hindi ko inaasahan na 'yon pala ang bonggang regalo na hinanda ni Mika at Markuz para sa 'kin.
~~~~~~~~~~

Komento sa Aklat (42)

  • avatar
    Charlon Listana Barcelon

    your story is beautiful so that's how I ended your story and it's not boring to read.

    27/12/2021

      1
  • avatar
    Nickie Rio Bungor

    so sad

    24/08/2024

      0
  • avatar
    Maryjoy Rasonable Juan

    ang ganda basahin

    17/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata