Homepage/On My Way To You/
CHAPTER 1
CHAPTER 1: The Journalism Club
Denise's POV
Liwanag ng araw ang tumapat sa aking mukha na siyang nakapag pagising sa akin. Umaga na pala. Kay bilis ng panahon. Napangiti nalang ako ng maalala kong ngayon ang byahe ko tungo sa Manila. Huling taon ko na sa college pero nag decide parin sila Mommy na sa Manila ako pag aralin.
Paniguradong ma miss ko ang ganitong scenario dito sa Cagayan De Oro. Liwanag ng araw sa umaga, sariwang hangin at tahimik na paligid.
Pagkatayo ko ay tumapat ako sa salamin. Kakayanin ko kaya ang buhay sa Manila? Alam kong ibang iba iyon kumpara dito sa amin. Pero kailangan kong kayanin yon. Pagkatapos mag isip ay nagtungo na ako sa banyo.
Simpleng damit lang ang sinuot ko, simpleng jeans at t-shirt na pinaresan ko ng rubber shoes. Pagkababa ko ay naabutan ko na sa dining sina Mommy.
"Good morning sweetie, how's your sleep?" tanong ni mommy, agad akong lumapit sa kanya at humalik gayon din kay daddy.
"Maayos naman po. I'm just.. you know nervous. What if hindi ko po kaya don? I'm afraid, I might fail you." sagot ko, pagkaupo ko sa hapag kainan. Isa din yon sa nagpapakaba sakin, paano kung bumagsak ako don?
"C'mon honey, hindi ka bumabagsak sa lahat ng bagay. Kaya nga namin napag desisyonan na pag aralin ka doon dahil alam naming kaya mo. Stop thinking anak, and besides kasama mo naman ang mga kaibigan mo doon,.I trust you" napangiti ako sa sagot ni daddy, that's why I love them so much.
Well, tama sila kasama ko nga ang mga kaibigan ko siguro panahon na din para maging independent ako. I need to learn how to depend in myself at some circumstances.
Nandito na kami sa airport pero parang hindi ko kayang umalis kung ganito. Iyong dedication ko sa pag-alis kanina nawala bigla. I just can't leave my parents.
"Take care anak, don't forget to call us ha kapag nakarating kana doon" napangiti nalang ako, paalis palang ng bahay ay ang dami na nilang mga pasabi at paalala.
"Yes Mom, but please kayo din po. You two should still rest. Wag niyo papagurin yung mga sarili niyo." paalala ko din sa kanila, alam kong mahirap at marami silang ginagawa dahil doctor sila. Pero nag aalala lang din ako.
"You don't have to worry honey. Kaya na namin to, ikaw ang dapat mag ingat. Update mo kami lagi" Ngumiti naman ako at tumango.
"I will po, i have to go na Mom, Dad. I'll miss you. I love you, always" tuluyan kong saad at yumakap sa kanila. Nagsibagsakan na ang mga luha ko, unang beses kong malalayo sa kanila.
Pero dapat ko tong kayanin, para sa kanila. Kumalas na kami sa isat isa.
"Sige na anak, nag hihintay na ang mga kaibigan mo sa loob, aalis na ang eroplano. Have a safe trip anak" malungkot na saad ni Daddy.
Ngumiti ako sa kanila sa huling pagkakataon, bago ako tuluyang tumalikod ay hinarap ko uli silang dalawa,
'I love you' I mouthed. Ngumiti silang dalawa sakin, at tumango. Tumalikod na ako at pumasok sa loob kung saan nandoon na naghihintay ang mga kaibigan ko.
"Stop crying na bess, mas magmumukha kang sabog niyan" Jia said, napangiti ako, she's one my friends.
"Oo nga kulit, baka pagdating natin sa Manila, Zombie kana ha" asar naman ng bully kong kababata si Jay. Napatawa nalang ako.
"Oa niyo mag react, tara na nga lang" saad ko, pero bago kami makahakbang ay napansin kong wala sina Enzo at Kia. Mga kaibigan ko din sila dito sa probinsya.
"Asan sina Enzo at Kia?" agaran kong tanong, si Hanna ang sumagot, isa ko pang kaibigan.
"Nauna na sila noon isang araw pa, may mga kailangan pa daw silang ayusin" napatango naman ako.
This it it!
"Okay, then, let's go?" pagkatanong ko non ay agaran rin silang tumango at ngumiti sakin, sabay sabay na kaming pumasok para hindi mahuli sa flight.
Buong byhae ay tawanan at asaran ang pinaggagawa namin. Nakarating na kami sa Manila. Pagkababa palang namin ng eroplano ay dinama ko na agad ang hangin. Tama nga sila Mommy hindi kagaya ng atmosphere dito sa Manila kaysa sa CDO.
"Hoy kulit, tara na, mamaya mo na i-enjoy yang hangin. " napasimangot ako, epal talaga tong lalaking to e.
"Che!" napatawa nalang siya sa sagot ko.
"Osya tara naaa! Aymm so eksayteedd~" pakantang saad ni Jia. Nagkatinginan nalang kami ni Hanna at napa iling. Nakita namin sila na naguunahan sa pagsakay sa van pero mabilis na sumakay si Jia sa passenger seat. Kahit kailan talaga tong si Jia HAHAH.
I can't believe I'm here in Manila without my parents. Nakakapanibago pero kasama ko naman ang mga kaibigan ko na andyan lagi para sa akin.
Nakarating naman kami sa apartment namin. Dati ng kinuha to ni Daddy para sa amin. Kasya na kaming apat dito ako, si Jia, Hanna at Kia. Dahil bukod naman ang apartment ni Jay, tho dyan lang siya malapit samin. At paniguradong dalawa din naman sila ni Enzo doon.
It's already 9:30 pm at nandito na kami sa kwarto, nag uusap usap para sa magiging ganap namin bukas. Enrollment na bukas, kinabahan tuloy ako bigla.
"Alam niyo, matagal ko na ring pangarap makapag aral dito sa Manila, and take note Athemians University pa ang papasukan natin!" napangiti ako sa sinabi ni Jia. Tama, pangarap naming lahat na makapag aral dito. Kaya ngayong andito na kami, kailangan naming pagbutihin.
"Pero base sa research k----" pinutol naman agad ni Jia si Hanna.
"Ay taray ng lola mo oh, research? Hahanap ka lang ng pogi e!" panga-alaska naman nito na nagpatawa sa akin.
"HAHAHAH ang haharot niyo ha" natatawang saad ko pa. Napasimangot naman si Hanna.
"Hindi no, patapusin mo nga muna ako Jia, epal mo e. Base sa research ko, matatalino daw talaga yung mga andon. At may mga iba't ibang club pa na pwedeng salihan at marami pa. Feel ko talaga mag eenjoy tayo don." napaisip ako, talaga ngang maganda sa paaralan na yon. I won't consider my parents decision if hindi magandang school ang babagsakan namin.
"Hmmm, kinabahan ako bigla huhuhu" paiyak kunwari ni Jia. Natatawa nalang ako sa reaksyon niya. Well, I can't blame her lahat ata kami kinakabahan in our own ways.
"Andito na tayo kaya dapat lang pagbutihin natin, at isa pa last year na to ng college life natin, i enjoy na natin." saad ko na nakapagpangiti naman sa dalawa.
"Alam mo Denise, buti pa ikaw may sense kausap, itong si Jia kasi wala e" Hanna said.
"ABA, HOY! FYI ha? Mas matino naman ako kausap no kesa sayo!" napa iling nalang ako sa kakulitan nila. Hindi ba sila tinamaan ng word na jet lag at ang dami pa rin nilang energy?
"IKAW? MATINO? HAHAHAHA hatdog!"
"AH BASTA, WAG KA SANANG MAKAHANAP NG POGI DUN"
"IKAW LANG NAMAN MAY HANAP NON E!"
"IKAW!"
"IKAA----"
"OKAY! Tama na guys, tulog na tayo, baka mamaya ma reklamo tayo sa ingay niyong dalawa. Maaga pa tayo bukas" pag putol ko sa kanilang dalawa.
"Sige na nga, good night guys!" saad ni Jia at lumipat na ng pwesto.
"Good night!"
--------
3rd Person's POV
Maaga palang ay nasa Athemians University na ang mag kakaibigan. Doon din nila napag-pasyahan na kitain ang dalawa pa nilang kaibigan.
"Asan na ba yung dalawang yon?" tanong ni Denise, kanina pa sila paikot ikot pero hindi pa nila mahanap sina Enzo at Kia. Sinundo kasi ni Enzo si Kia kanina kaya nauna na sila.
"Teka, nag text pala sakin si Enzo, nasa may cafeteria part daw sila" agad naman napasimangot ang lahat. Kanina pa pala nag text ito sa kanya ngunit hindi niya nasagot.
"Hatdog ka talaga! Kanina pa pala nag text e, ang sabog mo, umagang umaga" asar na sabi ni Denise sa kababata.
"Wow, nagsalita tong zombie na may eye bags, dika natulog no? HAHAHAH" asar pabalik ni Jay sa kanya. Mas napasimangot tuloy si Denise.
"Che! Tara na nga" sabi niya at nauna ng nag lakad na agad naman sinundan ni Jay.
"Hoy pikon HAHAHAHA!"
Nag katinginan nalang sila Jia at Hanna sa iniasta ng dalawa, parehong sanay sa bangayan nila.
"Tara na" yaya nalang ni Hanna at sumunod na sa dalawa.
-----------
Denise's POV
Kompleto na kami at nandito kami sa auditorium para sa enrollment. Kasama na namin si Enzo at Kia. Inaantay nalang namin na tawagin kami para makapag fill up na kami sa harap.
Habang naglilibot kami dito sa Athemians University ay hindi ko maitago ang pag ka mangha ko. Magaganda rin naman ang mga paaralan sa CDO pero aaminin kong mas maganda nga dito.
Hindi pa man nagsisimula ang klase ay ramdam kong mag eenjoy kami dito.Kami pala ang huling batch, napansin ko rin kasing pa konti konti nalang ang mga tao.
Maya maya tinawag na nga kami at agad naman kaming pumunta sa harapan. Pagkarating namin doon ay nakakita kami ng limang dalaga na batid kong ka edad lang namin.
"Good morning. Since busy ang lahat ng teachers sa unang araw ng enrollment, kami nalang ang titingin sa mga fill ups niyo. I'm Fara Cae Yolo by the way" agarang pag papakilala samin ng isa sa kanila.
Maganda siya, at mukha ring matalino.
"Thank you po, After po nito anong gagawin namin?" tanong ni Hanna pagkatapos.
"Since kayo na ang last batch ng mga mage-enroll, dadalhin ko muna kayo sa isang room dito at may pag uusapan tayo about sa magaganap dito." yung babaeng kulot ang buhok naman ang sumagot, bago kami makapag salita ay nagsalita uli siya.
"I'm Risa Hale Santos btw" sagot niya, napatango naman kami. Medyo nakakakaba, ang seryoso kasi nila. Maya maya ay tumayo yung pinaka matangkad sa kanila.
"Pasensiya na kayo kung masyadong seryoso, ganyan lang talaga sila, pero mga baliw yan. Anyways, I'm Akira Daine. At yung dalawa doon ay sina Gail at Yena. Napatingin naman kami dun sa dalawa sa table na nasa kabila.
Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko.
"Ang tataray ata nila huhu" sabay na bulong nina Jia at Kia. Napatawa naman ng mahina sina Jay. Bago pa ako makasagot ay nagulat kami ng biglang sumigaw yung isa kanina.
"AY AYAN KASEEE! Hindi kami mataraayy, si Gail lang yon, pero mabait kami, di lang halata, pangit kasi ni Yena" pang aasar ni Risa sa mga kasama niya. Umalma naman yung Yena na tinutukoy niya.
"Hoy nahiya naman ako sa maasim mong mukha no" napatawa kaming anim sa narinig namin. I kinda like this girls I just hope na maging kaibigan ko sila.
"Enough guys. Tara na muna sa room." awat ni Akira. Nauna na itong lumakad patungo doon na sinundan ng apat niyang kaibigan.
"Ano kayang gagawin natin don?" tanong ng nilang lima sakin. Nag kibit balikat nalang ako at sumunod na sa limang babae.
---------
3rd Person's POV
Papunta na sa isang mga room ang grupo nila Akira at Denise. Wala pang idea sina Denise sa gagawin kaya sumunod nalang sila hanggang sa makarating sila dito.
Ngunit nagtaka ang grupo nila Akira kung bakit bukas na ang pintuan gayong pina-reserba nila ito para sa kanila.
Pagpasok nila ay naabutan nila ang anim na indibidwal kasama ang isang guro na tila may pinag uusapan. Tahimik na pumasok ang grupo nina Denise. Agarang lumapit ang grupo nila Akira sa kinaroroonan nila.
"Ma'am? What are they doing here? What's happening?" seryosong tanong nito sa guro.
"Sila ang isa pang journalism club diba? At ngayong andito na kayo, kasama ang iba pang enrollees, pag uusapan natin kung kaninong grupo mapupunta ang room na ito" sagot ng guro sa kanila, agaran namang sumagot si Yena. Nagtaka naman ang grupo nila Denise dahil hindi nila alam ang nangyayari.
Nahati kasi sa dalawang grupo ang journalism club na ito dahil sa hindi nila pagkakaunawaan sa mga bagay bagay. Ang grupo nila Akira ang matatagal nang miyembro dito.
"I'm sorry ma'am pero, pag uusapan? Hindi ba't sa amin naman talaga dapat ang room na ito? Active ang grupo namin sa club na ito, at hindi kami papayag na sa kanila to mapupunta."
"Kami ang naging dahilan kaya nakuha ng club noon ang room na ito bago pa napunta ang grupo niyo dito. Binabawi lang namin ang dapat ay sa amin. Sagot naman ng isa sa kabilang grupo.
"Pero binuo namin ang madaming achievements namin dito, at witness ang room na ito sa paghihirap namin dahil sa pang-iiwan at pagkontra niyo! Pinag hirapan din namin itong kunin, dahil isa ito sa mga pinaka exclusive, so NO. " pag kontra naman din ni Gail.
"Students, calm down okay? Kaya nga we'll talk about this diba? Pero I'm sorry kasi may biglaang tawag sa office. Iiwan ko muna kayo dito para mag usap. Please calm down and cooperate. Thank you" paalam ng teacher, pero bago yon ay huminto muna siya sa harap ng grupo nila Denise at ngumiti.
"Welcome to our University" saad ng guro, at tuluyan ng umalis.
"Salamat po!" pahabol nila.
"Hay nako, epal kasi yung iba dyan" napalingon naman sila sa nagsalita, tama. Nasa gitna nga pala silang lahat ng pag uusap. Nasa gilid lang grupo nina Denise at tahimik na nag hihintay sa mangyayari.
"Hoy ikaw, bukod sa mukha kang bruha, maingay ka. Tumahimik ka nalang at ibalik sa amin 'tong room". saad ng isa sa kabilang grupo. Si Sandra.
"Hibang kaba? Asa ka namang ibibigay namin ito ng basta basta no. Try mo munang lumuhod baka gumana." saad ni Risa, sa mapang asar na tono at umirap pa sa dalaga.
Habang nakikinig, napansin ni Denise ang kanina pang titig ni Farah kay Shia, may napansin siyang parang kakaiba na hindi niya maintindihan.
'Mag ka kilala ba sila dati?' tanong niya sa isip niya.Naputol ang kanyang pag iisip ng may sumigaw.
"THE FREAK?! HINDI NAMIN ITO IBIBIGAY! PINAGHIRAPAN NAMING LAHAT ITO, HOW DARE YOU NA SABIHING WALA KAMING SILBI DITO?" nagagalit na na saad ni Risa.
Agad na napatanong si Denise sa mga kaibigan niya dahil kanina pa siyang lutang sa nangyayari.
"Woi? Bakit daw? What happened?"
"Ewan din, bigla bigla nalang. Nakakatakot silang magalit dzai" kinakabahang sagot ni Kia. Pero mas pinili nalang muna nilang makinig at tumahimik.
"Nakikiusap din naman kami ng maayos ah?! Sapat na yung tatlong taon niyo dito, Hindi lang to basta basta room o na kung ano man, dito rin namin binuo lahat, kaya PLEASE!" saad ng isa sa kanilang grupo, si Lea.
"Hindi namin to ibibigay. Mas lalong hindi, dahil sa inyo." matigas na saad ni Farah
"Calm down guys, will you?! Walang maidudulot yang ganyan" awat ni Akira sa mga ka grupo niya.
"Sino bang nauna? Yang mga yan" Tila badtrip agad na sagot ni Gail.
"Ay wow e kayo ka-----"
Magsasalita pa sana si Lea pero agad itong naputol nang tumayo si Xandria. Ang nagsisilbing leader ng grupo nila.
"That's enough." Kinilabutan ang lahat lalo na sina Denise dahil sa lamig ng tinig nito.
Bumulong ang mga kaibigan ni Denise sa kanya dahil natatakot na mapuna ng dalagang huling nagsalita.
"Hooo ang lamig, mas malamig pa sa convo niyo" napatawa naman sila ng mahina kay Jia.
Balik sa pangyayari. Nag sitayuan ang lahat sa kabilang grupo. Sa itsura nila ay hindi sila natatakot or naiintimidate sa dalaga. Daig pa ng mga ito ang sasabak sa gyera dahil sa palaban nilang aura.
"Wala kaming dapat patunayan sa inyo. Pake namin sa achievements niyo nung umalis kami? Babawiin namin to. Tama na ang tatlong taon na namalagi kayo dito." malamig at walang emosyon na saad ni Xandria.
Sumagot naman agad si Akira. Kung kanina ay natatakot na sila kay Xandira ngayon ay parang gusto na nila Denise lumabas ng kwartong ito.
"Hindi ko rin kayo pinapakeelaman, dahil pake rin ba namin? Pero hindi namin ibibigay 'tong room na ito, ng walang sapat na dahilan." pinal na saad nito.
Pero imbes na sumagot uli ay, lihim lang na napangisi si Xandria at lumabas na ng silid kasama ang iba pa niyang kasama.
Agarang lumapit ang lima sa grupo nila Denise.
"Pasensiya na sa naabutan niyo ha. Balik nalang kayo dito sa Monday. Pag usapan natin yung isa sa mga requirements niyo dito." Saad ni Akira sa kanila. Ngumiti naman silang lahat.
"Ayos lang po, naiintindihan namin" saad ni Denise na sinang ayunan naman ng mga kaibigan niya.
"Sige, pwede na kayong umalis, ingat." paalam na ng grupo nila Akira
"Salamat din, ingat din kayo!" sabay rin na paalam ng mag kakaibigan.
Habang nasa daan sila pauwi ay hindi maiwasan ni Denise ang mag isip.
'Grabe, ang hard kanina. Mararanasan kaya namin yon? Nakakakaba naman' Yan ang gumugulo sa isip niya ngayon.
"Hoy girl, chill lang. Masyado mo namang iniisip yung kanina" saad ni Hanna
"Oo nga kulit kain nalang tayo, yung pabirito mo?" cheerful na sabi sa kanya ni Jay at inakbayan siya.
"Okay! Let's go!"
Habang naglalakad sila ay hindi niya maiwasang tingnan ang dalawang kaibigan niya na mag ka akbay at masayang nag uusap. Napangiti siya ng mapait at napabulong sa sarili;
'Ako dapat ang andyan e, hindi ikaw.' I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (16)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
loveeeyaaaa
18/10/2023
0I love it
03/04/2023
0that's cool
28/03/2023
0Tingnan Lahat