CHAPTER 15

Chapter 15: Is this the End?
3rd Person's POV
Agad silang sumakay lahat sa sasakyan matapos magpaiwan ni Jay para hintayin si Kia. Nang umandar ang SUV na minamaneho ni Shia ay napalingon naman ang dalawang nasa backseat kay Jay na kasama ang Mommy ni Kia papasok sa loob ng bahay.
"Everything is going okay now. Don't stress yourselves so much." pagpapagaan ng loob ni Farah sa dalawang kaibigan.
"I know..." pabulong na saad ni Hanna. Lumingon na lamang ito sa labas upang mai-relax ang sarili.
Buong biyahe ay tahimik ang mga sakay sa apat na sasakyan. Unti-unti na silang nabubuhayan ng loob dahil sa wakas ay makikita na muli nila si Denise.
Sa loob ng dalawang oras na biyahe ay narating na din nila ang Butuan City. Malapit na sila sa ospital na pagmamay-ari nila Denise kaonting hintay na lamang ay makikita na nila ang kaibigan.
Pagkahinto palang nina Shia, Rye, Cali at Erix ng mga minanehong sasakyan ay halos mag-unahan ang magkakaibigan na makababa dito.
Nang makumpleto sila ay dali-dali silang pumasok sa loob. Hindi na sila nagtungo pa sa information desk ng ospital dahil alam na nila kung saan ang kwarto ni Denise.
'Floor 4 at room no. 404'
Tanda nila ang nakalagay sa envolope na iniwan ni Kia para sa kanila. Hindi na nila maatim na maghintay pa para sa elevator. Dumaan ang magkakaibigan sa fire exit ng ospital at nagmamadaling umakyat sa hagdan.
Pagdating sa ika-apat na palapag ay  napalingon sa kanila ang mga pasyente at nurse na nasa paligid. Hindi naman nagsayang ng panahon ang magkakaibigan. Naghiwa-hiwalay sila upang hanapin ang kwarto ni Denise. Hindi na nila nagawa pang magtanong sa dalawang nurse sa station dahil sa pagmamadali.
Ang mga pasyente ay puno ng pagtataka dahil sa magkakaibigan daig pa kasi ng mga ito ang mga pulis na may hinahanap na kriminal. Ang dalawang nurse na nakatingin sa kanila ay tila nababahala na dahil sa ginagawang komosyon ng magkakaibigan.
"Guys! Dito!" sigaw ni Enzo na nasa dulong bahagi sa mga kaibigan. Agad nagtakbuhan ang mga kaibigan niya palapit dito. Ang mga pasyente na naglalakad lakad sa hallway ng ospital ay kusang tumabi sa takot na mabundol ng mga ito.
Paglapit ng lahat ay hindi nila maipaliwanag ang kagalakang nararamdaman. Binuksan ni Brix ang pinto at bumungad sa kanila ang napakalawk na kwarto. Sa sobrang lawak ng kwarto ay daig pa nilang nasa isang presidential suite sa isang hotel. May mini kitchen ito sa gilid, may isang sala set din sa bandang kanan at may malaking tv. Sa bandang kabila malapit sa mini kitchen ay may pinto na sa tingin nila ay banyo.
Sa kinatatayuan nila ay tanaw nila ang isang queen size bed na malapit sa sala set. Sa gitna ng kama ay kita nila ang walang malay na si Denise, may suot itong oxygen mask at may nakakonektadong heart monitor sa gilid. Kung aalisin ang mga medical equipment sa paligid ng dalaga ay para lamang itong natutulog.
"It doesn't look like a hospital room at all" mahinang ani ni Jia dahil sa pagkamangha. Kahit sino naman kasing makakakita nito ay hindi aakalaing isa itong kwarto ng pasyente.
"She looks like sleeping beauty if those things are gone" saad ni Akira sa lahat ng makabawi sa pagkamangha.
"Even though there's a medical equipment connecting at her mukha pa ring prinsesa ang anak ko, diba?" nagulat sila sa boses na narinig kaya napalingon ang lahat sa pinto.
Hindi nila napansin ang pagdating ng magulang ni Denise. Nakalimutan pala ni Dreanna isarado muli ang pinto kaya hindi nila narinig ang pagbukas nito.
"Tita/Tito..." bulong ng bawat isa sa kanila. Huminga ng malalim ang mag-asawa bago sila sinamahang tuluyan sa loob. Pagkasarado ng pinto ay ramdam nila ang tensyon na namayani.
"Hindi nga ako nagkamali na kayo ang dumating nang marinig ko ang nangyaring komosyon kanina" ani ng ginang sa lahat habang may tipid na ngiti.
Walang nagsasalita sa magkakaibigan. Lahat sila ay tila pinipigil ang sariling sumabog sa harap ng mga magulang ni Denise. Ramdam ng bawat isa ang tensyon sa pagitan ng pamilya ni Denise at Brix.
"She can still hear all of you... At alam kong nalulungkot siya ngayon dahil hindi namin natupad na huwag muna kayong palapitin sa kaniya hangga't wala pang heart transplant." ani ng ginang.
Nagsimulang maglakad ang mag-asawa palapit sa anak. Humawi ang magkakaibigan na tila'y binibigyan ng daan ang mag-asawa. Umupo ang dalawa sa kama at nilingon silang lahat.
"She doesn't want to lay on a hospital bed kaya nag-request siya ng bedroom bed para hindi daw siya magmukhang paseyente." pagku-kwento nito sa mga kaibigan ng anak.
Walang makapagsalita sa kanila. Hindi alam ng mga kaibigan ni Denise kung ano ang unang sasabihin. Dapat ba silang magalit? Magtanong? Lahat ay tila nagugulumihaman sa dapat gawin.
"Bakit? Gusto kong malaman kung bakit hindi niyo kami sinabihan na nandito siya? Alam kong sinabihan na kayo ng mga tauhan niyo sa mansion niyo kaya bakit? Bakit hinintay niyo pa na umabot ng dalawang araw kami sa Cagayan kung pwede naman sabihin niyo na agad sa amin kung nasaan siya?! Hindi ko maintindihan kung bakit hiniling niyo na pumunta ako-kami para sa kaniya pero pilit niyo siyang tinago samin?!" sigaw na tanong ni Brix sa mag-asawa.
Nabahala naman ang mga kaibigan niya dahil sa nangyayari. Agad nilapitan ni Akira at Rye si Brix upang awatin ito. Hinawakan ni Akira ang kamay ng pinsan na iwinaksi lamang nito.
"We... We didn't mean to... She was the one who asked for it... She told us na tatakas siya if hindi namin sinunod ang gusto niya... Kaya... Kaya..." hindi na natapos ng ginang ang sasabihin dahil napahagulhol na ito ng iyak.
Tumayo ang ama ni Denise. Dahan-dahan itong naglakad hanggang sa tapat ni Brix. Ang mga kaibigan nila ay mas lalo lamang kinabahan sa maaaring mangyari.
"We're sorry Brix. It was my daughter's will kung hindi lang dahil sa kagustuhan niya ay matagal na sana namin ipinaalam sa inyo kung nasaan siya." saad nito sa nobyo ng anak at hinawakan sa balikat.
Magsasalita na sana muli si Brix nang maagaw ng isang tunog ang atensyon lahat. Bigla na lamang tumunog ang monitor ni Denise.
"What's happening?! Tita?! Tito?! What's happening with her?!" kinakabahang sigaw ni Jia. Nilapitan ito kaagad ni Hanna upang pakalmahin.
Ang mag-asawa ay mabilis na tumakbo sa anak. Pinindot ng ginang ang intercom sa gilid upang tumawag ng mga nurse.
"Code Blue! Code Blue!" sigaw nito dito.
Wala pang ilang minuto ay dumating naman ang mga nurse na nay dalang medical equipments. Ang magkakaibigan ay pinapunta ng isang nurse sa gilid.
"What's happening with her?!" kinakabahang tanong ni Brix sa nurse.
"She's having cardiac arrest sir" magalang na sagot nito bago nagmamadaling bumalik sa may kama.
Ang magkakaibigan ay tila binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Nagsimula ng maiyak ang ilan sa kanila dahil sa kaba sa nangyayari. Maya-maya pa'y narinig nila ang tunog na kailaman ay hindi nila aakaling maririnig nila.
"Doc! Nagflat line na ang pasyente!" sigaw ng isang nurse sa mga doctor.
"Give me the defribillator!" sigaw ng isa doctor dito.
Agad lumapit ang nurse habang tulak ang kinalalagyan ng defibrillator. Ang magkakaibigan ay nakatulala sa mga taong nagkakagulo hindi nila alam kung ano ang kalalabasan nito. Ang mga magulang ni Denise ay lumayo ng kaunti sa kama ang ina nito'y umiiyak na rin sa bisig ng asawa.
"120 joules. Clear."
Ngunit tila wala pa ring nangyayari. Si Brix ay hindi na maipaliwanag ang nararamdaman. Gusto niyang magwala dahil sa nararamdaman niyang sakit.
"150 joules. Clear."
Katulad ng una ay wala pa ring nangyayari. Lumakas ang iyak ng iba nilang kaibigan habang nagpipigil naman ang iba sa kanila. Si Jia at Hanna ay halos mapa-upo na sa pag-iyak nakaalalay sa kanila sina Farah at Shia upang hindi matumba ang dalawa.
"200 joules. Cle-"
Hindi na tuluyang narinig ng magkakaibigan ang sasabihin ng doctor dahil sa lakas ng pagbagsak pasara ng pinto. Naaawang nakatingin silang lahat sa pinto na nilabasan ni Brix hindi nila mawari kung ano ang dapat gawin at sabihin dito.
Pagkalabas ni Brix ng kwarto ni Denise ay nagdere-deretso siya palabas ng ospital. Unang hakbang palang ng mga paa niya sa labas ay nagu-unahang tumulo ang mga luha niya. Hindi niya kaya. Hindi niya matatanggap. Hinding hindi niya kakayaning marinig na wala na ang dalaga kaya mas pinili na lamang niyang lumabas ng kwarto nito.
Naglalakad si Brix patungo sa kawalan daig pa nito ang batang nawawala sa daan. Naglalakad ito na tila walang ibang tao o sasakyan sa paligid. Dere-deretso lamang ang lakad niya ngunit napukaw ang atensyon niya ng isang busina at liwanag ng papalapit na sasakyan.
"Umalis ka diyan!" sigaw ng ilang taong nakakita.
Ngumiti ng mapait ang lalaki na tila ba'y tanggap na nito ang katapusan niya. Gusto na niyang mamatay at sumunod nalang sa nobya. Hindi na niya kasi alam kung anong mangyayari sa buhay niya ngayong wala na ito.
Ngunit tila mapaglaro ang tadhana dahil naramdaman nalang niya ang pagtulak sa kaniya ng isang tao. Bumagsak siya at tumama ang ulo sa sidewalk naramdaman din niya ang sakit sa paa niya.
"Hala! Yung babae!" sigaw ng mga tao sa paligid.
Bumalik naman sa wisyo si Brix sa narinig at napalingon sa likod niya. Sa kaniyang nakita ay tinakasan siya ng dugo hindi niya akalaing sa lahat ng taong kilala niya ay ito pa ang magliligtas sa kaniya.
Sinubukan niyang tumayo at lumapit dito ngunit nararamdaman niya ang sakit sa kaniyang paa at ang hilo. Nanlalabo na rin ang kaniyang mga mata dahil siguro sa pagod o sa luha na hindi na niya napansin.
Nagkagulo ang lahat dahil sa dalawang taong nasa gitna ng kalsada. May ibang tumawag ng tulong sa kalapit na ospital at ang iba naman ay vinideohan pa ang mga ito.
"Kia?! Brix?!" hindi mapigilan ni Jay ang gulat dahil sa nakita. Pagkababa niya kasi kanina ng sasakyan ay nakita niyang may kaguluhan sa parte na ito ng highway.
"Anong ginagawa niyo?! Tulungan niyo ako!" sigaw nito sa mga tao bago binuhat si Kia patakbo ng ospital. Naging hudyat naman ito sa iba kaya pinagtulungan nilang buhatin si Brix upang madala sa ospital.
Naramdaman ni Brix ang paglapat ng likod niya sa malambot na bagay. Naririnig din niya ang kaguluhan sa paligid nungit natatabunan ng mga luha ang paningin niya.
"Kia! Hold on! Please!" rinig niyang sigaw ni Jay.
Hindi niya alam kung bakit ngunit nasasaktan siya para sa lalaki. May dumagdag na namang katanungan sa isip niya na gusto niyang mabigyan ng isang kasagutan.
'Bakit? Bakit mo ako sinagip Kia?'
Unti-unti ay nararamdaman na ni Brix ang pagpikit ng kaniyang mga mata. Dala na rin siguro ng pagod sa lahat ng nangyayari ay hindi pa man siya natuturukan ng nurse ay pumipikit na ang mga mata niya. Bago pa man tuluyang pumikit ang mata ni Brix ay narinig niya ang sigaw ng pinsan at mga kaibigan.
"Brix!/Kia!" mapait siyang napangiti bago tuluyang kainin ng dilim.
'I'm sorry guys'

Komento sa Aklat (16)

  • avatar
    Lovely Tabalba

    loveeeyaaaa

    18/10/2023

      0
  • avatar
    Tyron Selorio Bucs

    I love it

    03/04/2023

      0
  • avatar
    Romel Calumba

    that's cool

    28/03/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo