Homepage/Tales Of The Hearts/
Chapter 22: Broken Family
~BROKEN FAMILY~
|ELLAH'S POV|
Ikalawang araw na ng praktis namin. Ewan ko ba, na bo-bored na ako dahil hindi na kami pumapasok sa subject teacher namin. Tapos kapag magbe-break-out ang dali lang ng oras. Minuto-minuto practice lang talaga ang inaatupag. Mabuti nalang talaga't maaga rin ang uwian namin. Nangangalay kasi ang paa ko pagkatapos eh.
Nandito kami ngayon ni Markuz, Mika, at Jazrel. As usual, nagpa-praktis kami. Ang mga lalaki naman ang tinuruan ngayon, tapos na kasi kaming mga girls. Hindi din pala biro ang maging representative. Ewan ko, imbes na masanay na 'ko dahil taun-taon naman kaming ganito ay tila bago parin ang lahat sa 'kin.
"Oh? Ba't tulala kalang d'yan?" Biglang tanong ni Mika at siniko ako. Nabalik ang isip ko sa reyalidad at mabilis na inayos ang sarili saka napatingin sa kanya.
"A-Ano ulit?"
"HAHAHAHA!" malakas na pagtawa ni Mika habang tinuturo ako. Napatingin sa kanya ang ibang estudyante na narito sa court pero hindi parin siya tumitigil sa pagtawa. Tinapik ko ang balikat niya at ilang sandali ay nahimasmasan naman ang gaga.
"Ba't ka ba tumatawa at ang lakas-lakas pa?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.
Nagkibit-balikat si Mika at umiling. "Wala lang naman... Gusto ko lang maging masaya," tipid niyang sagot at ngumiti.
Minsan werdo talaga si Mika. Naiisip ko, saan kaya nagmana ang hinayupak na 'to?
Matapos ang practice namin ay binigyan kami ni Ateshi (ang baklanhg nagturo sa 'min) na pag-usapan muna namin ng mga ka-partner namin kung ano ang gagawin ngayong December 16. 'Yon kasi ang araw ng Christmas Party dito sa BHU.
Lumapit ako kay Jazrel na ngayo'y umiinom ng tubig at nagpupunas ng pawis. Nakayuko akong lumapit sa kanya ngunit natigilan ako nang may humawak sa pulsuhan ko. Nagtaas ako nang tingin ay nakita ko ang maamong mukha ni Markuz. Pawis din siya at halatang kapos sa hininga dahil ilang minuto din silang nag-praktis.
Napatingin ako sa kamay ko na hinawakan parin niya hanggang ngayon. "May sasabihin ako," normal niyang sabi.
Napatingin ako kay Jazrel na busy parin sa pagpupunas ng pawis niya na tila hindi nakita ang paghawak ni Markuz sa pulsuhan ko. Ngumiti ako nang bahagya kay Markuz ng ilipat ko muli ang tingin ko sa kanya. Tumango nalang ako sa kanya biglang tugon.
Hindi pa kami nakailang hakbang nang may kumalabwit sa kaliwang kamay ko. Mabilis naman akong napatingin doon at nakitang hawak 'yon ni Jazrel. Nagtataka kong tinignan si Jazrel na ngayo'y seryusong-seryo na nakatingin sa 'kin.
"May pag-uusapan pa tayo..." Sambit niya na hindi parin binitawan ang kamay ko. Hawak-hawak ngayon ni Markuz at Jazrel ang kaliwat-kanang kamay ko. Pinagtitinginan kami ng ibang estudyante at ang iba naman ay tumitili. May iba namang pinanliliskan ako ng tingin pero hindi ko sila pinansin.
"Ellah..." Sabi naman ni Markuz dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Sino ang pipiliin ko? Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil hindi ko alam kung saan ako makikipag-usap. Gusto kong magpalamon sa hiya. Hindi ko rin naman alam kung bakit sabay pa silang gustong humati sa oras ko. 'E kung magbato-bato pick nalang kaya sila?
"Ellah, pag-uusapan pa natin ang gagawin natin. Remember?" Pagtutukoy ni Jazrel sa mga costume namin at kung ano pa ang dapat paghandaan. Sasabihin ko na sana sa kanila na magbato-bato pick nalang sila nang biglang dumating si Mika.
"Markuz!" Tawag niya kay Markuz na ngayo'y nakatingin na rin sa kanya. "Hali kana! May pag-uusapan pa tayo," nakangiting dagdag ni Mika. Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ni Markuz sa kamay ko. Bumaling ang tingin niya sa 'kin at nagtama kami ng tingin. Tila naging tahimik ang buong paligid habang nagpapalitan kami ng tingin. 'Yung tingin niya—nakakahumaling parin.
Ilang segundo ay namalayan ko nalang ang pagbitiw niya sa kamay ko. Parang ang bigat ng pakiramdam ko nang makita si Markuz at Mika na naglakad papalayo sa kinaroroonan namin ni Jazrel. Alam kong isa lamang 'tong hindi maipaliwanag na nararamdaman. Hindi ko naman 'yon dapat pagselosan o pagkaabalahan dahil may tiwala ako kay Mika. Alam kong hindi niya magagawa ang bagay na 'yon.
Ilang minuto lang matapos ang senaryong iyon ay napagdesisyunan namin ni Jazrel na pag-usapan ang gagawin namin bukas.
"Okay ka lang?" Tanong niya ng makita akong umupo sa tabi niya. Tipid akong tumango at saka ngumiti. "Seryoso? Bakit namumutla ka?" Balik niyang tanong. Nag-iwas naman ako ng tingin. Iba talaga ang pakiramdam ko ngayon, pero hindi ko alam kung bakit ako namumutla.
"Sige na, pag-usapan na natin para maihatid na kita sa inyo..." Sambit niya. Sinang-ayunan ko naman 'yon dahil gusto ko na ring magpahinga.
"Sasabihin ko lang kay Mommy. Baka kasi kumuha pa 'yon ng fashion designer bukas eh..."
Natigilan si Jazrel. "Huh? May naalala ka ba kung ano bukas?" Tanong niya. Umiling naman ako. Ano bang meron bukas? Tumawa si Jazrel na parang naisahan ako.
"Ano ba 'yan... May alam ako na hindi mo alam," tawa-tawa niyang sabi. Pinagkunutan ko nalang siya ng noo at tumawa rin. Nakakatawa kasi parin siya hanggang ngayon. Sana walang magbago sa 'min.
Hindi na namin pinag-usapan kung ano ang dapat gawin dahil naka-settle na 'yon sa December 16 before magsimula ang event. Ang kailan lang talaga naming paghandaan ay ang costume, gown, at swimsuit attire namin.
Pagkatapos naming makipag-usap sa ka-partner namin ay pinayagan na kami ni Ateshi na umalis. Una kaming dumiretso sa plaza at doon nakita namin si Jia at Vy na nag-aasaran, wala namang bago.
Alas kwatro y medya na ng hapon at sirado pa ang gate. 5 pm kasi ang uwian namin at 5:30 naman ang college. Si Jazrel naman ay bumalik sa building nila dahil may klase pa daw sila sa last subject habang kami ay tumambay nalang dito.
Panay ang tingin ko kay Mika na nakikipag-usap parin kay Markuz. Nabitin siguro sila sa pag-uusap kanina dahil gusto na ring umuwi ni Ateshi. 5 minutes rin lang kasi ang binigay niya sa 'min.
Pagkatapos mag-usap sila Mika at Markuz ay napagdesisyunan naming pumunta sa Cafeteria para kumain. This time, libre naman daw ni Jia.
Tuwang-tuwa pa si Mika dahil hindi na naman daw siya makakagastos ng pera. Matipid kasi siyang tao kahit milyon-milyon na ang nasa bank account niya.
Hindi naman ako naglalabas ng pera dahil kapag pupunta ako sa cafeteria ay automatic na makukuha ko kung anong gusto ko. Syempre, anak ako ng naka-upong dean eh. Kaya para sa 'kin, easy lang ang lahat. Hindi ko na kailangang gumastos pa. Hindi ko na rin kasi alam kung ilan na ang pera na naipon ko sa bank account ko.
Pagkapasok namin sa Cafeteria ay namili na kami ng puwedeng kainin. Habang namimili ako ay may tumabi sa 'kin. Napatingin ako doon at namalayang si Markuz pala. Ngumiti ako sa kanya ngunit hindi siya ngumiti pabalik sa 'kin.
"May problema ba?" Tanong niya.
Matamlay siyang tumango. "Bakit?" Usisa ko.
"Sumasakit ang puso ko... Gusto ko ng halik mo." Matamlay niya paring sabi. Tumawa ako ng mahina at tinulak siya ng bahagya. Kunwari naman siyang napa-inda sa sakit.
"Aray ko naman, babe... Masakit talaga ang puso ko." Sambit niya pa. Ngumiwi nalang ako ng hawakan niya ang kamay ko. "Kahit himasin mo pa... Makakaramdam ka na may bukol."
Napa-irap akong tumingin sa kanya ay walang ibang nagawa para himasin ang dibdib niya. Wala naman 'yung malisya dahil lalaki siya. Wala naman siyang boobs—I mean, hindi naman malaki katulad sa 'ming mga girls.
Matapos kong himasin 'yon ay tumingin siya sa 'kin. "Oh, diba? May bukol?" Tanong niya.
"Wala naman 'e... Ang scam mo naman!" Umarte ako na parang galit. Bumaling ako sa mga pagkain na nasa harapan ko at namili isa-isa.
"Joke lang naman 'yon. Alam mo babe, mas lalo kang gumanda." Sambit niya. Natigilan ako sa pamimili ng pagkain at tumingin sa kanya.
"Talaga?"
"Joke lang... Two points for Markuz," tawa-tawa niyang sambit. Hindi ako nagsalita. Alam kong napansin niya iyon kaya hinawi niya ang buhok ko.
"Nagkukunwari lang naman. Pero totoo, maganda ka talaga..." Tugon niya. Tumingin ako sa kanya ng tumawa na naman siya.
"Markuz, three points!"
"Alam mo—" natigilan ako sa pagsasalita ng marinig ko ang sigawan sa kabilang stall. Tumingin kaming dalawa ni Markuz doon dahil paulit-ulit na sumisigaw si Jia.
"EWWW! MANYAK KA TALAGANG KUPAL KA!" Sigaw niya habang hinahampas si Vy.
Panay ilag naman si Vy kay Jia at ginawang shield ang dala niyang bag. "Uy, ano ka ba? Anong manyak ang pinagsasabi mo, ah?"
"Manyak! Manyak! Ba't mo inaagaw ang pagkain ko? Hah!?"
Tumawa ako ng mahina. "Hala! Inagaw ko ba ang pagkain mo? 'E ako naman talaga ang nauna doon. Tapos ngayon tatawagin mo akong manyak? Hoy, babae!" Kontra ni Vy. Kung makasigaw 'din 'tong si Vy akala niya babae siya.
"Ano!? Ano!? Gusto mo ulit hampasin kita para mawala 'yang ka-manyakan mo? Bastos kang lalaki ka! Huyyy! Bumalik ka ditoooo!" Sigaw ni Jia, hindi parin siya nakaka-get-over.
Lumapit si Vy sa kinaroroonan namin kaya may tsansa akong tanungin siya. "Anong nangyari 'don?" Tanong ko habang nakaturo kay Jia.
Nagkibit-balikat lang si Vy at tumawa. "Ewan ko, umandar na naman ang tupak."
"Eh bakit ka niya tinatawag na manyak?" Naguguluhan kong tanong. Dahil sa tanong kong iyon ay tumawa ng malakas si Vy, mas malakas kompara kanina.
"Kinuha ko daw ang pagkain niya. HAHAHAHA! Alam mo, Ellah, hanggang ngayon naguguluhan parin kung ako bakit kayo naging kaibigan ni Jia. Ang seryoso mo lagi tapos siya ang slow, may mga language pa siyang alam na hindi naman natin alam. Hula ko taga ibang planeta talaga 'yang babaeng 'yan. Imagine, inagaw ko ang pinili niyang pagkain at tinawag ba naman akong manyak? Lokarits talaga 'yung babaeng 'yon, noh?" Sambit ni Vy saka sinulyapan ng maagi si Jia na ngayo'y kumalma na habang namimili ng pagkain.
|IAN POV|
Pinarada ko ang kotse ko sa payak na bahay. Tulad ng dati, gano'n parin ang ayos nito. Kinakalawan na ang gate na hindi parin napi-pinturahan. Pati ang bubong ng bahay ay wala paring pintura. Kamukhang-kamukha parin noong araw na umalis ako.
Bumaba ako sa kotse at sinuot ang sunglasses ko para walang makakilala sa 'kin. Pinagtinginan ako ng mga tao at halatang nahuhumaling silang lahat sa 'kin dahil nagbubulongan-bulongan sila. Hindi ko sila pinansin dahil hindi sila ang dahilan kung bakit ako pumunta rito.
Naglakad ako papalapit sa gate at binuksan 'yon. Sinalubong ako ng malansang amoy. Hindi ko maipaliwanag kong ano 'yon. Sumilip ako sa nakabukas na pinto at naroon nakalatay ang babae na payat, matamlay, at nanghihina. Natutulog ito at bawat paghinga niya ay nahihirapan siyang guminhawa.
Inilibot ko ang buong tingin sa bahay. Wala paring nagbago. 'Yung arrangement ng mga sofa at lamesa, kagaya parin ng dati. Maamo parin ang mukha ng babae na nasa sofa na natutulog. Mula sa malayo ay pinapanood ko siya. Hindi ko alam ang sakit niya pero na aawa ako sa kanya. Hindi bilang dating asawa, kundi dating kaibigan.
Natigilan ako sa panonood nang marinig ko ang iilang yabag ng paa sa sahig. Nakita ko ang batang babae na may dalang maliit na palanggana at bimpo. Lumapit siya sa babaeng natutulog sa sofa at pinupunasan nito ang katawan ng babae.
Kilala ko ang batang 'yon. S-Siya ang anak ko...
Aalis na sana ako para umalis sa lugar pero natigilan ako nang marinig ang boses ng batang babae.
"Papa?"
~~~~~~~~~~I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (42)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
your story is beautiful so that's how I ended your story and it's not boring to read.
27/12/2021
1so sad
24/08/2024
0ang ganda basahin
17/04/2024
0Tingnan Lahat