CHAPTER 7

Chapter 7: The Christmas Ball
3rd Person's POV
Maagang nagising sina Denise, Jia at Hanna. Hindi na nila kasama si Kia sa apartment dahil lumipat na ito sa condo na pinabili sa magulang ilang linggo na ang nakakaraan.
Nagtatawanan at naga-asaran sila habang nakain ng almusal. Pinag-uusapan nila ang pakikipag-usap na magaganap sa clubroom para sa naging desisyon nila.
"Ayos lang ba talaga sayo Denise?" tanong ni Jia dito. "Pwede ka naman tumanggi Denise, ayos lang naman sa aming lahat" nakangiting ani nito dito.
Alam ni Denise na taliwas sa sinasabi nito ang kagustuhan. Saksi siya sa kasiyahan ng mga kaibigan ng malaman ang tungkol sa christmas ball.
"Ano ka ba Jia, okay lang 'yon no at saka alam kong mas masaya tayong lahat pagnaka-attend tayo" nakangiting ani niya sa kaibigan.
"Pero Denise ayaw naming mapahamak ka." malungkot na tugon ni Hanna.
"Ano ba naman kayo? Christmas ball 'yon wala naman sigurong mangyayari sa akin diba? And also you guys are there kaya kampante akong walang mangyayari" siguradong ani nito sa dalawang kaibigan.
Pagkatapos ng agahan ay naghanda na sila para pumasok sa school. Nauna na sila Jia at Hanna sa kaniya dahil maagang dumaan sina Jay upang sunduin ang dalawa.
"Bye Denise! Kita nalang tayo sa school!" sigaw ni Jia habang sinasara ang pinto ng van.
"Bye! Ingat kayo!" balik na sigaw niya dito. Maya maya pa'y dumating na si Brix upang sunduin siya.
Bumaba ito ng sasakyan upang pagbuksan siya ng pinto ngunit bago pa siya makakapasok ay ninakawan na siya nito ng halik.
"Good morning baby!" masayang bati nito sa kaniya. Napangiti na lang siya sa kakulitan nito.
"Good morning Brix" ngising bati niya dito bago dali daling sumakay sa sasakyan nito.
Napailing na lamang si Brix na umikot papuntang driver's seat dahil sa kapilyahan ng nobya. Pagkasakay niya ay agad niyang pina-andar ang sasakyan. Buong byahe ng dalawa'y puro sila asaran.
Denise's POV
Mabilis na lumipas ang maghapon namin kaya nandito na uli kami sa clubroom. Hinihintay namin ang pagdating ng student councils upang maibigay ang kasagutan namin.
Habang naghihintay ay nag-aasaran ang lahat. Napansin kong wala si Shia sa loob kaya napabaling ako kay Xandira.
"Nasaan si Shia?" tanong ko dito. Napalingon naman si Xandria sa paligid dahil sa sinabi ko.
"Baka nasa library." tipid na ani nito sa akin. "Naiingayan siguro sa mga animal na yan kaya naghanap ng tahimik na lugar para makapagbasa" dagdag pa nito na nakapagpangiti sakin. Madalas na siyang dumaldal ngayon hindi kagaya dati.
"Shut up Rye! Wag mo akong simulan ngayon kung hindi lilipad sa'yo ang libro na hawak ko!" rinig kong sigaw ni Risa kay Rye kaya napalingon kami ni Brix sa kanila.
"Napakasadista talaga ng babaeng 'yan ano kaya nagustuhan ni Rye diyan?" mahinang bulong sa akin ni Brix na nagpatawa sa akin.
Tunay naman kasing napakasadista ni Risa. Kasalanan din naman kasi ni Rye wala na itong ibang ginawa kung hindi asarin ito.
"Pwede bang labi mo nalang ang lumipad sa akin, love?" ani ni Rye na nagpatawa sa aming lahat. Nagpupuyos sa galit namang tumayo si Risa para sapakin si Rye na nagmamadaling tumakbo.
Naghabulan ang dalawa sa loob kaya naman mas lalong umingay. Napansin ko naman si Akira na nakapikit at may suot na earphones.
"Hula ko tatayo ang pinsan mo mamaya at babatukan ang dalawa para tumigil." ani ko kay Brix na nagpatawa sa kaniya.
"Alam mo baby, kill joy kasi talaga 'yang pinsan ko na iyan e HAHAHAH" ani nito. Sabay kaming napalingon muli kay Akira ng tumayo ito.
Hinarangan nito ang dapat dadaanan ni Rye kaya napahinto ito samantalang nauntog naman sa likod ni Rye si Risa. Mabilis na lumapit sa dalawa si Akira at pareho itong binatukan.
"Ang ingay niyong dalawa, Hindi ako makatulog" naiinis nitong ani bago lumapit sa amin ni Brix na parehong natawa dahil sa tama ang hula ko.
Tumabi siya kaliwa ko at yumakap sa braso ko. Kakaiba talaga ang ugali ng babaeng ito kapag inaantok. Nakabusangot namang nakatingin si Brix sa kaniyang pinsan habang tuloy na uli ang kulitan ng iba sa mahinang paraan.
Natigil naman ang asaran naming lahat at naiinis na napatunghay si Akira sa tabi ko ng bumukas ang pinto. Pumasok mula dito ang student councils na ikinabusangot ng mukha ni Akira.
"Didn't he knows the word knock?" naiinis nitong bulong na ikinatawa ko. Tumayo na si Akira at Xandria upang salubongin ang mga bisita.
Tatayo na din sana ako ng hawakan ni Brix ang kamay ko. Umiling ito kaya napaupo akong muli.
"Let them handle this baby" ani nito bago dumulas ang kamay nito sa kamay ko. Pinaglalaruan niya na naman ang mga daliri namin.
"Pumapayag kami sa gusto mo. Sa isang kondisyon." malamig na ani ni Xandria dito na nagpataas sa kilay ni Erix.
Napalingon uli ako sa gawi nila. Habang si Brix naman ay nakasandal na sa akin. Nakitang kong napasulyap si Erix sa gawi namin. Nakatitig ito sa akin, wait.. sa akin nga ba? Napalingon ako sa likod ko at nakitang tahimik na nakatingin si Diana kay Danna hindi magawang humarap sa harapan niya. Napabuntong hininga ako dahil mukhang alam ko na ang nangyayari.
"At anong kondisyon naman?" tanong ni Erix kay Xandria matapos bawiin ang tingin kay Diana.
"You won't do anything stupid on Denise. Once na may nagawa kang mali sa kaniya aalis ka sa pagiging student council president ng school." madiing ani ni Akira kay Erix. Napaisip naman ako, gan'on ba talaga kadelikado ang Erix na iyan?
"Fine. Unless she initiated first." mayabang na ani nito bago sumulyap kay Brix. Ramdam kong humigpit ang hawak ni Brix sa kamay ko kaya hinawakan ko ang kamay nitong nakahawak sa akin.
"Ang kapal din naman pala ng mukha mo para isiping gagawin ni Denise 'yon" maanghang na sabat ni Jay sa usapan.
"Why not Jay? You don't know her!" naiinis na sigaw ni Kia kay Jay bago ako tiningnan ng masama.
"Of course we know her! Even you, I know you know her well kaya imposibleng magawa niya sinasabi mo Kia!" narinig kong ani ni Jia dito. Natameme naman si Kia sa narinig at umirap sa akin.
"You can bring your dogs outside. Nasabi na namin ang sagot at kondisyon namin Cuevas" malamig na ani ni Xandria na nagpatayo sa balahibo ng lahat.
Pagkaalis ng mga student councils ay siya namang dating ni Shia. May dala itong meryenda kaya nagtakbuhan sa kaniya ang lahat. Binitiwan naman ni Brix ang kamay ko at tumayo para kumuha ng pagkain.
"Don't worry we won't let them hurt you." masuyong ani ni Akira sa akin matapos bumalik sa tabi ko. Yumakap itong muli sa braso ko at natulog. Napa-poker face naman si Brix ng bumalik ito dahil sa pinsan. Napailing na lang ako sa dalawa habang natatawa. I just hope hindi mauwi sa anong gulo ang Christmas ball.
3rd Person's POV
Naghahanda na ang magkakaibigang sina Jia, Hanna at Denise para sa gaganaping ball mamayang gabi. Hindi na nila nasunod ang mga gustong kulay dahil nagkaroon ng color code sa ball. Black and White.
"Ang ganda mo talaga Denise! Mas mai-inlove lalo si Brix sayo niyan e" nakangiting saad ng dalagang si Hanna sa kaibigan.
"Ang kaso nga lang hindi siya ang kasama mo mamaya maglakad sa entrance" malungkot na saad naman ni Jia.
"Ano ba kayo guys? Cheer up okay? Saka kahit hindi kami ang magkasama maglakad mamaya siya pa rin boyfriend ko." pag-iiba niya sa usapan.
Ang totoo ay kabadong kabado si Denise hindi niya alam ang maaring mangyari. Maya maya pa'y dumating na si Brix nakasuot ito ng puting tuxedo na bagay na bagay dito. Napapatiling nakatingin sa kanilang dalawa ang dalawa niya pang kaibigan.
"Go! Alis na! Nabi-bitter kami sa inyo eh!" pakunwaring naaasar na ani ni Jia sa kanila.
"Bagay na bagay talaga kayo!" kinikilig na ani ni Hanna.
Natatawa namang napalingon siya kay Brix. Nakatitig ang lalaki sa kaniya na animo'y isa siyang kakaibang bagay na may kakaibang halaga.
"You're so gorgeous Baby" puno ng pagmamahal na ani nito kay Denise.
"And you look handsome too" nakangiti ng puri sa binata bago tuluyang lumapit dito.
Hinapit siya ng binata palapit at malamyos na hinawakan ang kaniyang pisngi. Mapupungay ang matang nakitingin ang binata sa dalaga.
"Remember baby, just shout my name I'll come and get you. Okay?" malambibg na ani nito.
"Oum.. I promise" tugon ng dalaga dito.
"Hoy lovebirds! May plano pa ba kayong umalis?" nakataas na kilay na sigaw ni Jia sa dalawa.
"Oo na, lalayas na nga" natatawang ani ni Denise dito. Nagtungo na ang dalawa sa sasakyan at umalis.
Denise's POV
Pagdating namin ni Brix sa school gymnasium ay naghihintay na sila Akira kasama ang iba pa. Kasunod lang din naming dumating ang van nila Jay kaya kumpleto na kami. Sa bandang unahan naman malapit sa entrance ay kita namin ang student councils.
Nakita kong nakatingin si Kia sa gawi namin nang mapansin nitong nakatingin ako sa kanya ay umiwas ito ng tingin sa akin.
"I think you guys should go with them" nakaiwas ang tingin na sabi ni Risa sa amin.
"You know, that I always love you right? Just call me and I'll forget about the deal to go to you." malambing na ani ni Rye sa kaniya. Napangiti na lamang ako sa dalawa.
"Umalis ka na din Enzo. Hinihintay kana ng date mo." ramdam ko ang sama ng loob ni Lea sa sinabi.
"Hindi mo ba ako pipigilan?" pilit na ngiting ani ni Enzo sa kaniya. Hanggang ngayon ganiyan pa rin sila.
"Bakit naman kita pipigilan?" mataray na tanong nito. "Wala namang dahilan para pigilan kita diba?" dagdag nito bago umiwas ng tingin.
"Oo nga naman. Bakit nga naman mo ako pipigilan HAHAHA" tumalikod ito pagkatapos iyon. "Puntahan ko na si Mia baka sakaling may mas paki sa akin 'yon" dagdag nito bago naglakad palayo sa amin.
"Sundan mo! Wag kang lalandi sa clown mong kaibigan sasapakin kita!" utos ni Risa kay Rye na nagpatawa ng mahina sa iba sa amin.
"Aye aye master!" ninakawan pa nito ng halik si Risa bago tumalikod at sundan si Enzo.
Napatingin naman ako kay Lea. Ang iba sa amin ay naghihintay din sa paliwanag nito sa nangyari. Mapait na ngumiti si Lea sa amin na medyo naluluha na.
Mabilis akong lumapit dito upang aluhin ito. Gayondin ang ginawa ni Sandra.
"What happened? Anong kaartehan 'yon?" tanong ni Cali dito. Minsan talaga mga pasmado ang bunganga ng mga kaibigan namin.
"Totoo naman kasi ang sinabi ko ah? Pero bakit ang sakit sakit?" naiiyak na tanong nito sa amin.
Lumapit sa kaniya si Yena. Ang akala namin ay aaluhin niya si Lea ngunit nagulat kaming lahat when she slapped her.
"What was that for?!" hindi makapaniwalang tanong ni Dreana. Walang ganang nilingon ito ni Yena.
"She needs that para magising siya sa katangahan niya." naiinis na ani nito bago bumalik sa tabi ni Gail.
"Ano ba talagang nangyayari? One week lang akong nawala pagbalik ko ganito na?" naiinis na tanong ni Dreana.
"Dreana enough. Hayaan na lamang siguro natin si Lea na matauhan sa sarili niyang katangahan." sabi naman ni Sandra.
"I think that's right. Enough with this, hindi pa ba kayo lalapit sa kanila Denise at Jay?" nagtatakhang tanong ni Xandria sa aming dalawa.
Naramdaman kong hinawakan ni Brix ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya. Kita sa mata nito ang pagaalinlangang paalisin ako.
"Yeah. I think it's time baby." pilit na ngiting sabi ko sa kanya. Napapikit ito ng mariin bago ako muling tiningnan ng taimtim.
"Always remember what I said earlier, okay? I love you" malambing nitong ani sa akin bago ako hinalikan sa noo.
"Always, I love you" ngiti kong sabi dito bago humarap kay Lea.
"I suggest you two should talk about it before it's too late. Hindi natin masasabi ang pwedeng mangyari sa hinaharap so I suggest that." tipid na ngiting ani ko sa kaniya.
Lumapit sa akin si Jay kaya napalingon ako kay Brix. Nakatingin itong mabuti kay Jay.
"Take care of her, I trust you Jay" mahinang ani nito dito. Jay just nodded his head at him.
We walked our way to the student councils place. Malayong tingin naman ang nabungaran ko kay Erix. Alam ko na agad na si Diana ang tinitingnan nito.
"Why don't you invite her instead? Hindi yung tinitingnan mo lang siya mula sa malayo." simpleng saad ko sa kaniya kaya napukaw ko ang atensyon niya.
Napatingin ito sa akin na nakataas ang kilay. Sinabayan ko rin ang pagtaas ng kilay nito. Ito naman ang unang nagbaba at napailing.
"No wonder kung bakit baliw na baliw si Brix sa'yo" he said with a ghost of smile on his lips.
"And no wonder kung bakit ginagawa mo 'to. Really? Just to make her jealous you go this far?" saad ko na nagpatigil sa kaniya. Napalunok ito pagkatapos ay umiwas ng tingin sa akin.
Napalingon naman ako ng bahagya kay Jay at Kia na nag-uusap. Mukhang seryoso ang usapan nilang dalawa dahil walang ekspresyon ang mukha nila pareho.
"She's hurt. Not because she's jealous of you but because the man she loves is hurting." ani ng lalaking aking katabi. Napaangat ako ng tingin sa kaniya at masama siyang tiningnan.
"Yeah. And your girl is also hurting because of this shits that you're doing." pabalang kong saad sa kaniya bago humalukipkip dito.
"She's not. She loves someone else now. Kaya nga siya nakipaghiwalay sa akin e" mapait nitong tugon habang ang mga mata'y nasa harapan pa rin.
"Why don't you ask her? I don't think she doesn't love you anymore." saad ko dito na nagpalingon sa kaniya sa akin.
Bago pa ito magsalita ay isa-isa na kaming pinapasok sa loob. Sabay kaming dalawa na naglakad papasok hawak ko ang kaniyang braso.
"You think she still loves me?" tanong nito habang papalapit kami sa assign seats namin.
"Oo, nalaman ko 'yon sa mga tingin pa lang niya sa'yo. Talk to her before it's too late." ani ko sa kaniya matapos kaming maka-upo. Mabilis itong tumayo uli.
"Wait here, I'll call your boyfriend to get you" ani nito bago nagmamadaling umalis sa mesa namin. Napalingon ako sa kaniya na papunta sa kabilang side ng gym.
"What happened Denise?" napalingon naman ako sa kaliwa ko ng magsalita si Rye. Nginitian ko ito bago sumulyap sa katabi niyang malungkot.
"Just a little advice to save our ass here." proud na sabi ko dito. Napangiti naman ito sa akin bago bahagyang natawa.
"Should I thank you then?" natatawang ani nito. Napalingon naman ako kina Jay at Enzo na may nagtatakang mata. Nagkibit balikat lang ako sa mga ito.
Bago pa ako makasagot kay Rye ay napatigil na ako ng maamoy ang pamilyar na pabango na 'yon.
"What did you do baby? Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin sa lalaking 'yon?" bungad na tanong sa akin ni Brix. Napatawa ako ng bahagya bago tumayo upang mapantayan siya.
"Just something that can save our us here" I smiled sweetly at him na nagpatawa sa kaniya.
"What are you waiting boys? Our little princess here just save your ass. Stand up and get your girls. Kanina pa silang mga nakabusangot." natatawang ani nito habang ang mata ay nakatingin sa akin.
"What do you mean Dawson?" naguguluhang tanong ni Mia kay Brix.
"He changed his mind?" naninigurong dagdag nito.
"Yes, he also told me to tell this to you girls. He's sorry for bringing you in this mess" tipid na ngiting sabi ni Brix sa mga ito.
Mia smiled like she's relieved. Tiningnan ko naman naman si Kath at ganon din ito. Habang nawala naman si Kia at Jay sa pwesto nila kanina. Si Shasha naman ay tahimik lang na tila walang pakialam sa nangyari.
"You can go Rye. I'm sorry for what happened." mapait na ani ni Kath kay Rye. "Tell to your girl that we didn't intend to planned this" dagdag pa nito. Hindi ko na napigilan ang sarili at sumabat na sa usapan.
"Don't worry I'll her. Why don't you girls join us?" anyaya ko sa mga ito. Mabilis naman na umiling sa akin ang dalawa habang si Shasha ay wala pa ring pakialam.
"No Denise it's alright, maybe next time?" tipid na ngiting ani sa akin ni Mia. "I'm sorry Enzo to ruin what you had with her. I didn't want that to happen" mahinang ani nito pagkabaling kay Enzo.
"It's okay. After all she didn't even consider what I've done" mapait na ani nito na nagpalungkot sa akin.
"Talk to her Enzo. Naguguluhan lamang siya" pagpapalakas loob ko dito. Napalingon naman ako kay Brix ng hawakan ako nito sa bewang.
"Let's go baby? Everyone's waiting for us" bulong nito sa tainga ko. Napailing nalang ako sa kalokohan nito. Humarap uli ako sa mga babae.
"We'll go ahead. Enjoy the night!" I sincerely said at them bago ako hilahin ni Brix paalis.
Nakasunod naman sa amin si Rye at Enzo. Habang papalapit kami sa pwesto ng iba naming kaibigan ay natanaw kong naguusap si Erix at Diana sa may gilid. Sa kaliwa ko naman ay nakita ko si Jay at Kia na nagsasayaw.
"Denise!" sigaw ni Jia at talagang kumaway pa sa akin. Sabay sabay kaming napatawa sa kalokahan nito.
"Hindi naman pala talaga masama ang ugali ng ulaga na 'yon" sabi ni Sandra ng makalapit kami sa pwesto nila.
Pinaghila naman ako ng upuan ninBrix kaya naupo na ako. Katabi ko naman sa kaliwa si Dreana at sa kanan naman ay si Brix.
Mukhang naka-assign ang mesa na ito para sa journalism club dahil tama lang ang laki nito para sa aming lahat.
Nasa kanan ko si Brix na katabi si Cali sa tabi naman ni Cali ay si Farah at sa tabi ni Farah ay ang pinsan niyang si Rye. Sa tabi naman ni Rye ay si Risa na masama ang tingin sa lalaki sa tabi ni Risa ay si Gail na napapairap sa dalawa sa tabi nito ay si Yena. Sa tabi ni Yena ay si Akira at katabi naman ni Akira si Xandria na katabi si Ethan. Sa tabi ni Ethan ay ang tahimik na si Shia katabi si Sandra na katabi naman ni Danna sa tabi ni Danna ay bakenteng upuan na katabi ni Lea. Sa tabi ni Lea ay si Enzo na tahimik lang na nakatitig sa baso niya katabi naman niya si Hanna na katabi si Jia. Nasa tabi naman ni Jia si Shia na tahimik lang na busy sa cellphone at sa tabi nito ay si Dreana na nasa kanan ko. Paikot ang mesa at sakto ang laki nito para sa aming lahat.
Maya maya naman ay tumayo si Lea  kaya napatingin kami sa kaniya. Tipid itong ngumiti sa aming lahat.
"Cr lang ako guys" ani nito bago nagmamadaling umalis. Nilingon ko naman agad si Enzo.
"What are you waiting for?! Go! Follow her!" naiinis na ani ko dito. Napatango naman ito bago umalis at sundan si Lea.
"Pupusta ako ng 500 matatapos ang gabing ito na magkakaaminan ang dalawa" sabi ni Rye kay Risa. Napataas naman ang kilay ni Risa.
"Okay, I'll bet 500 na hindi aamin si Enzo kasi torpe siya" mayabang nitong sagot dito. Napa-face palm nalang kaming lahat sa dalawa dahil pag kalokohan ay magkasundong magkasundo sila.
"Childish." rinig kong bulong ni Shia. Napatawa kami na ikina-simangot ni Risa. Hinila naman ito ni Rye para mayakap.
"Baby..." bulong ni Brix sa akin na nagpatigil sa tawa ko. Napalingon ako dito na bigla kong pinagsisihan.
"W-what?" nauutal na sagot ko dito dahil sa lapit ng mukha namin sa isa't isa. Biglang naghiyawan ang mga kasama namin na nakapagpalayo sa akin sa kaniya.
"Yown! Ibang klase talaga si pareng Brix. Humuhokage e! HAHAHA" sigaw ni Rye kaya naman mas pinamulahan ako ng mukha. Siniko ito ni Risa.
"Stop it guys HAHAHA my baby is blushing" mapang-asar na ani ni Brix sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin at hinampas sa braso.
"Ikaw kasi! Ano ba kasi ang kailangan mo at bulong ka ng bulong diyan?" naiinis na tanong ko dito habang namumula pa rin.
"I just want to ask you to have a dance with is it a bad thing?" napapa-cute nitong tanong sa akin. Napairap at napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya.
"Okay. Fine!" kunwaring napipilitan kong tugon.
Tumayo na kaming dalawa at nagpunta sa dance floor. Bago kami makalayo ay nahagip ng mata ko ang pagtayo ni Rye at Risa saka nina Xandria at Ethan patungo din sila sa dance floor. Sa kanan ko naman ay napansin ko sila Lea at Enzo na nagsasayaw.
Bumalik naman sa kasalukuyan ang ang diwa ko ng hawakan ni Brix ang dalawa kong kamay at ilagay ito sa kaniyang batok. Hinapit niya ako sa bewang palapit sa kaniya bago kami nagsimulang magsayaw.
"Baby, what's your plan after the graduation?" tanong nito habang titig na titig ang mapupungay nitong mata sa akin.
"I'll look for an entertainment to apply for being a writer." saad ko dito at ngumiti. Nginitian din ako nito kaya napaiwas ako sa kaniya.
"When will you plan to get married?" tanong muli nito habang patuloy kami sa pagsasayaw.
"Maybe if I have stable work. Why?" ani ko dito. "Are you planning to ask me?" nakataas na kilay kong tanong.
Tumawa naman ito ng malakas kaya napalingon ang mga nasa tabi namin. Napasubsob ako sa dibdib nito dahil sa hiya.
"Ang cute mo talaga baby." ani nito bago ako hinalikan sa ulo. Magkayakap na kaming nagsasayaw sa gitna ng dance floor.
Natapos kaming  magsayaw at muling naupo. Buong gabi ay napuno ang mesa namin ng tawanan at asaran. Bumalik na din sila Lea at Enzo sa mesa samantalang natalo ni Rye si Risa kaya badtrip ito sa kaniya.
Matapos ay party hinatid ako ni Brix pauwi sa apartment. Nag-ayos lang kami nila Hanna ng walang imikan bago pabagsak na nahiga sa kama at nakatulog.

Komento sa Aklat (16)

  • avatar
    Lovely Tabalba

    loveeeyaaaa

    18/10/2023

      0
  • avatar
    Tyron Selorio Bucs

    I love it

    03/04/2023

      0
  • avatar
    Romel Calumba

    that's cool

    28/03/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata