Homepage/On My Way To You/
CHAPTER 6
Chapter 6: Uninvited Visitors
Denise's POV
Time flies like the changing of the weather. Yes. Napakabilis ng panahon parang kahapon lang nagpaplano lang kami ng about sa foundation day. Samantalang ngayon malapit na ang Christmas break. Yeah, time flies that fast.
Maraming nangyari sa loob ng ilang buwan naming pagsasama. Nandiyan ang pag-amin ni Xandria at Ethan na dating na sila matapos naming mahuli ang dalawa sa garden na sweet sa isa't isa. Oo, madalas na ding ngumiti si Xandria dahil dito. Habang sina Risa at Rye ay yinanig ang mundo namin sa kanilang relationship status sa facebook last month. Hindi namin akalain na yung mga selosan nila noon ay may label pala. Samantalang sina Lea at Enzo ay puro banatan pa rin ang alam.
Bago mag-christmas break ay magkakaroon ng Christmas ball sa school. Pamumunuan ito ng student councils na sina Erix, Kath, Kia, Shasha at Mia. Tuluyan ng lumayo ang loob sa amin ni Kia ng hindi namin alam ang dahilan habang si Jay naman casual nalang kami sa isa't isa.
Dahil sa lalim ng iniisip ay hindi ko napansin ang lalaking kasalubong ko. Nagkabanggaan kami ngunit hinapit ako nito sa bewang para mabalanse. Magpupumiglas sana ako ng maamoy ko ang familiar na pabango.
"What were you thinking baby? Kanina pa ako kaway ng kaway sa'yo pero nakatulala ka habang naglalakad" ani ni Brix sa akin. Napaangat ako ng tingin dito saka ito nginitian.
"I just reminiscing the memories I've got for the past months of studying here" tugon ko dito. Ramdam ko ang nga tingin na ipinupukol sa amin ng mga estudyanteng nadaan.
"I'm just hope it's all happy memories baby." mas lumawak naman ang ngiti ko sa sinabi nito.
"Hoy! Lovebirds! Wag naman kayong masyadong PDA! Nasa hallway kayo!" sigaw ni Jia mula sa pinto ng clubroom. Bakit ba napakahilig nitong sumigaw?
Mariin akong napapikit bago ito nilingon. Nakataas ang kilay nito sa akin na tila ba hinihintay ang paglapit namin sa kanya.
'What?' I irritably mouthed at her. She grin at me like she won something. Minsan talaga hindi ko ma-spell ang ugali ng kaibigan kong 'to.
Nagkatinginan kami muli ni Brix bago kami dumeretso sa clubroom. Pagkalapit pa lang namin ay ginawaran na kami ng simangot ni Jia. Kunwaring naiinis ang tingin nito sa amin.
"Alam niyo bang masama ang laging magkahawak ang kamay? Baka mamaya malocked na yang kamay niyo sa isa't isa" walang bisa nitong sabi sa amin.
Ngumiti ako kay Brix bago bumitaw sa kaniyang kamay lumapit naman ako kay Jia na natatawa. Nang makalapit ako hinila na ako nito papasok sa loob mukhang alam ko na pag-uusapan namin.
"Anong susuotin niyo sa Christmas ball?" excited na tanong ni Lea matapos naming maupo ni Jia sa tabi nito.
Si Kia lang ang wala dito dahil sa mas sumasama na ito sa student council matapos siyang ipalit sa bakanteng posisyon ng student council treasurer.
"I'll wear long gown tapos kulay silver siya na may black linings." sagot ni Hanna dito.
Tuloy-tuloy ang naging usapan namin tungkol sa darating na Christmas ball. Napalingon ako sa kabilang dako kung nasaan ang boys. Busy din sila sa sariling usapan.
Nakakatuwa lang na kahit umamin sa akin si Jay ay naging casual pa rin kami sa isa't isa. Habang sila ni Brix minsan nagkakainitan in good ways but at least I know they still treat each other as a friend.
3rd Person's POV
Nagulat ang magkakaibigan na nasa loob ng bumukas ang pinto. Pumasok mula dito ang miyembro ng student council. Nangunguna ang kanilang president na walang emosyon ang mukha. Napaayos ng upo ang mga nasa loob habang si Xandria at Akira ay napataas ang kilay.
"What do you want? Mister student council." maanghang na bati dito ni Akira at umirap pa sa huli.
"Watch your mouth Miss Sanchez, not because you're Mom is a part of the higher position of this school doesn't mean you can use that tone to me. I'm still the president here" madiing ani ng lalaki dito bago iginala ang mata sa loob.
Samantalang limang pares ng mata ang taimtim na nakatingin sa dalagang nasa tabi nito, si Kia. Hindi malaman ni Kia ang dapat gawin habang ramdam ang tingin ng mga kaibigan.
"So... What's with the sudden visitation Mr. John Erix Cuevas?" malamig na ani ni Xandria dito.
Napangisi naman ang lalaki na tila hindi naiintimidate sa mga dalaga habang ang ibang nasa loob ay biglang nakaramdam ng tensyon.
Habang ramdam ang tensyon sa loob si Diana naman ay nakatingin kay Erix. Ang lalaking dati niyang nobyo na minamahal pa rin niya ngayon. Inaantay niyang tapunan siya nito ng kahit isang sulyap lang kaso mukhang malabo.
"We came here to personally announce that we're excluding journalism club on the coming Christmas ball" nakangising ani nito na nagpalaglag sa panga ng mga tao sa loob. Maging si Diana ay hindi makapaniwala sa sinabi ng dating nobyo.
Si Kia naman ay biglang nabahala dahil wala ito sa usapan. Alam ng lalaki na may sama siya ng loob sa mga taong ito pero hindi naman siguro dapat alisin ang one time experience na ito sa kanila.
Hinila niya ang braso ng lalaki upang makuha ang atensyon nito. Humarap ng bahagya ang lalaki sa kaniya na nakataas ang kilay.
"I don't remember we agree on this shit Erix! Nag-open lang ako sa'yo ng sama ng loob because I thought you are willing to listen!" madiin na bulong nito na hindi nakatakas sa pandinig ni Cali.
"What?! You planned this?!" hindi mapigilang inis na reaksyon nito sa narinig.
Napalingon naman dito ang iba na may nagtatanong na mukha. Naiinis na sinagot niya ang tanong sa mga mukha ng kaibigan.
"Kia and the council planned this! She's taking her revenge on us! Obviously because she likes Jay but Jay likes Denise! Am I right b*tch?" ani nito bago nanlilisik ang matang tiningnan si Kia.
Mas nagulat naman sina Denise at Jay sa narinig. Hindi nila akalain na may ganito pala. Habang sila Hanna, Jia at Enzo ay matagal ng ramdam na may ganitong nangyayari.
"Whatever the council's reasons have it doesn't change the fact na hindi mo maaring gawin ito sa amin!" may diing ani ni Lea sa presidente ng council.
"Of course we can!" napapairap na sagot naman ng sekretarya ng student council na si Mia. "After all we were the ones who proposed this event. We were the ones who will organize the event." nakataas ang kilay na ani nito kay Lea bago sumulyap kay Enzo.
"How dare you?! Kia! Anong ibig sabihin nito?! You'll go this low just to take revenge on what sh*ts you've been through even though we treated you as our friend?!" hindi na mapigilan ni Risa ang sarili kaya tuluyan na nitong nasigawan ang dalaga.
"Lower your damn voice Ms. Santos. Student council government pa rin ang nasa harapan mo you can't disrespect us like that!" madiing ani ni Kath ang dating kaibigan ni Rye na bise presidente ng council. Napairap naman si Risa dahil kilala niya ang babae, ito yung tinutukoy niya noon na clown.
"Enough with this shit Cuevas, alam kong may hidden agenda ang mga pinagsasabi mo" malamig na ani ni Brix na nagpatigil sa lahat. Napahawak naman si Denise dito upang pakalmahin ito.
Napataas ang kilay ni Erix ng lingonin niya si Brix. Mas lumawak ang ngisi niya dahil sa dalagang nasa tabi nito.
"Of course you know me Brix. At alam kong may ideya ka na sa hidden agendang meron ako." nakangisng tugon nito habang sinusulyapan ng bahagya si Denise.
"Stop this bullsh*ts Erix! Hindi naman ganito ang ugali mo noon ah?" madiing ani ni Diana na ikina-lingon nito sa kanya. Sa wakas nahanap na din ng dalaga ang lakas ng loob magsalita matapos makita ang tingin nito kay Denise.
"Noon 'yon Ms. Wilson. People change like how fast people's feelings change" malamig na ani nito sa kaniya. Napaiwas naman ng tingin si Diana dahil dito.
Napapastikuhang napabaling ang ilan kay Diana. Si Danna naman ay biglang nabahala para sa kaibigan ngunit tipid lamang siyang nginitian nito.
"Back to our previous topic. We'll offer you something na makakapagpapunta sa inyo sa Christmas ball" malamig ngunit may multong ngiti sa labing ani nito.
"And what's that offer is all about?" naiinip na ani ni Sandra isa pa 'man din siya sa mga excited sa araw na 'yon.
"Ms. Denise Alliya Villafuerte will be my date" simpleng ani nito sa lahat.
"Eh gago ka pala e!" mabilis ang naging kilos ni Brix at nasapak niya ang lalaki.
Ang mga taong nasa loob ay tila na-estatwa dahil sa gulat sa mga nangyari. Ang mga members ng student council ay tulala at gulat din sa sinabi nito.
Bago pa makabawi si Erix ay nakabawi na sa pagkagulat si Denise at pumagitna siya sa dalawa. Mabilis niyang nilapitan si Brix upang awatin ito. Dahil sa ginawang ito ni Denise ay tila natauhan ang mga kaibigan niya na totoo ang mga narinig.
"Brix... Calm down baby please" nangungusap na ani nito na nagpakalma sa binata.
"As for members Enzo, Jay and Rye will be their dates. But if don't like the that's up to you basta hindi namin kayo makikita sa Christmas ball." dagdag pa nito sa ibinigay na kondisyon.
Akira laughed sarcastically kaya nakuha nito ang atensyon ng lahat. Walang emosyon niyang tinitigan si Erix.
"Seriously? Cuevas? Stealing someone's boyfriends and girlfriend just to satisfy yourself? I didn't know that the respected student councils ay ganito pala kababa" walang kagatong gatong na ani nito.
Nasaktan naman ang ego ni Erix dahil sa sinabi nito kaya madilim niya itong tiningnan.
"Watch your mouth Sanchez. Think about our offer kung gusto niyong makatungtong sa school na ito sa araw ng Christmas ball" malamig na ani nito bago tumalikod at lumabas ng clubroom.
Nakayukong sumunod naman ang mga miyembro ng council dahil sa nainsulto sila. Hindi rin nila gusto ang offer na ibinigay ng president nila nakakainsulto dahil pumangit ang tingin ng iba sa reputasyon nila.
Pagkalabas ng student council ay napabuntong hininga na lamang sila Cali, Hanna, Sandra, Farah at Yena. Naiinis naman na napaupo si Lea, Risa at Gail. Habang sina Enzo at Rye ay problemadong napaupo. Si Jay naman ay tahimik lang na nakamasid kina Denise at Brix na nakatayo pa rin. Samantalang si Ethan, Xandria at Akira naman ay tahimik na nagiisip ng solusyon. Si Shia ay tahimik na pinagmamasdan lang sina Diana at Danna.
"What's with your relationship with that student council jerk?" malamig na tanong nito kay Diana na ikina-lingon ng lahat dito.
"W-what do you mean?" kinakabahang tanong niya pabalik dito.
"You can't fool me, alam kong may something sa inyo the way na titigan mo siya at sa sinabi mo sa kanya kanina" madiing ani ni Shia dito.
"H-he's... He's my ex" napabuntong hininga nalang ito matapos sabihin iyon.
"My guess is right." maikling ani ni Shia bago nagkibit balikat at nagbasa muli.
Nagulat naman sina Cali, Sandra, Yena, Gail at Farah sa narinig.
"Seryoso? Yung masamang ugali na 'yon nagustuhan mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Cali dito.
"I think guys we shouldn't asked her" nagaalangang ani ni Danna dahil ramdam na nahihirapan ang kaibigan.
"It's okay Danna... Oo, pero hindi naman siya ganiyan n'on kami pa" malungkot na sagot nito kay Cali.
"Maybe your break up change him" walang ganang sabi ni Sandra dito.
Napakunot naman ang noo ng mga kaibigan. Nagtataka kung saan napulit ng dalagang NBSB ang sinabi.
"Are you on drugs Sandra?" tila kinakabahang ani ni Farah dito.
"What? She's taking some drugs? Should we call rehabilitation?" histerikal na sabat naman ni Gail. Napaface palm na lang si Sandra.
"Or should we call the pulis first?" nagaalangang tanong ni Yena na nagpatawa kay Cali, Danna, at Diana.
"What the hell?! Ano ba nahithit niyo guys?!" naiinis na ani ni Sandra sa kina Farah, Gail, at Yena. Sinamaan naman niya ng tingin ang mga kaibigan na nagtatawanan.
"Hoy! Ikaw yung naka-drugs ah bakit pinapasa mo samin?" naguguluhang ani ni Farah dito na napasimangot lalo sa dalaga. Lumakas naman lalo ang tawanan dahil sumali na dito sina Gail at Yena na kanina lang ay sinasakyan ang sinasabi ni Farah.
"Farah I think you need some sleep, seriously? Mababaliw ako sayo e" naiinis na ani nito sa kaibigan napasimagot naman si Farah.
"NO! YOU WON'T AGREE ON THAT DENISE! I CAN'T AGREE ON THAT SHIT!" napukaw ang atensyon ng grupong nagtatawanan dahil sa sigaw ni Brix. Napalingon ang lahat sa dito.
Kasama niya sa kabilang dako sina Denise, Lea, Enzo, Risa, Rye, Akira, Xandria, at Ethan. Nagpa-plano sila ng dapat gawin at napagkasunduan na pumayag nalang sa gusto ng council dahil ayaw putulin ang excitement ng ibang kaibigan.
"ENZO! RYE! JAY! THE HELL WITH YOU GUYS? BAKIT PUMAPAYAG KAYO? AT KAYO DIN RISA! LEA! WHAT'S WITH YOU?!" patuloy na sinasabi nito. Napaiwas naman ang dalawang babae. Ayaw din nila sa nangyayari pero ayaw nila malungkot ang mga kaibigan.
"Calm down Brix! Nandito tayong lahat para pag-usapan ito ng ayos!" naiinis na ani ni Akira sa pinsan.
Naglapitan naman ang mga nasa kabilang pwesto kanina upang mas maintindihan ang nangyayari.
"What happened? What's with the sudden aggressive reaction?" nagtatakang tanong ni Diana matapos silang makalapit lahat.
"We planned what to do. At sa napagusapang 'yon ang naging solusyon is papayag nalang sa offer na ibinigay nila" mahinang ani ni Lea at napaiwas ng tingin dahil sa tinging iginagawad ni Enzo.
"Ayaw kasi namin na maudlot ang kasiyahan ng bawat isa kaya naisip namin pumayag nalang, just for one night lang naman e." si Risa na hindi makatingin sa nobyo dahil tila naninimbang ang tingin nito sa kanya.
"And Brix, it's for everyone don't be so hard about it baby. I can't take everyone's happiness. Saka nandon ka naman eh, uupo lang ako sa table na kasama sila yun lang ang kaibahan non." mahinahong ani ni Denise sa nobyo.
Nalungkot naman ang ibang kaibigan dahil kahit na isang gabi lang iyon ay alam nilang nasasaktan ang mga kaibigan. Hindi nila alam ang sasabihin dahil mukha nakaplano na ang lahat.
"Don't worry Bro. I'll look after her. I promise" pangungumbinsi din ni Jay kay Brix. "Hindi ko hahayaang may magawang masama ang lalaking 'yon sa kaniya" dagdag pa nito.
"Hindi mo naman siguro ikamamatay na hindi ikaw ang katabi ni Denise sa event diba Brix?" malamig na pabalang na sabi ni Xandria.
"Hon, stop it." madiing saway ni Ethan sa nililigawan.
Nag-init naman ang pisngi ng dalaga dahil sa tinawag ng binata sa kaniya. Ang mga kaibigan naman ay biglang naghiyawan na mas nagpalala sa pamumula ni Xandria. Tuluyan nang nalihis ang usapan hanggang sa magka-ayaan silang umuwi na.
"I just want you to know na ayaw ko pa rin sa naging desisyon mo. Pero tama ka nga naman kasiyahan 'yon ng lahat. Just call me baby if he do something uncomfortable to you, okay? I'm just one call away" malambing na ani ni Brix kay Denise matapos itong ihatid sa apartment na tinutuluyan nito.
"Awat na Brix! Magpapahinga na kami!" sigaw ni Jia na nakatayo pa rin sa pinto kasama si Hanna.
"Minsan talaga gusto kong kutusan ang mga kaibigan mo, ang epal nila lagi" nakasimangot na ani nito kay Denise.
"Baby naman.." malambing ding saad ni Denise dito. "It's already late na din Brix you should go." dagdag nito bago bumitaw sa pagkayakap ng lalaki.
"What happened with the baby? Bakit Brix nalang?" nakasimangot na tugon nito sa kaniya. Natatawang lumapit siya muli sa lalaki at tumingkayad. Napangisi naman ito saka siya hinapit sa bewang at pinatakan ng marahang halik sa labi.
Napatili naman sina Jia at Hanna sa nasaksihan kaya napabitaw ang dalawa sa isa't isa. Namumula ang pisngi ni Denise habang umiiwas ng tingin sa nobyo. Si Brix naman ay ngiting ngiti sa nangyari, tila yelong natunaw ang pagkainis sa naging desisyon kanina.
"Baby... Just... Just go home! Bye! Goodnight! I love you!" ani nito sa lalaki at hindi na hinintay ang sagot nito dahil tumakbo na papasok sa loob na sinundan ng dalawang kaibigan.
Nakangiting napapailing si Brix na bumalik sa sasakyan para umuwi na.
'Damn, I love her so much' mahinang ani sa sarili bago pinaharurot ang sasakyan pauwi.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (16)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
loveeeyaaaa
18/10/2023
0I love it
03/04/2023
0that's cool
28/03/2023
0Tingnan Lahat