CHAPTER 4

CHAPTER 4: COOPERATION
Denise's POV
As the days passed by, ganoon pa rin ang nangyari. Normal na araw lang at paulit-ulit lang. Hindi na bago sa'kin o sa'min. Hindi rin namin namalayan na sa mga araw na lumipas eh mag-iisang buwan na pala. At hanggang ngayon eh hindi pa rin maayos kung ano mang plano sa gagawing foundation dahil sa alitan na hindi matapos-tapos.
Nandito kami ngayon sa loob ng clubroom upang pagusapan na naman ang plano para sa gaganaping foundation day.
"Ano ba?! Hindi nga ganyan eh!" Narinig kong sigaw ni Xandria kay Akira. At binura ang nakasulat sa white board. Inagaw naman ni Akira ang eraser kay Xandria at tiningnan ito ng masama.
"Pwede ba?! Huwag mo nga akong diktahan sa ginagawa ko!" Sabat naman ni Akira kay Xandria. Napailing nalang kami dito sa tabi habang pinapanood ang dalawa.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila magkasundo gayondin sina Yena at Sandra. Sila nalang atang apat ang laging nagtatalo dito sa club.
"Hey Risa, stop them they're so irritating" maarteng ani ni Lea kay Risa. Napalingon naman kaming nasa malapit kay Risa sa kanya.
"Woah! Anong tingin yan? Wag ako--" hindi na nito natapos ang pagrereklamo sa amin dahil sumigaw si Danna na nasa malapit sa apat.
"Ang ingay n'yo! Hindi ba talaga matatapos ang araw na hindi kayo nagbabangayan? Tumigil na kayo! Para kayong mga bata!" Singhal ni Danna sabay irap sa dalawa. Mukhang hindi lang kami ang naiingayan sa dalawa.
"Huwag ka na ngang makisabat! Dadagdag ka pa eh" reklamo naman ni Farah.
" Excuse me? Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig na umaawat ako? " Balik sagot naman ni Danna.
" Oh oh oh! Chill lang guys! Masyadong maiinit ang ulo niyo. " Pagpapakalma naman ni Brix sa mga nagkakainitan.
Napairap nalang ako dahil dito. Sa loob ng isang buwan wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang bwesitin ang araw ko. Bukod pa d'on laging parang kinakabahan ako pag nandyan siya. Bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Ang hirap maging chill kapag ang hihina ng utak ng mga kasama mo" sagot ni Xandria sabay pasimpleng tumingin sa grupo nina Akira. Napabuntong hininga nalang ako dahil mukhang  walang katapusan ito.
"May pinapatamaan ka ba?!" Hindi na nakapagpigil si Akira at tumayo na para harapin si Xandria.
"Bakit? Natamaan ka ba?" Matapang na sagot ni Xandria.
Nakakarindi na 'yong ganito. Paulit-ulit nalang! Napapikit at napahilot nalang ako sa sintido ko dahil sa mga palitan nang salita na naririnig ko.
Tahimik naman ang iba naming kasama at nakikinig lang sa mga nangyayari. Sino nga ba ang maglalakas loob umawat sa nga ito?
" Anong gusto mong mangyari ha?!" sabay lapit ni Akira kay Xandria. "Sumusobra na yang tabas ng dila mo eh!" Dagdag pa nito at tiningnan ito ng masama.
" Anong gusto kong mangyari? Umalis ka kasama ang mga grupo mo! Hindi ko kayo kailangan dito!" Matapang na sagot ni Xandria na ikinataas naman ng kilay nila Risa. Pag hindi pa tumigil ang dalawang ito paniguradong sasali pa sila Risa sa kanila.
Bago pa sumagot muli si Akira ay tumayo na ako para awatin ang dalawa. Bahala na si batman.
" HINDI BA KAYO TITIGIL?!" dahil sa sigaw ko ay napatigil ang dalawang ito. Tinuloy ko naman agad ang aking sasabihin.
" ISANG BUWAN NALANG FOUNDATION DAY NA! AT HANGGANG NGAYON WALA PA RIN TAYONG NAGAGAWA! PURO PLANO PERO WALANG MATINONG FINALIZATION!" huminga muna ako ng malalim bago muling nagsalita.
"SA INAASAL NIYO, PARA NIYO NA RING PINAPAKITA NA SOBRANG INCOMPETENT NIYO! HINDI NA KAYO MGA BATA PARA PAG AWAYAN PA ANG MGA GANYANG BAGAY!"
"AND FOR ONCE, JUST PLEASE, FOR ONCE! ISANTABI NYO MUNA YANG ALITAN NIYO! BE PROFESSIONAL! YOU GUYS ARE SO IMMATURE!" sigaw ko na nagpatahimik sa lahat.
3rd Person's POV
Ilang minutong natahimik ang mga tao sa loob nang room na yon. At mukhang nakikita ni Denise na kalmado na ang bawat grupo at nakikita niya ring sumasang ayon ang mga ito sa mga sinabi niya. Mukhang natauhan na sila.
"Kung ang pinagtatalunan niyo eh tungkol sa kung sinong gagawa ng ganito ganyan, pwes ako na ang maghahati-hati ng mga gagawin. May plano na tayo, kailangan nalang hatiin yong mga gawain." Kalmadong sabi ni Denise.
Lumapit si Denise sa harap ng white board kaya naman naupo ang dalawang dalagang kanina pang nagtatalo.
Sa kabilang banda naman ay nangingiti si Brix na nakatingin kay Denise. Samantalang masamang tingin naman ang pinupukol ni Jay kay Brix.
" You, you, and you" turo ni Denise kina Akira, Xandria, at Hanna " kayo ang magcocover ng events sa pageant" ani ni Denise sa tatlo habang nakataas ang kilay.
Nagkatinginan naman sila Akira at Xandria bago napabuntong hininga. Samantalang napailing na lamang sa kanila si Hanna.
" Kayo naman, " tukoy niya kina Risa, Sandra, Lea, Enzo, Dreana, Farah, Kia at Jay "kayo naman ang naka assign sa lahat ng events sa sport." pinal na saad nito sa mga kaibigang tinuro.
Napatango na lamang ang lahat maliban kay Jay na balak magreklamo. Bago pa ito makapagsalita ay sinamaan na siya ng tingin ni Denise na ikinatahimik nito.
"Habang si Yena, Shia, Ethan, Gail, Cali, at Jia ang sa mga booths, SA LAHAT NG BOOTHS!" madiing saad nito sa kanila. Walang nagawa ang anim kung hindi tumango.
Nilingon naman ng dalaga si Brix na hanggang ngayon ay naka-ngiti sa kanya. Tinaasan muna niya ito ng kilay bago muling nagsalita.
"Ako at si Brix naman ang bahala sa parade habang si Danna at Diana ang sa editing" pagtatapos sa paliwanag ni Denise.
"May reklamo ba kayo?" Malumanay ngunit may diin na tanong ni Denise sa kanilang lahat.
Nang walang sumagot, nagsalita ulit si Denise.
" I guess wala kayong reklamo? That's settled, then! Okay let's start in a clearer way!" Masiglang sabi ni Denise na nakapagpatanga sa kanilang lahat.
"Okay. Fine. Then settle down. I need the plan of each group by tommorow. Let's call it a day." ani ni Akira bago lumapit sa mga gamit niya.
Nagmamadali namang lumapit si Brix kay Denise ng nakita nito na hawak na ng dalaga ang sariling bag.
"We just need to discuss something about the event. Hiramin ko muna siya ha?" ani ni Brix sabay hila sa dalaga at hindi na hinintay ang sasabihin ng iba.
Napatanga naman ang mga kaibigan nitong babae ngunit naunang matauhan si Jia sa kanila.
"Just bring her home safe Brix!" malakas na sigaw nito kahit hindi na naman siya rinig.
Samantalang naiinis naman na palabas na sana si Jay ngunit pagbukas niya ng pinto ay isang lalaki ang nasa harapan niya. Tinaasan niya ito ng kilay.
"Anong kailangan mo?" maangas na saad nito sa lalaki.
"Nandito ba ang pinsan kong si Farah?" tanong nito kay Jay. Lumingon naman pabalik sa loob si Jay.
"Farah! May naghahanap sa'yo! Aalis na din ako!" sigaw nito bago tuluyang lumabas at nilampasan ang lalaki sa harap niya.
"Sandali! Jay! Sabay na tayo nila Kia!" habol ni Enzo dito. Nginitian naman niya ang lalaki sa labas gan'on din ang ginawa nila Kia, Jia at Hanna sa lalaki.
"Oh? Rye?! Sasali ka na ba?" natutuwang tanong ni Farah ng makita ang pinsan sa labas. Napapoker face nalang ang lalaki.
"May choice ba ako?" naiinis na tanong nito bago pumasok, nilampasan ang pinsan.
"Wait pinsa--" hindi na naituloy ni Farah ang dapat sasabihin dahil paglingon niya ay nabungaran niya ang pinsan na nasa sahig at nasa ibabaw si Risa. Magkalapat ang labi ng dalawa at parehong nanlalaki ang mga mata.
Lahat ng naiwan sa clubroom ay napatanga sa nangyari. Kahit si Shia na nagbabasa lamang kanina ay naibaba ang libro niya sa gulat.
"What the hell?! Rye Rian Yolo?!" bulyaw ni Farah ng makabawi siya natauhan naman si Risa at dali daling tumayo.
Nang makatayo si Rye ay sinamaan siya ni Risa ng tingin. Kulang na lamang ay patayin siya nito sa tingin. Walang emosyon naman siyang tiningnan ng lalaki.
"Ikaw.. ikaw na nilalang ka! Anong karapatan mong nakawin ang first kiss ko?!" puno ng galit na saad ni Risa sa lalaki.
"Ikaw ang bumangga sa akin kaya tayo bumagsak sa sahig. Alam mo bang ang bigat mo?" asar na ani ng lalaki dito. Kinabahan naman ang mga nasa loob dahil alam nilang ayaw masabihan ni Risa ng mabigat lalo na't hindi naman siya mataba.
"WOW! HA! WOW HA?! EXCUSE ME MISTER WHOEVER YOU ARE?! HINDI!! AKO!! MATABA!!" nagpupuyos sa galit na ani nito.
Nagmamadaling lumapit naman si Gail at Yena dito, hinila nila ito palayo. Habang si Farah ay natatarantang nilapitan ang pinsan.
"What the hell? Pinsan anong ginawa mo? Alam mo bang first kiss niya 'yon? And worst sinabihan mo pa siya ng mabigat" nakangiwing ani niya sa pinsan.
Napailing naman ang lalaki bago umupo sa sofa na nasa tabi niya.
"Just tell me kung ano ang iaambag ko sa event niyo. Pansamantala lang naman ako diba?" tanong nito sa pinsan habang nakadekwatro at bahagya pang nilingon si Risa na nakaupo sa kabilang dako. Nakatingin ito sa kanya na parang pinapatay na siya nito.
"Ahm about that isasama sana kita sa grupo nila Risa e kasi masyadong hassle pag sports." napakagat naman sa labi si Farah dahil nagaalangan na siya. "Actually kasama mo naman ako pinsan" dagdag pa nito.
Nilingon muna ni Rye si Risa at nginisihan bago humarap sa pinsan na may kakaibang ngiti sa labi.
"Okay, asahan mo ang tulong ko. Alis na ako mukhang pag nagtagal pa ako dito ay mapatay ako ng kaibigan mo" sabay tayo nito. Nilingon nito sa huling pagkakataon si Risa bago tuluyang walang lingong lumabas.
Nagpupuyos sa galit namang kinolekta ni Risa ang mga gamit niya. Habang si Gail at Yena ay kinuha na rin ang gamit nila. Si Farah naman ay kinakabahang lumapit sa tabi ni Risa para kunin ang kanyang bag.
"Ahm.. mauna na kami sa inyo Akira" awkward na paalam ni Sandra kina Akira dahil sa pagdadabog ni Risa.
"Sige ingat nalang." ani nito at muling napangiwi dahil padabog na isinara ni Risa ang locker niya.
Pagkaalis naman ng grupo ni Xandria ay siyang baling ni Risa sa mga kaibigan. Nagulat naman sila ng makitang naiiyak ang dalaga.
"First kiss ko yun e... Bakit kailangan sa ganoong paraan pa mawala 'yon?" naiiyak na napaupo ito sa sofa.
Nilapitan naman agad ito nila Farah. Dahil pinsan ni Farah ang lalaki ay napapahiyang umiik ito.
"Sorry dapat siguro di ko nalang siya kinuha." malungkot niyang ani sa mga kaibagan. Tumayo naman bigla si Risa na ikina-lingon ng lahat sa kanya.
"Well, at the second thought gwapo naman ang pinsan mo kaya okay lang. Pero naiinis pa rin ako dahil sinabihan niya akong mabigat. Hmmmp. Una ako bye guys!" sabay kuha nito sa gamit at dali-daling lumabas. Naiwan namang nakatulala sa pintuang nilabasan ni Risa ang mga naiwan. Hindi makapaniwala sa sinabi nito.
Denise's POV
"Saan ba kasi talaga tayo pupunta Brix?" Pang sampong tanong ko sa kanya habang nagmamaneho siya.
"Nandito na tayo." ani nito sa akin at lumabas ng pinto.
Okay? Dinala niya ako sa.. gitna ng highway? Sa kanang bahagi ay nakakatakot na kagubatan ang makikita. At sa kaliwa naman ay--
Dali-dali akong lumabas din ng sasakyan dahil sa nakita. Hindi ko inakalang may ganitong lugar dito.
Tanaw na tanaw mula sa kinatatayuan ko ang buong city. Namamanghang lumapit ako sa railings at kumapit dito.
"Ang... Ganda.." namamaos na ani ko sa napakagandang view.
"Sobra" rinig kong ani ni Brix kaya napalingon ako sa kanya. Kanina pa pala siyang nakatingin sa akin. So sinasabi niya bang maganda ako?
"Let's date Denise." nakangiting ani nito sa akin at bahagyang lumapit sa akin. Ito na naman ang puso kong kumakabog ng malakas.
"Nababaliw kana ba? Anong trip yan Brix?" napapaiwas ng tingin na ani ko sa kanya.
Lumapit pa siya ng bahagya sa akin kaya napaatras ako sa railings. Dahil sa pagatras ko ay nakulong niya ako sa kanyang mga braso.
"I'm not joking Denise. I'm serious. Let's date." seryosong ani nito habang ang kaniyang mapungay na mata ay nakatingin sa akin ng taimtim.
"I won't demand anything, just let me prove myself." namamaos na dagdag nito sa mga sinabi.
Napaiwas naman ako lalo ng tingin sa kaniya. Nahihirapan akong huminga dahil sa lakas ng kabog ng puso ko. Hinawakan naman niya ang aking baba at nilingon ako sa kaniya.
"Baby, please say something" nakikiusap na ani nito sa akin.
Napatitig naman ako sa mga namumungay niyang mata at dahan dahang napatango.
"O-okay.." mahinang ani ko na ikina-ngiti niya. Napangiti na rin ako sa kaniya. I can't believe all this time na kumakabog ang puso ko ay sign na pala ng pagkagusto ko sa taong 'to.
Nagulat nalang ako ng bigla niya akong hapitin palapit sa kanyang mga bisig. Well, it's not bad at all sobrang sarap sa pakiramdam ang mayakap niya.
"Let's go baby, baka hinahanap ka na nila" nakangiting sabi nito at pinagsiklop ang mga kamay namin.
Buong biyahe nakangiti ako. Pagkarating naman sa apartment ay tulog na ang mga kasama ko pero may iniwan silang pagkain sa dining table. Pagkakain ko ng hapunan ay hinugasan ko agad ang pinggan. Nag-ayos na din ako ng sarili at natulog.

Komento sa Aklat (16)

  • avatar
    Lovely Tabalba

    loveeeyaaaa

    18/10/2023

      0
  • avatar
    Tyron Selorio Bucs

    I love it

    03/04/2023

      0
  • avatar
    Romel Calumba

    that's cool

    28/03/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata