Homepage/Tales Of The Hearts/
Chapter 20: Heaven Knows
~HEAVEN KNOWS~
|ELLAH'S POV|
Maaga akong nagising, hindi ko alam kung bakit. Excited na akong pumasok pero hindi ko alam kung bakit. Bakit ako na e-excite na dapat ay mag-alala ako dahil hindi na kami nagpapansinan ni Markuz.
Napahilot ako sa sentido ko ng maalala ang masasayang araw na kasama kami noon. Parang kailan lang, nag-aasaran, nagtatawanan pero bigla-bigla nalang naglaho ang lahat.
Siya nga pala, nakasakay ako sa kotse ni Jazrel papuntang BHU dahil hindi parin bumabalik si Mang Escob. Sabi ni Mommy next month padaw siya babalik dahil mahaba-haba daw ang bakasyon niya. Hindi ko rin naman masisisi si Mang Escob dahil mahirap talagang mawalay sa pamilya.
Si lolo, hindi ko sigurado kung kailan siya uuwi. Mahaba rin kasi ang seminar nila sa boracay eh... Sabi ni Mommy mga next week na siguro or lalampas pa doon. Mga boards 'din kasi at iba't-ibang dean ang makakasama niya sa ibang mararangyang University.
Nabalik lang ako sa reyalidad nang malamang nasa harap na kami ng gate sa Brooklyn High University. Pinark ni Jazrel ang kotse niya sa Parking Lot bago siya lumabas at pagbuksan ako ng pinto. Kinuha ko ang bag ko at lumabas. Hindi pa ako nakalabas ng mapahinto ako ng tignan niya ko—kakaiba ang tingin niyang iyon.
"Wala man lang bang thank you?" Tanong niya na may halong pang-aasar ang tono. Kung noon ay na aasar ako sa tuwing nakikita o nakakausap ko siya pero ngayon, biglang nagbago ang lahat. Ang kinaayawan ko na Jazrel noon ay bigla nalang naging gusto ko ngayon. Kakaiba ang trato niya sa 'kin, alam kung gusto niya ko at hindi sapat na dahilan 'yon para iwasan ko siya. Nire-respeto ko ang pagtingin niya sa 'kin, nire-respeto ko ang pinagsamahan namin. And I will treasure all of that.
Nahihiya akong ngumiti. "T-Thank you," tugon ko na may pagka-sinsero kahit nauutal ako. Ngumiti rin ng malapad si Jazrel at hinawi ang buhok ko papuntang tenga dahil tinatakpan nito ang aking buhok. Hindi na 'yon bago sa 'kin, marami ang gumagawa ng bagay na 'yon sa akin. Si Mom, si Jazrel—At si Markuz.
"I will love you everyday..." He uttered that make me speechless. Hindi ko alam kung bakit siya napunta sa topic na 'yon. Nang maramdaman niyang hindi ako kumibo ay bigla naman niya akong binigyan ng daan. Dahan-dahan akong tumayo para lumabas sa kanyang kotse.
"So... Have a nice day?" Sambit ni Jazrel.
Tumingin ako sa kanya at saka ngumiti nang matamis. "Same to you," sagot ko.
Nauna akong pumasok sa BHU kaysa kay Jazrel. Habang papasok ako ay nararamdaman ko na naman ang kakaibang awra sa paligid. 'Yung napapa-isip ka na pinagtitinginan ka ng mga tao at inaagaw mo ang atensyon nila.
Di pa 'ko nakakailang hakbang nang kalabwitin ng isang estranghera ang braso ko. Nilingon ko ang babaeng 'yon at nakita ko si Jia. As usual nakasuot ito ng headband na may flower-flower na design. Amoy pangbata 'din ang cologne niya tapos hindi siya nagme-make-up. Naka-ponytail 'din ang buhok niya na hanggang balikat.
"Hi wao! Kamusta, ah?" Bati niya. Tumango ako sa kanya at simpleng ngumiti.
"Okay naman..." Tipid na sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad. Humabol si Jia sa 'kin, marami siyang sinasabi na hindi ko naman pinapansin.
"Diba sabi ko sa 'yo na ayaw ko sa VY na 'yon? Pangit ka bonding, hindi mabiro. Sinabihan ba naman ang Mommy ko na wala daw siyang puke!? Ikaw Ellah, sa tingin mo wala bang puke ang Mommy ko?" Tanong niya dahilan para matigilan ako.
Minsan—I mean... Madalas, hindi nag-iisip si Jia. Hindi ko alam kung na-stack na ba ang utak niya sa pagkabata dahil kahit malaki na siya hindi parin siya nag-iisip ng tama. Parang boobs lang ang lumalaki sa kanya, 'yung pag-iisip niya ay nanatiling maliit kasing liit ng nipple sa boobs niya.
"Ellah, naniniwala kabang walang puke si Mommy?" Pag-uulit niya sa tanong. Naisip niya sigurong hindi ko siya binigyan ng pansin.
Tumingin ako kay Jia dahil sa kakulitan niya. Hindi naman ako gaanong naiirita dahil araw-araw naman siyang ganito. Mabuti nalang talaga hindi kami naging classmate kundi taun-taon kaming ina-awardan ng most talkative of the year.
Sabay kami ni Jia na nagtungo sa building. Siya ang unang nagpa-alam sa 'kin dahil nasa baba lang ang classroom nila. Mabilis naman akong naglakad sa second floor kung saan nakatayo ang classroom namin.
Hindi pa ako nakapasok nang makita ko si Timothy na nasa labas. May hawak siyang sigarilyo habang nakatingin sa kalawakan. Nakikita kasi dito ang labas ng University.
Tumingin ako sa suot kong relos. Alas syete y medya na. Siguro nandito siya dahil maingay sa classroom, hindi rin naman kasi puwede na manigarilyon sa loob. Siguradong wala pa ang first professor namin dahil pa-prente lang siyang umupo habang naninigarilyo.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kinaroroonan niya. Mga ilang araw naring nakalipas ng hindi kami nagpapansinan. Siguro ito na ang tamang panahon para pag-usapan na naman namin ang buhay niya.
Hindi nakikita sa loob ng classroom kung sino ang nasa labas. Nakasarado rin kasi ang pinto ng classroom at bukod doon, walang bintana ang silid dahil may aircon ang bawat classroom dito. Binubuksan lang ang pinto sa tuwing may estudyanteng lalabas o papasok.
Nang maka-abot ako sa kinaroroonan ni Timothy ay umupo ako sa isang silya na katabi niya. "Ayos lang ba ang buhay ngayon?" Pagsisimula ko sa usapan.
Tumingin ito sandali sa 'kin at ini-scan ang kabuuan ng mukha ko. Ilang segundo lang 'din ay ibinalik niya ang kanyang tingin sa kalawakan. Kulay asul na langit, ang pagsikat ng araw, at ang nagliliparan na mga ibon. Napakagaan sa pakiramdam.
"Okay lang naman," narinig kong sagot niya na napakatipid. "Bakit ka nandito?"
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam eh... May nag-pwersa lang sa 'kin na puntahan kita para kamustahin... Okay ka na ba?" I ask him.
Mahina siyang nagbuntong-hininga. "Okay lang naman... Okay na kami ni Mika, hindi niya na daw maibibigay sa 'kin ang hinihiling ko. Pero okay nako 'don." Ngumiti siya at tumingin sa 'kin. "Salamat sa 'yo..."
"Walang anuman," tugon ko.
Matapos ang usapan naming iyon ay dumating na ang first subject namin. Nagturo ito ng iba't-ibang sistema ng computer at anu-ano pa. Hindi ko naman binigyan pansin dahil hindi naman ako nagme-mekaniko.
Dumating ang favorite kong subject—Ang Reccess. Sabay-sabay kaming magkakaibigan na pumunta sa Cafeteria. Ako, si Mika, si Jia, si Vy, at si Markuz na wala paring imik hanggang ngayon. Hindi ko alam kung matitiis niya ba ang ganyan—na hindi ako kinakausap.
Pansin kong laging nag-uusap si Markuz at Mika pero hindi ganoong pumapansin si Markuz. Tipid lang siyang sasagot o tatango. Wala naman 'yung problema sa 'kin dahil kaibigan ko si Mika.
Napagpasiyahan naming lima na umorder ng pagkain sa Cafeteria at sa Park nalang 'yon kainin. Si Vy at Jia ay nag-aasaran na naman. Hindi siguro matatapos ang araw kung hindi sila nag-aasaran. Para silang aso at pusa—Tutal kamukha naman nila.
Maraming inorder si Mika. Isang tray ng fries, dalawang box ng pizza, limang okinawa milktea at limang burger. Treat daw ni Mika kasi nakuha na niya ang allowance niya kahapon.
"So guys, kumain na kayo, ah?" Sambit ni Mika at saka tumingin kay Markuz. "Kumain kana rin, wag ka ng mahiya," nakangiting dagdag ni Mika.
Nakita ko ang bahagyang pagtango ni Markuz. Parang iba ang pakiramdam ko sa nakita—parang naiwan ako. Alam kung hindi ko 'to dapat maramdaman. Walang kami ni Markuz at kaibigan kami ni Mika... Ang labo.
"Oh, kayong dalawa! Nag-aasaran na naman kayo?" Baling ni Mika kay Vy at Jia na nagbabangayan na naman.
"Ito kasing pinsan mo eh! Kung maka-asar akala mo perfect ang kumag, 'e pinulot lang naman sa basurahan!!!" Giit ni Jia, halatang galit dahil ang pula ng mukha niya.
"Ano!? Ano!? Ako? Pinulot sa basurahan? Hoy, inday, kung sabihin ko sa 'yo... Hindi pinupulot sa basurahan ang mga gwapo!" Bawi naman ni Vy na tinuturo pa ang sarili.
Hindi ko na sila pinakinggan at kumain nalang ng burger at pizza. Ilang sandali ay nag-asaran na naman ang dalawa. Hindi talaga sila titigil sa pagbabangayan kapag nakikita nila ang isa't-isa.
"Ingay mong bakla ka! Ba't kaba nandito, ha? Bawal sa grupo namin ang bakla!" Sigaw ni Jia na halatang na aasar na talaga.
"Aba'y, lupet nito! 'E kung basagin ko kaya 'yang matress mo?" Natatawang asar ni Vy.
"'E kung tadyakan ko kaya 'yang betlog mo?" Bawing pambabara ni Jia.
Natawa nalang kami sa kalokohan nila. Hindi na namin sila pinansin dahil nasasayang lang ang oras nila. Naiisip ko, paano kaya kapag naging classmate ang dalawang 'to? Lahat siguro na prof na huma-handle sa kanila ay mai-stress at magre-retire.
Pagkatapos naming kumain ay agad naman kaming pumunta sa classroom. Si Vy at Jia ay hindi parin tumitigil sa pagbabangayan. Kami ang nahihiya sa kanila eh...
Pagpasok namin sa classroom ay saktong pumasok narin si Mrs. Vita, ang Physics Teacher namin.
"Okay class, please wear your PE Uniform dahil may gagawin tayo ngayon. After, please proceed to stage. Doon natin gagawin ang activity. Gets niyo?"
Tumango ang lahat ng klase, maging ako. Natawa ako ng mahina. Sa tuwing may sinasabi kasi si Mrs. Vita ay hindi nawawala sa speech niya ang gets niyo?
Sabay kaming pumunta ni Mika sa locker at sinuot ang PE Uniform namin. Ang mga lalaki naman ay nasa kabila. Iba kasi ang locker ng mga lalaki at iba 'din sa mga babae.
"Tapos kana?" Tanong ni Mika nang makitang nagsu-suot nako ng T-shirt.
Tumango ako sa kanya. "Oo, hindi ba halata?" Sarkastikong tanong ko pero nagbibiro lang talaga ako.
"Grabe ka naman... Hindi puwedeng nagtatanong lang?" Natatawang sambit ni Mika.
"Joke lang naman," tugon ko. Sinuri ko ang mga sulok ng locker para hanapin ang sapatos ko pero wala akong nakita doon.
"May nawawala ba?" Tanong ni Mika.
Tumango ako sa kanya. "Oo eh... Naiwan yata sa classroom ang sapatos ko." Paliwanag ko.
"Naku, girl, malapit na ang oras, oh. Alam mo namang strikto si Mrs. Vita 'di ba? Sige na, kunin mo na ang sapatos mo. Ako na bahalang magpapaliwanag kay Mrs. Witch..." Natatawang aniya. Tumango ako kay Mika at mabilis na tumakbo papalayo.
Nagtungo ako sa building. Tinignan ko ang relos ko habang tumatakbo. 1:22 pm na at 1:30 mag-i-start ang activity namin. Hindi ako puwedeng mahuli dahil paniguradong may punishment na naman akong matatanggap.
Natigilan ako nang makarinig ako ng kakaibang tunog sa isang silid. Namalayan kong galing pala 'yon sa Music Room. Dahan-dahan akong lumapit sa Music Room na 'yon ng marinig ko ang pag-strum ng guitar.
Nang tuluyan akong makalapit ay sumilip ako sa maliit na bukas ng pinto. Nakita ko ang isang lalaki na nakasuot ng PE Uniform. Nakapikit ang mata niya at buhaghag ang buhok. Pinapakiramdaman ang musikang gustong ipatugtog.
Nagsimulang mag-strum ang lalaki. Pamilyar ang kantang gusto niyang kantahin. P-Parang narinig ko na 'yon dati.
She's always on my mind🎶
From the time I wake up 'til I close my eyes🎶
She's everywhere I go🎶
She's all I know🎶
Naalala ko! Ito ang kantang tinuro sa 'kin ng teacher namin noong elementary. Isa ito sa paborito kong kanta pero nakalimutan ko na ang pangalan.
Tinignan ko ang lalaki na nagpatugtog n'on. Napakaganda ng boses niya. Hindi malakas ang tono ng kanta ay hindi rin gaanong kababa. Sakto lang at talagang na aayon sa lyrics ng musika.
And though she's so far away🎶
It just keeps gettin' stronger, every day🎶
And even now she's gone🎶
I'm still holding on🎶
So tell me where do I start🎶
'Cause it's breakin' my heart🎶
Don't want to let her go🎶
Napakagaan sa pakiramdam. Gusto ko na sanang umalis pero hindi ko kaya. Parang gusto pang manood ng mata ko. Kung paano siya tumgtog—Nakaka-relax sa pakiramdam.
Natigilan lang ako sa panonood sa kanya ng unti-unti niyang buksan ang talukap ng kanyang mga mata.
Maybe my love will come back some day🎶
Only heaven knows🎶
And maybe our hearts will find a way🎶
Only heaven knows🎶
And all I can do is hope and pray🎶
'Cause heaven knows🎶
Kasabay ng chorus ng kanta ay nagtama rin ang tingin naming dalawa. Tila libo-libong boltahe ang sinaksak sa katawan ko dahil nararamdaman ko ang kakaibang pakiramdam—Ang hiya na may dalang kilig.
My friends keep tellin' me🎶
That if you really love her🎶
You've gotta set her free🎶
And if she returns in kind🎶
I'll know she's mine🎶
So tell me where do I start🎶
'Cause it's breakin' my heart🎶
Don't want to let her go🎶
Tumayo ng dahan-dahan ang lalaki na kanina ay naka-upo habang kinakanta ang heaven knows. Lumapit siya sa kinaroroonan ko. Gusto kong umatras at tumakbo papalayo pero parang natutuod ako sa kinatatayuan ko. H-Hindi ako makagalaw...
Maybe my love will come back some day🎶
Only heaven knows🎶
And maybe our hearts will find a way🎶
Only heaven knows🎶
And all I can do is hope and pray🎶
'Cause heaven knows🎶
Isang metro nalang layo niya sa 'kin. Tatakpan ko na sana ang mukha ko pero bigla nalang bumukas ang pinto. Tila bumagal ang oras dahil sa segundong 'yon, nasilayan ko muli ang mukha niya. Tumingin siya sa 'kin na may galak sa kanyang mga mata. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang hagkan. Pero bakit ganito? B-Bakit hindi ko magawa ang gusto ko?
"This song really fits to our story... Because... Only heaven knows." Sambit niya.
~~~~~~~~~~I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (42)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
your story is beautiful so that's how I ended your story and it's not boring to read.
27/12/2021
1so sad
24/08/2024
0ang ganda basahin
17/04/2024
0Tingnan Lahat