Homepage/On My Way To You/
CHAPTER 2
CHAPTER 2: An Epic First Day Of Class
3rd Person’s POV
Lunes kinabukasan ay maaga silang naghanda dahil first day of school na. Halo-halong emosyon na din ang nararamdaman ng bawat isa lalo na at hindi masyadong maganda ang nangyari noong sabado sa enrollment. Di pa rin maiwasan ni Denise na isipin ang komosyon na nangyari 'yon sa dalawang grupo.
“Sana di na maulit yung nangyari noong enrollment no? Naiipit kasi tayo sa sitwasyon, ang pangit naman na makisawsaw dahil wala naman tayong alam sa dahilan ng pag-aaway nila.” sabi ni Denise ng paalis na sila ng apartment.
“Oo, kaloka kaya nung nagsagutan sila ng parang walang ibang tao. Like hello nandito kami, pwede ba kayong kumalma?” dagdag naman ni Jia.
Sumang-ayon naman yung iba dahil totoo nga na ang awkward kung maiipit na naman sila sa dalawang grupo na kung tutuusin ay pareho talagang nakakatakot.
Pagkarating sa campus ay hinanap na kaagad nila ang kanilang classroom. Hindi naman sila nahirapan lalo na at nasa iisang department naman silang lahat. Pagkarating ng Prof ay agad ding nagsimula ang kanilang klase. Dahil nga first day ay more on class orientation lang sila at pagpapakilala sa kanilang mga transferee.
It's a peaceful day at nasa cafeteria ang magkakaibigan. It's their lunch time, gaya dati sabay sabay silang kakain. Nagkakasiyahan at nagaasaran silang lahat na para bang nasa CDO lang sila.
"Alam mo kulit mas masarap tong lasagna nila kaysa diyan sa spaghetti mo." pamimilit ni Jay sa kaibigang si Denise na sarap na sarap sa kaniyang pagkain.
"Pwede ba Jay? Mind your own business! Kung gusto ko ng lasagna edi sana yan nalang binili ko diba?" naiinis na tugon naman ng dalaga sa kaibigan.
Ang mga kaibigan naman na kasama ay tila naeenganyo na panoorin ang dalawa. Hindi naman nakatiis si Jia at nang-asar na.
"Alam mo kasi Jay kung crush mo si Denise sabihin mo na agad hindi yung paganyan ganyan ka!" pang aasar nito.
Kamuntik-muntikan namang mabulunan si Jay sa sinabi nito at napainom ng tubig. Habang si Kia ay napaiwas ng tingin sa narinig.
"What the hell Jia? Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Itsura n'ya magiging crush ko? No way!" mabilis na ani nito sabay turo pa sa dalaga. Tiningnan naman ito ng masama ni Denise at inirapan.
"As if naman papayag ako na may gusto ka sa akin, DUH?" maarteng sagot nito sabay balik sa pagkain.
"You know what guys? Why don't you finish your food instead?" walang ganang suhestiyon naman ni Enzo sa mga kaibigan.
"Yeah he's right. And besides we have 2 hours before the next class, anong gusto niyong gawin natin?" pagsang-ayon ni Hanna dito. Nasa harap pa rin nito ang kanyang laptop at mukhang may hinahanap.
"Why don't we go to the library?" suhestiyon naman ni Kia na kanina pang tahimik.
"I'm afraid newbies pero mukhang hindi sa library ang punta niyo" nagulat naman ang lahat dahil sa pagsulpot ni Risa sa tabi nila.
Napatigil naman ang lahat sa ginagawa at napatitig sa dalaga na animo'y isa itong kakaibang nilalang.
"I told you Risa! Dapat hindi mo nalang sila ginulat e!"pagsulpot naman ni Gail sa tabi nito. "Hi newbies or shoul I say former journalism club on your former school?" dagdag nitona nakataas ang kilay.
"How did you know that?" tanong ni Denise habang kinukuha ang tubig sa harap niya at uminom. Napapataas naman ang kilay ni Jia sa mga taong nasa harapan niya.
"We have our research about you guys but... sa utos lang 'yon ni Ma'am Castro" ani naman ni Farah sa mga ito. "By the way, she's so interested with you guys. That only means magagaling kayo sa field na 'to" dagdag na ani nito at naupos sa tabi ni Hanna.
"Stand up Farah, no one offered you a seat so don't be so rude." pagsingit naman ni Yena. Tumayo naman ang nauna.
Hindi naman makaimik ang magkakaibigan at naguguluhan sa nangyayaring pagsulpot ng Journalism Club na ito.
"I'm sorry for my members rudeness. We just want to let you know na pinapatawag kayo ni Ma'am Castro sa Club room namin." ani ni Akira bago sila tiningnan isa isa.
Napalunok naman ang magkakaibigan dahil sa tinging iginagawad nito sa kanila. Masyadong intimidating ang aura ng dalaga kaya imposibleng may makatanggi dito.
"O-okay. Let's go?" nauutal na tanong ni Kiasa mga ito. Ngumiti naman ang mga dalagang nasa harapan nila ng matamis.
"Right! Let's go!" parang bata na ani ni Risa bago nagsimulang maglakad patungo sa Club room. Napatawa nalang ang mga huli at sinundan ito.
Pagkarating nila sa tapat ng room ay ramdam na nila ang tension. May pakiramdam na ang mga magkakaibigang sila Denise sa maaring mangyari.
"I think hindi na naman matutupad ang hiling natin ngayong araw" pabulong na ani ni Jia sa mga kaibigan at sabay sabay silang napabuntong hiningi.
Pagkapasok palang ng dalawang grupo ay mas naramdaman ang tension na namamagitan. Napangiti ang guro na naroroon ng makita sila at pinaupo sila sa bakanteng upuan.
Malawak ang kwartong ito kung tutuusin ay kasya ang labing limang miyembro dito. Napabaling naman ang magkakaibigan sa gurong nagsalita.
"So as I said, ibibigay na ang room na ito sa isa pang Journalism Club. We should consider their side too. Tatlong taon na naman kayo dito diba?" ani nito sabay baling kina Akira sa kabilang side.
“Ma’am hindi naman po pwede na ibigay na lang kaagad sa kanila yung office ng club. We stayed here for 3 years tapos bigla na lang kaming paaalisin dahil sa kanila?” mahinong saad ni Akira.
“That’s it, hindi pa ba enough yung 3 years na kayong nagstay dito? Kabilang din kami sa club kaya wala kaming nakikitang dahilan para hindi mabalik samin ang room at hindi makinabang dun.” sabat naman ni Sandra.
"Oo kabilang din kayo sa club pero bumuo kayo ng sarili niyong grupo dahil hindi kayo marunong sumunod sa nagle-lead or sa ating president. You guys always have your own decisions. I doubt na kahit nandito kayo sa room na ito ay may maachieve kayo." maanghang na ani ni Risa sa mga ito.
"Yeah with that kind of attitude? I don't think so." mataray na segunda ni Gail dito.
Samantalang hindi naman alam nila Denise ang gagawin o kaya'y maaaring sabihin dahil wala silang alam sa mga nangyari. Ang mga kaibigang kasama ni Denise ay hindi na rin komportable sa nangyayari.
“Students, akala ko ay napag-usapan niyo na ang tungkol dito? Kung walang gustong magpaubaya then I don’t have any choice kundi pagsamahin ang grupo niyo including the transferees.” pinal na desisyon ng kanilang adviser ng club.
Dahil sa narinig ay nagulantang ang magkakaibigang sila Denise. Hindi naman sila nasabihan tungkol dito kaya nakakagulat talaga. Nagkatinginan silang magkakaibigan at napatingin din kina Risa.
Aalma pa sana si Risa pero agad nang nagpaalam ang kanilang teacher dahil pinatawag na ulit ito sa meeting. Walang nagawa sila Denise kung hindi maupo na lamang uli. Nanghina sila sa narinig.
Naiwan ang tatlong grupo sa club room at nagsimula na naman ang tensyon sa pagitan ng grupo nila Akira at sa grupo nila Xandria. Matapos ang ilang minutong katahimikan ay nagsalita si Akira.
“Hindi kami papayag na mapunta sa inyo ang room kaya hindi kami aangal sa desisyon ni Ma’am, pero kung pagsasamahin naman ang grupo natin gagawa ako ng mga kondisyon.” ani niya
“Bakit ikaw lang ang gagawa? Gagawa din kami ng mga kondisyon na kailangan niyong sundin at respetuhin para iwas sa gulo't pakikialam.” angal naman ni Lea.
"Ahm.. Kasama ba talaga kami dito?" nagaalangang tanong ni Denise sa mga ito. Napataas naman ang kilay ni Sandra.
"What do you think? Hindi mo ba narinig si Miss Castro kanina?" mataray na ani nito sabay irap. Napaling nalang ang grupo nila Akira.
"Aba't bastos ang bunganga ng isang to ah!" naiinis na saad ni Jia na balak nang tumayo para lapitan si Sandra ngunit pinigilan ito ng mga kaibigan.
"We can't make any commotion here, right?" ani ni Kia na may pilitna ngiti sa labi. Naiinis na napaupo na lamang si Jia.
Denise’s POV
Walang imik kaming nakikinig sa mga kondisyon na sinasabi ng bawat grupo. Nakakapagtaka lang talaga kung ano nga ba ang dahilan kung bakit ang laki ng galit nila sa isa’t-isa.
Matapos ang diskusyon ay humingi ng tawad sa amin si Akira at pormal kaming tinanggap bilang bagong member ng Journalism Club. Bago kami natapos ay inaassign kami na gumawa ng isang literary piece bilang activity as a new member. Unang umalis ang grupo nila Xandria at sumunod kami. Dumiretso kami sa cafeteria para kumain ng meryenda.
“Grabe first day pa lang pero feel ko na naubos yung energy ko sa dalawang grupo. Kahit wala tayong ginawa pakiramdam ko nadrain ako dahill sa tension ng grupo nila.” reklamo naman ni Jia bago naupo sa napili naming mesa.
“Mabuti nga at medyo kumalma na sila kanina, at hindi na mas pinalaki pa yung problema.” dagdag ni Hanna na tumabi dito.
“Ano gusto niyong pagkain? Ako na pipila.” pagbabago ko sa usapan
Narinig siguro ng kakarating lang na si Jay kaya agad siyang lumapit sakin.
“Ako na pipila Denise, ano bang gusto mo?” sabi niya kaya naman naupo nalang din ako sa harap ni Hanna
“Luhh ba’t si Denise lang tinatanong mo? Gutom din kami no.” singit naman ni Jia. Napakamot naman ng ulo si Jay at hiningi na din kung anong gusto ng iba.
Pagkatapos naming magmeryenda ay diretso na kami sa classroom at gaya din ng ibang prof ay nag orientation lang din kami buong maghapon. Pagkatapos ng last subject ay agad nag ayang umuwi si Kia.
“Himala ka Kia, maaga kang nag-ayang umuwi ah?” nagtatakang tanong at asar ni Hanna sa kanya. Habang pasakay kami sa van na pagaari ng pamilya nila Jay.
“Anong himala? Di kaya noh. Pero yes nadrain din yata ako dahil kanina hahaha.” sagot naman niya bago tuluyang pumasok sa van at naupo sa tabi ko.
“Ba’t parang malungkot ka? May problema ka bang hindi sinasabi samin?” ani ko rin dahil napansin kong parang hindi siya okay sa araw na to.
“Kung ano-ano iniisip niyo mga sira, okay lang ako at medyo nahohome sick lang, tara na nga uwi na tayo.” muli niyang pag-aaya.
Habang nasa biyahe ay puno kami ng asaran at tawanan. Unang dumaan ang van sa apartment namin nila Kia at sila Jay naman ay five house ahead pa.
"Goodnight Denise!" sigaw ni Jay pagkababa namin bago mabilis sinara ang pinto ng van. Tuluyan na itong umandar ngunit may pahabol pang sigaw si Jia sa kanila na ikinaling nalang namin ni Hanna.
"Madaya kang animal ka! Bakit kay Denise lang?! Crush mo siya talaga no!" sigaw nito kahit hindi na siya rinig.
"Tsk. Tara na nga lang sa loob." mahinang ani Kia sa amin. Agad naman akong lumapit sa kanya at sabay kaming pumasok sa loob.
"Okay ka lang ba?" nababahalang tanong ko dito. Ngunit umiwas lamang ito ng tingin sa akin.
"Oo, sa kwarto lang ako." ani nito bago ako tuluyang iniwan sa sala. Lumapit naman agad sa akin sina Hanna at Jia.
"What happened?" nakakunot noong tanong ni Hanna. Ikinakibit balikat ko nalang sa kanila.
Hanggang hapunan ay matamlay pa rin si Kia hindi naman na namin siya ginulo dahil alam naming magsasabi din ito sa amin. Maaga din kaming natulog dahil sa dami ng nangyari.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (16)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
loveeeyaaaa
18/10/2023
0I love it
03/04/2023
0that's cool
28/03/2023
0Tingnan Lahat