CHAPTER 3

Chapter 3: THE NEWBIES
Denise's POV
Isang linggo na mula ng malaman naming miyembro na kami ng Journalism Club. Masaya naman silang kasama although laging may tensyon na mararamdaman pag magkasama ang grupo nila Akira at Xandria. Nanatili naman kami ng mga kaibigan kong neutral sa mga nangyayari.
"Denise pasuyo naman ohh. Pakidala kay Miss Castro nitong mga old magazines natin. Alam mo na kung saan ang opisina niya no? Salamat! May gagawin lang talaga ako!" Mukhang may klase pa si Risa at ako ang nautusan niya. Ang babaeng 'yon hindi man lang ako pinaimik.
Nandito kami ngayon sa Clubroom. Sa ngayon wala pang masyadong ginagawa ang journalism club. Kaya naman naghahanap pa kami ng ibang miyembro para sa darating na foundation day next next month. Kasama namin ngayon sina Shia at Akira na parehong nag-aaral.
"Samahan na kita?" tanong sakin ni Dreana na kanina pa palang nakalapit sakin.
"Nope, it's okay. Saka hindi na naman siguro ako maliligaw e." natatawang pahayag ko dito. Tumango naman ito bago lumapit kina Cali at Lea na nagk-kwentohan.
Napalingon naman ako sa mga kaibigan ko na nandito din. Nahagip ng paningin ko si Kia na nakatingin kay Jay habang kausap nito si Enzo. Napataas ang kilay ko ng lapit sakin si Jay.
"Samahan na kita? Mukhang mabigat yan eh kawawa ka naman." pang-aalaska niya sa akin. Nakita ko naman na nakitingin dito ang mga kaibigan namin.
"Hay naku Jay! Para-paraan ka lang e!" bulyaw ni Jia dito na ikana-tingin ng lahat at ikina-iwas naman ni Kia.
"Could you pleaae lower your voice? Someone's studying here if you don't see." Shia stated irritably. Tumingin pa ito sa amin na masama bago binalik ang tingin sa binabasa.
"Sorry about that Shia" ani naman ni Hanna. Umiiling na nagbasa nalang uli si Shia.
"Ano? Samahan na kita?" pukaw naman sa atensyon ko ni Jay. Kaya siya laging inaasar sakin nila Jia kasi ganiyan siya sakin.
Tinitigan ko naman si Jay. Kung gwapo lang naman may ilalaban siya. Matangos na ilong. Mahahabang pilik mata na kaiinggitan ng babae. Intense black eyes and pinkish lips. Kaso hindi siya ang tipo ko para ko na siyang kapatid e.
"Hoy!"
"Ha?" really? Denise? You spaced out in front of your bestfriend.
"Samahan na nga kita--" hindi ko na ito pinatapos ng sasabihin dahil tinalikuran ko na ito.
"No need, I can handle this" ani ko dito bago tuluyang lumabas. Walang lingong likod akong naglakad palayo. I know it's a kind of rudeness pero ayaw ko palalain ang kung anonamang iniisip ng mga kaibigan namin.
On the way to Miss Castro's office hindi ko maiwasang isipin ang parents ko. How are they? Maayos kaya ang kalusugan nila? What are they doing right now? Nakakamiss sila Mom and Dad.
"I should give them a call--" hindi ko natuloy ang dapat sasabihin dahil nabangga ako ng sino mang nilalang na ito. Nalaglag tuloy ang mga magazine na hawak ko.
Dali-dali kong pinulot ang mga magazine na nahulog. Ang kapal naman kasi ng mukha ng lalaking ito ni hindi man lang ako tulungan. Matapos mapulot ang magazines ay hinarap ko ang walang kwentang lalaki na hindi na nga ako tinulungan ay hindi parin naalis sa harap ko.
Gwapo. Kung gwapo si Jay mas gwapo naman 'to. Intense brown eyes. Messy hair. Tall and kissable lips. What the?! What am I thinking?! Gather yourself up Denise!
"Excuse me? Baka gusto mong dumaan sa dinaraanan ko miss" walang modo nitong saad. Tinaasan ko ng kilay ang lalaki.
"Excuse me too?! Ikaw ang nakaharang sa dinaraanan ko mister so you better move aside PLEASE?" mataray na ani ko dito. Akala mo kung sino porket gwapo siya akala mo aatrasan ko. Hmmp.
"Hindi mo yata kilala ang kausap mo miss, so shut up and move." malamig na ani niya sa akin na nagkilos sakin. Why am I intimidated with him? Hesy creepy.
Pagkatabi ko ay naglakad na ang lalaki na para bang siya ang may-ari ng inaapakan niya. Kung bakit naman kasi kinabahan ako sa lamig ng boses niya kanina. Nakakainis!
"Antipatiko!" pabulong na sigaw ko bago muling naglakad pero hindi pa ako nakaka-apat na hakbang ay sumigaw ang walang modong lalaki na yon.
"By the way miss Villafuerte! Brix Carter Dawson is my name!" sabay liko nito sa kanan.
Okay? What's that? How the hell did he know my name? Arghh! Makapunta na lang kay Miss Castro.
3rd Person's POV
Sa labas ng clubroom nang Journalism ay may tatlong tao ang kasalukuyang nakatayo.
"Are you sure sasali tayo? Balita ko may alitan sila Akira at Xandria kalat na kalat sa school yun. Panigurado ang laki ng tensyon lagi diyan." ani ng isang dalaga sa kaibigan na nakatulala sa pintuan ng clubroom.
"Oo naman! Imagine dalawang kilalang grupo dito sa school makakasama natin? Aren't you excited?" nae-excite na ani nito sa kanya habang ang isa pa nilang kasabay na lalaki ay tahimik lang na nakatingin sa pinto.
Kinatok na ng kaibigan ng dalagang nagaalangan ang pintuan. Pagbukas nito ay bumungad sa kanila ang top student na si Shia. Wala pa man ay kinabahan na ang dalawang dalaga habang ang binata naman ay napatingin lang dito.
"What do you want? And who are you?" tanong nito sa mga taong nasa harapan.
"Shia you should know how to be polite to others! What can we help to you guys?" malambing na anini Dreana. Walang imik namang bumalik nalang si Shia sa kanyang pwesto kanina at nagbasa nalang.
"Ahm we heard na naghahanap pa kayo ng members gusto sana namin mag-apply.. kung.. okay lang?" medyo naa-alangang ani ng dalagang kanina lang ay excited.
"Of course! You can! Wag niyo nalang pansinin si Shia." ani ni Sandra na nakalapit na dito.
"And... How about you? Mister?" tanong naman ni Dreana ng mapansin ang lalaki.
"Same reason." maikling tugon nito at bahagyang humakbang paabante.
"Ohh sure! Sige pasok kayong lahat binigyan ko kayo ng application form." ani nito bago bahagyang binuksan ang pintuan.
Magkakasunod na pumasok ang tatlo na ikina-lingon ng lahat. Ang kaninang bahagyang kaba na nararamdaman ng dalawang dalaga ay naging parang bagyo sa lakas. Samantalang parang wala lang sa lalaki ang mga matang nakatingin sa kanila.
"Have a sit. Then fill up this application as simple as that ay magiging miyembro na namin kayo." nakangiting ani ni Cali bago binahagi sa tatlo ang application form.
Habang nagsasagot ang tatlo ay bumalik sa kanya kanyang ginagawa ang mga tao sa loob.
Ang mga kaibigan ni Denise ay patuloy ang kwentuhan habang hinihintay ito. Wala na kasi silang panghapon na klase kaya dito nila napiling tumambay. Habang si Shia at Akira ay patuloy lang sa pagbabasa ng novels. Sina Cali, Dreana, Lea at Sandra naman ay nakatingin sa tatlong bagong member.
Natapos ang pagsasagot ng  tatlo ng bumukas ang pinto ng clubroom. Sunod sunod na pumasok sina Farah, Gail, Yena at Risa na pare-parehong galing sa klase.
"New members?" tanong ni Risa bago naupo sa sofa katabi ni Hanna.
"Oo, kakatapos lang din nila magfill ups ng form" sagot naman ni Kia dito.
"Ohh nice! I thought wala ng maglalakas loob dahil sa kumakalat na balita tungkol sa club" pasaring naman ni Farah na napapasandal na sa sofa dahil sa pagod.
Naiilang na napangiti naman ang dalawang dalaga na magkatabi sa kabilang sofa samantalang napahalukipkip nalang ang lalaking naka-upo sa monoblock.
"Why don't you introduce yourselves nalang newbies?" tanong ni Gail sa mga ito bago tiningnan isa isa ang mga bagong miyembro.
Bago pa makapagsalita ang tatlong bagong miyembro ay muling bumukas ang pinto ng clubroom. Magkasunod na pumasok din sina Xandria at Denise.
"Who are they?" malamig na tanong ni Xandria sa mga taong nasa loob. Habang si Denise naman ay pumunta sa kanyang mga kaibigan.
"Magkasama kayo?" bungad na tanong ni Jia kay Denise matapos umupo sa tabi nito.
"Nagkasabay lang kami diyan sa may pinto" ani nito bago lumingon sa tatlong bagong mukha sa club.
"New members. Miss. Vice President." maikli at walang ganang sagot ng presidente ng kanilag club.
"Shut up. You don't even deserve that position." malamig at madiing sabi ni Xandria dito na ikinakibit balikat lang nito.
"Ahm.. why don't we continue the introduction thingy?" nagaalangang ani ni Hanna para mabawasan ang tension.
"Yeah let's just go with the introduction, let's start with you" ani ni Risa sabay turo sa dalagang kanina pang excited. Tumayo naman ito upang magpakilala.
"I'm glad to meet you everyone! I'm Danna Gie Ocampo. I'm happy to be part of this club" nakangiting pagpapakilala nito.
"I'm Diana Gera Wilson. Glad to meet you all." maikling pagpapakilala ng babaeng sumali lang dito para sa kaibigan.
"Ethan Theo Lewis." ani lang ng lalaki na kanina pang naiinip. Isa-isa namang nagpakilala ang lahat sa kanila.
Matapos ang pagpapakilala ay nagkwentuhan lang sila upang maging komportable ang mga bago sa kanila kahit pa laging may tensyon na nagaganap.
Nasa gitna sila ng kwentuhan ng pabarag na bumukas ang pinto. Pumasok ang lalaking magulo ang buhok at matiim na nakatingin kay Akira. Napatayo naman si Denise sa kanyang upuan at nanlalaki ang matang nakatingin sa lalaki.
"What the hell is the meaning of this?!" madiing tanong nito kay Akira ng makalapit. Ang mga mata mg taong nasa loob ay nakapokus na lamang sa dalawa.
"What do you mean? My evil cousin?" nakangising tanong ni Akira bago sinara ang libro at tumayo upang mapantayan ang pinsan.
"How could you do this?! Seriously?! Journalism? Are you expecting me to write here?" nanggagalaiting ani nito. Kung hindi lamang niya pinsan ang kaharap ay baka nasapok na niya ito.
"That's your punishment from tita! Kung hindi ka kasi demonyito edi sana hindi ganyan saka andito naman si--" hindi naituloy ni Akira ang sasabihin dahil sa pagputol nito.
"Shut up! Fine! Fine! Payag na ako! I can't believe you blackmailed me!" sumusukong ani nito sa pinsan bago sumulyap kay Denise at kumindat.
Hindi makapaniwalang nakatingin si Denise sa lalaki. Hanggang sa tumalikod na ito sa kanila at naglakad na para bang wala itong ginawang kumosyon.
"Did he.. did he just wink at you? Denise?" hindi rin makapaniwalang tanong ni Jia bago lumingon sa kaibigan.
"Tsk. Tara na nga umuwi! Si Denise nalang naman ang hinihintay natin kanina e." naaasar na ani ni Jay bago kinuha ang bag niya at ni Denise. Nagpatiuna na itong maglakad at sinundan ni Enzo at Kia.
"Hoy! Bakit dala mo ang bag ni Denise?!" sigaw ni Jia ng ikinalingon sa kaniya ng lahat. "Sabi ko nga e quiet lang" awkward na dagdag nito. Hinila na nito si Denise na hindi pa rin makapaniwala sa nangyari palabas ng kanilang club.
Pagka-alis ng grupo ni Denise ay naramdaman ng tatlong bago ang tensyon. Tumayo na ang lalaki at walang pasabi na umalis.
"Rude." bahagyang bulong ni Dreana. Napalingon naman sa kanya ang katabi at tinaasan siya ng kilay. Nagkibit balikat nalang ito bago muling tumungin sa grupo nila Akira.
"I think balik nalang din kami next meeting. Nice.. meeting..you all" kinakabahang ani ni Danna bago hinila si Diana paalis ng clubroom.
"So the mighty president just added her cousin in this club. What a messy decision." ani ni Lea bago umirap at kinuha ang bag.
"Mauuna na ako sa inyo girls. May practice pa ako." pahabol pa nito bago tuluyang lumabas ni hindi man lang hinintay ang sagot ng mga kaibigan.
"Let's go girls I can't stand the air here. So polluted." maarteng ani ni Farah bago tumayo. Walang imik naman sumunod ang apat sa kanila.
"Try to use mouthwash. Malapit ang bibig sa ilong." ani ni Shia habang nakatingin pa rin sa binabasa.
Nanggagalaiting lumingon si Farah dito. Hahakbang na sana ito palapit kung hindi lang hinila ni Risa.
"Don't waste our time on this" ani nito habang hila pa rin ang kaibigan.
Tawang tawa naman sina Cali, Lea at Sandra sa nangyari. Napailing na lamang ang iba. Napalingon silang lahat kay Shia ng tumayo ito.
"Umuwi na rin tayo. Hindi naman mananakaw itong clubroom." walang ganang sagot nito at umuna ng lumabas. Sumunod naman ang mga kaibigan na nagaasaran pa rin.

Komento sa Aklat (16)

  • avatar
    Lovely Tabalba

    loveeeyaaaa

    18/10/2023

      0
  • avatar
    Tyron Selorio Bucs

    I love it

    03/04/2023

      0
  • avatar
    Romel Calumba

    that's cool

    28/03/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata