Homepage/On My Way To You/
CHAPTER 5
CHAPTER 5: Blooming Feelings
Denise's POV
Naglalakad na kami ngayon papuntang Journalism Club. Ang bilis ng panahon. Tanda ko pa, unang pasok palang namin non dito sa AU, pero ngayon one week nalang at foundation na. Maaga din kami gaya ng sabi ni Akira. Mabuti nga dahil habang lumilipas ang mga araw, hindi na sila nag kakaroon ng malaking alitan ni Xandria. Pero malayo parin si Xandria sa lahat, ganon parin siya, malamig at parang walang pakeelam sa paligid. Si Shia nga lang ata ang kinakausap niya madalas.
Ganon din kay Farah at Shia. Para silang kontektado sa isat isa na hindi ko maintindihan. Pag nag uusap o nagkakasalubong sila, parang may something.
Ano ba tong napapansin ko? Nagiging mapagmasid na ako.
Back to the topic, pag pla planuhan nalang namin mamaya kung paano ang mga magiging set up namin para sa coverage sa Foundation.
"Ay teka Denise, ayos lang ba kung mauna na kayo sa room? May nalimutan kasi kaming kunin kanina sa Science Lab" biglang paalam naman ni Jia. Tumango naman ako kaya agad na siyang umalis kasama si Hanna at Enzo.
Kaming tatlo na ngayon ang magkakasamang naglalakad papuntang club. Ako, si Jay at si Kia. Maya maya ay lumapit si Jay sakin at inakbayan ako.
"Kulit? Anong ginawa niyo nung hiniram ka nung mukhang unggoy na Brix na yon? Saan ka niya dinala?" biglang tanong niya na ikinagulat ko.
Isa pa yon sa hindi ko makalimutan. Pagkatapos ng pangyayaring yon ay hindi na ako makapag isip ng matino. Imbes na sagutin agad yung tanong niya ay napapapikit na naman ako ng maalala ko yon.
FLASHBACK:
"I'll do anything Denise, para patunayan sayo na seryoso ako. I'm not asking you to like or love me back. Ang gusto ko lang ay hayaan mo akong iparamdam sayo ang totoong nararamdaman ko" ani ni Brix habang nakahawak sa kamay ko na siyang nakapag patulala sakin.
END OF FLASHBACK.
Sino pa bang makaka pag isip ng mati----
"DENISE!" napaigtad ako sa tawag ni Jay sakin. Dun ko na realize na huminto na pala kami sa paglalakad at iniisip ko si Brix. Napapikit nalang ako. Shemay naman Denise!
"Ayos ka lang? Natulala ka saglit e" tanong ni Jay, tumango naman ako at napatingin kay Kia na kanina pa rin nakatingin samin ni Jay.
"Kia ayos ka lang ba?" tanong ko, lately medyo hindi rin kasi siya okay. Parang ang tahimik niya.
"Ah yeah, una na kayong pumasok. Cr lang ako" agad agad niyang paalam na nakapag pataka sakin. Ayos lang kaya siya?
"Tara na Denise, malapit na tayo sa room" napatango nalang ako at dumaretso na sa pag lalakad.
Palapit na kami sa pintuan ng marinig naming sumisigaw si Risa, nagtaka agad kami ni Jay dahil baka may away na naman. Pero nang tuluyan na kaming pumasok, dalawa sila ni Rye ang nagbabangayan.
Ano na namang meron? Lately may something fishy din tong dalawa na to e. Mostly pa sa mga shared posts ni Risa, parang may pinapatamaan.
"Ano ba? Don't talk to me nga. May pa 'good morning' 'good morning' kapa sakin kanina, tapos makikita kong may kasama kang mukhang coloring book." maarteng sabi ni Risa na ikina-tulala ng mga kaibigan niya. Tahimik naman kaming lumapit sa pwesto nila. Kompleto na ang dalawang grupo,.pero si Xandria wala, asan siya?
Maya maya ay nakita ko ring andun si Brix nakatingin sakin. Umiwas naman agad ako ng tingin. Shocks! Almost one month na kaming palihim na nagd-date tapos naiilang pa din ako sa kanya.
Sila Jia nalang din ang kulang at si Xandria.
"Good morning" mahina naming bati ni Jay sa kanila pagkalapit namin. Ngumiti naman sila Akira kaya naupo muna kami para panorin yung dalawa.
"Nagtatanong lang siya ng direksiyon. At isa pa, ikaw tong may kasama kanina na mukha namang lampaso. Di hamak naman na mas gwapo ako dun no" sagot naman ni Rye sa kaninang sabi sa kanya ni Risa.
Hindi ko alam kung matatawa ako o ano, kung mag selosan sila ay para bang may label na sila. Sus!
"Hoy kayong dalawa, tumigil na nga kayo. Andito na rin yung ibang mga members. Mag plano na tayo. Kung maka-asta kayo kala niyo naman may label na kayo" awat ni Yena sa kanilang dalawa na ikina-simangot naman ni Risa.
"Atleast hindi ako pinagpalit sa malapit" asar na sagot niya kay Yena, sasagot pa sana si Yena ng tumayo na si Akira.
"Osya tama na. Kailangan na nating mag focus sa pagpla-plano" awat niya.
Agad namang lumapit sila Jia dito samin. Andito na rin si Kia. Siguro kakausapin ko nalang siya after ng foundation.
"I hope naka ready na tayong lahat para sa Foundation Day. Kung nagtataka kayo wala si Xandria, may inayos siya sa saglit para sa gagawing coverage para sa pageant. Back to the topic, syempre bilang nasa Journalism Club tayo, ico-cover natin lahat ng mga mangyayari. Na-assign naman na ni Denise yung mga activities na ico-cover natin. Naka ready naba lahat? Sa inyo Risa?" patukoy ni Akira sa grupo ni Risa na siyang mag co-cover ng sports.
Sumagot naman agad si Risa.
"Yes. Si Enzo at Lea na ang bahala sa pag kuha ng mga pictures ng mga mahahalagang pangyayari sa sport event. Si Kia, Jay at Sandra naman ang bahalang kumausap or mag interview sa mga kasali at sa mananalo. Para na rin syempre may mailagay tayo sa school newspaper. Tapos kaming tatlo, si Rye, Dreanna at ako, ang mag fa-finalize nun, para deretso na sa pag eedit sina Danna at Diana." mahabang sagot ni Risa. Napatango naman si Akira.
"Kayo Shia?" pasunod na tanong niya sa grupo nila Shia na siyang mag co-cover sa mga booths.
"Maayos na rin. Nakausap na namin ang bawat department na magbu-bukasng iba't ibang booths para sa school newspaper" sagot niya. Sumunod naman na sumagot si Ethan kaya napalingon kami sa kanya.
"Ako na ang photographer. At si Yena, Cali at Jia naman ang mag-iinterview sa mga bawat leader ng mga booths. At si Gail at Shia na rin ang bahala sa pagtry ng ibang booths. " Wow. Ang ayos, excited na tuloy talaga ako.
Maya maya ay bigla namang ako na ang tinanong ni Akira.
"Denise? How about sa parade? Sa labas ng University siya gagawin, kumusta naman?"
Bago sumagot ay napalingon ako kay Brix na kanina pa nakangiti sakin. Agaran akong bumalik ng tingin kay Akira bago sumagot.
"Maayos na yung amin. Hindi naman siya ganoon kalayo kaya, magagawa naming kunan lahat ng mga mangyayari. Natingnan na rin namin yung lugar, hindi siya kalayuan sa University. " sagot ko.
Pero maya maya ay sumagot din si Brix.
"That's right. Settled na yung amin. My partner is pretty good e" sabi niya ng nakatingin sakin na naka pagpamula sakin ng husto. Agad naman silang nagsigawan na animo'y may nakaka-kilig.
Damn! Bakit ba ang bilis ng tibok ng puso ko?!
"Sus! Galawang Brix oh HAHAHAH" asar ni Risa at Yena.
"H-hoy, focus na tayo sa plano" seriously?! Denise?! bakit ka nauutal!
"Sus, wala paring nagtatagal" sabat naman ni Sandra
"Ang bitter ng lola oh, palibhasa di pinili e HAHAHAH" asar pabalik ni Gail sa kanya
"Sus, kung mag-asaran kala mo naman, e pare-pareho lang naman kayong di pinili." bigla namang saad ni Farah na siyang nakapag-patawa sa lahat.
"Okay okay, awat na muna. Then it's settled. Pwede na tayong mag break, may mga pagkain na kaming binili nandyan sa table" sabi ni Akira. Nag kanya kanyang tayuan na ang lahat.
Sa wakas! Maayos na lahat, Foundation Day nalang ang hinihintay. Kaya namin to!
3rd Person's POV
Pagkatapos mag-plano ay saka pa lamang dumating si Xandria galing sa office ni Ms. Castro. Pinag-usapan nila ang mga gagawin ng Journalism Club sa pageant sa Foundation Day.
"Oh Xandria, kumusta yung pag uusap niyo ni Ms. Castro?" agarang tanong ni Akira pagkapasok nito sa loob.
"So damn tiring. But anyways, naging maayos naman. Kompleto na tayo sa mga impormasyon about sa pageant. Set up nalang natin ang kulang" blanko pero maayos na sagot ni Xandria.
"Hmm, thank you for your help" sagot pabalik ni Akira na ikinatango nalang ni Xandria.
Sa kabilang banda ay tatayo na rin sana si Denise para mag meryenda ng may tumawag sa kanya.
"Denise"
"Kulit"
Sabay na tawag ni Jay at Brix sa kanya. Agad naman napalingon si Denise sa kanilang dalawa at tumayo.
"Yes? Uh, meryenda na tayo don?" ani ni Denise, hindi sigurado dahil tila agad nag karoon ng tensyon sa pagitan ng dalawa niyang kasama.
"Kulit tara na, meryenda tayo don" yaya sa kanya ni Jay, pero agad na umalma si Brix
"She'll come with me, Lets go" alma ni Brix, at akmang kukunin na niya si Denise palabas ngunit agad humabol si Jay at hinawakan din ang kamay ni Denise.
"Masyado ka ng ma-papel! Sa tingin mo hindi ko napapansin yung mga tingin mo sa kaibigan ko?! Ano gusto mo siya?!" Sigaw ni Jay, agad naman na alarma ang mga nasa grupo ng marinig nila ang sigawan.
"H-hey, what happened?" agarang tanong ni Hanna. Nagsilapitan na rin ang iba sa kanila.
Habang si Denise ay hindi maintindihan kung bakit sila nag kakaganito.
"So what? If I really like her? Anong gagawin mo? Sa ating dalawa, ikaw ang ma-papel! You're just her best friend but you're acting like you also like her! Do you really think na hindi rin kita napapansin? But I don't care anyway, she's mine." sagot ni Brix pabalik na nakapagpa-tulala sa lahat. Habang si Denise ay hindi alam ang gagawin
"H-ha? Hala siya" gulat na reaction ni Jia. Alam nilang dalawa ni Hanna na matagal ng may gusto si Jay kay Denise, kaya hindi rin nila maintindihan ang mararamdaman ng kaibigan nila.
"Haba ng hair mo Denise, sanaol" pabirong saad ni Lea para mabawasan ng konti ang tensyon. At maya maya ay sumabat si Enzo sa kanya.
"Inggit ka? Gusto mo tayo nalang liit?" agad na napintig ang tenga ni Lea sa narinig.
"Shut up!. Ang please, stop calling me liit!" inis na wika ni Lea
"Ito naman ang sungit. Ang cute"
"Hey, stop it. Nagkakaroon na nga ng tensyon itong dalawang 'to" saad ni Farah na nakapagpa-tigil sa dalawa, at narealize n.a hindi pa tapos ang tensyon.
"Wala kang pakialam sa lahat ng 'yon Dawson!" matigas na ani Jay kay Brix sa kaninang alitan nila.
"Then you also don't care kung anong meron sa amin ni Denise because it's not your damn business!"
"I care! Kaibigan ko siya!"
"Kaibigan ka lang! And besides, sa ating dalawa ako ang mas may karapatan because we're already dating!" at sa pagsabog na iyon ni Brix ay tuluyan ng natulala at nagulat ang lahat. Alam nilang may something na pero mas nagulat sila sa totoong kompirmasyon nito.
"B-brix" agarang tawag ni Denise sa kanya, gulat na gulat sa biglaang pagsabi ni Brix nito sa lahat
"A-ano?" agad na tanong ni Akira sa pinsan
"Yes! So from now on you little monkey, distansya! You should know your limit" angil uli ni Brix kay Jay
Samantalang si Denise, ay magmula kanina hindi alam ang gagawin at tulala parin.
"ANO?! DENISE KELAN PA?!" hindi na napigilan ni Jay ang damdamin. Sabay lingon ng marahas sa kaibigan.
"J-jay" tanging sagot ni Denise dala na rin ng gulat.
"Dude, calm down" awat na ni Ethan kay Jay. Nilapitan niya ito at inilayo ng kaunti sa dalaga.
"Please pag usapan niyo 'to ng maayos, malapit na ang Foundation Day. Kailangang magkakasundo tayong lahat" agaran na ring awat ni Shia.
Napalingon naman silang lahat sa tunog na nanggaling sa likod. Hindi nila napansin na simula ng bumalik si Xandria ay nakatulog pala siya.
"Damn! Sa susunod kung gusto niyong mag -sapakan, wag dito. Nakakairita yung ingay niyo. And you Denise, para matapos yan, pumili kana sa kanila. Ginagawa niyong komplikado lahat tss". malamig na sabi ni Xandria at agad ng lumabas ng room.
"Shete ang rude talaga niya" sabi ni Gail pagka-alis nito. Bago umirap at humalukipkip.
"Sorry sa best friend ko, ganon talaga siya, ayaw sa maingay. At gaya ng sabi ko, ayusin niyo na to. " sabi ni Shia, medyo kumalma na rin ang tensyon sa dalawa. Lumayo na 'to sa kumksyon at naupos sa sofa.
"I-im sorry Jay, kung hindi ko sinabi agad. Pero please wag niyo namang pag-awayan to. Hindi ko alam kung saan ako lulugar" sa wakas ay nagawa niya ring magsalita pagkatapos ng tensyong naganap.
"Sorry kulit" napabuntong hininga na lamang si Denise at hinila si Brix palabas.
Sa puntong yon ay napangiti ng mapait si Jay, hindi na talaga siya magugustuhan ni Denise. Agad na siyang tumakbo papalabas ng club room na agad namang sinundan ni Kia.
Naglalakad naman ang dalagang si Xandria sa hallway matapos lumabas sa clubroom nila. Mainit ang ulo niya dahil sa naputol ang kaniyang tulog.
"Xandria!" agad na napalingon si Xandria sa tumawag sa kanya. Si Ethan na tumatakbo ang nabungarran niya.
'Bat ba to sumunod' ani niya sa isipan bago tuluyang humarap sa lalaki at tinaasan ito ng kilay.
"What?" masungit nitong tanong dito at matiim na tiningnan. Napalunok naman ang lalaki bago muling nagsalita.
"Sungit mo naman, saan ka pupunta?" tanong nito sa kanya.
"Kahit saan, basta tahimik" walang gana niyang sagot. Agad naman napaisip si Ethan at basta basta nalang hinila si Xandria
"W-what the?! Hey! bitawan mo ako!" sigaw ni Xandria ngunit nagpatuloy lang ito kaya wala na siyang nagawa kundi mag pahatak sa binata.
"How did you know this place?" tanong ni Xandria matapos nila makarating sa lugar na pinagdalhan sa kanya ni Ethan.
Umupo naman agad sila sa damuhan. May mga pagkain na ding naka-ready doon.
"Pinag-planuhan mo ba to?" tanong niya sa lalaki.
'At bakit favorite foods ko ang andito' tanong ni Xandria sa isipan
"Well, not really. Actually kanina ko lang pinag-handaan, buti nakahabol" nagaalangan na sagot naman ni Ethan. Kinakabahan dahil baka hindi magustuhan ni Xandria ang kaniyang mga hinanda.
"And how did you know na favorite ko lahat yan?"
"Well, uh, tinanong ko si Shia" napapa-kamot sa ulong sagot nito at umiwas ng tingin sa dalaga.
"Tss, napag-hahalataan ka masyado" sagot naman ni Xandria na ikinagulat ni Ethan. Mabilis itong napalingon muli sa dalaga dahil sa sinabi nito.
"H-hoy hindi ah, ano lang, t-thank you lang sa pag-welkam niyo samin noon... Ahmm... Nalate lang talaga" utal na sagot niya, napangiti naman ng lihim si Xandria na agad ikinagulat ni Ethan.
"YOU SMILED! " agad tuloy siyang napabalik sa blankong mukha dahil sa sigaw nito.
"Shut-up. You're just imagining things" napasimangot naman si Ethan, maya maya ay nagsalita uli siya
"Anyways, can i call you Xandi? Your name is too long. " napa angat agad ng tingin si Xandria. Unang beses niyang maramdaman yung ganitong feeling. Na parang komportable siya kay Ethan.
'Wala lang yan, hindi ka lang sanay. You can't fall Xandria. You can't' paulit ulit na sabi ni Xandria sa utak niya
"Xandi?" napabalik siya galing sa pag iisip
"Bahala ka. And thank you for the food. Pero you don't have to this again next time. " malamig na tugon ni Xandria at tumayo na papa alis sa lugar na 'yon.
Napangiti nalang si Ethan. Habang pinagmamasdan ang dalagang maglakad palayo sa kaniya.
'You smiled, you said thank you. Na appreciate mo to. At hinayaan mo akong tawagin kang Xandi. Sapat na muna sakin yon ngayon.' ani nito sa isipan.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (16)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
loveeeyaaaa
18/10/2023
0I love it
03/04/2023
0that's cool
28/03/2023
0Tingnan Lahat