Homepage/Tales Of The Hearts/
Chapter 21: The Twisted Fate
~THE TWISTED FATE~
|ELLAH'S POV|
"This song really fits to our story... Because... Only heaven knows." Sambit niya dahilan para matigilan ako. Diretso akong napatingin sa kanyaang maamong mukha. Hindi ko maigalaw ang sarili ko—Parang inaakit niya 'ko.
"This past few days, you are avoiding me. May ginawa ba akong mali? May nangyari ba na hindi maganda?" Naguguluhan niyang tanong. Kita sa mukha niya ang lungkot. Natigilan ako at humakbang papalapit sa kanya.
"I-Im sorry," I said.
"I need the reason, Ell. Hindi kita puwede patawarin kung hindi mo ibibigay ang rason mo." Mahinahon niyang sambit pero may galit sa kanyang tono ng sabihin 'yon.
"There's no reason—I mean, nababahala lang ako. Baka kasi aalis kanalang o hindi mo ako papansinin kapag makikipag-usap ako... Natatakot ako, Markuz..."
"Bakit ka natatakot?" Natigilan ako sa narinig. Dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa 'kin at saka hinawi ang ilang hibla ng aking buhok. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng hawakan niya ang buhok ko. Kakaiba ang dulot sa 'kin n'on. "Hindi ko 'yon magagawa sa 'yo, Ellah. Ikaw ang natatanging rason ko kung bakit ako pumapasok—Ikaw ang natatanging rason ko para lumaban. Ipagtatanggol kita kahit kailan, kahit pa sa huling paghinga ko. P-Pero paano ako lalaban kung iiwan mo rin ako?"
Napayuko ako dahil sa sinabi niya. "My love, my sweetheart, my babe... Your my only reason to stay. Hindi ko hahayaang pati ikaw ay mawawala—Kung mangyayari man 'yon, please, patayin mo nalang ako..."
"M-Markuz..." Nauutal kong tawag sa pangalan niya. "I promise, hindi ko na ulit gagawin 'yon. I will stay beside you no matter what happen. Ikaw lang ang gusto ko—At ikaw lang ang gugustuhin ng puso ko."
Ilang segundo ay naramdaman ko nalang ang pagyakap niya sa 'kin. Tila may pyesta sa puso ko dahil sa saya. Naririnig ko ang pagkabog ng puso ko. Napahinga ako nang malalim ng kumalas si Markuz sa pagkakayakap sa 'kin.
"I love you babe, and I will love you everyday." Sabi niya saka ako hinalikan sa labi. Hindi na ako umangal pa dahil matagal ko na 'yung hinihintay. Hindi ko hahayaang mawala siya. Dahil sa lahat ng meron ako ngayon, siya lang ang natatanging mahalaga.
Bumalik na kaming dalawa sa court pero tapos na ang mga kaklase namin sa pinapagawang activity ni Mrs. Vita. Lumapit ako sa kinaroroonan ni Mika at si Markuz naman ay nagpa-iwan sa labas ng court.
"Oh? Ba't naman yata ang saya-saya mo ngayon? Hoy, girl! Akala mo, ah! Pareha tayong binagsak ni Mrs. Witch 'no!!!" Naloloka niyang sabi. Natawa ako dahil sa kaingayan ni Mika.
"Bakit ako binagsak?" Naguguluhang tanong ko. Diretso naman siyang tumingin sa 'kin saka ako hinampas ng dala niyang folder.
"Ibabagsak kaba kung pumasok ka sa klase! Kakaloka ka talaga noh..." Natatawa niyang saad.
"'E ikaw? Ba't ka binagsak?" Natigilan siya sa ginagawa nang magtanong na naman ako.
"Malamang, zero ako! Kakaloka!"
Bumalik na kaming lahat sa classroom. Nagmistulang hyper si Mika dahil ang ingay-ingay niya. Tinatanong ko naman siya kung bakit ang hyper niya ngayon. Ang sagot niya masaya lang daw siya.
Natapos ang klase namin. Tinignan ko ang suot kong relos at 4:28 na ng hapon. Mabilis lang talaga ang oras... Nandito kaming lahat ngayon sa plaza, nag-mumuni-muni. Katabi ko si Markuz at Mika, nakaupo kasi kami. Si Vy naman at si Jia ay nakatayo habang nag-aasaran.
"Mukhang shokoy! Alisss ka nga!!!" Galit na sigaw ni Jia.
"Hoy little mermaid bakit mo pinapa-alis ang gwapong 'to? Alam mo bang bihira lang na mga babae ang nilalapitan ko tapos pagdating sa 'yo papa-alisin moko?"
"'E ang bantot mo eh... Basta alissss!"
"Aba, ako oa ang mabantot ngayon? 'E 'yang perfume mo pang bata... Ano nga pangalan niyan? Johnson Baby Cologne? HAHAHAHA!!!" natatawang asar ni Vy. Natawa naman si Mika habang si Jia ay maiiyak na dahil sa galit.
"Eh ano naman ngayon, ah? Mabuti nga 'yon kasi maganda ako. 'E sa 'yo, anong perfume mo?" Tanong ni Jia na parang wala lang sa kanya 'yung pang-aasar ni Vy.
"Bench, bakit?"
"Sus, cheap! Alam mo bang pinapabango lang naman 'yan sa aso namin eh? Gusto mo pabanguhan kita? Tutal mukha ka namang aso..."
Hindi na namin sila pinansin pa. Naagaw ni Markuz ang atensyon ko nang hawakan niya ang pulsuhan ko. Napatingin ako sa kanya. "Bakit?" Tanong ko.
"Wala... Gusto ko lang hawakan ang kamay ng babaeng mahal ko." Paliwanag niya.
"Ehemmm! Baka naman, 'yung mga walang jowabelsss!" Sambit ni Jia.
"'E kung ako nalang kaya jowain mo? Bagay naman tayo eh..." Tugon ni Vy sa sinabi ni Jia.
"Shatap!!! Hindi ako makakagusto sa 'yo noh! Hindi ako magkakagusto sa mukhang aso..."
"Hala! Joke lang naman 'yon... Hindi 'din naman ako nagkakagusto sa mga isip-bata eh..."
"Aba! Aba! Sinong isip-bata?" Giit na tanong ni Jia.
"Ikaw isip-bata!"
Lumapit si Jia kay Vy at binatukan ito. Hindi naman umangal si Vy dahil kahit papano, babae parin si Jia—isip-bata nga lang.
Pagkatapos naming mag-usap ay napagpasiyahan na naming lahat na umuwi. Sinabi ko naman kay Markuz na si Jazrel ang maghahatid-sundo sa 'kin dahil nagbakasyon ang driver namin. Hindi naman siya nagalit dahil may tiwala daw naman siya sa akin.
Sumakay ako kay Jazrel nong hapong 'yon at hinatid niya naman ako sa bahay. Tuwang-tuwa si Mommy habang nagpapasalamat kay Jazrel dahil daw pumayag siya na siya ang maghatid-sundo sa 'kin. Hindi ko na pinakinggan ang pinag-uusapan nila dahil umakyat na ako sa kwarto para magbihis. Kinuha ko ang cellphone ko bago humiga sa kama.
Nag-open ako ng device at nakita ko ang message ni Mika.
From: Mika
"Kakaloka!!!! Bati na sila! Yieeee. Ship-ship!!!! Mwahahahaha! Hoy, baka bigyan ka niya ng stick-o ha, hati tayo..."
Nag-reply ako sa kanya.
To: Mika
"Wala siyang binigay sa 'kin, ayos lang naman ako don. Humanap kana rin ng lovelife mo, baka ma-tsambahan na si Bookie ang magkatuluyan mo. HAHAHAHAHA!!!!"
Natawa ako nang ilagay ang cellphone ko sa lamesa na malapit sa kama ko. Si Bookie kasi ang classmate namin na mataba. Tawag sa kanya ng karamihan ay tabachoy dahil first-year highschool to senior high, hindi parin daw siya pumapayat. Ewan ko, baka ang hobby n'on ay kumain. May nakapagsabi 'din kasi sa amin na may restaurant sila... Siya yata ang first costumer.
Natigilan lang ako sa pag-iisip nang biglang mag-ring ang cellphone ko, may nag-text. Kinuha ko 'yon sa table. Inaasahan ko na reply ni Mika 'yon pero nagkamali pala ako.
From: Markuz
"Good evening, babe,"
Napangiti ako at mabilis na nagtipa.
To: Markuz
"Good evening too. Kumain kana jan?"
Nabitawan ko ang cellphone ko nang biglang bumukas ang pinto. Ibinuwal doon si Mommy at lumapit sa 'kin. Hinawi niya ang buhok ko.
"Anak, kain na tayo..." Sambit ni Mommy. Tumango lang ako sa kanya. Sumunod ako kay Mommy pababa sa hagdan para kumain ng dinner. Pagkatapos ko namang kumain ay agad akong umakyat sa kwarto. Hinintay ko ang reply ni Markuz hanggang makatulog na 'ko.
Kinabukasan. Nagising ako at tumayo sa kama. Pumunta ako sa banyo para gawin ang daily routine ko. Maligo, magbihis, mag make-up, at kumain bago pumasok sa BHU. Ilang minuto lang 'din naman ay dumating na si Jazrel para sunduin ako. Nagpa-alam ako kay Mommy saka sumakay sa kotse ni Jazrel para pumasok sa University.
Hindi kami nag-usap hanggang nagmamaneho siya. December 12 na pala ngayon at balita ko ngayon maghahanap ang mga teacher ng contestant for Christmas Party.
Ipinarada ni Jazrel ang sasakyan niya sa tapat ng BHU. Lumabas ako saka nag pasalamat sa kanya. Mabilis akong natungo sa classroom at pagpasok ko ay nandoon na si Mrs. Claire, ang adviser namin.
"Oh, mabuti nalang at nakahabol kapa?" Bungad ni Mrs. Claire sa 'kin. Hindi ko nalang siya pinansin at umupo nalang sa upuan ko.
"Alam niyo naman siguro kung bakit ako nandito 'di ba?" Tanong niya sa buong klase. Minsan kasi ay nandoon sa kabilang building si Mrs. Claire, pumupunta lang siya sa building ng mga SHS sa tuwing may importanteng pagme-meetingan.
"Alam ko na lahat kayo ay gustong maging contestant para sa Christmas Party. Napag-isip-isip ko kagabi na ang pangalan na tatawagin ko ngayon ay may potential na sumali... Please stand if your name is called, children."
Kinuha ni Mrs. Claire ang papel sa bulsa niya at binasa ang mga pangalan na nakasulat roon.
"Ellah Fritzy Brooklyn..." Tawag niya saka nagulat naman ako. Pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko, wala namang bago. Taun-taon naman talaga akong tinatawag kapag nay events sa school.
"Markuz Ian Brix..." Nang tawagin ni Mrs. Claire ang pangalan na 'yon ay agad akong napatingin kay Markuz na ngayo'y nakatayo na.
"At the last... Mikaela Weston." Tumayo si Mika sa kina-uupuan niya at tumingin sa 'kin na nakangiti. Imbes na maging masaya dahil nakuha si Mika ay nagulat nalang ako. Bakit tatlo kaming contestant sa seksyong na 'to? As far as I know, dalawa lang talaga ang puwedeng maging contestant each section.
"Ma'am!" Nagtaas ako ng kamay. Tumingin naman sa akin si Mrs. Claire saka pinagtaasan ako nang kilay.
"Bakit tatlo kaming representative sa section? I thought dalawa lang talaga?"
Ngumiti si Mrs. Claire sa 'kin. "Nagmana ka talaga sa Lolo Dean mo, Ellah. Okay, dahil ikaw na ang nagtanong nito... Iba ang magiging partner mo," binuklat niya ang kulay dilaw na papel at tumingin sa akin.
"Your partner will be... Jazrel Iugeño."
Matapos ang klase namin ay sinabi sa 'min ni Mrs. Claire na may practice daw ngayon sa court. Maraming kaming nandon. Hindi nga ako makapaniwala na si Mika at Markuz ang naging partner. Hindi naman ako galit o ano pero nanghihinayang lang talaga ako—Bakit hindi ako?
Marami kaming nandito sa Court. May mga college, senior high, at junior high. 'Di kalayuan ay nakita ko si Jazrel na papalapit sa gawi ko. Nang tuluyan siyang makarating ay saka niya ako binigyan ng mineral water na hindi ba nabubuksan.
"Thank you," sagot ko at saka tipid na ngumiti.
"You're welcome" sagot naman ni Jazrel.
"Okay, Okay! I know na kayo ang magiging representative ng section niyo... Simulan na natin ang practice, guys!" Sabi ng bakla na nasa unahan. May katabi siyang lalaki na parang partner niya sa pagtuturo sa 'min.
"Okay, girls first! Tignan natin kung paano kayo rumampa, dali!" Dagdag pa ng fafang beki.
Marami kaming napa-praktisan. Kung paano maglakad, rumampa, at anu-ano pa. Ilang oras 'din kaming nasa court hanggang sa napagpasiyahan naming mag-breaktime muna.
Magkasabay kami ni Mika na pumunta sa Cafeteria. Habang naglalakad ay nag-open ng topic si Mika.
"Oh, bakit daw hindi kayo ang ini-partner ni Markuz? Sayang naman 'yon 'di ba?"
Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Ewan ko nga eh... Masyadong nakakapanghinayang. Basta, Mika ah, wag mong alisin ang tingin kay Markuz. Sana bantayan mo siya... Okay lang ba sa 'yo?"
Tumawa si Mika sabay hampas sa braso ko. "Ano kaba! Okay na okay sa 'kin, noh! Kaibigan ko rin naman si Markuz. Ayaw ko 'ding may makikihati sa kanya dahil sa bestfriend ko lang 'yon..."
"Salamat, ah?"
Tumango si Mika. "Ouhm..."
~~~~~~~~~~I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (42)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
your story is beautiful so that's how I ended your story and it's not boring to read.
27/12/2021
1so sad
24/08/2024
0ang ganda basahin
17/04/2024
0Tingnan Lahat